Share

Chapter 43

Nang hinimatay si Marion dahil sa kalasingan, si Seojun na ang nagbayad ng mga kinain nila bago sila umalis. Si Eclaire na ang nagdala ng shoulder bag ni Marion habang binubuhat niya si Marion sa kaniyang likuran. Mabuti na lang at nakasuot ito ng maong na pantalon kaya pwede niya itong buhatin nang hindi nakikita ang kaluluwa ni Marion. Naka-krus ang mga braso ng dalaga sa leeg ni Seojun na para bang yumayakap lang sa unan.

“Dad… Ako lang ba? Pero sobrang saya ngayong araw…” bulong ni Eclaire.

Naglalakad silang tatlo pabalik sa parking lot ng mall na pinuntahan nila kanina. Doon kasi naka-park ang kotse ng dalaga. Sinadya naman ni Seojun na dalawang shot lang ng soju ang inumin dahil kailangan niyang magmaneho. Hindi nga lang niya inaasahan na makaka-limang bote ng beer at tatlong bote ng soju si Marion. Masyado siyang natuwa sa kwentuhan nila ni Mrs.Han kaya hindi na niya napansin na marami na itong nainom.

“Mabuti naman. Alam mo… Naiintindihan kita. Sobr
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status