LOGIN“Kung ikakasal man kayo ng apo kong si Gideon… handa ka bang tanggapin ang bata nang taos-puso?” usisa ng matanda.Napakurap si Yvee, pero hindi siya nagdalawang-isip. “I love Atlas, Mrs. Revamonte—”“Call me, grandma,” agap agad ng matanda, may bahagyang diin sa boses. “Ikaw ay magiging Mrs. Revamonte na. Mas nararapat sa’yo ang titulong iyan. Mas komportable ako kapag tatawagin mo akong grandma.”Napakagat si Yvee sa labi, saka marahang tumango. “O-opo… grandma. G-Gaya nga po ng sabi ko… mahal ko po si Atlas na parang anak ko. He is a wonderful kid. Kaya sigurado po akong kahit sino ay mamahalin siya.”Habang sinasabi ni Yvee iyon, hindi niya maiwasang maalala ang maliit na mukha ni Atlas—ang ngiti nito, ang paraan kung paano siya yakapin ng anak niya at ang paraan ng pagtawag nito sa kaniya sa tuwing kailangan nilang linlangin si Gideon. Hindi niya napigilan ang bahagyang pagngiti.Mas lalong lumambot ang ekspresyon ng matanda. “Yeah… Atlas is a wonderful kid,” pagsang-ayon niya,
Napatingin agad si Yvee kay Gideon. Hindi niya mapigilang maghanap ng kahit kaunting tulong sa mga mata nito. Kahit isang senyas man lang na okay lang, o kaya ay babawiin siya mula sa sitwasyon. Pero ang nakuha lang niya ay isang mahinang tango.‘Talaga? ‘Yon na ‘yon?’ Napangiwi si Yvee sa loob-loob niya, pero mabilis niyang inayos ang mukha niya bago pa mahalata ng matanda ang sobrang kaba niya. Huminga siya nang malalim. ‘Sige… kaya mo ‘to, Yvee.’Dahan-dahang lumapit si Yvee sa kama. Sa bawat hakbang niya, parang may kung anong kumakabog sa dibdib niya—mabilis, malakas, halos marinig na niya. Paglapit niya, roon niya tuluyang nasilayan ang matriarka. Matanda na ito pero matalas pa rin ang mga mata. Parang kayang basahin ang kahit anong itago mo.‘Tinitingnan niya ako… sobra.’ Hindi makagalaw si Yvee. Hindi siya makaiwas sa mga titig ng matanda. Maya-maya, biglang ngumiti ang matriyarka.“Mas maganda ka kaysa sa inaasahan ko.”Nagulat si Yvee. Hindi niya inaasahan ‘yon. “A-Ah… hind
Hindi agad nakasagot si Yvee. Nakatitig lang siya sa may pintuan ng silid. Para bang sa kabilang side ng pinto ay may bagay na hindi niya alam kung paano niya haharapin.Matriarka ng mga Revamonte…Hindi naman kabilang si Yvee sa pamilya nila. Kahit pa sabihin ni Gideon na fiancee siya nito, pakiramdam pa rin niya ay parang nakikisiksik lang siya sa mundong hindi naman para sa kaniya. Oo, siya ang ina ng kambal… pero para sa kaniya ay wala iyong koneksyon sa mga Revamonte. Gulong-gulo na ang isipan niya. Namamawis na ang noo ni Yvee at panay ang kagat niya sa pang-ibabang labi niya. Napansin ni Gideon ang pag-aalinlangan niya kaya bahagya itong lumapit sa kaniya.“Relax,” mahinang sabi ni Gideon. “Hindi ka naman kakainin ni grandma.”Napatingin si Yvee kay Gideon. “Hindi iyon ang iniisip ko.”“Then what?”Sandaling natahimik si Yvee bago siya sumagot. “Hindi ko lang maintindihan kung bakit gusto niya akong makita.”Hindi agad nagsalita si Gideon. Bahagya siyang napangiti. “Matagal ka
Nanatiling nakatayo sa gitna ng boutique si Ereena. Mahigpit na nakakuyom ang mga kamay niya. Kung gising na ang matriarka ng mga Revamonte ay siguradong dadalo ito sa gaganaping ball sa susunod na linggo. And she will make sure na mapapahiya niya si Yvee sa araw na iyon. Na siya ang magiging better option bilang Mrs. Revamonte—ang magiging katipan ni Gideon at hindi ang half-sister niya. She's more deserving than Yvee. Para sa kaniya, mas karapat-dapat siyang maging isang Revamonte dahil puro pa siya, wala siyang anak na bastardo at higit sa lahat, mas matino siya kaysa sa kapatid niya.‘Magpakasaya ka lang ngayon, Yvee. Tandaan mo, lahat ng mga natatamasa mo ngayon ay may hangganan. And I will make sure of that!’ sigaw ng isip ni Ereena habang titig na titig pa rin sa papalayong si Yvee.Paglabas ni Yvee ng boutique ay agad siyang pumara ng taxi sa gilid ng kalsada. Hindi naman siya nahirapan. Ilang segundo pa lang ay may tumigil nang dilaw na taxi sa harap niya.“Miss, saan po?” ta
Akmang sasagot si Yvee sa susunod na sasabihin ni Ereena nang biglang tumunog ang cellphone niya.Sandaling naputol ang tensyon sa pagitan ng magkapatid. Napatingin si Yvee sa screen ng phone at bahagyang natigilan siya nang makita ang pangalan sa caller ID.Gideon.Hindi iyon nakaligtas sa mata ni Ereena. Bahagyang naningkit ang mga mata niya habang sinusundan ang galaw ni Yvee. ‘Why is he calling her? Talaga bang sigurado na si Mr. Revamonte sa babaeng ‘to? Wala ba siyang taste?’Samantala si Yvee naman ay hindi na nagsalita pa. Inangat niya ang cellphpone at sinagot ang tawag. “Hello?”Sa kabilang linya ay agad na narinig ni Yvee ang pamilyar na boses ni Gideon. “Yvee.”Bahagyang gumaan ang mukha ni Yvee. “Gideon? May nangyari ba? Bakit ka napatawag?”May bahagyang ingay sa background, parang tunog ng aircon at mga apparatus. Pagkatapos ay nagsalita muli si Gideon. “I called because I want to share news with you,” saglit siyang natahimik. “Nanlaki ang mga mata ni Yvee. “Ano iyon
Bahagyang naningkit ang mga mata ni Ereena. “Don’t be ridiculous.” Lumapit siya nang kaunti kay Yvee. “Hindi dahil bankrupt ang kumpanya namin ay wala na akong pera,” matigas niyang sabi. Tumikhim siya bago muling nagsalita. “At isa pa—” Tumaas ang baba niya habang nakatingin siya kay Yvee. “Ako ang magiging heiress ng pamilya namin.” Sandali siyang huminto bago may idinagdag— “Hindi ikaw.”Bahagyang natahimik si Yvee pero sa halip na masaktan siya ay bahagya lang siyang ngumiti. Parang may naalala siyang nakakatawa. Bahagya ulit siyang ngumisi. Hindi iyong ngising galit o mapanlait. Parang napatawa lang siya sa sinabi ni Ereena.Lalong kumunot ang noo ni Ereena. “Anong nakakatawa?” matigas niyang tanong.Dahan-dahang ibinalik ni Yvee ang tingin niya sa necklace na hawak ng sales lady. Kumikislap ang maliit na diamond pendant sa ilalim ng ilaw. “Wala naman,” sagot niya nang kalmado. “Napansin ko lang… parang lagi kang galit kapag nakikita mo ako.”“Because you deserve it,” mabilis na
Nang makarating si Yvee sa suite nila ay agad siyang pumasok sa loob. Nadatnan niya ang anak niyang nakaupo sa salas at hinihintay siya. Mabils siyang humakbang at niyakap ang anak niya. “Atticus!” mangiyak-ngiyak na sambit ni Yvee. Mabilis siyang bumitiw sa pagkakayakap sa anak niya at sinuri ang
Biglang tumaas ang kilay ni Rania. “Are you insane? We’re in the city at ang amo ko ay si Mr. Gideon mismo. Kaya anong pinagsasabi mo? Masyado kang pakialamera.”“Let me see the kid,” mariing giit ni Yvee habang sinusubukan niyang itulak ang babae para makapasok.Pero mabilis ding itinulak ng babae
Kumurap si Atticus, parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Sa harap niya ay isang batang kamukhang-kamukha niya. Sa ilang taon niyang nabubuhay, hindi kailanman naging malinaw sa kaniya kung ano talaga ang hitsura ng kapatid niya. Masyado pa itong bata nang mawalay ito sa kanila at gano’n
Hindi nakapagpigil si Yvee. Umigkas muli ang kamay niya at malakas na sinampal ang matandang babae. Matagal na siyang nagpipigil sa mga ito bilang respeto sa ama niya. Pero ubos na ubos na ang respetong mayroon siya sa ama niya. “Kahit ilang beses pa kayong ikasal ng daddy ko, nakaukit pa rin sa b







