Se connecterHindi naging magaan ang umaga ni Luna. Kahit nakatulog naman siya, may naiwan pa ring bigat sa isip niya—hindi na tungkol kay Mark, kundi sa mas komplikadong problemang kinakaharap niya ngayon. Pagpasok niya sa opisina, sinalubong siya ng malamig na hangin ng aircon at mahihinang bulungan mula sa paligid. May ilang napatingin sa kanya, mabilis lang, bago agad umiwas na parang walang nangyari. Sanay na siya sa gano’n, pero hindi ibig sabihin ay hindi niya nararamdaman. Diretso siyang naglakad papunta sa desk niya, inilapag ang bag, at kakahawak pa lang sa mouse nang mag-vibrate ang phone niya.Saglit niya itong tinitigan bago binasa ang message. “Mr. Adrian is requesting your presence.” Napabuntong-hininga siya, saka tumayo. Inayos niya ang buhok niya gamit ang daliri, huminga ng malalim, at naglakad palabas ng department nila. Habang naglalakad sa hallway, mas malinaw sa kanya ang bawat tunog—ang tik-tak ng sapatos niya sa sahig, ang mahinang ugong ng aircon, at ang katahimikang p
Paglabas ni Luna ng café, sinalubong siya ng malamig na hangin ng gabi. Napahigpit siya sa hawak ng bag niya habang naglalakad papunta sa gilid ng kalsada para maghintay ng cab, medyo mabigat pa rin ang pakiramdam niya mula sa usapan nila ni Mark.Hindi pa siya tuluyang nakakalayo nang may boses na pumutol sa iniisip niya.“Done?”Napalingon siya agad. Natigilan siya nang makita si Adrian, nakasandal sa kotse nito, ang isang kamay nasa bulsa habang ang isa ay nakahawak sa susi ng kotse nito. Ni hindi man lamang niya ito napansin kanina. Saglit siyang tumitig dito bago tuluyang lumapit. “Matagal ka na diyan?” tanong niya, bahagyang nakakunot ang noo.Hindi agad sumagot si Adrian. Tumingin lang siya sandali sa direksyon ng café, saka bumalik kay Luna.“Long enough,” maikling sambit nito. May kung anong kumirot sa dibdib ni Luna sa simpleng sagot na ‘yon.Napabuga siya ng hangin at umiwas ng tingin sandali. “You didn’t have to wait,” sabi niya.“I know,” sagot ni Adrian, kalmado.Sag
Hindi agad umalis si Luna sa opisina. Matagal siyang nakaupo sa harap ng laptop niya, nakatitig sa screen pero wala namang pumapasok sa isip niya. Nakahawak lang ang daliri niya sa mouse, paminsan-minsan ini-scroll ang parehong page na ilang beses na niyang nakita. Sa gilid ng mesa niya, tahimik ang phone niya—pero iyon ang mas ramdam niyang presensya. Para bang kahit hindi ito umiilaw, may hinihintay siyang tunog mula rito.Sa huli, napabuntong-hininga siya at inabot iyon. Binuksan niya ang message at muling binasa ang pangalan. From Mark: We should talk. Napakagat siya sa loob ng pisngi niya, saka bahagyang napasandal sa upuan, nakatingin sa kisame na parang may hinahanap na sagot doon. Mahina siyang napailing. “Of all days…” bulong niya sa sarili, halos hindi marinig.Bandang hapon, saka lang siya nag-reply. Luna: Where?Halos wala pang isang minuto ang lumipas nang dumating ang sagot. “From Mark: Same place. Napailing siya ulit, this time may mahina siyang natawa. Of course
Mas maaga pa kaysa sa nakasanayan, nasa opisina na si Luna.Tahimik pa ang paligid pagdating niya—iilang ilaw pa lang ang bukas, at ramdam niya ang lamig ng aircon na sinabayan pa ng lamig ng umagang iyon.Inilapag niya ang bag sa desk niya, saka saglit na napahawak sa gilid ng mesa at bahagyang napayuko.Huminga siya ng malalim. “Okay…” mahina niyang bulong sa sarili. “Just… work.”Pero kahit gaano niya pilitin ang sarili, hindi niya maalis ang pagkailang magmula nang pumutok ang pinakauna niyang issue.At hindi siya nagkamali.Pagdating ng mas maraming empleyado, unti-unting napuno ang department nila—kasabay ng mga tingin na hindi maitatago. May bumabati pa rin naman na ginagantihan niya. May ngumingiti. Pero may kasamang pagtataka ang bawat sulyap sa kanya ng mga katrabaho.May kasamang tanong.At minsan—panghuhusga.Pinanatili niyang kalmado ang itsura niya, focus sa trabaho, na parang wala siyang napapansin.Kahit ramdam niya lahat.“Luna.”Napalingon siya. Si Ms. Alvarez—ang Hu
Nagising si Luna sa sunod-sunod na pag-vibrate ng phone niya—hindi yung isang beses lang na puwedeng balewalain, kundi tuloy-tuloy, parang may humahabol sa kanya kahit tulog pa siya. Madilim pa ang kwarto niya, at ang ilaw mula sa screen ng phone niya ang unang bumungad sa kanya pagdilat niya.Sumimangot siya, bahagyang pumikit ulit habang inaabot ang phone. “Ang aga…” bulong niya, paos pa ang boses, halatang bitin sa tulog.Pero nang makita niya ang notifications, tuluyan siyang nagising.Unti-unting nawala ang antok sa mukha niya—napalitan ng kunot sa noo, saka ng bahagyang paninigas ng panga.Huminto ang daliri niya sa message ni Mark. Ano na naman ba ang kailangan ng lalaking ito sa kanya?“Uy… nakita mo na ba ‘to?”Mas lalong nangunot ang noo niya. Kapagdaka’y may dumating ulit na message mula rito. May kasunod na link.Napabagal ang galaw niya. Tinitigan niya iyon ng ilang segundo, parang may kutob na siya kung ano ang makikita niya—at hindi niya iyon gusto.Pero kalaunan ay p
Unti-unti nang numinipis ang crowd sa ballroom—may mga waiter na tahimik nang nagliligpit ng baso sa gilid, may ilang guests na nakatayo pa rin sa maliliit na grupo, mababa ang boses habang nagpapatuloy ang usapan. Mas humina na ang music, halos background na lang.Nakatayo si Luna malapit sa isang high table. Nakatingin lang siya sa paligid, pinapanood kung paano maghiwa-hiwalay ang mga tao—parang bawat isa may sariling agenda kahit tapos na ang event.Huminga siya ng malalim.Pagod siya. Hindi physical—yung tipong pagod na galing sa pagiging alerto buong gabi.“You okay?”Napalingon siya agad. Si Adrian. Nasa tabi na niya, habang ang isang kamay nito ay nasa bulsa, hawak ang baso sa kabila. Hindi niya napansin kung kailan ito lumapit.“Yeah,” sagot niya, sabay marahang tumango. “Just… taking it in.”Sinundan ni Adrian ang tingin niya sa paligid, saka bahagyang tumango. “First time’s always like that.”Luna smiled as she looked at him. “So you admit it’s not exactly normal?”“Depends







