Inilagay ni Marion ang mga kamay niya sa kaniyang likuran upang itago ang pagkuyom ng kamao niya. Gusto sana niyang sabihin sa matanda ang lahat ng iniisip niya – Siya ang nag-iisang tagapagmana ng may-ari ng FD Bank, ang pinakamalaking bangko sa Pilipinas. Nasa bilyong dolyar ang estimated net worth ng kaniyang ama. At kung tutuusin, pwede siyang umayaw sa nauna nilang deal nang hindi aalma ang kaniyang ama kahit gumastos siya ng ilang milyong korean won para lang sa gusto niya. Ngumiti na lang siya at itinago ang kung ano mang isinisigaw ng utak niya. “Wala po akong magagawa. Kailangan kong gawin ang lahat para matanggap niyo ko.” “Eomma… Tama na po iyan. Ang mabuti pa, kumain na tayo. Si Marion nga ang nagluto ng ulam namin ngayon, e. Nagustuhan kasi ng apo niyo ‘yong… Ano nga bang tawag dito?” “H-halabos na hipon… Love.” Napahinto sa pagkilos si Seojun at napatingin sa kaniya. Ramdam niya ang pamumula ng kaniyang mukha dahil sa sinabi niya.
“Bakit? Kakaiba ba iyon?” ganting tanong ni Seojun. “A… Hindi. Hindi naman. Sige, ikaw ang bahala.” Pilit na ngumiti ang dalaga upang hindi siya mapahiya. Palagi kasing mga kung ano-ano lang ang kinakain nila noon. Nakakatikim nga lang sila noon ng fried chicken kapag pinapauwi ni Mrs.Han sa kaniya noon ang mga pagkain na hindi nila nabenta sa araw na iyon. Noodles o kimbap ang kadalasan na laman tiyan nila kaya kung makatikim man sila ng pizza, na malamang ay ibinigay lang sa kaniya, nilalahukan lang nila iyon ng pagkain. Mahal ang matrikula sa paaralan ni Eclaire. Pero dahil sa pagtitipid at pagsusumikap nilang mag-ina, nairaraos nila iyon. Gusto niya na kahit paano, makatapos sa magandang eskuwelahan ang kaniyang anak. Iyon lang kasi ang pwede niyang maipamana sa kaniyang nag-iisang dalagita. “Ang mabuti pa… Bumili na rin tayo ng fried chicken. Gutom na gutom ako ngayon, parang hindi uubra ‘yong pizza lang sa ‘kin,” suhestyon ni Olivia. Kung tutuusin, mar
“Dahil gwapo ka…” diretsang sagot ni Marion. “Ano ba… ‘Yong totoo nga, Marion…” pangungulit nito. Huminga siya nang malalim nang maalala niya ang una nilang pagkikita. Oo. Gusto niya ang pisikal na itsura ni Seojun pero… Habang nilalait ito ng dati nitong kaklase, tila lalong nawala ang buhay sa mga mata ng binata. Para bang normal na lang para rito ang patayin ang emosyon nito para lang makaraos sa ganoong sitwasyon. Hindi niya alam pero… Pakiramdam niya, kailangan niyang tulungan ang binata. Gusto niyang tumayo no’ng mga oras na iyon at sungalngalin ng pritong manok sa bunganga ang lalaking iyon pero dahil sa insidente na nangyari, ‘yong dalawang security men na lang ang gumawa ng gusto niya. “Ewan… Hindi ko rin alam…” Atraksiyon man ang tawag doon, o instinct ng tao na protektahan ang kapwa niya, o gusto lang sabihin ng universe sa kaniya na hindi naman talaga siya manhid sa paghihirap ng ibang tao… Gusto niyang tulungan si Seojun. “Bakit? Hindi ka ba naniniwal
December 3, 2021. Araw ng byernes, at ang huling araw bago ang mismong kasal. Dahil nasaktuhan na may exams sina Eclaire at Hae won sa tatlong subject na pang-umaga, hapon na nang umalis sila sa Seoul papunta sa Incheon. Dalawang linggo na lang bago ang winter break kaya abala ang mga ito ngunit pinilit pa rin ng mga ito na sumama sa magiging kasal. Nag-adjust ng schedule sina Andrew at Olivia dahil na rin sa utos ni Marion. “Sigurado ba kayong wala kayong nakalimutan?” tanong ni Seojun. “Opo. Ayos na ang lahat. Saka sabi ni Miss Olivia, sila na raw po ang magdadala ng mga gagamitin naming damit kaya wala naman po kaming masyadong kailangang dalhin.” Si Hae won ang sumagot sa tanong niya. “Grabe… Ganito pala ang pakiramdam kapag nakasakay sa limousine…” “Nanlalamig nga ‘yong mga kamay ko, baka mamaya, may bigla akong masira dito sa loob. Hindi ko kayang palitan,” segunda ni Eclaire. Kasalukuyan silang magkakaharap sa likurang parte ng limousine na nirentahan
Gusto sana niyang sabihin na huwag itong mangamba. Pero alam ni Marion sa kaniyang sarili kung gaano ka-judgemental ang kaniyang ama. Siguradong unang kita pa lamang nito sa binata, iisipin kaagad ng Daddy niya na nagustuhan lang niya si Seojun dahil sa panlabas nitong anyo. Totoo naman iyon pero… Napipikon siya kapag naisip niyang baka asarin siya nito. Kaya ngayon pa lang, gusto na niyang magkaroon ng ideya si Seojun kung anong klase ito ng tao. “W-wala namang problema sa ‘kin iyon…” Tumawa nang bahagya ang binata at bahagyang umusod palayo. “Alam ko naman kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Saka huwag kang mag-alala, hindi ako mag-iisip ng kung ano-ano… Alam kong ginagawa mo lang ang lahat ng kaya mo para naman kahit paano, maging pantay ang tayo natin sa mata ng iba…” Hindi tuloy niya alam ang dapat maramdaman sa reaksyon nito… Na para bang imposible na mahalin siya nito nang higit pa sa isang kaibigan. Tiningnan na lang tuloy niya ang kaniyang sariling repleksyon… P
Ipinikit na ni Marion ang mga mata nito nang masigurong maayos na ang pagkakahiga niya. Si Seojun naman ngayon ang hindi makatulog. Kahit anong sikap niya na pumikit at magbilang ng mga tupa, hindi siya dinadalaw ng antok. Panay pa ang biling ng dalaga kaya palaging napupunta rito ang kaniyang atensyon. Malikot ito at halatang hindi sanay sa masikip na higaan nito. Bahagya lang itong huminto nang yakapin nito ang unan na dapat nitong gamitin para sa ulo nito. “Okay ka lang? Gusto mo ba ng dagdag na unan?” bulong niya. Ilang segundo pa ang pinalampas niya ngunit wala siyang nakuhang reaksyon mula kay Marion. Tumalikod na lang siya at humarap sa may pinto. Muli niyang ipinikit ang kaniyang kama habang inaalis ang lahat ng kaniyang iniisip. Dahil na rin siguro nasa bangka sila at nakadaong malapit sa aplaya ng Deokjeokdo island, hindi masyadong maalon, tila hinehele lang siya hanggang sa tuluyan siyang antukin. Hindi alam ni Seojun kung anong oras na. Pero nang magtan
Tulog pa ang kaluluwa ni Marion nang gisingin ito ni Olivia. Pupungas-pungas pa siya at nagsisimulang mag-inat nang mapansin ang dalawang babaeng stylist na nakatayo sa kaniyang paanan. Kaagad niyang hinanap ang pamilyar na mukha na inaakala niyang makikita niya paggising ngunit wala na ito. Pero ang ipinagtataka niya, paano siya napunta sa foam na nakalatag lang sa sahig samantalang natulog siya sa double deck. “Miss Marion, I’m sorry po pero kailangan na nating magsimula sa pag-aayos sa inyo. Nagdala na rin ako ng hot cappucino para magising ang diwa niyo,” untag ni Olivia. May hawak nga itong mainit na kape na nakalagay sa paper cup. “Anong oras na ba?” Wala pa siya sa tamang huwisyo kaya iginala na muna niya ang kaniyang paningin. Napansin niyang nakasabit pa ang kumot niya sa kamq kaya halatang nahulog siya sa kamang iyon habang natutulog. Gusto sana niyang itanong kung nasaan si Seojun pero naunahan siya ng hiya. Nakabulagta pa siya sa kama bago dumating ang mga ito
Ibinigay ni Seojun ang tseke sa mga kamay ni Marion nang maghiwalay sila. Nawala na ang pamumula ng mga mata nito na tila maluluha na kanina. Kahit paano, nawala na rin ang mga agam-agam sa kaniyang isipan. Ang importante, maging maayos ang pagsasama nilang dalawa hanggang sa piliin nito na iwan siya… “Teka, nagugutom ka na nga pala, ‘no? Anong gusto mong kainin?” pag-iiba niya ng topic habang inaalis ang mga nakaharang na hibla ng buhok sa mukha ni Marion. “A… Oo nga.” Ngumiti si Marion at bahagyang pinunasan ang mga pisngi nito. “Hinahanap na siguro tayo ng mga bisita natin. Ang mabuti pa… Bumalik na tayo sa loob ng tent.” “Sige…” Inilahad niya ang kaniyang kamay. Napansin kasi niyang nahihirapan na si Marion sa paglalakad sa malambot na buhangin habang nakasuot ito ng wedding gown na limang dipa ang haba ng trahe. Lumuwang ang ngiti ni Marion at hinawakan ang kaniyang kamay. Sabay na silang naglakad habang kumakaway sa mga bisitang tumatawag sa kanila.