Mag-log inDanas din naman ni Yvee ang pagiging mayaman. Mula naman sa mayamang angkan ang pamilya niya lalo na ang mommy niya. But her mother didn’t spoil her rotten at ang karangyaang tinamasa niya ay nawala nang pumanaw ang ina niya. Hindi pa man siya nakaka-move on, nandito na naman ang panibagong eksena. Dahan-dahang lumapit si Yvee sa mesa at tiningnan ang laman ng maleta. Sa malapitan, mas lalo niyang nakita kung gaano kaayos ang bawat piraso. Hindi lang basta maganda ang mga iyon, parang bawat isa ay pinag-isipan. Ang gaganda at halatang mahal. “Okay…” bulong ni Yvee, parang kinakausap ang sarili. “Pipili ako ng… simple lang.” Simple. Iyon lang ang kaya niyang i-handle. Inabot ni Yvee ang isang set—’yong hindi agad sumisigaw ng pansin. Isang manipis na gold necklace, may maliit na diamond pendant. Hindi iyon malaki at hindi rin sobrang kintab kung hindi mo tititigan. “Siguro ito na lang,” sabi ni Yvee, medyo alangan pa rin. Agad na ngumiti ang alahera. Natuwa siya sa napili ni Yvee.
Diretsong lumapit ang bagong dating na babae kay Yvee at ngumiti. “Good morning po, ma’am.”Napakurap si Yvee, medyo natigilan. “G-Good morning…”Ipinatong ng babae ang maleta sa mesa, saka iyon dahan-dahang binuksan. At sa sandaling bumukas iyon ay parang sumilaw ang laman noon sa buong sala.Nanlaki ang mga mata ni Yvee. Sa loob ng maleta ay may mga alahas. Hindi simpleng alahas—kumikislap ang bawat isa sa tama ng ilaw. May mga kuwintas na may malalaking bato, hikaw na parang pang-artista, at pulseras na halatang hindi makikita sa kahit anong ordinaryong tindahan. May brilyante. May ginto. At bawat disenyo… ay naghuhumiyaw ng karangyaan. At mukhang mas mahal pa ang mga iyon sa buhay niya.Napaatras si Yvee nang kaunti, parang natakot humawak. “Hala—” mahina niyang nasabi.Lumapit ang babae, kalmado lang, parang sanay na sa ganoong reaksyon. “Please choose a set for the ball.”Parang hindi agad nag-register sa utak ni Yvee ang s
Sa gitna ng sala, lumakad si Drew na parang siya ang may hawak ng sitwasyon. Huminto siya, saka pumalakpak nang mahina, sapat lang para makuha ang atensyon ng lahat.“Okay. Let’s start,” anunsyo ni Drew.Parang may kung anong kumirot sa tiyan ni Yvee. Ganito ba talaga ang mangyayari? Wala man lang tanong kung okay lang sa kaniya o hindi? Lumapit ang isa sa mga babae—ang mukhang pinaka-head sa kanila—hawak ang measuring tape. Maayos ang postura nito, sanay na sanay sa ganitong trabaho.“Good morning po,” magalang na bati ng babae.Bahagyang napangiti si Yvee, kahit medyo alangan pa rin ang pakiramdam niya. “Good morning.”“P’wede po ba kayong tumayo rito?” mahinahong tanong ng babae sabay turo sa gitna ng sala.Napatingin si Yvee sa tinuturo ng babae saka sa paligid—kay Drew na nakatingin lang, kay Rechelle na halatang curious, at sa dalawang kasama ng mananahi na nakaabang na rin. Wala na siyang lusot. “Sige…” mahina niyang sagot, saka dahan-dahang lumakad papunta sa gitna.Pagkaharap
Maagang nagising si Yvee at nag-order agad siya ng agahan nilang mag-ina, pati na rin si Rechelle. Maaga niya itong pinapunta sa hotel para magtanong-tanong ng mga update sa negosyo niya. Sa maliit na dining table sa sala, magkatapat na nakaupo sina Yvee, Rechelle, at Atlas. May nakahain na simpleng almusal—tinapay, itlog, bacon, at mainit na kape para sa kanilang matatanda at gatas naman kay Atlas. Tahimik na kumakain si Atlas habang nakatutok sa plato niya. Si Rechelle naman ay paminsan-minsang sumusulyap sa bata habang umiinom ng kape. “Atlas, ubusin mo ‘yan ha,” sabi ni Yvee habang hinihiwa niya ang tinapay.“Opo, mommy,” sagot ng bata.Bumaling si Yvee kay Rechelle. “Kumusta naman ang mga pinapagawa ko sa iyo, Rechelle?”“Ayos na po, ma’am. Wala na po kayong dapat ipag-alala. Iyong titulo ng binili niyong lupain ay nailipat na rin po sa pangalan niyo. At kung patungkol naman sa—” “Sandali,” natatawang pigil ni Yvee. Namilog ang mata ni Rechelle. “Po?” “Hinay-hinay lang, Rec
“Hello?” Sa kabilang linya ay narinig agad ni Yvee ang boses ni Gideon. “Did you arrive already?”“Hmm,” sagot ni Yvee. “Mga thirty minutes ago.”“Good.” Saglit na natahimik si Gideon bago nagsalita ulit. “Why didn’t you text me?”Napataas ang kilay ni Yvee. “Required ba?”“Of course.”Napangiti si Yvee. “Bakit?”“Because I told you to.”“Ahh… boss ka ba?” pabirong wika ni Yvee.“Not totally a boss,” sagot ni Gideon. “I’m your fiancé, Miss Yvangeline.”Napailing si Yvee. “Ang kulit mo.”Natahimik sandali sa kabilang linya. Pagkatapos ay nagsalita ulit si Gideon. “What are you doing now?”“Nakaupo ako ngayon. I'm currently indulging myself with me time bago ka tumawag.”“So naistorbo ba kita?”Yvee chuckled. “Hmm… paano kung sabihin kong oo?”May kakaibang lambing sa boses ni Gideon. “Well, I am sorry pero hindi ako nakatiis at tumawag ako sa iyo. I was worried I didn’t receive any message from you.”Bahagyang uminit ang pisngi ni Yvee pero hindi niya iyon pinahalata. “Baka nakakali
Pagdating ng taxi sa harap ng hotel ni Yvee, agad siyang bumaba at nagbayad. Iilang ilaw na lang ang bukas sa lobby at halos wala nang taong dumadaan.Pagkapasok ni Yvee sa unit, agad niyang hinubad ang kaniyang sapatos at inilapag ang kaniyang bag sa mesa. Tahimik ang sala pero maya-maya ay may narinig siyang boses mula sa loob.“Atticus!”Napalingon si Yvee sa direksyon ng kuwarto. Lumapit siya at bahagyang itinulak ang pinto. Nakita niya si Atlas na nakaupo sa kama, hawak nito ang iPad. Sa screen ay makikita ang mukha ni Atticus.Napangiti si Yvee. “Ah, anong pinag-uusapan niyong dalawa at naririnig ko mula sa labas ang boses niyo? ” tanong niya habang lumalapit.“Mommy!” masayang sabi ni Atlas.Napatingin si Atticus mula sa screen. “Hi, mommy.”Lumapit si Yvee at umupo sa gilid ng kama, saka niya hinaplos ang buhok ni Atlas. “Kumusta kayo?” tanong niya.“Okay lang po ako. Nagbasa at nag play po kami ni Ate Rechelle, at ngayon kausap ko po ang kakambal ko,” sagot ni Atlas.Tumingin
Nang makarating si Yvee sa suite nila ay agad siyang pumasok sa loob. Nadatnan niya ang anak niyang nakaupo sa salas at hinihintay siya. Mabils siyang humakbang at niyakap ang anak niya. “Atticus!” mangiyak-ngiyak na sambit ni Yvee. Mabilis siyang bumitiw sa pagkakayakap sa anak niya at sinuri ang
Biglang tumaas ang kilay ni Rania. “Are you insane? We’re in the city at ang amo ko ay si Mr. Gideon mismo. Kaya anong pinagsasabi mo? Masyado kang pakialamera.”“Let me see the kid,” mariing giit ni Yvee habang sinusubukan niyang itulak ang babae para makapasok.Pero mabilis ding itinulak ng babae
Kumurap si Atticus, parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Sa harap niya ay isang batang kamukhang-kamukha niya. Sa ilang taon niyang nabubuhay, hindi kailanman naging malinaw sa kaniya kung ano talaga ang hitsura ng kapatid niya. Masyado pa itong bata nang mawalay ito sa kanila at gano’n
Hindi nakapagpigil si Yvee. Umigkas muli ang kamay niya at malakas na sinampal ang matandang babae. Matagal na siyang nagpipigil sa mga ito bilang respeto sa ama niya. Pero ubos na ubos na ang respetong mayroon siya sa ama niya. “Kahit ilang beses pa kayong ikasal ng daddy ko, nakaukit pa rin sa b







