로그인Ilang segundo ang lumipas pagkatapos ay dahan-dahang tumayo si Gideon. Kinuha niya ang susi ng sasakyan niya. Hindi na siya nagsalita pa dahil tama si Drew. Kung may nais siyang manyari ay kailangang mag-effort siya para mabuo ang pamilya nila. Bahagyang napangiti si Drew. “Good decision.” Paglapit ni Gideon sa pinto, napahinto siya. “Drew,” seryosong sabi niya. “Hmm?” Nagtatakang tiningnan ni Drew ang pinsan niya. “Salamat.” Ngumiti lang si Drew, saka siya kumaway nang bahagya. “Go. Bago pa maubos ‘yong breakfast na niluto niya.” Hindi ito ang unang beses na nagpasalamat si Gideon kay Drew, but it was different this time. May kung anong init ang salitang iyon sa puso ni Drew. At mas lalong umigting ang hiling niya na magkaayos ang kuya niya at si Yvee. Mabilis ang naging lakad ni Gideon palabas ng opisina, pero hindi niya kayang takbuhan ang sariling kaba. Sa bawat hakbang papunta sa sasakyan, mas lalong bumibigat ang pakiramdam sa dibdib niya. Pagkaupo niya sa driver’s sea
Napabuntong-hininga si Drew, saka siya bahagyang ngumiti. Hindi dahil natatawa siya, kung hindi dahil manghang-mangha siya sa hitsura ng kuya niya ngayon. “Okay,” sabi niya. “At least honest ka. But I am sure Atticus will understand. Simple lang naman mag-isip ang mga bata. Basta sinsero ka lang at mararamdaman nila iyon. Sa ngayon kausapin mo muna ang bata. Hindi muna tungkol kay Yvee kung hindi tungkol sa kaniya. Saka muna siya kausapin tungkol kay Yvee. Simple ngunit sensitibo ang mga bata. And I learned my lesson,” tukoy niya sa naging tampuhan nila ni Atticus noon. “Kaya dapat ikaw rin.” Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Drew. Saglit niyang sinilip ang screen, saka bahagyang tumaas ang kilay niya. “Kuya,” tawag niya habang hindi niya inaalis ang tingin niya sa phone. Hindi agad sumagot si Gideon. “Hmm?” “May update ako sa’yo,” sabi ni Drew, this time nakangiti na siya nang kaunti. Napatingin si Gideon kay Drew, bahagya siyang naiinis. “Ano na naman ‘yan?” Itinaas ni Dre
“Kuya…” mas mahinahon na ang tono ni Drew ngayon. “Hindi ba sinabihan na kitang umamin ka na sa kaniya at kay Ahma? Kasi alam kong magiging ganito ang reaksyon niya.” “Paano mo naman nalaman?” sagot ni Gideon, pero napailing siya ulit. “Tinago nga rin niya sa akin, ‘di ba? Pero hindi naman ako nagalit sa kaniya. Inintindi ko siya, pero bakit nagagalit siya sa akin ngayon?” Napailing si Drew habang nakasandal siya sa gilid ng mesa. Nakapamulsa siya at nakatitig sa kuya niya. Kilala niya si Gideon—matalino, palaging may kontrol sa sitwasyon, at bihirang matinag kaya nga hanga siya rito. Pero ngayon, ibang-iba na ang nakikita niya. Hindi niya inakalang isang babae lang ang magpapawala ng direksyon ng kuya niya. “Kuya,” umpisa ni Drew, bahagya siyang tumuwid. “Iba mag-isip ang mga babae. Kahit kasalanan mo o kasalanan niya…” Napailing siya at bahagyang napangisi. “Ang ending, kasalanan mo pa rin.” Napabuntong-hininga si Gideon, pero hindi siya kumontra. “Kaya nga sinabi ko na sa’yo n
Paikot-ikot si Drew habang hawak ang kaniyang tablet. Halatang abala siya ngunit may halong inis sa kaniyang mukha. “Kuya, nakipag-coordinate na ako sa media team,” mabilis niyang sabi ngunit hindi siya tumitingin sa pinsan niya. “We already blocked most of the major networks. As in, blackout. Walang lalabas na kahit anong footage tungkol sa nangyari kagabi.” Hindi sumagot si Gideon. Nagpatuloy si Drew, medyo mas malakas na ang boses niya ngayon. “Pati social media, under control na rin. Nag-request tayo ng takedown sa lahat ng posts na may kinalaman sa issue. 'Yong mga videos? Tina-track na. 'Yong iba, nabura na.” Tahimik pa rin si Gideon. Napahinto si Drew, saka siya dahan-dahang napalingon sa kuya niya. Kumunot ang noo niya nang makita niya itong tulala habang may hawak itong papel. “Kuya?” tawag niya ngunit wala pa rin itong reaksyon. Napabuntong-hininga si Drew, saka siya muling nagsalita. “Doon sa part na kumalat ang tungkol sa kambal… we’re still doing damage control. Pini
Naiwan si Yvee mag-isa. Huminga siya nang malalim at muling tumingin sa mga sangkap sa harap niya. Sa pagkakataong iyon, mas gumaan ang pakiramdam niya. Walang pressure, walang nagmamadali. Siya lang, ang kusina at ang simpleng almusal na gusto niyang ihanda. “Kaya ko ‘to,” bulong niya ulit, this time mas sigurado na.Tahimik ang kusina maliban sa mahinang tunog ng mantikang kumukulo sa kawali. Maingat na binasag ni Yvee ang itlog, sinigurong buo ang pula bago ito dahan-dahang inilapag sa gitna ng init. Sumunod niyang inilagay ang bacon, agad kumalat ang amoy nito sa buong kusina—mainit, maalat, at nakakagutom.Saglit na napangiti si Yvee habang inaayos niya ang apoy. ‘Ganito pala ‘yon,’ isip niya. Hindi niya akalaing napakasaya sa pakiramdam na maipaghanda niya ang mga anak niya ng almusal. Akala niya hanggang panaginip na lang na maiipaghahanda niya ang dalawa. Dahil napakaliit ng tsansang mahanap niya si Atlas dahil dead end parati ang imbestigasyon tungkol sa pagkawala nito.Hind
“Anong gusto niyong kainin?” mahinahong tanong ni Yvee habang pinagmamasdan ang kambal.“I want eggs and bacon, mommy,” mabilis na sagot ni Atticus, sabay ngiti. Napahawak pa siya sa tiyan, halatang nagugutom na.“I want a sunny side up egg, tapos toast… saka apple rin po, mommy,” dagdag naman ni Atlas sa mas mahinang tinig, halos kabaligtaran ng sigla ng kaniyang kapatid.Napangiti si Yvee at marahang tumango. Kahit magkamukha ang dalawa, parehong may malinaw na mata at inosenteng mukha, kitang-kita pa rin ang agwat ng kanilang mga ugali. Si Atticus ay likas na madaldal at puno ng enerhiya, samantalang si Atlas naman ay tahimik, maingat kumilos, at tila laging nag-iisip. Pero kahit gano’n ay malambing ang dalalwang bata sa kaniya.“Sige, ako ang bahala sa breakfast niyo,” sabi ni Yvee habang inaayos ang kaniyang buhok. “Maghilamos at mag-toothbrush muna kayong dalawa. Mauuna na akong bumaba para makapagluto.”Tumingin si Atticus sa kaniyang mommy nang may halong pagtataka at pilyong
Napatingin sina Yvee at Gideon sa itinuturo ng bata.“Sige na po, daddy?” malambing na tanong muli ni Atticus sa kaniyang ama.Bumuntong hininga si Gideon. “Why would you want that?”Ngumuso si Atticus. “I want to remember this dady, daddy. This is my first o-outing with a friend!”Itinuro ni Attic
Prenteng nakaupo sa sofa sina Gideon at ang doktor. Nag-uusap sila ng seryoso. “Sa mga ganitong kaso,” paliwanag ng doktor. “May mga batang mas mabilis ang progress kapag ang nag-aalaga o nagtuturo sa kanila ay biologically related. Halimbawa, birthmother nila. Emotional connection lang ‘yon pero
Pagharap ni Yvee sa pinto, wala siyang nadatnan — sarado na ito, tahimik, at tila walang kahit sinong dumaan doon. Napasinghap siya nang bahagya, saka muling tumingin kay Atticus. “See?” mahinahong sabi ni Yvee, pilit na ngumingiti. “Baka gutom ka lang, anak. Kapag gutom tayo, kung anu-ano ang na
Nasa sulok sina Gideon at Drew. Napansin nila ang kakaibang ikinikilos ni Atlas kanina pero nanatili silang nakaupo sa sofa. Tahimik nilang pinagmamasdan ang unit at ang hallway kung saan lumabas si Atlas. “Sir,” bulong ni Drew, halatang nag-aalala. “Kailangan natin siyang pigilan. Hindi natin al







