Share

Kabanata 109

Author: Docky
last update publish date: 2026-04-06 19:45:40

“May sasakyan ka bang dala?” tanong ni Gideon. “Ipapahatid kita sa driver ko.”

Umiling si Yvee. “Hindi na. Kaya ko namang mag-commute.” Pagkatapos ay bumaling siya kay Atticus. “A—” Hindi pa man siya nakakapagsalita ay biglang yumakap ang bata sa kaniya.

“Tita Pretty, we will go home na!” masiglang sabi ni Atticus.

Napakurap si Yvee.

“Don’t worry about me tita, take care!” dagdag ng bata bago niya biglang niyakap ang kaniyang ina.

Nagulat si Yvee pero agad din niyang niyakap pabalik ang bata. “
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 109

    “May sasakyan ka bang dala?” tanong ni Gideon. “Ipapahatid kita sa driver ko.”Umiling si Yvee. “Hindi na. Kaya ko namang mag-commute.” Pagkatapos ay bumaling siya kay Atticus. “A—” Hindi pa man siya nakakapagsalita ay biglang yumakap ang bata sa kaniya.“Tita Pretty, we will go home na!” masiglang sabi ni Atticus.Napakurap si Yvee.“Don’t worry about me tita, take care!” dagdag ng bata bago niya biglang niyakap ang kaniyang ina.Nagulat si Yvee pero agad din niyang niyakap pabalik ang bata. “Mag-ingat ka,” mahina niyang sabi habang hinahaplos ang buhok nito. “At huwag ka nang basta-basta tumakas, okay?”Gustong matawa ni Yvee nang sandaling iyon. Napakagaling na aktor ng anak niya. Mukhang paglaki ni Atticus ay malaki ang tsansang maging aktor ito.Bahagyang tumango si Atticus habang nakayakap pa rin sa kaniyang ina.Sa likod nila ay tahimik lang na nakatingin si Gideon. May kakaibang ekspresyon sa mukha niya habang pinagmamasdan niya ang dalawa.Maya-maya ay kumalas si Atticus sa y

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 108

    “Let me see your face,” pag-uulit ni Gideon. Ngayon lang niya napagmasdang mabuti si Atticus. Naka-mask pa rin ito, kaya hindi makita nang maayos ang mukha nito.Bahagyang kumunot ang noo ni Gideon. “Why are you wearing a mask again?” tanong niya habang lumalapit.Biglang kumabog ang dibdib ni Yvee. “G-Gideon…” agad niyang sabi, parang gustong pigilan ang lalaki pero huli na ang lahat. Nakalapit na si Gideon kay Atticus at bahagyang yumuko para maging kapantay ang bata. “Come here.”Hindi agad kumilos si Atticus. Tumingin muna siya sa kaniyang ina, parang nagtatanong kung dapat ba siyang sumunod sa sinasabi ng kaniyang ama.Mas lalo namang kinabahan si Yvee. ‘Huwag…’ sigaw ng isip niya. Pero hindi niya alam kung paano niya iyon sasabihin. Marahang hinawakan ni Gideon ang strap ng mask ng bata. Isang iglap lang ay inalis niya iyon.Nanlaki ang mga mata ni Yvee. “Gideon, let me explain—” Naputol ang sasabihin niya nang makita niya ang reaksyon ng lalaki.Saglit na natigilan si Gideon

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 107

    Napabuntong-hininga si Yvee. Para bang lalo lang siyang pinapahirapan ng anak niga sa sitwasyon. “Anak, hindi gano’n kasimple iyon,” mahinahon niyang paliwanag. Pagkatapos ay bumaling siya kay Gideon. May halong pag-aalala ang mga mata niya. “Gideon…” maingat niyang simula, “hindi mo kailangang gawin iyon.”Bahagyang kumunot ang noo ni Gideon. “Ang alin?”“’Yong proposal mo,” sagot ni Yvee habang itinuturo ang hawak na kahon ni Gideon. “Ginawa mo lang ‘yon para tigilan ako ng daddy at kapatid ko, hindi ba? Alam kong napipilitan ka lang.” Sinubukang alisin ni Yvee ang singsing sa kamay niya pero mabilis na hinawakan iyon ni Gideon at umiling. “Gideon…”Umiling si Gideon at tumingin siya sandali sa mga lapida sa paligid, parang sinusubukan niyang ayusin ang kaniyang isip. Dahil sa tuwing kaharap niya si Yvee ay hindi siya makapag-isip ng tama.“Kaya hindi mo kailangang ituloy iyon. Naiintindihan ko kung ginawa mo lang iyon para m

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 106

    “Hindi!” biglang sigaw ni Ereena. Humakbang siya at galit na galit ang mukha. Bumaling siya sa kaniyang ama. “Daddy, hindi puwede ’to! Paano mo hahayaang mangyari ’yan? Isang babaeng may anak sa ibang lalaki ang ipapakasal natin kay Mr. Revamonte? Masyadong nakakahiya!” matalim niyang sabi habang nakatingin siya kay Yvee. “Masyado ng makapal ang mukha mo Yvangeline—”“Ereena,” biglang sumabat ang mabigat na boses ni Edwin. Napatigil ang dalaga. Humakbang siya papalapit kay Ereena at hinawakan ang braso nito at bahagyang hinila ito papalapit sa kaniya. “I’ve heard enough.”“Daddy, pero—”“I said stop,” mariing wika ni Edwin. “‘Wag ka nang gumawa ng ikakasira pa natin kay Mr. Revamonte. Ang huling ginawa mo ay nagdulot lang ng malaking pagbagsak ng kumpanya natin!”Agad na natahimik si Ereena.“Hindi kita pinalaking bastos at mapangmata sa ibang tao,” malamig na sabi ni Edwin. “At lalong hindi kita tinuruang mangialam sa desisyon ng ibang tao.”“Pero daddy—”“Shh!” saway ni EdwinNapay

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 105

    Parang huminto ang mundo dahil sa mga katagang binitiwan ni Gideon. Maging si Yvee ay nanigas dahil sa narinig niya. Hindi niya alam kung magrereact ba siya o hindi. Dahil maaaring sinasabi lang ni Gideon na papakasalan siya nito para manahimik na ang ama niya pero may parte sa kaniya na kinakabahan dahil kilala si Gideon bilang isang taong may isang salita.“Papakasalan niya ba ako? O isa lang itong pakulo?” tanong ni Yvee sa isipan niya.Nanigas si Edwin, napabaling siya kay Yvee. “Anong—” halos mabulol siya. “B-Bakit siya? Marami pang ibang babaeng mas deserving na maging Mrs. Revamonte—““Hindi mo ba ako narinig?” malamig na balik ni Gideon. “I’m going to marry her. Siya lang ang magiging Mrs. Revamonte at hindi ang sinisinta mong anak sa labas na si Ereena. Hindi rin ibang babae, kung hindi si Yvangeline lamang.”Napatingin si Edwin kay Atticus, halatang hindi siya makapaniwala. Saka muli siyang bumaling kay Yvee. “Siya?” ulit niya, puno ng paghamak. “Papakasalan mo ’yan? May an

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 104

    “Iisa lang ang habol ng mga lalaki sa mga babaeng tulad mo. Ang nasa pagitan ng mga hita mo. Kapag nagsawa na sa‘yo si Mr. Revamonte, itatapon ka rin niya na parang basura,” matalim na wika ni Edwin.Nanatiling tikom ang bibig ni Yvee. Hindi ito ang unang beses. Sanay na siya sa mga insulto ng kaniyang ama. Sa bawat salita. Sa bawat sumbat. Sa bawat pagkakataong pinaparamdam sa kaniya na wala siyang halaga, sanay na sanay na siya.“Alam mo kung saan ka lang magaling?” dagdag pa ni Edwin, napapangisi. “Sa pagpapagamit. Kaya nga walang nagtatagal sa’yo. Kahit sinong lalaki, kapag nakuha na ang gusto nila sa'yo ay iiwan ka rin nila. Kaya ka nga nabuntis hindi ba? Sa halip na makatulong ka sa pamilya natin ay nabuntis ka pa!”Mahigpit na napakuyom ang kamao ni Yvee. Nanatili siyang tahimik pero ang mga mata niya ay unti-unting naging matalim. “Hindi ka kailanman magiging sapat,” tuloy ni Edwin, palapit pa. “At ’yang batang ’yan…” Saglit siyang tumingin kay Atticus. “Isa lang ’yang patuna

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 32

    Akmang lalapit na ang dalawang babae nang biglang sunggaban ni Atticus ang mga nasa mesa. Isa-isang lumipad ang mga libro, papel, at kung anumang mahawakan niya.Nagkagulo ang loob ng suite.Nang maubos na ang maiibato ni Atticus ay tumakbo siya palayo. Paikot-ikot sila sa bawat sulok ng kwarto, bu

    last updateLast Updated : 2026-03-23
  • One Hot Night to Forever   Kabanata 24

    Biglang tumaas ang kilay ni Rania. “Are you insane? We’re in the city at ang amo ko ay si Mr. Gideon mismo. Kaya anong pinagsasabi mo? Masyado kang pakialamera.”“Let me see the kid,” mariing giit ni Yvee habang sinusubukan niyang itulak ang babae para makapasok.Pero mabilis ding itinulak ng babae

    last updateLast Updated : 2026-03-21
  • One Hot Night to Forever   Kabanata 40

    Nakatayo si Gideon sa harapan ng suite ni Yvee. Palakad-lakad pa siya. Hindi niya alam kung kakatok na ba siya o magrereply muna siya sa text o tatawagan niya ang numero nito. Natauhan na lang kasi siya nang nasa mismong tapat na siya ng pinto ng suite nito.Napahilamos sa mukha si Gideon. “Bakit b

    last updateLast Updated : 2026-03-25
  • One Hot Night to Forever   Kabanata 22

    Nang makarating si Yvee sa suite nila ay agad siyang pumasok sa loob. Nadatnan niya ang anak niyang nakaupo sa salas at hinihintay siya. Mabils siyang humakbang at niyakap ang anak niya. “Atticus!” mangiyak-ngiyak na sambit ni Yvee. Mabilis siyang bumitiw sa pagkakayakap sa anak niya at sinuri ang

    last updateLast Updated : 2026-03-21
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status