Pagkatapos nilang pumunta sa salon, dumiretso naman sina Marion sa isang malaking department store. Ramdam kaagad nila ang VIP treatment nang papuntahin sila sa malaking showroom at doon inilabas ang mga damit na pwede nilang pagpilian. Wala siyang masyadong alam sa mga designer brands dahil si Emily ang pumipili ng mga susuotin niya. Sa huli, tila pumunta lang silang mag-asawa roon para mag-miryenda. “Hindi ba parang… sobrang dami naman yata ng mga binibili ni Emily?” bulong ni Seojun. Bahagya niyang inilapit pa ang kaniyang ulo upang sumagot. “Ganiyan talaga iyan. Sabi ko nga sa kaniya, kahit limang set na lang ang bilhin niya ngayon dahil ang daming stock sa closet. Iisa lang naman ang katawan ko kaya hindi ko maisusuot lahat iyan.” “Bakit pati mga suit at iba pang panlalaking damit, siya rin ang pumipili?” Hindi lang nito masabi nang diretsa na kung nasa bahay lang ito, mas kumportable ito na naka-sweater at pajama lang. Ganoon lang naman kasi ang suot nila
Pakiramdam ni Seojun, masyadong kaswal ang relasyon nilang mag-asawa. Paminsan-minsan, nagagawa niya itong halikan sa noo o hawakan ito sa kamay. Pero bukod doon, wala na. Alam naman niyang mas marami ang ginagawa ni Marion kaysa sa kaniya. Nagbibigay din ito ng oras kay Eclaire at EJ kaya kung sakali man na mauna itong matulog, hindi na siya nagrereklamo. Lalaki siya… May pangangailangang pisikal… Pero kahit mahigit isang taon na silang kasal ng asawa, hindi niya ito hinawakan nang walang permiso mula rito. Naiintindihan niya na kakaiba talaga ang takbo ng utak ng asawa niya. Kung para sa iba, madali lang na mahulog ang loob sa isang tao na palaging nakakasama, hindi ganoon si Marion. Masyado itong lohikal kung mag-isip kaya naman nahihirapan itong iproseso ang konsepto ng romance. Kagaya nga ng palagi nitong sinasabi, lahat ng mabubulaklak na mga salita na kayang sabihin ng isang manliligaw, nabasa na niya. Wala nang ‘kilig’ na hatid iyon sa kaniya. “Oo nga pala… N
Ramdam ni Marion ang sakit sa bawat subok niyang gumalaw kaya bumalik siya sa pagkakahiga. Kailangan niya ng stretcher o wheelchair kung gusto niyang makaalis mula sa kama na iyon. Mabilis naman ang reaksyon ni Seojun, tinulungan siya nitong makaupo man lang. Nilagyan nito ng unan ang kaniyang likuran bilang sandalan. “Sorry… Mukhang… Hindi ko na dapat ulitin iyon.” Para namang film sa pelikula na nag-flashback ang lahat… Gusto sana niyang sabihin na pareho lang sila na nadala sa temptasyon ngunit iba ang sinisigaw ng kaniyang balakang. “Siguro sa susunod… Maghinay-hinay din tayo.” “A! Ite-text ko nga pala si Emily. Sasabihin ko sa kaniyang hindi tayo makakapasok ngayon.” Muling kinuha ni Seojun ang cellphone nito. “Mabuti pa nga… Pero sabihin mo na lang na bigla akong nilagnat. Alam mo na… Ayoko naman na magkaroon ng weird na tsismis sa opisina o sa mansyon.” Hindi siya makagalaw nang maayos kaya lalo siyang naii-stress sa nangyayari. Nilalamig siya dahi
Muntik nang mabilaukan si Eclaire dahil sa kaniyang narinig. Limang taon nang kasal ang mga ito at halos nasa kuwarenta na rin ang edad ng mga ito pero para pa ring mga bata kung mag-asaran. Pinandilatan ni Seojun ng mga mata ang asawa nito pero tumawa lang si Marion sa ginawa nito. Hinawakan lang ng Mommy niya ang kamay ng Daddy niya at bahagyang pinisil. “What? Hindi ko getz...” Kinuha ni Seojun si Ethan at pinaupo ang bata sa pagitan ng mga hita nito. “Ano ba dapat ang ibig sabihin no’n?” “Ang ibig sabihin ng anak mo… Kailangan din nating bumili ng bagong damit. Minsan lang tayo ga-graduate sa college, ‘no? Dapat na mukha rin tayong presentable sa araw na iyon. Saka… Ang cute siguro, no’n… Kumpleto ang family natin sa graduation picture natin.” Iyon ang pinakamagandang aspeto ng pag-aaral nila sa iisang university. Hindi na kailangan mahati pa ang pamilya nila para pumunta sa graduation ceremony. “Saka, Dad… Dapat lang na mag-ayos ka ro’n… Ikaw ang dapat na
“Congrats sa graduation mo!” Binasa ni Eclaire ang chat mula kay Kenneth. Mabilis na gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi habang nag-iisip ng sasabihin pabalik. April 2, 2027. Araw ng byernes at graduation ni Eclaire. Nakasakay na ang buong pamilya niya sa isang SUV papunta sa kaniyang eskwelahan. Sa schoolgrounds gaganapin ang mismong graduation ceremony at sa school gym naman ang party. Sa loob ng kaniyang toga, suot na niya ang dress na pinili niya noong nakaraang linggo at silver na three-inch stilettos. Wristwatch, hikaw, at necklace na iisang kulay – diamond stud na may silver embellishment. Nagpaalam nang personal si Peterson sa kaniya na mahuhuli ito sa kaniyang graduation dahil manggagaling pa ito sa Davao. Sa apat na taon niya sa Pilipinas, unti-unti na ring lumambot ang loob ng matanda sa kaniya. Hindi na rin siya masyadong natatakot rito dahil habang lumalaki ang kapatid niyang si Ethan, nakita niya kung paano ito i-spoiled ng lolo nito. Iyon na rin si
Naaamoy pa ni Eclaire ang cucumber and green tea scent deodorant na ginagamit ni Kenneth simula noong nasa middle school sila. Kahit hindi niya sabihin, nakaramdam siya ng kaginhawaan sa simpleng impormasyon na iyon. Matagal silang nagkahiwalay pero may mga bagay na nananatili pa ring kapareho ng pagkakatanda niya. Ganoon pa man, nandoon pa rin ang mga pisikal na pagbabago sa kanilang mga katawan kaya hindi niya maiwasang mahiya, matapos siya nitong bitawan mula sa yakap na iyon. “Kumusta ka na? Ang… ganda mo ngayon.” Bahagya pang ngumiti ang binata kaya naman lalong bumilis ang pintig ng kaniyang puso. “Palagi mo naman akong nakikita kapag nag-uusap tayo sa video call, ‘di ba? Bakit parang gulat na gulat ka pa?” biro niya. “Wala… Ngayon ko lang na-realize nang husto kung gaano ka ka-ganda.” Kahit wala siyang sinasabi, tinanggal ni Kenneth ang suot nitong jacket at ipinatong iyon sa mga balikat niya. “Naramdaman ko ‘yong backless mo… Kaya mas maganda na may har
Kung mayroon mang hindi nasabi si Kenneth sa loob ng mahigit na apat na taon na hindi niya nakita si Eclaire, iyon ay ang katotohanan na hindi lang basta simpleng ‘kaibigan’ ang tingin niya sa dalaga. Wala lang siyang lakas ng loob na magsabi noon dahil bukod sa wala siyang maipagmamalaki, nakaasa lang siya sa kaniyang Uncle Jang. Pero ngayon… Kahit paano, may ipon na siya. Kaya na niya itong ilibre sa gusto nitong restaurant, hindi kagaya noon na banana milk lang ang kaya niyang ibigay rito. “A-Anong ibig mong sabihin? Hindi ko yata na-getz –” “Bukod sa trabaho at pag-aaral, sa iyo lang umikot ang mundo ko –” “Sorry for the wait, Maam, Sir.” Hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin dahil biglang lumapit ang waitress sa tabi nila, maluwang ang ngiti nito nang inilagay ang malaking mangkok ng bulalo sa mesa. “Enjoy the food.” “Thanks… We will…” Si Eclaire ang sumagot kahit hindi ito tinitingnan ng waitress. “Pwede na po ba kaming kumain ulit, Miss?”
“Happy birthday, anak! Kailan ka mag-aasawa?” bungad ng nanay niya kahit kakagising niya lang. “Tumayo ka na riyan. Nagluto ako ng spaghetti para sa ‘yo.” Iminulat ni Samantha ang mga mata niya habang nagmumura nang sunod-sunod na ipinababawal na mga salita sa kaniyang isipan. Dalawampu’t siyam na taon na siya ngayong araw. Walang asawa, walang boyfriend, walang manliligaw, at wala man lang siyang kalandian sa chat pero tinatanong siya ng nanay niya kung kailan siya mag-aasawa. Mas gusto niyang manood ng cat videos kaysa gumawa ng account sa dating apps, masama ba iyon? “Talaga ba, ‘Nay? Iyan kaagad ang bungad niyo sa ‘kin?” Kinamot niya ang buhok niya sa likod at tamad na tamad na bumang