مشاركة

CHAPTER 29

مؤلف: Bhie Anne
last update تاريخ النشر: 2026-09-13 22:40:43

Two years later.

Maraming nagbago sa buhay ni Elise sa loob ng dalawang taon.

Nakatapos sila ng senior high ni Jason at nagkataong sa iisang university pa rin sila nag-college. Kumuha siya ng Interior Design, habang Business Administration major in Marketing Management naman ang pinili ni Jason. Bagay iyon dito dahil lumaki itong nakikita ang mga magulang na nagpapatakbo ng rice business at ilang puwesto sa palengke.

Dalawang taon na rin silang magkasintahan.

At sa loob ng dalawang taong iyon,
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 64

    THE WOMAN IN HIS PASTMatagal nang nakaupo si Elise sa gilid ng kama nang marinig niya ang pagbukas ng front door. Agad niyang naramdaman ang paninikip ng dibdib niya dahil alam niyang dumating na si Jason. Nasa kamay pa rin niya ang phone nito, ngunit hindi na siya nag-scroll. Sapat na ang mga nakita niya—ang mga pictures nila ni Mia, ang mga lumang messages, ang birthday celebration nito, ang flowers na ipinadala ni Jason, at ang gabing sinabi nitong may overnight project sila. Lahat ng iyon ay paulit-ulit na naglalaro sa isip niya, bawat detalye ay parang lalong nagpapabigat sa tanong na hindi niya kayang sagutin.Mabilis niyang pinatay ang screen at ibinalik ang phone sa maliit na mesa. Hindi pa siya handang harapin si Jason. Hindi dahil gusto niyang itago ang ginawa niya, kundi dahil hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang pag-uusap nang hindi agad umiiyak. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Jason.“Love?”Hindi agad sumagot si Elise. Lumapit si Jas

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 63

    THE THINGS SHE IGNOREDPagsapit ng ikatlong buwan ng pregnancy ni Elise, halos nasanay na ang lahat sa bago nilang routine. Si Ate Gina ang madalas na nasa bahay at siya ang tumutulong sa mga bagay na hindi na kayang gawin ni Elise nang matagal. Siya ang nag-aalaga kay Hope kapag kailangan ni Elise ng pahinga, naghahanda ng pagkain nito, at umaalalay kapag kailangan niyang bumangon o maglakad sa loob ng bahay. Dahil sa mga unang linggo ng pregnancy ay madalas siyang mahilo at mapagod, unti-unti ring natutunan ni Elise na huwag nang pilitin ang sarili niya.Hindi na rin niya gaanong pinag-uusapan ang tungkol sa school.Masakit pa rin para sa kaniya na hindi siya nakabalik nang magsimula ang bagong school year, lalo na't matagal niyang hinintay ang pagkakataong makapag-aral ulit. Marami siyang plano bago siya muling nabuntis. Gusto niyang tapusin ang degree niya, makasabay sa mga kaibigan niya, at magkaroon kahit kaunting bahagi ng buhay na hindi umiikot sa bahay at sa pagiging ina.Per

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 62

    THE FRAGILE BEGINNINGHindi pa man tuluyang nawawala ang sakit sa tiyan ni Elise nang tuluyan nang lamunin ng kaba ang buong bahay.Nakatayo si Jason sa harap niya, parehong kamay ang nakahawak sa kaniyang mga braso habang pilit nitong pinapakalma ang sarili.“Love, pupunta tayo sa doctor. Ngayon na.”Hindi na tumutol si Elise. Sa halip, tumango lang siya habang nakahawak pa rin sa ibabang bahagi ng tiyan niya. Hindi naman sobrang sakit, pero sapat iyon para takutin siya.Lalo na dahil wala pa siyang kahit isang checkup.Hindi pa niya alam kung ilang linggo na talaga siya. Hindi niya alam kung maayos ba ang baby. At higit sa lahat, hindi niya alam kung normal ba ang nararamdaman niya o isa na iyong warning na ayaw niyang marinig.Agad na kinuha ni Jason ang bag niya. Isinunod nito ang susi ng sasakyan, wallet at mga dokumento nila. Nang mapansin nitong nakatingin lang si Elise sa play mat, agad itong lumapit kay Hope.“Love, dun muna si Hope kina Mama.”Napatigil si Elise. Doon niya l

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 61

    ENOUGHKinabukasan, bago magtanghali, dumating ang mama ni Jason sa bahay.Saktong nag-aayos si Elise ng mga damit ni Hope sa sala. Katatapos lang niyang palitan ang lampin ng bata kaya inilatag muna niya sa tabi ang mga damit na kailangang tiklupin. Si Hope naman ay nasa play mat, abala sa paghawak sa isang laruan habang si Jason ay nakaupo sa sofa at may ginagawa sa laptop.Pagkaupo ng mama ni Jason, hindi agad ito nagsalita. Tiningnan muna nito si Elise, saka napunta ang tingin kay Hope.“Six weeks na raw?”Tumango si Elise. “Opo. Pero hindi pa po ako nakakapagpa-checkup. Nag-base lang po ako sa last period ko at sa app.”Bahagyang napakunot ang noo ng babae. “Pitong buwan pa lang si Hope.”Hindi na nakasagot si Elise. Tahimik niyang inayos ang maliit na damit na nasa kamay niya.“Ang bilis,” dagdag ng babae. “Malapit ka na sanang bumalik sa school. Tapos ngayon, buntis ka na naman.”Napatingin si Jason mula sa laptop. “Ma, huwag naman nating pag-usapan na parang si Elise lang ang

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 60

    LET THEM LEARNHindi sinabi ni Elise sa Papa niya nang araw din na nalaman niyang buntis siya.Hindi niya alam kung paano.Sa isip niya, paulit-ulit niyang naririnig ang tanong na, Paano na ang school mo?Kaya kinabukasan, nang dumating sina Papa at Riza para dalhan sila ng pagkain at bisitahin si Hope, ilang minuto siyang tahimik na nakaupo bago tuluyang naglakas-loob.Si Riza ang unang nakapansin na may kakaiba sa kaniya.“Elise, okay ka lang?”Napatingin si Elise kay Jason. Nakatayo ito malapit sa kusina habang inaayos ang mga dala nila.Bago pa siya makasagot, nagsalita na si Jason.“Pa, Tita, may sasabihin sana kami.”Napatingin si Renato sa kanilang dalawa.“Ano?”Huminga nang malalim si Elise.“Pa… buntis po ako.”Nawala ang ngiti sa mukha ni Renato.Parang ilang segundo ring walang nakapagsalita.“Buntis?” ulit niya.Tumango si Elise.“Six weeks na po. Magpapa-check pa ako para makumpirma nang maayos.”Napaupo si Renato.Napatingin siya kay Hope na abala sa paglalaro sa harapa

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 59

    TWO LINES AGAINKinabukasan, hindi na nakatulog nang maayos si Elise.Paulit-ulit niyang tinitingnan ang phone niya kahit wala namang bagong message si Jason. Ilang beses na rin niyang binuksan ang calendar, parang umaasa siyang may mababago sa mga petsang minarkahan niya. Pero kahit anong bilang niya, pareho pa rin ang lumalabas.Delayed siya.At mula kagabi, hindi na mawala sa isip niya ang posibilidad na ilang linggo na siyang buntis.Bandang alas-sais ng umaga nang bumalik si Jason sa condo. Tahimik siyang pumasok sa kwarto at nadatnan si Elise na nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang pregnancy test na binili niya pag-uwi.Hindi agad nagsalita si Jason.Tumingin muna siya sa test, pagkatapos ay kay Elise.“Nag-test ka na?”Tumango si Elise. Hindi niya kayang magsalita agad. Parang kapag sinabi niyang oo, magiging totoo na talaga.Umupo si Jason sa tabi niya at dahan-dahang kinuha ang test. Ilang segundo niya iyong tinitigan bago muling tumingin sa asawa.“Two lines?”Muling tumango

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status