เข้าสู่ระบบSa kabilang dako ng hotel, hawak-hawak ni Yvee ang paper bags ng pagkain. Kakabili lang niya ng paboritong pagkain ni Atticus—chicken strips, rice, at fruit shake. Gusto niyang pag-uwi niya sa suite ay makita ang anak niyang nakangiti at gutom na gutom. Habang naglalakad si Yvee pabalik sa elevator, huminga siya nang malalim. First night nila sa bagong lugar. Sana maging maayos ang lahat. Maarte pa naman ang batang iyon. Paglapit ni Yvee sa elevator ay biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Galing ang tawag mula sa isang unknown number. Napakunot ang noo ni Yvee. “Who…?” bulong niya, pero sinagot din niya dahil baka isa iyon sa mga staff ng hotel. “Hello?” Tahimik sa kabilang linya ng ilang segundo bago may nagsalita — isang boses na hindi inaasahan ni Yvee. “Anak.” Napahinto si Yvee. Nanigas ang kamay niya sa pagkakahawak sa pagkain. “Dad...” Isang mapait at malamig na ngiti ang gumuhit sa labi ni Yvee. “Wow. Tumawag ka matapos ang ilang taon. Paano mo nakuha ang numero ko
Pagkasara ng pinto ng presidential suite ay lumingon si Drew sa kaliwa niya. Dapat ay nandoon pa si Atlas– nakatayo habang naghihintay sa tatay nito pero wala na ang bata. Kumino ang noo niya. “Atlas? Hey, kid? Where are you?” Walang batang lumapit kahit nakailang tawag na si Drew sa pangalan ni Atlas. ‘Well, hindi naman talaga sasagot si Atlas kasi hindi naman nakakapagsalita ‘yon,’ sa isip-isip niya. Lumapit si Drew sa hallway ng floor nila at sumilip. “Atlas, stop playing. Come on, kid, pagod ako. Don’t make this hard.” Tahimik pa rin. Lalong kinabahan si Drew. Naglakad siya mabilis papunta sa kabilang dulo ng hallway. Sinisilip niya ang bawat sulok — pero wala talaga. Ni hindi niya makita ang anino ng bata sa kung saang sulok. Lumapit pa siya sa utility corner kung saan may maliit na lounge area. “Atlas?!” sigaw ni Drew, mas malakas. “This is not funny anymore!” Naramdaman niya ang malamig na pawis sa batok niya. “Diyos ko… kapag nagalit si Kuya Gideon sa akin…” Alam ni Drew
Sa maluwang na hallway ng hotel ay taas-noong naglalakad si Edwin Alejado. Tuwid ang tindig niya habang nakasuksok ang isang kamay niya sa bulsa ng mamahalin niyang slacks. Kasabay niyang naglalakad ang anak niyang si Ereena. Naka-heels ito at hawak ang maliit nitong designer clutch. Parehong seryoso ang mga mukha ng mag-ama habang papunta sila sa convention hall. Sila ang nag-book doon para sa isang private party. Sa likuran nila ay may sampung bodyguards na handang protektahan sila sa oras na may magtangka sa buhay nilang dalawa. "Dad, I have some news for you," bungad ni Ereena. Medyo excited siya pero halatang may inis din sa kaniyang mukha. "Nagbalik na sa bansa si Yvee." Huminto nang bahagya si Edwin at tumingin sa anak. “Sigurado ka?” “Yes. Nakita ko siya sa mismong hotel na ito. And guess what? May dala siyang bata.” Napaikot ng mata si Ereena. “Iyon yata ang pinagbubuntis niya ilang taon na ang nakakaraan. Ang bastardong dahilan kung bakit umayaw si Mr. Ong sa kaniya at
Pagbukas ng elevator ay lumabas si Yvee habang dahan-dahang inaayos ang strap ng bag niya. Nakasimangot siya nang bahagya — halatang pagod pa siya dahil sa byahe pero kailangan niyang bumili ng pagkain para sa anak. Medyo mapili pa naman si Atticus sa pagkain kaya kailangan siya mismo ang pumili sa personal. Hindi naman siya maarte sa pagkain. Kaya hindi niya alam kung saan nagmana ng kaartehan ang anak niya. ‘Baka sa tatay niya?’ Pinilig niya ang kaniyang ulo upang iwaksi ang naiisip niya. Kasabay ng paglapag ng elevator na sinasakyan ni Yvee ay bumukas din ang isa pa sa kabilang side. Lumabas mula roon si Gideon. Naka-itim itong long sleeves at nakasuot pa rin ng malamig at seryosong ekspresyon. Halos magsabay silang humakbang palabas, pero mas mabilis na lumingon si Gideon. "Miss Alejado," tawag ni Gideon, mababa ang boses at diretso. Napahinto si Yvee at agad siyang napalingon. "Mr. Revamonte," sagot niya, kalmado pero may halong gulat. "May kailangan po ba kayo?" Huminto si G
Hindi nagpatinag si Drew. Sanay na siya sa ganoong mood ng pinsan niya. “I’m not talking nonsense, Kuya Gideon. Nakita mo mismo ang ginawa niya kanina sa lobb. Sinadya niyang mapalapit sa’yo. Tapos ngayon, ginagamit naman niya ang anak mo?” Umiling siya na tila hindi siya makapaniwala. “Kung hindi siya interesado sa’yo, kuya, ano ‘tong ginagawa niya? Imposible namang bigla na lang niyang gustong magpaka-nanay sa anak mo kung wala siyang hihinging kapalit.” Umigting ang panga ni Gideon habang nakatitig pa rin siya kay Atlas pero may sumisilip na kakaibang reaksyon sa mga mata niya. Hindi galit… kung hindi pagkalito. Nagdududa na rin siya at tila naghahanap na rin siya ng mga sagot sa mga katanungang unti-unting nabubuo sa isip niya. Sa dulo ng hallway, si Atlas ay nakatayo pa rin. Tahimik lang siya at tila may sarili siyang mundong hindi pa naiintindihan ng lahat. Simula high school pa lang si Drew, sanay na siya sa tanawin: mga babaeng pilit na lumalapit kay Gideon — iba’t ibang
Nasa sulok sina Gideon at Drew. Napansin nila ang kakaibang ikinikilos ni Atlas kanina pero nanatili silang nakaupo sa sofa. Tahimik nilang pinagmamasdan ang unit at ang hallway kung saan lumabas si Atlas. “Sir,” bulong ni Drew, halatang nag-aalala. “Kailangan natin siyang pigilan. Hindi natin alam ang iniisip niya. Baka magkamali siya o masaktan.” Umiling si Gideon habang mahigpit ang kaniyang pagtitig sa may hallway. “Hindi. Hindi natin siya pipigilan. Mas mabuting sundan na lang natin siya. Kailangan nating makita kung ano ang ginagawa niya, kung saan siya pupunta, at kung sino ang tatagpuin niya.” Tumango lang si Drew bagamat may halong pagdududa at kaba. Tahimik na sinundan nina Gideon at Drew si Atlas. Dahan-dahan at maingat silang lumalapit sa elevator. Doon, nakita nila ang eksena. Nakatayo si Atlas sa harap ng babaeng nakakuha ng atensyon ni Gideon, pagdating pa lamang nila sa hotel. Nakatingin dito si Atlas ng diretso at may isang salita lang na lumabas mula sa bibig







