FAZER LOGINMalamig na tiningnan ni Gideon ang pinsan. “Let’s go. I have a lot of things to do. I don’t want to waste my time.”
At walang kahit anong dagdag na salita, tumalikod si Gideon at naglakad palayo. Naiwan ang lahat na nakatulala — lalo na ang mga empleyadong nakasaksi sa buong pangyayari. Ang isang Gideon Isaac Revamonte… hindi nagalit? Hindi sumigaw? Hindi umiwas na para bang may sakit sa babaeng lumapit at humalik sa kaniya? Isang himalang hindi pa nila nakikita kailanman. Si Drew, ang sekretarya—slash—pinsan ni Gideon, ay halos hindi gumalaw sa kinatatayuan niya. Ito ang unang beses na nakita niyang hindi nag-react nang masama ang pinsan niya sa isang babaeng lumapit at nagnakaw ng halik sa kaniya. Kadalasan, kahit ilang pulgada pa lang ang pagitan ay nag-iinit na agad ito sa galit. Sa totoo lang, kaya halos 70 percent ng empleyado nila ay puro lalaki ay dahil ayaw ni Gideon na malapitan siya ng mga babaeng sumusubok na umeksena o magpa-cute sa kaniya. Dahil kapag babae ang lumalapit, madalas ay nagwawala siya sa inis o hindi naman kaya’y iniinsulto ang mga ito sa harap ng marami. Kaya iilang empleyada na lang ang natira, mga babaeng walang balak lumapit o humirit sa CEO. Pero ngayon… wala man lang siyang sinabi. Wala ring galit. Nakakatindig-balahibo sa pagkakaiba. Napakurap si Drew, saka unti-unting bumalik sa sarili. Sinamaan niya ng tingin si Yvee, ng tinging para bang kasalanan nito kung bakit nag-iba ang ugali ng pinsan niya kahit ilang segundo lang, at saka siya napasimangot. Hindi man lang niya kinailangang magsalita. Sapat na ang hitsura niyang parang sinasabi: "Ano bang ginawa mo at hindi nagalit ang pinsan ko?" Mabilis na sumunod si Drew kay Gideon, na parang takot na takot na baka may mangyaring kakaiba ulit. Nang makalapit siya sa pinsan niya ay agad siyang nagsalita, bahagyang hinihimay ang bawat salita. “Kuya… naalala ko na pala kung sino ang babaeng ’yon.” Agad na tumigil si Gideon sa paglalakad at lumingon. Diretso ang tingin niya kay Drew. “Who is she?” Napakurap si Drew. May kakaiba. May interes sa boses ni Gideon — isang bagay na hindi niya inaasahan kailanman. Hindi ito galit. Hindi rin irita. Iba. Parang… gusto nitong malaman ang tungkol sa katauhan ng babaeng iyon. At para sa kaniya halos imposibleng mangyari iyon. Mabilis niyang pinilig ang ulo at iwinawaksi ang mga naiisip niyang hindi naman kailangan. “She’s Yvangeline Alejado,” panimula ni Drew. “Anak siya ng business tycoon na si Edwin Alejado. Siya rin ang napabalitang ikakasal kay Mr. Geronimo Ong seven years ago… pero nakipag-hook up daw siya sa isang estranghero bago ang kasal. Nabuntis siya, kaya hindi natuloy ang wedding.” Nakita ni Drew kung paano bahagyang kumunot ang noo ni Gideon, pero hindi dahil sa galit kung hindi dahil sa kuryosidad. “At kahit wala raw tulong mula sa lalaking nakabuntis sa kaniya,” patuloy ni Drew. “Itinuloy niya ang pagbubuntis. She raised the kid alone.” “She kept the kid and ditched the guys?” bulong ni Gideon. Para bang hindi niya sinasadyang sabihin iyon nang malakas. Hindi man nagpakita ng emosyon ang mukha ni Gideon pero sa loob-loob niya ay may gumuhit na paghanga. What a bold move. At unti-unting humigpit ang hawak niya sa strap ng bag ng kaniyang anak habang naglalakad sila palayo. Hindi alam ni Drew kung bakit, pero may kutob siyang hindi pa tapos ang koneksyong iyon. ~~~ “Mommy!” sigaw ni Atticus bago mabilis na tumakbo papunta kay Yvee. Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang ina na halatang nagulat at nag-aalala. “Sweetie,” malambing na tugon ni Yvee habang marahang hinihimas ang buhok ng kaniyang anak. Pagkatapos noon, bigla siyang humarap kay Ereena — malamig at diretso ang tingin. “Really, Ereena? Gan'yan ka pa rin ba ka-papansin? Alam kong sinadya mong itulak ako.” Agad na kumunot ang noo ni Ereena. Pilit niyang ipinapakitang inosente siya. “Of course not! Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Umangat ang isang kilay ni Yvee, hindi pa rin siya natitinag. “Kapag hindi mo pa ako tinigilan… sisiguraduhin kong may kalalagyan ka, Ereena. I already had enough of your crazy antics. At maniwala ka, hindi mo gugustuhin kapag ako na ang gumanti.” Nanlaki ang mga mata ni Ereena. Nawala ang tapang niya kanina at napalitan iyon ng halatang takot, kahit pa pilit niyang itinatago. “W-What? I don’t know what you’re talking about!” nauutal na sambit niya sabay ngiti nang pilit. “I-I need to go. M-May importante pa akong appointment ngayon. Ciao!” Hindi na naghintay ng sagot si Ereena at halos nagmamadali siyang tumalikod. Parang hindi siya makahinga hangga’t hindi siya nakakalayo sa kapatid niyang hindi na tulad ng dati. Hindi na ito nagpapatalo at hindi na rin naaapakan. “Miss,” tawag ni Rechelle habang papalapit. Napatingin si Yvee at agad siyang ngumiti nang makita niy ang dating sekretaryang nanatili sa kaniya sa lahat ng laban. May iniabot na keycard si Rechelle. “Naiakyat na po lahat ng mga gamit niyo, ma’am. Nasa Presidential Suite po ang room niyo, sa top floor ng building.” “Thank you,” taos-pusong sagot ni Yvee. Hindi lang basta pasasalamat iyon; may halong paghinga ng maluwag. Kahit gaano kadilim ang pinagdaanan niya, may mga taong tulad ni Rechelle na hindi siya iniwan. Hinawakan niya sandali ang braso nito, banayad. “Ipagpatuloy mo pa rin ang paghahanap sa anak ko, please. Kapag may balita… kahit anong balita… agad mo akong kontakin.” Tumango si Rechelle, seryoso ang mukha. “Got it, ma’am.” Habang tumatango si Rechelle, ramdam ni Yvee ang tibok ng puso niya — palaging mabigat, palaging may bitbit na pangungulila. Hindi siya susuko. Hindi siya titigil. Kahit maubos ang kayamanan niya, kahit ilang taon pa ang lumipas, kahit pagod na ang katawan at puno na ng peklat ang puso niya ay ipagpapatuloy niya ang paghahanap sa anak niyang nawala. At ngayong nasa Pilipinas na siya, mas lalong tumibay ang loob niya. Mas malapit na siya kaysa dati. At hindi iyon kayang baguhin ng kahit sino. “Let’s go, sweetie,” bulong ni Yvee kay Atticus bago sila tumungo sa elevator. Dala niya ang pag-asang unti-unti nang gumagalaw ang kapalaran nila. Pagdating nila sa top floor ay agad na binalingan ni Yvee ang anak. “Atty, bibili lang si Mama ng pagkain, ha. Pero ngayon, pasok muna tayo sa room natin para makaligo at makapagbihis.” Hinaplos niya ang ulo ni Atticus na tahimik lang mula pa kanina. Nasa tapat na sila ng Presidential Suite nang mapansin ni Yvee ang ilang empleyadong babaeng nagmamadaling naglalakad. Hila-hila nila ang mga branded na damit, laruan, at iba’t ibang mamahaling gamit papasok sa kuwartong katapat ng room nila. Habang nag-uusap-usap, hindi niya napigilang marinig ang ilang piraso ng usapan. “Sabi ni Mr. Revamonte, siguraduhin niyo raw na top quality ang lahat. Ayaw niyang may kulang para sa anak niya.” “Natural. Hindi naman basta-basta si Sir Gideon.” Napatingin lang si Yvee sandali, pero mas abala ang isip niya sa pagod at gutom. Iba naman si Atticus. Kanina pa ito tahimik, mas tahimik pa kaysa sa normal. Sa murang edad ni Atticus, halata ang pagiging matalino at mas mature niya kaysa sa ibang bata. At mula nang makita niya kanina ang batang hawak ni Gideon, may kung anong bigat na hindi niya maipaliwanag. Hindi niya iyon binabanggit sa kaniyang ina, pero hindi iyon mabura sa isip niya. Biglang klik. Bumukas ang pinto ng katapat nilang kuwarto. Napapitlag si Atticus at lalo siyang natigilan nang may batang lumabas mula roon. Nakasuot ito ng malinis na puting roba, basa pa ang buhok at halatang bagong ligo. At sa pag-angat ng ulo ng bata, nagtagpong muli ang mga mata nila. Pareho silang napatigil. Parehong nanlaki ang kanilang mga mata. Pareho silang hindi makapaniwala. Dahil para silang dalawang repleksyon. Magkamukhang-magkamukha sila! Para bang tinitingnan ni Atticus ang sarili niya sa ibang bersyon. At sa ilang segundong iyon ay sobrang tahimik. Ni hindi makahinga si Atticus. At ang batang nasa tapat niya, tila ganoon din. Dalawang batang hindi alam kung bakit biglang kumirot ang dibdib nila na para bang may bahaging dati nang sa kanila at ngayo’y biglang nasa harap nila. “Mommy!” tawag ni Atticus habang hinahatak-hatak ang laylayan ng blazer ni Yvee. “I saw someone who looked like me.” Napatingin si Yvee sa anak, kunot-noo pero kalmado. “Anak, gutom ka lang. Kanina ka pang hindi kumakain, kaya kung anu-ano na ang—” “Mommy, hindi,” mariing putol ni Atticus, kita ang seryoso at kakaibang pagkailang sa mga mata niya. Itinuro niya ang katapat na pinto ng silid nila. “Doon po, mommy. He looked like me. Same face… same eyes.” Napalingon si Yvee sa direksyong itinituro ng anak. Nanlamig ang batok niya. Saglit siyang napalunok. Pinilit niyang ibalik ang kontrol sa kaniyang sarili pero kinakabahan siya sa sinasabi ng anak niya. “Atticus, maybe nag-iimagine ka lang—” Pero umiling ang bata, mariin, halos nanginginig ang maliit na kamay na nakaturo pa rin sa pinto. “No, mommy… I’m sure. I saw someone who has the same face as mine.”Sa kabilang dako ng hotel, hawak-hawak ni Yvee ang paper bags ng pagkain. Kakabili lang niya ng paboritong pagkain ni Atticus—chicken strips, rice, at fruit shake. Gusto niyang pag-uwi niya sa suite ay makita ang anak niyang nakangiti at gutom na gutom. Habang naglalakad si Yvee pabalik sa elevator, huminga siya nang malalim. First night nila sa bagong lugar. Sana maging maayos ang lahat. Maarte pa naman ang batang iyon. Paglapit ni Yvee sa elevator ay biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Galing ang tawag mula sa isang unknown number. Napakunot ang noo ni Yvee. “Who…?” bulong niya, pero sinagot din niya dahil baka isa iyon sa mga staff ng hotel. “Hello?” Tahimik sa kabilang linya ng ilang segundo bago may nagsalita — isang boses na hindi inaasahan ni Yvee. “Anak.” Napahinto si Yvee. Nanigas ang kamay niya sa pagkakahawak sa pagkain. “Dad...” Isang mapait at malamig na ngiti ang gumuhit sa labi ni Yvee. “Wow. Tumawag ka matapos ang ilang taon. Paano mo nakuha ang numero ko
Pagkasara ng pinto ng presidential suite ay lumingon si Drew sa kaliwa niya. Dapat ay nandoon pa si Atlas– nakatayo habang naghihintay sa tatay nito pero wala na ang bata. Kumino ang noo niya. “Atlas? Hey, kid? Where are you?” Walang batang lumapit kahit nakailang tawag na si Drew sa pangalan ni Atlas. ‘Well, hindi naman talaga sasagot si Atlas kasi hindi naman nakakapagsalita ‘yon,’ sa isip-isip niya. Lumapit si Drew sa hallway ng floor nila at sumilip. “Atlas, stop playing. Come on, kid, pagod ako. Don’t make this hard.” Tahimik pa rin. Lalong kinabahan si Drew. Naglakad siya mabilis papunta sa kabilang dulo ng hallway. Sinisilip niya ang bawat sulok — pero wala talaga. Ni hindi niya makita ang anino ng bata sa kung saang sulok. Lumapit pa siya sa utility corner kung saan may maliit na lounge area. “Atlas?!” sigaw ni Drew, mas malakas. “This is not funny anymore!” Naramdaman niya ang malamig na pawis sa batok niya. “Diyos ko… kapag nagalit si Kuya Gideon sa akin…” Alam ni Drew
Sa maluwang na hallway ng hotel ay taas-noong naglalakad si Edwin Alejado. Tuwid ang tindig niya habang nakasuksok ang isang kamay niya sa bulsa ng mamahalin niyang slacks. Kasabay niyang naglalakad ang anak niyang si Ereena. Naka-heels ito at hawak ang maliit nitong designer clutch. Parehong seryoso ang mga mukha ng mag-ama habang papunta sila sa convention hall. Sila ang nag-book doon para sa isang private party. Sa likuran nila ay may sampung bodyguards na handang protektahan sila sa oras na may magtangka sa buhay nilang dalawa. "Dad, I have some news for you," bungad ni Ereena. Medyo excited siya pero halatang may inis din sa kaniyang mukha. "Nagbalik na sa bansa si Yvee." Huminto nang bahagya si Edwin at tumingin sa anak. “Sigurado ka?” “Yes. Nakita ko siya sa mismong hotel na ito. And guess what? May dala siyang bata.” Napaikot ng mata si Ereena. “Iyon yata ang pinagbubuntis niya ilang taon na ang nakakaraan. Ang bastardong dahilan kung bakit umayaw si Mr. Ong sa kaniya at
Pagbukas ng elevator ay lumabas si Yvee habang dahan-dahang inaayos ang strap ng bag niya. Nakasimangot siya nang bahagya — halatang pagod pa siya dahil sa byahe pero kailangan niyang bumili ng pagkain para sa anak. Medyo mapili pa naman si Atticus sa pagkain kaya kailangan siya mismo ang pumili sa personal. Hindi naman siya maarte sa pagkain. Kaya hindi niya alam kung saan nagmana ng kaartehan ang anak niya. ‘Baka sa tatay niya?’ Pinilig niya ang kaniyang ulo upang iwaksi ang naiisip niya. Kasabay ng paglapag ng elevator na sinasakyan ni Yvee ay bumukas din ang isa pa sa kabilang side. Lumabas mula roon si Gideon. Naka-itim itong long sleeves at nakasuot pa rin ng malamig at seryosong ekspresyon. Halos magsabay silang humakbang palabas, pero mas mabilis na lumingon si Gideon. "Miss Alejado," tawag ni Gideon, mababa ang boses at diretso. Napahinto si Yvee at agad siyang napalingon. "Mr. Revamonte," sagot niya, kalmado pero may halong gulat. "May kailangan po ba kayo?" Huminto si G
Hindi nagpatinag si Drew. Sanay na siya sa ganoong mood ng pinsan niya. “I’m not talking nonsense, Kuya Gideon. Nakita mo mismo ang ginawa niya kanina sa lobb. Sinadya niyang mapalapit sa’yo. Tapos ngayon, ginagamit naman niya ang anak mo?” Umiling siya na tila hindi siya makapaniwala. “Kung hindi siya interesado sa’yo, kuya, ano ‘tong ginagawa niya? Imposible namang bigla na lang niyang gustong magpaka-nanay sa anak mo kung wala siyang hihinging kapalit.” Umigting ang panga ni Gideon habang nakatitig pa rin siya kay Atlas pero may sumisilip na kakaibang reaksyon sa mga mata niya. Hindi galit… kung hindi pagkalito. Nagdududa na rin siya at tila naghahanap na rin siya ng mga sagot sa mga katanungang unti-unting nabubuo sa isip niya. Sa dulo ng hallway, si Atlas ay nakatayo pa rin. Tahimik lang siya at tila may sarili siyang mundong hindi pa naiintindihan ng lahat. Simula high school pa lang si Drew, sanay na siya sa tanawin: mga babaeng pilit na lumalapit kay Gideon — iba’t ibang
Nasa sulok sina Gideon at Drew. Napansin nila ang kakaibang ikinikilos ni Atlas kanina pero nanatili silang nakaupo sa sofa. Tahimik nilang pinagmamasdan ang unit at ang hallway kung saan lumabas si Atlas. “Sir,” bulong ni Drew, halatang nag-aalala. “Kailangan natin siyang pigilan. Hindi natin alam ang iniisip niya. Baka magkamali siya o masaktan.” Umiling si Gideon habang mahigpit ang kaniyang pagtitig sa may hallway. “Hindi. Hindi natin siya pipigilan. Mas mabuting sundan na lang natin siya. Kailangan nating makita kung ano ang ginagawa niya, kung saan siya pupunta, at kung sino ang tatagpuin niya.” Tumango lang si Drew bagamat may halong pagdududa at kaba. Tahimik na sinundan nina Gideon at Drew si Atlas. Dahan-dahan at maingat silang lumalapit sa elevator. Doon, nakita nila ang eksena. Nakatayo si Atlas sa harap ng babaeng nakakuha ng atensyon ni Gideon, pagdating pa lamang nila sa hotel. Nakatingin dito si Atlas ng diretso at may isang salita lang na lumabas mula sa bibig







