Share

CHAPTER 68

Author: Bhie Anne
last update publish date: 2026-09-26 21:15:41

Pagsapit ng July, halos sanay na si Elise sa bagong routine ng buhay niya.

Karamihan ng oras niya ay nasa loob lang ng condo. Kapag gising si Hope, abala siya sa pag-aalaga rito. Kapag natutulog ang bata, saka naman niya sinusubukang magpahinga. At sa pagitan ng mga iyon, kailangan niyang sundin ang mga bilin ni Dra. Honey—regular na gamot, sapat na pahinga, at iwas sa anumang puwedeng makapagpagod sa kaniya.

Hindi naman niya ikinagagalit iyon.

Sa totoo lang, masaya siya.

Halos tatlong buwan na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 72

    A NIGHT OF TEARSPagkaalis ni Jason, saka lang tuluyang bumigay si Elise.Mahigpit siyang kumapit kay Renato na para bang kapag bumitaw siya, tuluyan na rin siyang mawawalan ng lakas. Kanina pa niya pinipigilan ang sarili. Mula nang makita niya si Jason at Mia, hanggang sa komprontasyon sa garden, sa pagkakatulak sa kanya ng ina nito, at sa halos walang tigil nilang pagtatalo pagdating sa condo—parang ngayon lang nagsabay-sabay ang lahat.“Papa…” Halos hindi na niya mailabas nang maayos ang salita sa sobrang iyak. “Hindi ko maintindihan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit bigla siyang naging gano'n.”“Halika, anak. Umupo ka muna.”Dahan-dahang inalalayan siya ni Renato papunta sa sofa. Naupo si Elise pero hindi niya binitiwan ang kamay ng ama. Nanginginig pa rin ang mga daliri niya at halos hindi siya makahinga nang maayos sa sunod-sunod na hikbi.“Akala ko okay kami, Pa.” Napailing siya habang pilit na nagsasalita. “Kanina lang… dito lang kami. Nag-celebrate kami ng birthday niy

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 71

    WHEN LOVE BEGAN TO FADEHindi agad nakabangon si Elise.Napahawak siya sa tiyan niya habang pilit na bumabangon mula sa sahig. Masakit ang pagkakabagsak niya, lalo na sa bandang tagiliran at ibabang bahagi ng katawan, pero mas nangingibabaw ang kaba niya kaysa sa sakit. Hindi niya alam kung may nangyari sa baby niya.Mabilis na lumapit si Jason. Halatang nakainom na siya, pero matino pa rin. Bahagyang namumula ang mga mata nito at may bahid ng alak sa hininga, pero malinaw pa rin ang pananalita. Sa halip na lambing ang makita ni Elise, may pigil na galit sa mukha nito.“Elise, tumayo ka.”Hinawakan ni Jason ang braso niya at hinila siyang makatayo. Napangiwi si Elise nang madiinan ang pagkakahawak nito.“Masakit.”Saglit siyang tiningnan ni Jason bago bahagyang lumuwag ang kamay nito. “Tumayo ka. Uuwi na tayo.”Pinilit ni Elise na tumayo. Nang manghina ang mga tuhod niya, sinalo siya ni Jason bago siya tuluyang mawalan ng balanse.“Paano kung may nangyari sa baby?” tanong niya, nangin

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 70

    THE NIGHT SHE FOUND OUTTahimik ang biyahe.Nakasandal si Elise sa bintana ng taxi habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa labas. Ilang beses niyang sinubukang pakalmahin ang sarili. Baka pagod lang siya. Baka mas sensitive lang siya dahil buntis. O baka gusto lang talaga niyang makita si Jason dahil matagal na rin niyang nami-miss ang asawa.Pero habang papalapit sila sa bahay ng mga Monteverde, hindi niya maalis ang bigat sa dibdib niya.“Dito na, Ma'am,” sabi ng driver.Nagbayad si Elise at maingat na bumaba. Paglingon niya sa bahay, agad siyang napahinto.Mas maraming sasakyan ang nakaparada sa labas kaysa sa inaasahan niya. Maliwanag ang garden, at rinig na rinig mula sa labas ang videoke, tawanan, at mga taong nagkukuwentuhan.Hindi ito mukhang maliit na celebration.Bahagyang nakabukas ang gate dahil may mga taong pabalik-balik. Huminga nang malalim si Elise bago pumasok.Abala ang lahat. May mga nakaupo sa paligid ng garden, may hawak na baso, may kumakain, habang ang iba naman a

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 69

    A BIRTHDAY TO REMEMBERJuly 20.Birthday ni Jason.Simple lang ang celebration nila sa maliit nilang condo. Dahil naka-bedrest pa rin si Elise, hindi na nila pinaghandaan ng malaking party. Nag-order na lang sila ng spaghetti, pancit, chicken wings, ilang pulutan, soft drinks, at isang maliit na birthday cake. Si Ate Gina ang tumulong sa pag-aayos ng pagkain habang si Elise naman ay nanatili sa sofa, nakasandal sa unan, kasama si Hope na mahimbing na natutulog sa playpen.Nang lumabas si Jason mula sa kwarto, agad siyang sinalubong ng mga bati ng mga kaibigan at ng kanyang mga magulang. Ngumiti siya bago lumapit kay Elise at hinalikan ito sa noo. “Thank you,” sabi niya nang mapansin ang mga pagkaing nakahain. “Ikaw ba nag-ayos nito?” Napangiti si Elise at umiling. “Umorder lang ako. Hindi ako gumawa. Baka pagalitan ako ni Dra. Honey.” Napailing din si Jason at marahang hinaplos ang tiyan niya. “Good. Ayokong mapagod ka. Okay ka lang ba?” Tumango si Elise at sinabing maayos naman siya

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 68

    Pagsapit ng July, halos sanay na si Elise sa bagong routine ng buhay niya.Karamihan ng oras niya ay nasa loob lang ng condo. Kapag gising si Hope, abala siya sa pag-aalaga rito. Kapag natutulog ang bata, saka naman niya sinusubukang magpahinga. At sa pagitan ng mga iyon, kailangan niyang sundin ang mga bilin ni Dra. Honey—regular na gamot, sapat na pahinga, at iwas sa anumang puwedeng makapagpagod sa kaniya.Hindi naman niya ikinagagalit iyon.Sa totoo lang, masaya siya.Halos tatlong buwan na ang baby sa tiyan niya, at kahit hindi pa ganoon kalaki ang umbok sa kaniyang tiyan, hindi na niya kailangan ng kahit anong paalala para maalala na may panibagong buhay na namumuo sa loob niya.Minsan, kapag tahimik ang paligid, napapahawak siya rito at napapangiti.“Konti na lang, makikita na rin kita,” mahina niyang bulong habang nakatingin sa tiyan.Sa tabi niya, abala naman si Hope sa paglalaro ng stuffed toy. Ilang ulit na nitong itinataas iyon bago ihahagis sa kama at kukunin ulit, na par

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 67

    WHAT IF YOU KNEWTahimik pa rin si Elise habang hawak ang phone sa tabi ng tainga niya. Hindi niya alam kung bakit biglang naging emotional si Belle. Kanina lang ay nagtatawanan sila, pero ngayon ay parang may bigat sa bawat salitang sinasabi ng kaibigan.Kaya kahit may kung anong kurot sa dibdib niya, pinilit niyang gawing magaan ang usapan.“Huy, bakit ang drama mo?” natatawa niyang sabi, bahagyang pinupunasan ang gilid ng mata niya. “Wag ka ngang ganyan. Pinapalungkot mo naman ako.”Sa kabilang linya, ilang segundo munang natahimik si Belle bago ito tuluyang tumawa. Hindi man nito kayang burahin ang bigat na nararamdaman, sapat na ang pagtawa ni Elise para kahit kaunti ay gumaan ang pakiramdam niya.“Diba dapat masaya ka?” biro ni Belle, sinabayan pa ng mahinang tawa. “Bakit iba reaction mo? Ako nga dapat ang umiiyak dito.”Napatawa rin si Elise. “Ewan ko sa'yo. Ikaw itong biglang naging emotional tapos ako pa ang pinapalungkot mo.”Muli silang nagtawanan, at sa ilang segundo, para

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status