FAZER LOGINNoong unang beses na nakita ni Atticus ang mga suit ni Atlas ay nais niyang magkaroon dij ng ganoon. Gusto niyang magkapareho sila ng susuotin ng kakambal niya at ng daddy nila, kaya nang tumanggi ang mga ito ay napakasakit para sa mumunti niyang puso. Pero ngayon… Nasa kamay na niya ang isa. “Magugustuhan niya po ito,” mahina niyang sabi.Napatingin si Gideon sa kaniyang anak na si Atticus. “Sigurado ka?”Hindi agad sumagot si Atticus. Hawak pa rin niya ang maliit na suit habang nakatayo siya sa gitna ng sala. Pakiramdam niya ay parang may mainit na gumugulong sa loob ng dibdib niya.‘Magiging magkapatid kayo.’ Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya ang sinabi ng ama niyang si Gideon. ‘Ibig sabihin… kung pakakasalan ni daddy si mommy… magiging pamilya na kami? Magiging buo na ang pamilya naming apat?’ Napatingin siya sa kaniyang ama. Ang mga mata niya ay bahagyang kumikislap sa tuwa na hindi niya kayang itago.“Then we will have matching stuffs?” tanong ni Atticus, halos hindi mai
Pagpasok nila sa loob ng mansyon, agad napansin ni Gideon ang pamilyar na lalaking nakaupo sa sala, si Drew—ang pinsan niya. May nakapatong na malaking kahon sa mesa sa harap nito.Nagkatinginan sina Drew at Gideon.Bahagyang sumeryoso ang mukha ni Gideon habang nakatitig siya kay Drew. Samantalang si Drew naman ay agad na tumayo, parang bigla itong naalimpungatan mula sa pag-upo.“Ah—” mabilis na sabi ni Drew habang inaabot niya ang kahon kay Gideon. “Kadarating ko lang, kuya.” Binuhat niya ang kahon at itinapat dito. “Galing ito sa tailor. Nakuha ko na ang suit na ipinagawa mo ulit.”Napatingin si Gideon sa kahon bago niya iyon tinanggap. “Ang bilis naman.”“Pinamadali ko na,” sagot ni Drew. “Para siguradong aabot.”Tahimik na nakikinig si Atticus habang nakatayo siya sa gilid. Hawak pa rin niya ang strap ng maliit niyang bag. Pero nang marinig niya ang salitang suit, bahagyang nalukot ang mukha niya. Parang may kung anong bumalik na alaala sa kaniya–’yong araw na nagtanong siya kun
Parang may kung anong humigpit sa dibdib ni Yvee. Napatingin siya nang matagal sa simpleng drawing sa papel. Apat na maliit na stick figure lang iyon at isang bahay na mukhang kubo lang na iginuhit ng bata. Pero sa simpleng guhit na iyon ay malinaw kung ano ang gustong ipakita ni Atlas. Isang pamilya.Hindi agad nakapagsalita si Yvee. May kung anong bumalik na ala-ala sa kaniya. Naaalala niya ang sarili niya noong bata pa siya. Nakaupo sa sulok ng lumang bahay nila, may hawak ding papel at krayola. Ganitong-ganito rin ang iginuhit niya noon—isang bahay, isang nanay, isang tatay, at isang bata sa gitna. It was her wishful thinking… Pero sa drawing lang iyon nangyari. Sa totoong buhay ay hindi iyon nabuo. Nang pumanaw ang ina niya ay hindi na niya naranasan pang magkaroon ng buong pamilya. At ngayon ay hindi rin niya naibigay sa mga anak niya ang isang buong pamilya.Napakurap si Yvee at pilit na ibinalik ang atensyon sa kaniyang anak.Samantala, masayang nakatingin si Atlas sa drawing
Diretso ang lakad ni Atlas, parang sanay na sanay na sa lugar. Pumasok siya sa lobby, dumaan sa elevator, at umakyat sa palapag kung nasaan ang kuwarto ng Mommy Yvee niya at ni Atticus. Pagkabukas ng elevator ay agad siyang naglakad sa hallway.Huminto si Atlas sa harap ng pinto ng kuwarto, pagkatapos ay kinuha niya ang bag niya at hinanap ang susi roon. Saka niya binuksan ang pinto. Bumungad sa kaniya ang maliit na unit. Mas malaki pa yata ang banyo niya sa mansyon kaysa sa silid na iyon. Ngunit kahit ganoon ay mas ramdam niya ang init at pagmamahal sa loob ng mismong kuwarto na iyon. Iyon ang silid kung saan namamalagi ang kaniyang kakambal at ina.Tahimik ang hallway ng hotel habang naglalakad si Yvee pabalik sa unit niya. Hawak niya ang bag sa dibdib niya at mabagal ang mga hakbang niya habang abala ang isip niya sa kung anu-ano.Hindi mapakali si Yvee. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari sa sementeryo. Napabuntong-hininga siya. ‘Nasaan na kaya si Atlas ngayon?’ Iy
Nakatigil ang itim na kotse sa gilid ng kalsada, hindi kalayuan sa hotel. Sa likurang upuan ay magkatabi sina Drew at Atlas. Nakaupo si Atlas na nakatingin sa harap, hawak ang iPad niya. Ilang saglit silang parehong hindi nagsalita. Pagkatapos ay napabuntong-hininga si Drew at bumaling sa bata.“Alam mo ba kung gaano kalaki ang ginawa mong tulong ngayon?” tanong ni Drew. Napalingon sa kaniya si Atlas. “‘Yong pakikipagpalit mo ng katauhan kay Atticus ngayon,” dugtong niya. “Malaking bagay iyon. Isa pa, gusto mong mabuo ang pamilya ninyo, hindi ba?”Tahimik lang na nakikinig si Atlas.“Hindi ba at matagal mo nang pangarap na mabuo ang pamilya ninyo? Kaya makipag-cooperate ka muna sa amin ngayon. Tumawag ka kapag may kailangan ka, lalo na kung may nararamdaman ka,” paalala pa ni Drew. Napayuko sandali ang bata habang pinaglalaruan ang iPad na hawak niya. “I know. But make sure, daddy will do his best to make it up to Atticus,” mahina niyang sabi.Bahagyang ngumiti si Drew at ginulo ang
“May sasakyan ka bang dala?” tanong ni Gideon. “Ipapahatid kita sa driver ko.”Umiling si Yvee. “Hindi na. Kaya ko namang mag-commute.” Pagkatapos ay bumaling siya kay Atticus. “A—” Hindi pa man siya nakakapagsalita ay biglang yumakap ang bata sa kaniya.“Tita Pretty, we will go home na!” masiglang sabi ni Atticus.Napakurap si Yvee.“Don’t worry about me tita, take care!” dagdag ng bata bago niya biglang niyakap ang kaniyang ina.Nagulat si Yvee pero agad din niyang niyakap pabalik ang bata. “Mag-ingat ka,” mahina niyang sabi habang hinahaplos ang buhok nito. “At huwag ka nang basta-basta tumakas, okay?”Gustong matawa ni Yvee nang sandaling iyon. Napakagaling na aktor ng anak niya. Mukhang paglaki ni Atticus ay malaki ang tsansang maging aktor ito.Bahagyang tumango si Atticus habang nakayakap pa rin sa kaniyang ina.Sa likod nila ay tahimik lang na nakatingin si Gideon. May kakaibang ekspresyon sa mukha niya habang pinagmamasdan niya ang dalawa.Maya-maya ay kumalas si Atticus sa y
Akmang lalapit na ang dalawang babae nang biglang sunggaban ni Atticus ang mga nasa mesa. Isa-isang lumipad ang mga libro, papel, at kung anumang mahawakan niya.Nagkagulo ang loob ng suite.Nang maubos na ang maiibato ni Atticus ay tumakbo siya palayo. Paikot-ikot sila sa bawat sulok ng kwarto, bu
Napatingin sina Yvee at Gideon sa itinuturo ng bata.“Sige na po, daddy?” malambing na tanong muli ni Atticus sa kaniyang ama.Bumuntong hininga si Gideon. “Why would you want that?”Ngumuso si Atticus. “I want to remember this dady, daddy. This is my first o-outing with a friend!”Itinuro ni Attic
Nakatayo si Gideon sa harapan ng suite ni Yvee. Palakad-lakad pa siya. Hindi niya alam kung kakatok na ba siya o magrereply muna siya sa text o tatawagan niya ang numero nito. Natauhan na lang kasi siya nang nasa mismong tapat na siya ng pinto ng suite nito.Napahilamos sa mukha si Gideon. “Bakit b
Nang makarating si Yvee sa suite nila ay agad siyang pumasok sa loob. Nadatnan niya ang anak niyang nakaupo sa salas at hinihintay siya. Mabils siyang humakbang at niyakap ang anak niya. “Atticus!” mangiyak-ngiyak na sambit ni Yvee. Mabilis siyang bumitiw sa pagkakayakap sa anak niya at sinuri ang







