LOGIN“Anak niya siguro iyan, ano?” bulong ng isang empleyada sa katabi niya.
“Oo, balita ko ay spoiled na spoiled iyan ni Mr. Gideon. Nag-iisang anak niya kasi kaya lahat daw ay sunod sa luho. Iba talaga kapag mayaman, ano?” sagot ng isa pang empleyada, halatang napapahiya sa dami ng naririnig na kwento. “Aba’y, oo! Nakapangalan na nga raw sa kaniya ang ibang properties ni Mr. Gideon,” dagdag pa ng unang empleyada. Halos hindi siya makapaniwala sa sinasabing pribilehiyo ng batang lalaki. Matamang nakinig si Yvee sa mga usapan, kaya hindi niya maalis ang tingin sa naglalakad na si Gideon Revamonte. Habang patuloy ang komosyon sa lobby, hindi maiwasang tumingin ni Atticus sa batang karga ni Gideon Revamonte. Maingat ang paghawak ng lalaki sa bata, at tila binabantayan ito nang buong puso. Nang magkatama ang kanilang mga mata, bigla siyang napahinto sa kaniyang paghinga. Napalunok siya nang hindi inaasahang ang batang iyon ay kamukhang-kamukha niya. Ang hugis ng mga mata, ilong, at labi… parang mga nananalamin siya sa kaniyang sariling repleksyon! Magkaiba nga lang ang suot nilang damit pero iisa lang ang hulma ng mukha nilang dalawa. Napatingin nang mas matagal si Atticus sa sinasabing tagapagmana ni Mr. Revamonte. Halos hindi siya makagalaw, at ang mga mata niya ay nanatiling nakatuon sa bata. Tahimik siya at tila nabigla dahil sa nakikita niya. Si Yvee naman ay abala sa pagprotekta kay Atticus. Umiiwas siya sa gulo. Hindi pa rin niya napapansin ang reaksyon ni Atticus. Hindi niya mapigilang mapatitig sa batang hawak ni Gideon. Nais niyang makita ang mukha nito pero kahit anong pag-angat niya ng tingin ay hindi siya makasulyap sa mukha ng bata. Habang nakapikit si Atticus sa pagkabigla, muling narinig ni Yvee ang bulungan ng mga empleyado sa paligid. “Alam niyo bang hindi pa raw kasal si Mr. Gideon?” bulong ng isang empleyadang katabi niya. “Talaga? Puro trabaho at anak lang daw niya ang inaasikaso niya. Wala raw siyang kinikitang babae sa mga nagdaang mga taon,” sagot ng isa pa, halatang nagulat rin sa dedikasyon ng CEO sa trabaho at pamilya. “Wow! Kaya pala parang laging focus at serious ang dating niya,” dagdag ng isa pang empleyada, na hindi mapigilan ang paghanga habang nakatingin siya kay Gideon. Biglang may narinig si Yvee, parang boses ni Ereena na nanginginig sa galit. “Ano, target mo naman ngayon si Mr. Revamonte? Kaya ka ba nandito sa Grand Hotel dahil balak mong akitin siya? Ipapaako mo ba sa kaniya ang bastardo mong anak?” Hindi narinig ni Yvee ang buong sinabi ni Ereena dahil abala siya sa pagtutok kay Gideon. Sinusubukan pa rin niyang maaninag ang mukha ng batang hawak nito. Dahil sa galit at inis, malakas na itinulak ni Ereena si Yvee. Napatigil sandali si Yvee. Hindi niya inaasahan ang lakas ng pwersa ni Ereena at sa isang iglap ay tumilapon siya pasulong… diretso sa daanan ni Gideon. Agad na nahawakan ng matangkad na lalaki si Yvee sa isang kamay, matibay at mabilis, na para bang hindi siya tatama sa sahig. Ngunit bago pa man siya makapagpasalamat, muli siyang napatingin sa batang hawak ni Gideon. Ang isip niya ay nakatuon lamang sa mukha nito, sa bawat linya at ekspresyon. Sinusubukan niyang alamin kung bakit iba ang pakiramdam niya rito. Ngunit sa sandaling itinaas niya ang kaniyang ulo, nagtagpo ang mga mata nila ni Gideon. Tumigil ang ang kaniyang paghinga na para bang tumigil ang oras. Halos magkadikit na ang mukha nila dahil sa sobrang lapit nila sa isa't-isa. Ilang sentimetro na lang ang pagitan. May marahan muling nagtulak kay Yvee. Muntik na niyang makahalikan ang CEO! Mabuti na lamang at nakaiwas siya ng tingin. Napalingon siya at nakita niya si Drew, ang sekretaryo ng lalaki — matangkad, seryoso, at ramdam niya ang labis na pagprotekta nito sa boss nito. Halatang hindi lamang tungkulin ang nagtutulak sa kay Drew kung hindi dahil pinsan rin niya si Gideon at hinahangaan niya ito ng buong puso. “Anong ginagawa mo? Are you flirting with my boss?” tanong ni Drew, may bahid ng pagtataka at pang-aalalang proteksyon sa boses. Napatingin si Yvee kay Drew. Nagulat siya at agad na itinuwid ang kaniyang postura. “Hindi. Hindi ako interesado sa boss mo,” matatag niyang sagot, pilit niyang pinanatili ang kalmadong tono. Bago pa man makapagpaliwanag ng iba, napalingon si Yvee kay Gideon at muling napatingin sa batang hawak nito. Ang isip niya ay abala sa mukha ng bata. Sinusubukan niyang alamin kung ito nga ba ang nawawalang anak niya. Bahagyang napa-iling si Drew. Tila hindi siya naniniwala sa tinuran ng babae. Sa tabi niya, hawak ni Gideon ang bata. Kumunot ang noo niya nang makita niyang hindi pa rin lumalayo ang babae sa boss niya. Tila may nais pa itong makuha o malaman. “Kung hindi ka interesado, anong ginagawa mo ngayon? Bakit mo tinititigan nang gan'yan si Sir Gideon?” “Ha?” Wala sa sariling sagot ni Yvee dahil ang tanging nasa isip niya lang talaga ay makita ang mukha ng bata. Napapansin niya kasing medyo hawig ang hulma ni Atticus sa bata kahit pa sideview lang ng bata ang nakikita niya. Habang abala si Yvee sa pagtutok sa batang hawak ni Gideon, maririnig sa malayo ang bulungan-bulungan ng mga empleyado. Lumalabas sa kanilang usapan ang isang detalyeng agad na pumukaw sa pansin ni Ereena — ang kapatid ni Yvee. “Alam niyo ba? Ayaw na ayaw ni Mr. Gideon na hinahawakan o nilalapitan siya ng sinumang babae. Kapag may lumapit, inaaway o pinapahiya niya ito,” bulong ng isang empleyada sa kapwa niya. “Sigurado akong lagot ang babaeng iyan, ngayon. Siguro ay isa siya sa mga babaeng nais landiin si Mr. Revamonte. Inaakala siguro niyang magugustuhan siya nito.” Narinig iyon ni Ereena at agad siyang nakabuo ng ideya. Lumapit siya sa harap nina Yvee at Gideon, tumayo nang diretso, at ipinilit ang sarili sa pagitan ng kaniyang kapatid at ni Gideon. “Nilalandi mo ba siya, Yvangeline? Kaya ka ba nandito sa Grand Hotel?” Bumaling si Ereena kay Gideon. “Dapat mo siyang parusahan, baka i-harass ka pa niya!” sigaw niya, halatang galit at puno ng panghahamon. Tumigil si Yvee. Huminga siya nang malalim at tumitig nang matalim sa kaniyang kapatid, pero agad na bumalik ang kanyang mga mata sa batang nasa braso ni Gideon. Ang isip niya ay naguguluhan—may halo ng kaba, tensyon, at pangamba. ‘Ano ba itong nararamdaman ko?’ tanong ni Yvee sa sarili. Ngunit bago pa man siya makagawa ng galaw ay napatingin siya sa harap niya at aksidenteng nagtagpo ang labi nila ni Gideon. Nanlaki ang kaniyang mga mata at tila may kung anong kuryenteng mabilis na kumalat sa buong sistema niya. ‘Fúck! Why did we end up kissing?’Ilang sandali lamang, nakarating na sina Iya at Drew sa Revamonte Jewel House. Isa rin iyong pag-aari ng pamilya Revamonte.Napanganga si Iya. Lahat ng nakadisplay ay kumikinang.May diamond necklace, emerald sets, ruby collections, pearls at maging mga limited edition pieces."Sir, talaga po bang need pa ng mga ganito? Ang mamahal po ng mga alahas dito," bulalas ni Iya."Mas mahal ka kaysa sa mga ‘yan, Iya," tugon ni Drew na ikinagulat niya at ng sekretarya niya. “I-Ibig kong sabihin—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Hindi pa rin sila tuluyang nakakapasok sa jewel house.Tiningnan ni Drew ang screen. Isa sa mga board of directors ang tumatawag sa kaniya. Napabuntong-hininga siya."Iya.""Yes, Sir?""I have to take this call." Tumango si Iya."Habang wala ako..." Tumingin si Drew kay Iya. “Pumasok ka na sa loob at pumili ka ng mga alahas na gusto mo.”"P-Pero Sir Drew, masyado na po—”"No buts, Iya. You need to do as I say. It's writt
Mula nang mangyari ang komprontasyon nila ni Alessandra sa opisina, mas naging seryoso si Drew sa papel na ginagampanan nila ni Iyan bilang magkasintahan, hindi dahil gusto niyang lokohin ang lahat. Kailangan niya lamang maging kapani-paniwala.Alam ni Drew na hindi titigil si Alessandra at lalong hindi titigil ang kaniyang lola kaya sa mismong araw na iyon, matapos ang office hours ay nagdesisyon na siyang ipapakilala na niya si Iya bilang girlfriend niya kay Ahma.Naglakad si Drew palabas ng opisina habang sinusundan siya ni Iya."Sir... saan po tayo pupunta?"Hindi nilingon ni Drew si Iya. "As I’ve said, we will go shopping."Napakurap si Iya."Ha? Seryoso po ba talaga kayo roon?"Tumigil si Drew sa paglalakad at saka niya nilingon ang sekretarya niya. "Hindi magiging kapani-paniwala ang pagpapanggap natin kung wala kang maayos na wardrobe.""S-Sir, marami naman po akong damit.""I know." Malamig pa rin ang boses ni Drew. "But my girlfriend doesn't wear worn-out office blouses outsi
Hindi na pinigilan ng kahit sino si Alessandra nang dumiretso siya sa opisina ni Drew. Bumukas ang pinto at agad siyang sinalubong ng isang malamig at galit na tingin."What are you doing here?" diretsong tanong ni Drew.Ngumiti si Alessandra, isang kumpiyansang ngiti. "I'm here to claim what's mine." Tahimik siyang tinitigan ni Drew. Lumapit siya. "You are mine, Drew." Walang bahid ng pag-aalinlangan ang boses niya. "We are about to get married." Huminto siya at tumingin sa paligid. "At walang makakapigil noon." Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya. "Kahit pa ang bago mong girlfriend."Natahimik ang buong opisina ni Drew Revamonte matapos ang huling sinabi ni Alessandra. Para sa ibang tao, maaaring nakakatakot ang kumpiyansang dala ng babae sa harap ni Drew pero para sa kaniya, nakakatawa lamang iyon. At hindi niya napigilan ang maikling pagtawa. Isang malamig ngunit malinaw na tawa na nagpahinto kay Alessandra.Napakunot ang noo ni Alessandra. "What’s funny?"Dahan-dahang umilin
Tatlong araw lamang ang itinagal ng business trip nina Drew at Iya sa Baguio pero para kay Iya, pakiramdam niya ay may nagbago sa kaniya matapos ang mga araw na iyon. Dahil sa loob ng tatlong araw, nakilala niya ang ibang mukha ng boss niyang si Drew Revamonte.“Ang CEO ng Revamonte Group, hindi naman pala gano'n katigas ang puso niya. Marunong din naman pala siyang ngumiti, makisama, mag-alala para sa ibang tao at matapang din pala siya. He's a gentleman and he protected me many times. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kaniya? Kahit yata sinong ilagay sa posisyon ko ay ganito ang mangyayari. Ang problema ko ngayon ay ang tungkol sa kontrata. We are not allowed to fall in love pero…mahal ko na si Sir Drew. At kailangan ko nang bumalik sa realidad…”“Huy, ate! Kanina ka pang ung0t nang ung0t diyan sa harap ng salamin. Papasok ka ba sa work mo today o mag-mo-monologue ka na lang d’yan maghapon?" tanong ng kapatid ni Iya na si Izza.“Kumakanta ako, ‘no. Anong umuung0t ka riyan!" “Su
Tahimik ang buong sasakyan habang tinatahak nila ang mahabang kalsada pauwi ng Maynila. Mula Baguio hanggang pababa ng bundok ay halos walang nagsasalita kina Drew at Iya. Hindi dahil wala silang gustong sabihin kung hindi dahil pareho nilang sinusubukang intindihin ang bagong sitwasyon na kinasasangkutan nila. Isang kontrata. Isang pagpapanggap. Isang relasyong hindi dapat magkaroon ng kahit anong emosyon.Habang tahimik na nagmamaneho si Drew, hindi niya maiwasang maalala ang lahat ng nangyari sa Baguio–ang halik at ang paraan ng pagtanggap nito sa kasunduan nila. Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya. Pero isang bagay ang sigurado siya. Kailangan niya iyon. Kailangan niya ng taong kayang humarap kina Ahma at Alessandra. At sa lahat ng taong kilala niya, si Iya ang unang pumasok sa isip niya. Siguro dahil alam niyang hindi ito katulad ng ibang babae na lumalapit sa kaniya dahil sa pangalan niya. Siguro dahil kahit natatakot ito sa kaniya noong una. Hindi ito nagpangg
Matagal na nanatiling tahimik ang lugar matapos umalis si Alessandra.Hindi pa rin nagrerehistro sa utak ni Iya ang lahat ng nangyari, ang halik, ang pagdepensa ni Drew, ang paraan ng pagtayo nito sa harapan niya na para bang walang sinuman ang may karapatang saktan siya at higit sa lahat…ang sinabi nito. My girlfriend. Paulit-ulit iyong bumabalik sa isip niya.Hindi alam ni Iya kung dapat ba siyang magalit dahil ginamit siya ni Drew para itaboy ang dating fiancée nito. Hindi niya rin alam kung dapat ba siyang matuwa dahil sa unang pagkakataon, naramdaman niyang may isang taong pinili siyang ipagtanggol.Ngunit ang mas nakakainis sa lahat, hindi na maitatanggi ni Iya ang katotohanang nang halikan siya ni Drew...hindi niya ginustong umiwas."Iya."Napakurap si Iya nang marinig ang boses ng kaniyang boss. Doon lamang niya napansin na matagal na pala siyang nakatingin sa kawalan."Po?"Bahagyang napabuntong-hininga si Drew. "Are you okay?"Agad na tumango si Iya. "Opo." Ngunit pareho nil







