LOGIN“May sasakyan ka bang dala?” tanong ni Gideon. “Ipapahatid kita sa driver ko.”Umiling si Yvee. “Hindi na. Kaya ko namang mag-commute.” Pagkatapos ay bumaling siya kay Atticus. “A—” Hindi pa man siya nakakapagsalita ay biglang yumakap ang bata sa kaniya.“Tita Pretty, we will go home na!” masiglang sabi ni Atticus.Napakurap si Yvee.“Don’t worry about me tita, take care!” dagdag ng bata bago niya biglang niyakap ang kaniyang ina.Nagulat si Yvee pero agad din niyang niyakap pabalik ang bata. “Mag-ingat ka,” mahina niyang sabi habang hinahaplos ang buhok nito. “At huwag ka nang basta-basta tumakas, okay?”Gustong matawa ni Yvee nang sandaling iyon. Napakagaling na aktor ng anak niya. Mukhang paglaki ni Atticus ay malaki ang tsansang maging aktor ito.Bahagyang tumango si Atticus habang nakayakap pa rin sa kaniyang ina.Sa likod nila ay tahimik lang na nakatingin si Gideon. May kakaibang ekspresyon sa mukha niya habang pinagmamasdan niya ang dalawa.Maya-maya ay kumalas si Atticus sa y
“Let me see your face,” pag-uulit ni Gideon. Ngayon lang niya napagmasdang mabuti si Atticus. Naka-mask pa rin ito, kaya hindi makita nang maayos ang mukha nito.Bahagyang kumunot ang noo ni Gideon. “Why are you wearing a mask again?” tanong niya habang lumalapit.Biglang kumabog ang dibdib ni Yvee. “G-Gideon…” agad niyang sabi, parang gustong pigilan ang lalaki pero huli na ang lahat. Nakalapit na si Gideon kay Atticus at bahagyang yumuko para maging kapantay ang bata. “Come here.”Hindi agad kumilos si Atticus. Tumingin muna siya sa kaniyang ina, parang nagtatanong kung dapat ba siyang sumunod sa sinasabi ng kaniyang ama.Mas lalo namang kinabahan si Yvee. ‘Huwag…’ sigaw ng isip niya. Pero hindi niya alam kung paano niya iyon sasabihin. Marahang hinawakan ni Gideon ang strap ng mask ng bata. Isang iglap lang ay inalis niya iyon.Nanlaki ang mga mata ni Yvee. “Gideon, let me explain—” Naputol ang sasabihin niya nang makita niya ang reaksyon ng lalaki.Saglit na natigilan si Gideon
Napabuntong-hininga si Yvee. Para bang lalo lang siyang pinapahirapan ng anak niga sa sitwasyon. “Anak, hindi gano’n kasimple iyon,” mahinahon niyang paliwanag. Pagkatapos ay bumaling siya kay Gideon. May halong pag-aalala ang mga mata niya. “Gideon…” maingat niyang simula, “hindi mo kailangang gawin iyon.”Bahagyang kumunot ang noo ni Gideon. “Ang alin?”“’Yong proposal mo,” sagot ni Yvee habang itinuturo ang hawak na kahon ni Gideon. “Ginawa mo lang ‘yon para tigilan ako ng daddy at kapatid ko, hindi ba? Alam kong napipilitan ka lang.” Sinubukang alisin ni Yvee ang singsing sa kamay niya pero mabilis na hinawakan iyon ni Gideon at umiling. “Gideon…”Umiling si Gideon at tumingin siya sandali sa mga lapida sa paligid, parang sinusubukan niyang ayusin ang kaniyang isip. Dahil sa tuwing kaharap niya si Yvee ay hindi siya makapag-isip ng tama.“Kaya hindi mo kailangang ituloy iyon. Naiintindihan ko kung ginawa mo lang iyon para m
“Hindi!” biglang sigaw ni Ereena. Humakbang siya at galit na galit ang mukha. Bumaling siya sa kaniyang ama. “Daddy, hindi puwede ’to! Paano mo hahayaang mangyari ’yan? Isang babaeng may anak sa ibang lalaki ang ipapakasal natin kay Mr. Revamonte? Masyadong nakakahiya!” matalim niyang sabi habang nakatingin siya kay Yvee. “Masyado ng makapal ang mukha mo Yvangeline—”“Ereena,” biglang sumabat ang mabigat na boses ni Edwin. Napatigil ang dalaga. Humakbang siya papalapit kay Ereena at hinawakan ang braso nito at bahagyang hinila ito papalapit sa kaniya. “I’ve heard enough.”“Daddy, pero—”“I said stop,” mariing wika ni Edwin. “‘Wag ka nang gumawa ng ikakasira pa natin kay Mr. Revamonte. Ang huling ginawa mo ay nagdulot lang ng malaking pagbagsak ng kumpanya natin!”Agad na natahimik si Ereena.“Hindi kita pinalaking bastos at mapangmata sa ibang tao,” malamig na sabi ni Edwin. “At lalong hindi kita tinuruang mangialam sa desisyon ng ibang tao.”“Pero daddy—”“Shh!” saway ni EdwinNapay
Parang huminto ang mundo dahil sa mga katagang binitiwan ni Gideon. Maging si Yvee ay nanigas dahil sa narinig niya. Hindi niya alam kung magrereact ba siya o hindi. Dahil maaaring sinasabi lang ni Gideon na papakasalan siya nito para manahimik na ang ama niya pero may parte sa kaniya na kinakabahan dahil kilala si Gideon bilang isang taong may isang salita.“Papakasalan niya ba ako? O isa lang itong pakulo?” tanong ni Yvee sa isipan niya.Nanigas si Edwin, napabaling siya kay Yvee. “Anong—” halos mabulol siya. “B-Bakit siya? Marami pang ibang babaeng mas deserving na maging Mrs. Revamonte—““Hindi mo ba ako narinig?” malamig na balik ni Gideon. “I’m going to marry her. Siya lang ang magiging Mrs. Revamonte at hindi ang sinisinta mong anak sa labas na si Ereena. Hindi rin ibang babae, kung hindi si Yvangeline lamang.”Napatingin si Edwin kay Atticus, halatang hindi siya makapaniwala. Saka muli siyang bumaling kay Yvee. “Siya?” ulit niya, puno ng paghamak. “Papakasalan mo ’yan? May an
“Iisa lang ang habol ng mga lalaki sa mga babaeng tulad mo. Ang nasa pagitan ng mga hita mo. Kapag nagsawa na sa‘yo si Mr. Revamonte, itatapon ka rin niya na parang basura,” matalim na wika ni Edwin.Nanatiling tikom ang bibig ni Yvee. Hindi ito ang unang beses. Sanay na siya sa mga insulto ng kaniyang ama. Sa bawat salita. Sa bawat sumbat. Sa bawat pagkakataong pinaparamdam sa kaniya na wala siyang halaga, sanay na sanay na siya.“Alam mo kung saan ka lang magaling?” dagdag pa ni Edwin, napapangisi. “Sa pagpapagamit. Kaya nga walang nagtatagal sa’yo. Kahit sinong lalaki, kapag nakuha na ang gusto nila sa'yo ay iiwan ka rin nila. Kaya ka nga nabuntis hindi ba? Sa halip na makatulong ka sa pamilya natin ay nabuntis ka pa!”Mahigpit na napakuyom ang kamao ni Yvee. Nanatili siyang tahimik pero ang mga mata niya ay unti-unting naging matalim. “Hindi ka kailanman magiging sapat,” tuloy ni Edwin, palapit pa. “At ’yang batang ’yan…” Saglit siyang tumingin kay Atticus. “Isa lang ’yang patuna
Makulay at maingay ang loob ng mall. Sa arcade area, nagliliwanag ang mga game machines at sunod-sunod ang tunog ng mga coins at electronic music. Masayang naglalakad sina Yvee at Atlas sa pagitan ng mga makina. Napagpasyahan ni Yvee na ipasyal ang anak niya. Sa mga nakalipas na araw ay bumabawi
Napatingin sina Yvee at Gideon sa itinuturo ng bata.“Sige na po, daddy?” malambing na tanong muli ni Atticus sa kaniyang ama.Bumuntong hininga si Gideon. “Why would you want that?”Ngumuso si Atticus. “I want to remember this dady, daddy. This is my first o-outing with a friend!”Itinuro ni Attic
Samantala, umismid naman si Drew sa gilid. Halatang nagtataka siya sa nangyayari pagkatapos ay bumaling siya kay Gideon. “Nga pala, Kuya,” sabi niya. “Nandito na raw ang mananahi. Ipapasukat na niya ang damit para sa annual ball ng pamilya—iyong susuotin ni Atlas.” Bahagyang tumango si Gideon. “Si
Pagbalik ni Yvee sa suite, sinalubong siya ng katahimikan. Mahina ang ilaw sa gilid ng kama.Nakatagilid si Atlas at mahimbing ang tulog. Yakap niya ang maliit na unan. Kita sa mukha niya ang matinding pagod.Napangiti si Yvee, ngunit may halong lungkot. ‘Hayaan mo anak, mabubuo rin tayong tatlo ng







