Share

Chapter 1 Ang mga Damdamin

"I do," kinikilig na sabi ng walong taong gulang na si Joan. Sa isip niya kasi ay magiging Sebastian na ang kanyang apelyido. Agad na nanghaba ang nguso niya ng itaas ni Andrew ang puting tela na tumatabing sa kanyang mukha.

Matanda lamang ng dalawang buwan sa kanya si Andrew kaya naman sila ang palaging magkasama, magkaklase rin sila at magkapitbahay. Magkaibigan ang kanilang mga ama kaya ang pangarap ng mga ito ay makasal sila pagdating ng araw.

Kahit tuloy bata pa lamang siya, parang nai-imagine niyang magsasama nga sila habambuhay ni Andrew. Wala naman kasi siyang ibang gustong makasama kundi si Andrew lang.

"You may now kiss the bride," wika ni Andrew na iniba pa ang boses. Talagang gusto rin nitong magpanggap na may pari ngang magkakasal sa kanila.

"Itigil ninyo 'yan!"

Nanggagalaiti man ang boses ng bagong dating, mas nakaramdam ng panggigigil si Joan. Pakiramdam niya kasi'y humiwalay na ang kaluluwa niya sa kanyang katawan dahil sa pagsigaw nito. Mas na-bad trip tuloy siya ng makilala ang lalaking parang manunugod. Halatang bigat ng mga hakbang at talagang hindi maipinta ang mukha.

Si Lorenzo Villarama ay ang nag-iisang anak ng kanyang Mama Meldy, ang asawang kauli ng ama niyang si Melvin Mercado. Dapat sana ay nakatatandang kapatid ang turing niya kay Lorenzo pero unang kita pa lang niya rito'y talagang kumukulo na ang kanyang dugo. Kahit wala naman itong ginagawang masama sa kanya.

Walang ginagawang masama? Buwisit niyang tanong sa sarili. Sa palagay niya kasi'y isa iyong malaking kalokohan. Mula nang dumating ito sa bahay nila'y para na rin siyang nawalan ng ama. Palibhasa, ang pangarap talaga ng ama niya ay magkaanak ng lalaki. Eh siya, bukod sa babae na'y siya pa ang dahilan kaya nawala ang kanyang Mama. Namatay ito nang ipanganak siya.

"Pakialamero ka talaga!" Inis niyang singhal nito.

"Ang bata-bata mo pa, magpapahalik ka na.

Hindi nito pinansin ang kanyang sinabi, sa halip, mas pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Eh, ano ngayon?"

"Hindi ka puwede magpa-kiss," inis nitong sabi.

"Bakit?"

"Sinabi ko na ang dahilan."

"Nakita mo rin naman siguro ang rason kung bakit kailangan akong halikan ni Andrew. Kasal na kami. Sebastian na ang apelyido ko kaya kahit maging Mendoza ka pa, wala akong pakialam!" Sigaw niya kay Lorenzo. Buwisit na buwisit siya sa presensya nito kaya dapat lang nitong malaman iyon.

Ngunit, pinagtawanan lang siya ni Lorenzo. "Anong pinagsasasabi mong Sebastian na ang apelyido mo eh, kasal-kasalan lang ang ginawa ninyo?"

"Eh, bakit si Daddy at si Mama Meldy?" Inis niyang tanong.

"Sa Simbahan sila kinasal, may pari at maraming tao," mariing sabi sa kanya ni Lorenzo.

"Eh, di doon na din kami magpapakasal ni Andrew. Let's go na, Andrew." Hahawakan sana niya ang kamay ng 'asawa' kundi lang siya biglang hinila ni Lorenzo.

"Umuwi na tayo."

"Ayoko! Magpapakasal pa kami ni Andrew. Di ba, Andrew?" Baling niya sa maralik na kaibigan. Ito lang kasi ang nakikita niyang magiging kakampi laban kay Lorenzo.

"Ha? A, e, oo," litong sang ayon ni Andrew.

"Walang magkakasal sa inyo," wika ni Lorenzo.

"Nagmamahalan naman kami. Hindi ba, Andrew?" Baling niya ulit dito.

Tumango ito, sunud-sunod.

"See…" mayabang niyang sabi. Talagang gusto niyang ipamukha sa Lorenzo na ito na sila ni Andrew.

" Kahit pa nagmamahalan kayo walang matinong pari na magkakasal sa inyo dahil walong taong gulang pa lang kayo. 18 years old dapat nagpapakasal ang lalaki at babae."

"Ang tagal naman," nagrereklamo niyang sabi pero pagkaraan ay umiling siya. Ayaw niyang maniwala kay Lorenzo. "Hindi mo mahahadlangan ang kaligayahan namin."

"Magagawa ko kaya," mayabang nitong sabi. "Ang gagawin ko lang ay isumbong kayo sa Daddy mo," anitong pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila ni Andrew, nagbabanta.

"Gusto kaya ng mga Daddy namin na magkatuluyan kami," sabi ni Andrew sa napakamahinahon na boses. Hindi kasi trip ni Andrew na makipag-away kahit nabu-bully.

"Eh, paano kung malalaman ng tatay mo na naghahalikan kayo?" mapaghamong tanong ni Lorenzo..

Natigilan siya. Naaaninag kasi niya sa boses ni Lorenzo ang pagbabanta. Ibig sana niyang maging matapang sa harap nito at sabihing kahit anong sabihin nito'y hindi niya paniniwalaan pero parang napakahirap gawin dahil sa isipan niya ay rumehistro ang mukha ng ama. Galit kaya malinaw niyang nakikita sa mga mata nito ang disappointment.

"Kaya siguradong paglalayuin kayo kapag sinabi kong naghahalikan kayo."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Lorenzo. "Hindi nga natuloy."

"Pwede namang magsinungaling ng kaunti," ani Lorenzo na iminuwestra pa ang katagang kaunti. Bahagya nitong pinagdikit ang hintuturo at hinlalaki.

Matalim na matalim ang tingin niya rito. "Ang dami mong alam."

Buong pagmamalaking sinabi nitong, "Natural. Mas matanda ako sa inyo ng tatlong taon."

"Eh, ano naman?" Tanong ni Andrew.

Hindi pinansin ni Lorenzo ang kanyang best friend. Sa kanya lang kasi nakatutok ang tingin ni Lorenzo. "Susundin mo ba ako o maghihiwalay kayo ni Andrew? Sisiguraduhin kong paglalayuin kayo ng tatay mo."

Dahil nakaramdam siya ng takot sa banta nito. Binigyan niya ito ng matalim na tingin.

"Uwi!" Sigaw ni Lorenzo.

Lalo siyang nanggigil. "Para ka lang nagpapauwi ng aso."

Humalakhak si Lorenzo kaya lalo siya nanggigil. Pakiramdam kasi niya ay gusto siya nito kontrolin. Hah, ano ba ang tingin nito sa kanya, poodle o Chihuahua?

"PARA kng doberman kung makabuntot sa akin, bakit ba?" Inis na tanong ni Joan. Kahit na lumipas na ang pitong taon, hindi pa rin naglalaho ang pagka-badtrip niya kay Lorenzo. Para kasing lagi na lang itong nakabantay sa kanya.

"Gusto ko lang makasigurong safe kang makakauwi," wika nito.

Parang hindi niya gustong maniwala sa sinabi ni Lorenzo.

"Feeling kuya?" Sarkastikong tanong niya.

"Hindi kita kapatid," inis nitong sabi.

"Kaya, wala ka dapat pakialam sa akin. Hindi tayo magkadugo. Saka, hindi naman ako pababayaan ni Andrew," nagmamalaki niyang sabi. Lumapad ang ngiti sa labi niya nu'ng makita si Andrew na napabalis ang paglapit sa kanya. Tiyak niyang dahil iyon sa presensya ni Lorenzo.

Bukod tuloy sa mala-prinsepe ang tingin niya kay Andrew dahil maputi ito, maamo ang guwapong mukha at matikas ang pangangatawan, knight in shining armor din ang tingin niya rito. Tiyak niya kasing handa siya nitong ipagtanggol kay Lorenzo.

Ngunit, talaga bang iniisip niya na magagawa siyang saktan ni Lorenzo? Of course not. Kahit naman mainit ang dugo niya rito sa hindi niya malamang dahilan, hindi niya maitatanggi na napakaguwapo nito kahit na kayumanggi. Maamo rin naman ang mukha nito kahit na matalim itong tumingin. Hugis-espada kasi ang mga mata ni Lorenzo.

"Anong ginagawa mo rito?" Matapang na tanong ni Andrew kay Lorenzo.

"Gusto ko lang makatiyak na uuwi nang maaga si Joan."

"Biyernes ngayon," sabay pa nilang bulalas ni Andrew.

"So?"

"Bonding moment namin ni Andrew. Kaya, bukas pa ako uuwi."

"What?"

Napakunot ang noo niya dahil OA ang pagbigkas ni Lorenzo sa mga salitang iyon. Gayunpaman, sinabi pa rin niyang kina Andrew ako magu-overnight.

"Hindi maaari," mariing sabi ni Lorenzo.

"Sinong may sabi?" Mpaghamon niyang tanong.

"Ako."

"Ikaw lang pala. Pwede, para sabihin ko sa'yo, alam ni Daddy na magu-overnight ako kina Andrew. Saka, natutulog din naman sa bahay si Andrew."

"Sa kuwarto mo?"

"Yes."

"Hindi ko alam 'yan, ah."

"Paano mo malalaman, eh, lumipat ka ng bahay four months matapos maikasal si Daddy at ang Mommy mo," inis niyang sabi rito. Kung ilang beses kasi niyang nakitang umiiyak ang kanyang Mommy Meldy. Sabi nito, miss na miss na nito si Lorenzo pero wala itong magawa ng piliin nitong manirahan sa piling ng ama.

Marahas na buntonghininga ang pinawalan ni Lorenzo.

"Dahil sa iba naman ang tirahan natin mas maigi kung magba-babu na kami ni Andrew sa'yo."

"Shit!" Buwisit nitong sabi.

Napailing na lamang siya. Kahit kasi hindi na sila magkasama sa iisang bubong, nagkikita naman sila sa eskuwelahan. Sa Quezon city lang naman siya nakatira samantalang si Lorenzo ay sa Manila kaya sa iisang paaralan lang sila nag-aaral.

"Ka rin," sabi niya sa nanggigigil na mga kataga. Para kasing minura siya nito. Naningkit lang ang mga mata niya dahil may ibang salitang pumasok sa kanyang isipan dahil sinabi nito.

Kadiri!

"Halika na nga para hindi na masira pa ang araw ko," buong panggigigil na sabi niya kay Andrew. Hindi na rin nakapagsalita pa ang kanyang matalik na kaibigan dahil hindi na niya ito binigyan ng pagkakataon na makakontra man lang.

"Awk, baka naman masakal ako sa ginagawa mo," nagrereklamong sabi ni Andrew.

Hindi niya maintindihan kung bakit nasabi ni Andrew ang mga salitang iyon pero ng tingnan niya ito ay napagtanto niya kung bakit. Sa kuwelyo pala niya ito hinihila dahil gigil na gigil siya. Sa gunita nga niya, sinasakal niya si Lorenzo.

"Sorry," sabi niya saka mabilis tinanggal ang kamay sa kuwelyo nito. Ngunit dahil doon, mas nangibabaw ang inis niya kay Lorenzo. Nasaktan niya si Andrew dahil sa inis na nararamdaman niya para sa kanyang stepbrother.

'TANG inumin mo,' buwisit na sabi ni Lorenzo sa sarili. Wala naman siyang dapat na pakialam pero para pa ring tukso na pumapasok sa kanyang isipan na magkasama sa iisang kuwarto sina Joan at Andrew.

Ano bang pakialam mo? Inis niyang tanong sa kanyang utak. Hindi rin niga maintindihan ang kanyang sarili kung bakit gusto niyang makialam gayung hindi naman niya kapatid si Joan.

May gusto ka kasi sa step sister mo, ani ng boses na hindi niya alam kung saan galing. Basta malinaw niyang narinig iyon.

No way! Sigaw niya sa kaisipang hondi niya kailanman magugustuhan si Joan.

Kahit mala-krema.ang kaputian ni Joan na gustung-gusto niya sa babae dahil parang ang sarap-sarap protektahan at alagaan?

Hindi! tanggi niya.

Eh, ano kung maamo ang mukha ni Joan na hugis mansanas? Paki ba niya kung matangos ang ilong nito? Hindi rin naman siya nahihipnotismo sa mga mata nitong nang-aakit? Saka, hindi naman niya pansin ang matamis nitong ngiti kapag nakikita si Andrew.

Damn!

Ipinilig-pilig na lamang niya ang kanyang ulo para maalis sa isip niya ang vital statistic nitong 36-23-36. At bumagay iyon sa height nitong tantiya niya'y 5'6".

Muli siyang napamura dahil nagrehistro sa isipan niya ang kabuuan ni Joan Mercado.

At nakaramdam siya ng pag-iinit.

Shit, talagang apektado siya sa presensiya ng kanyang stepsister.

Mahal na mahal niya ang kanyang Mama kaya hindi niga magawang tumutol ng sabihin nitong mag-aasawa na. Hindi naman kasi kasal ang kanyang Mama sa tunay niyang ama. Gayunman, dala niya ang apelyido nito dahil kinilala siya nito bilang anak.

Unang kita pa lang niya kay Joan ay may kakaiba na siyang naramdaman dito at habang tumatagal ay hindi niya iyon nagugustuhan kaya ipinasya niyang umalis sa poder ng kanyang ina. Ang problema nga lang ay para siyang mababaliw kapag hindi niga nakikita si Joan kaya minabuti rin niyang mag-aral sa pinapasukan nitong eskuwelahan. Iyon nga lang dahil matanda siya rito ng ilang taon, nagtapos siya agad.

Napabuntunghininga Lamang siya nang marahas, bakit ba habang tumatagal, nahihirapan siyang itaboy si Joan sa kanyang isipan.

Sa isipan nga lang ba? Sarkastikong tanong niya sa sarili kasabay nang mabilis na tibok ng kanyang puso.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status