Share

CHAPTER 80

Author: Bhie Anne
last update publish date: 2026-10-01 21:11:15

BEFORE EVERYTHING CHANGED

Hindi agad sumagot si Renato sa tanong ni Elise. Matagal siyang nakatingin sa sahig, tila iniisip kung saan siya dapat magsimula. Alam niyang kahit anong paraan niya ng pagkukuwento, hindi magiging madali para sa anak niyang malaman ang bahaging iyon ng nakaraan niya.

“Bagong teacher ako noon,” panimula niya matapos ang ilang sandali. “Kakapasok ko pa lang sa school at isa sa mga estudyanteng hinahandle ko sa math competition si Riza. Magaling siya sa math at seryoso s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 84

    CONCERNMatapos basahin ni Belle ang huling mensahe ni Jason, matagal siyang nanatiling tahimik. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Elise, lalo na nang makita niya ang takot sa mga mata ng kaibigan. Ayaw niyang dagdagan pa ang bigat na dala nito, kaya itinago muna niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang damit at bumalik sa silid.“Okay ka lang?” tanong niya.Tumango si Elise, kahit halatang pilit lamang iyon. Masyado na itong pagod para magtanong pa, kaya hinayaan muna ni Belle na makapagpahinga ito habang inaalagaan si Hope.Makalipas ang ilang minuto, lumabas si Belle ng silid para kumuha ng tubig. Doon muling nag-vibrate ang cellphone niya.Isang tawag mula sa isang hindi pamilyar na number.Nagdalawang-isip siya bago ito sinagot.“Hello?”“Belle?”Napakunot-noo siya nang marinig ang boses sa kabilang linya.“Ethan?”“Yes.”Matagal na niyang hindi nakakausap si Ethan. Paminsan-minsan lamang itong nagtatanong tungkol kay Elise noon, karaniwang simpleng kumusta lang at kung oka

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 83

    THE MORNING AFTERMaagang nagising si Elise kinabukasan dahil sa mahinang pag-iyak ni Hope. Ilang sandali siyang nakahiga nang hindi gumagalaw habang nakatitig sa kisameng hindi pamilyar sa kanya. Hindi iyon ang kisame ng silid niya, at hindi rin iyon ang kama kung saan siya sanay gumising araw-araw. Nang tuluyan siyang magkamalay, saka niya naalala ang nangyari.Umalis na siya.Wala na siya sa bahay nila.Dahan-dahan siyang bumangon at agad na lumingon kay Hope, na nasa maliit na crib na ipinahiram ng kasambahay ni Belle. Namumula na ang mukha ng bata sa pag-iyak habang hinahanap ang ina, kaya agad niya itong kinarga at marahang pinatahan.“Okay, baby. Mommy’s here.”Habang inihahanda niya ang feeding bottle ni Hope, pilit niyang pinakalma ang sarili. Mabigat pa rin ang pakiramdam niya, pero may kakaibang katahimikan sa paligid na hindi niya nakasanayan. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang araw, wala siyang naririnig na boses ng kanyang ama, wala ring mga yapak ni Jason sa labas n

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 82

    AWAY FROM HOMENang gabing iyon, pakiramdam ni Elise ay para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Matagal siyang nakaupo sa gilid ng kama habang tahimik na nakatitig sa kawalan, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang lahat ng nangyari—ang mga nalaman niya tungkol sa kanyang ama at ina, ang pag-alis ni Jason, ang pagkawala ni Hope, at ang sunod-sunod na sakit na parang wala nang tigil na dumating sa buhay niya.Mabigat ang pakiramdam niya, pero sa kabila ng lahat ng iyon, may isang desisyon na unti-unting nabuo sa isip niya. Kailangan niyang umalis.Hindi niya alam kung saan siya pupunta o kung ano ang naghihintay sa kanya pagkatapos nito. Ang alam lang niya, ayaw na niyang manatili roon at muling harapin kinabukasan ang parehong mga alaala at mga taong nagpapaalala sa kanya ng lahat ng sakit na pilit niyang tinatakasan. Ayaw na niyang bigyan ang sarili niya ng isa pang pagkakataong magbago ang isip, dahil alam niyang kapag dumating ang umaga, baka muli siyang matakot at piliing

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 81

    ABANDONEDHindi na napigilan ni Elise ang mga luha niya.Tahimik itong dumaloy sa kanyang pisngi habang pilit niyang inaayos ang mga salitang gusto niyang sabihin. Ang dami niyang gustong itanong sa ama, pero sa dami ng sakit na sabay-sabay niyang nararamdaman, hindi na niya alam kung saan magsisimula.“Hindi ko maintindihan, Pa,” mahina niyang sabi. “Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang mangyari lahat ng ’to.”Hindi sumagot si Renato. Hinayaan lamang niyang magsalita ang anak.“Bakit kailangan pang bumalik si Tita Riza? Bakit kailangan mo pa siyang piliin pagkatapos ng lahat ng taon na kasama mo kami ni Mama? Alam kong may sarili kang buhay. Alam kong may mga naramdaman ka na hindi ko naman maiintindihan dahil hindi ako ikaw. Pero si Mama, Pa… si Mama ’yung naiwan.”Napayuko si Renato.“Alam ko.”“Hindi mo alam kung gaano kasakit marinig ’to.” Pinunasan ni Elise ang mga luha niya. “Buong buhay ko, iba ang alam ko. Akala ko si Tita Riza ang babaeng pumasok sa buhay mo at sumira

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 80

    BEFORE EVERYTHING CHANGEDHindi agad sumagot si Renato sa tanong ni Elise. Matagal siyang nakatingin sa sahig, tila iniisip kung saan siya dapat magsimula. Alam niyang kahit anong paraan niya ng pagkukuwento, hindi magiging madali para sa anak niyang malaman ang bahaging iyon ng nakaraan niya.“Bagong teacher ako noon,” panimula niya matapos ang ilang sandali. “Kakapasok ko pa lang sa school at isa sa mga estudyanteng hinahandle ko sa math competition si Riza. Magaling siya sa math at seryoso sa pag-aaral. Madalas siyang manatili pagkatapos ng klase para mag-training, kaya doon kami naging close. Sa umpisa, tungkol lang sa school at competition ang mga usapan namin, pero habang tumatagal, naging mas personal na ang mga bagay na napag-uusapan namin hanggang sa hindi ko na napansin na masyado na kaming naging malapit.”Napatingin si Elise sa kanyang ama nang aminin nitong nagkaroon sila ng damdamin para sa isa’t isa.“Pero Pa, estudyante mo siya.”“Oo,” agad na sagot ni Renato. Hindi ni

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 79

    THE TRUTH HE KEPTHindi na bumalik si Elise sa condo nila ni Jason.Pagkalabas niya ng ospital, diretso siyang dinala ni Renato sa bahay nito. Tahimik lamang siyang nakaupo sa sasakyan habang karga si Hope, na mahimbing na natutulog sa mga bisig niya. Wala siyang tanong kung saan sila pupunta at wala rin siyang sinabi tungkol sa condo o kay Jason. Sa ngayon, gusto muna niyang mapalayo sa lahat ng bagay na nagpapaalala sa kanya ng mga nangyari.Pagdating nila sa bahay, dinala siya ni Renato sa dati niyang kwarto. Nandoon na ang ilan sa mga gamit niya at ni Hope.“Hinakot ko na muna ang mga gamit ninyo sa condo,” sabi ni Renato habang inilalagay ang isang bag sa tabi ng aparador. “Kung may naiwan pa o may kailangan ka roon, sabihin mo sa akin. Ako na ang kukuha.”Tumango si Elise. Hindi na niya kailangang ipaliwanag kung bakit ayaw niyang bumalik. Sa ngayon, mas gusto niyang manatili rito kaysa harapin ang condo na minsan nilang tinawag na tahanan ni Jason.Dito muna siya.Pansamantala.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status