LOGINNapabuntong-hininga si Yvee. Para bang lalo lang siyang pinapahirapan ng anak niga sa sitwasyon. “Anak, hindi gano’n kasimple iyon,” mahinahon niyang paliwanag. Pagkatapos ay bumaling siya kay Gideon. May halong pag-aalala ang mga mata niya. “Gideon…” maingat niyang simula, “hindi mo kailangang gawin iyon.”Bahagyang kumunot ang noo ni Gideon. “Ang alin?”“’Yong proposal mo,” sagot ni Yvee habang itinuturo ang hawak na kahon ni Gideon. “Ginawa mo lang ‘yon para tigilan ako ng daddy at kapatid ko, hindi ba? Alam kong napipilitan ka lang.” Sinubukang alisin ni Yvee ang singsing sa kamay niya pero mabilis na hinawakan iyon ni Gideon at umiling. “Gideon…”Umiling si Gideon at tumingin siya sandali sa mga lapida sa paligid, parang sinusubukan niyang ayusin ang kaniyang isip. Dahil sa tuwing kaharap niya si Yvee ay hindi siya makapag-isip ng tama.“Kaya hindi mo kailangang ituloy iyon. Naiintindihan ko kung ginawa mo lang iyon para m
“Hindi!” biglang sigaw ni Ereena. Humakbang siya at galit na galit ang mukha. Bumaling siya sa kaniyang ama. “Daddy, hindi puwede ’to! Paano mo hahayaang mangyari ’yan? Isang babaeng may anak sa ibang lalaki ang ipapakasal natin kay Mr. Revamonte? Masyadong nakakahiya!” matalim niyang sabi habang nakatingin siya kay Yvee. “Masyado ng makapal ang mukha mo Yvangeline—”“Ereena,” biglang sumabat ang mabigat na boses ni Edwin. Napatigil ang dalaga. Humakbang siya papalapit kay Ereena at hinawakan ang braso nito at bahagyang hinila ito papalapit sa kaniya. “I’ve heard enough.”“Daddy, pero—”“I said stop,” mariing wika ni Edwin. “‘Wag ka nang gumawa ng ikakasira pa natin kay Mr. Revamonte. Ang huling ginawa mo ay nagdulot lang ng malaking pagbagsak ng kumpanya natin!”Agad na natahimik si Ereena.“Hindi kita pinalaking bastos at mapangmata sa ibang tao,” malamig na sabi ni Edwin. “At lalong hindi kita tinuruang mangialam sa desisyon ng ibang tao.”“Pero daddy—”“Shh!” saway ni EdwinNapay
Parang huminto ang mundo dahil sa mga katagang binitiwan ni Gideon. Maging si Yvee ay nanigas dahil sa narinig niya. Hindi niya alam kung magrereact ba siya o hindi. Dahil maaaring sinasabi lang ni Gideon na papakasalan siya nito para manahimik na ang ama niya pero may parte sa kaniya na kinakabahan dahil kilala si Gideon bilang isang taong may isang salita.“Papakasalan niya ba ako? O isa lang itong pakulo?” tanong ni Yvee sa isipan niya.Nanigas si Edwin, napabaling siya kay Yvee. “Anong—” halos mabulol siya. “B-Bakit siya? Marami pang ibang babaeng mas deserving na maging Mrs. Revamonte—““Hindi mo ba ako narinig?” malamig na balik ni Gideon. “I’m going to marry her. Siya lang ang magiging Mrs. Revamonte at hindi ang sinisinta mong anak sa labas na si Ereena. Hindi rin ibang babae, kung hindi si Yvangeline lamang.”Napatingin si Edwin kay Atticus, halatang hindi siya makapaniwala. Saka muli siyang bumaling kay Yvee. “Siya?” ulit niya, puno ng paghamak. “Papakasalan mo ’yan? May an
“Iisa lang ang habol ng mga lalaki sa mga babaeng tulad mo. Ang nasa pagitan ng mga hita mo. Kapag nagsawa na sa‘yo si Mr. Revamonte, itatapon ka rin niya na parang basura,” matalim na wika ni Edwin.Nanatiling tikom ang bibig ni Yvee. Hindi ito ang unang beses. Sanay na siya sa mga insulto ng kaniyang ama. Sa bawat salita. Sa bawat sumbat. Sa bawat pagkakataong pinaparamdam sa kaniya na wala siyang halaga, sanay na sanay na siya.“Alam mo kung saan ka lang magaling?” dagdag pa ni Edwin, napapangisi. “Sa pagpapagamit. Kaya nga walang nagtatagal sa’yo. Kahit sinong lalaki, kapag nakuha na ang gusto nila sa'yo ay iiwan ka rin nila. Kaya ka nga nabuntis hindi ba? Sa halip na makatulong ka sa pamilya natin ay nabuntis ka pa!”Mahigpit na napakuyom ang kamao ni Yvee. Nanatili siyang tahimik pero ang mga mata niya ay unti-unting naging matalim. “Hindi ka kailanman magiging sapat,” tuloy ni Edwin, palapit pa. “At ’yang batang ’yan…” Saglit siyang tumingin kay Atticus. “Isa lang ’yang patuna
Nanlaki ang mga mata ni Atticus, hindi siya makapaniwala sa kaniyang nasaksihan. “Walang kwenta!” sigaw ni Edwin, galit na galit, tila matagal ng kinikimkim ang lahat. “Ang kapal ng mukha mo para dalawin ang ina mo. Pero sa mga nakalipas na taon ay hindi ka umuwi para bisitahin siya. You don’t have the right to visit your mother’s grave.” “Ako? Sa ating dalawa mas ikaw ang walang karapatang dumalaw sa puntod ng nanay ko. You drove my mother to death!” nanginginig na wika ni Yvee. “Kung hindi dahil sa pambababae mo ay hindi lalala ang sakit ni mama!” “Yvee!” biglang singit ni Ereena. “Sumusobra ka na, ha! Gan'yan ba ang dapat na trato mo sa tatay mo? Napakabastos mo kung buhay lang si mommy–” “Stop,” mariing agap ni Yvee. “Don’t you dare call my mother mommy. Hindi mo siya nanay at higit sa lahat anak ka ng babaeng sumira ng pamilya namin. Your mother is a home wrecker! At ikaw ang bunga noon. Kaya ‘wag na ‘wag mong tatawaging mommy ang nanay ko!” “‘Wag mong pagsalitaan nang gan
Tahimik ang sementeryo. Mahina ang ihip ng hangin, dala ang amoy ng lupa at tuyong dahon. Dahan-dahang huminto si Yvee sa tapat ng isang lapida. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ni Atticus—parang ayaw niyang bumitiw rito. Sa kabilang kamay naman niya ay isang bugkos ng bulaklak ang hawak niya. “Ito na,” mahina niyang sabi. Napatingin si Atticus sa puntod. Tahimik lang siyang nakatayo katabi ng ina niya ngunit seryoso ang ekspresyon niya. Hindi niya lubos kilala ang babaeng nakahimlay roon ngunit ramdam niya, sa higpit ng hawak ng ina niya, kung gaano ito kahalaga sa buhay nila. Marahang lumuhod si Yvee. Dahan-dahan niyang inabot ang lapida. Hinaplos niya ang pangalan na nakaukit doon na para bang sa simpleng pagdampi ng mga daliri niya ay maibabalik niya ang nakaraan. “Ma…” bulong ni Yvee. Agad na nangilid ang luha sa kaniyang mga mata. Ilang taon na rin ang nakalipas nang huling dumalaw si Yvee sa puntod ng kaniyang ina noong lumipat siya sa ibang bansa. Pero kahit malayo siya
Pumasok si Elena. Natigilan siya nang makita niya ang kalat sa loob ng kwarto. “Ereena…” mahina niyang tawag. Nakita niya ang kaniyang anak na nakaupo sa kama, namumula ang pisngi at halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Mabilis niya itong nilapitan. “Ano’ng nangyari sa’yo?” nag-aalalang tanong niy
Napatingin sina Yvee at Gideon sa itinuturo ng bata.“Sige na po, daddy?” malambing na tanong muli ni Atticus sa kaniyang ama.Bumuntong hininga si Gideon. “Why would you want that?”Ngumuso si Atticus. “I want to remember this dady, daddy. This is my first o-outing with a friend!”Itinuro ni Attic
Makulay at maingay ang loob ng mall. Sa arcade area, nagliliwanag ang mga game machines at sunod-sunod ang tunog ng mga coins at electronic music. Masayang naglalakad sina Yvee at Atlas sa pagitan ng mga makina. Napagpasyahan ni Yvee na ipasyal ang anak niya. Sa mga nakalipas na araw ay bumabawi
Awtomatikong pumula ang mukha ni Yvee nang maalala niya ang mga tagpong nagkakausap sila ni Gideon. Lahat ng iyon ay madalas nauuwi sa away o halikan. Hindi na naman siya dalaga, at lalong lalong hindi na siya birhen. May anak na siyang dalawa! Pero bakit kung umasta siya ay para siyang isang teen







