Share

One More Night
One More Night
Author: Maria Angela Gonzales

Prologue Ang Nangyari kina Lorenzo at Joan

ANG sakit ng kepyas ko! Nakangiwing sabi ni Joan Mendoza nang dumilat siya pero muli siyang pumikit nang maalala niya ang petsa ngayon.

May 8.

Ito sana ang 6th year anniversary nila ni Andrew bilang magkasintahan at magiging araw ng kanilang kasal, kundi lamang ito nawala. Kahit pa sa dagat nawala si Andrew ay ayaw pa rin niyang maniwala sa sinasabi ng marami na ang kanyang mahal ay patay na. Hindi niya kayang isipin na maaari ngang niluray-luray ito ng pating kaya't wala siyang natagpuang bangkay nito.

Hindi, hindi pa rin siya naniniwala na maaari ngang patay na si Andrew. Nararamdaman niyang isang araw ay babalik din ito. Bago pa man kasi sila nag-aminan ng feelings nila ay naging malapit na magkaibigan muna sila. Best of friends sila kaya't tiyak niyang hindi siya nito matitiis. Kung talagang wala na ito ay magpapakita si Andrew sa kanyang panaginip para sabihing kailangan na talaga siya nitong iwanan ngunit kailanman hindi siya nito dinalaw sa panaginip kaya tiyak niyang buhay pa ito at malaki ang paniniwala niya babalikan siya upang ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan.

Be positive! Iyon ang madalas na sabihin sa kanya ni Andrew kapag pinanghihinaan na siya ng loob na hindi niya makakayang maging isang magaling na manunulat, tulad nang madalas na sabihin ng kanyang ama. Ngunit, dahil sa pinakinggan niya ang payo sa kanya ni Andrew, nagtagumpay siya. Iyon nga lang bago siya naging bestselling author ay kinailangan munang mawala ni Andrew sa kanyang buhay at nangyari iyon dahil sinamahan siya nitong magpunta sa Palawan. Ibig niya kasing makagawa ng nobela kaya't kinailangan niyang magkaroon ng inspirasyon. Natapos naman niya ang nobelang sinusulat pero hindi niya akalain magtatapos din ang pagmamahalan nila ni Andrew.

Siya ang pumatay kay Andrew! Sigaw sa sarili. Kung hindi siya nagpunta sa Paradise Resort, hindi siya susundan ni Andrew. At kung binigyan lang niya ng oras si Andrew, tiyak niyang hindi ito mawawala sa dagat. May nakita kasi itong batang nalulunod kaya lumangoy ito para iligtas ang bata. Nakaligtas naman ang bata pero may dumating na dambuhalang alon at para raw laruan na tinangay si Andrew.

'Raw' dahil hindi naman niya nakita ang buong pangyayari. May nagkuwento lang sa kanya kung anong nangyari. At dahil hanggang ngayon ay nagi-guilty siya, wala siyang ibang magawa kundi magpakalasing at umiyak. Pakiramdam niya kasi kapag ginawa niya iyon ay maibabalik pa niya ang kahapong nawala. Para kasing ipinagpalit niya si Andrew sa kanyang pangarap.

Ang sakit talaga…wika na naman ng isip niya.

"Wait…" wika niya nang pumasok sa isipan niya ang isang katanungan, bakit kepyas niya ang masakit gayung nagpakalunod siya sa pag inom?

"Wala na ko sa ibabaw mo para magsabi ka ng wait," wika ng boses na kilalang-kilala niya kahit super hina iyon. Sapat na ang mala-dj nitong boses para makilala niya ito –si Lorenzo Villarama.

Kahit isang bahagi ng utak niya ang nagsasabi na huwag niya itong lingunin dahil nakakatakot malaman ang katotohanan, nilingon pa rin niya ito, pagkatapos niyang bumalikwas nang bangon. At parang gusto niyang ngumawa nang malingunan niyang talop na talop nga ito. Wari'y gusto nitong ipagmalaki sa kanya ang maskulado nitong katawan at…

"Takpan mo nga ang katawan mo!" Buwisit na buwisit niyang sabi.

Marahang tawa ang pinawalan ni Lorenzo bago ito nagsalita. "Gusto mong takpan ko pero titig na titig ka naman sa dyunior ko na parang gusto mo na namang mag-lollipop."

"Bastos ka talaga!" Sigaw niya rito. Kahit tuloy hindi siya nakaharap sa salamin, tiyak niyang ang pula-pula na ng kanyang mukha. Hindi dahil sa gusto niyang mabastos sa sinabi nito kundi dahil parang totoo ang sinabi nito. Kung bakit naman kasi ang kendi na iyon ang naisip niya nu'ng makita niya ang tayung-tayo nitong…

Hindi na niya nagawang ituloy ang sinasabi ng kanyang isipan nu'ng mayroong biglang may pumasok sa kanyang isipan. Para kasing sa panaginip niya ay talagang may nakasubo ngang higanteng lollipop sa kanya na kasing size ng…

Shucks!

"W-wala namang nangyari sa atin, hindi ba?" Aniyang hindi halos humihinga. Ayaw na nga niyang gumalaw dahil tiyak niyang kapag ginawa niya iyon mas makakaramdam siya ng takot.

"Mayroon."

"Animal ka!" Sigaw niya. Sa kumpirmasyon kasi nito pakiramdam niya'y Ang agad kasing pumasok sa kanyang isipan ay pinagtaksilan niya si Andrew, ang kanyang mapapangasawa, sana. Bigla tuloy may ideyang pumasok sa kanyang isipan nang igala niya ang kanyang tingin sa paligid. Nasa iisang silid sila at nasa iisang kama. "Ni-rape mo ako."

"Rape? Nagpapatawa ka ba?" Sarkastikong tanong nito.

Bigla tuloy siyang natigilan. Para kasing may alaalang biglang pumasok sa kanyang isipan. Inom siya nang inom ng alak tapos biglang may kontrabidang lumapit sa kanya para siya ay awatin.

Ang plano niya at pagsalitaan ito ng kung anu-ano pero hindi niya nagawa nang matitigan niya ang mga mata nito. Para kasing may kung ano sa mga mata nito kaya bigla niyang naisip na halikan ito. Tapos nagmakaawa pa siya ritong isama siya at paligayahin dahil gusto niyang makalimot sa sakit na kanyang pinagdaraanan.

"Sa tuwing aangkinin kita, sinisigaw mo ang pangalan ko. Lorenzo, Lorenzo, Lorenzo..." wika nitong nagboses babae pa. Parang ibig talaga nitong gayahin ang kanyang pananalita at expression.

No! Hiyaw ng utak niya.

"Hindi totoo yan," nanggigigil niyang sabi. Hindi lang niya alam kung kanino siya higit na nagagalit. Sa lalaking kinamumuhian mula pa sa kanilang pagkabata o sa kanyang sarili. Hindi kasi niya matiyak kung nagsisinungaling ito lalo pa't parang naririnig pa niya ang kanyang pag-ungol.

"Ayaw mo lang tanggapin ang katotohanan na ako talaga ang mahal mo at hindi ang lalaking gusto mo sanang pakasalan," marahan nitong sabi pero puno ng pagdaramdam ang boses.

"Kalokohan 'yang sinasabi mo!" Gigil niyang sabi. Ewan lang niya kung bakit may guilt siyang nararamdaman. "Wala akong ibang mahal kundi si Andrew lang."

"Sinungaling!"

"Totoo ang sinasabi ko," aniyang hindi magawang lingunin man lang si Lorenzo. Basta ang gusto niya ay makatakas. Hinayaan naman siya nitong makalabas sa silid na iyon matapos siyang magbihis pero malinaw pa rin niyang narinig ang sinabi nito matapos niyang mailapat ang pintuan.

"Maloloko mo ang lahat pero hindi ang sarili mo, my step sister."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status