Share

Chapter 32

Auteur: Neko Kuroha
last update Date de publication: 2026-04-10 07:48:40

Hindi agad umalis si Luna sa opisina. Matagal siyang nakaupo sa harap ng laptop niya, nakatitig sa screen pero wala namang pumapasok sa isip niya. Nakahawak lang ang daliri niya sa mouse, paminsan-minsan ini-scroll ang parehong page na ilang beses na niyang nakita. Sa gilid ng mesa niya, tahimik ang phone niya—pero iyon ang mas ramdam niyang presensya. Para bang kahit hindi ito umiilaw, may hinihintay siyang tunog mula rito.

Sa huli, napabuntong-hininga siya at inabot iyon. Binuksan niya ang me
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • One Night, Forever Mine   Chapter 35

    Paglabas ni Luna ng building, sinalubong siya ng halo-halong ingay ng gabi—mga bus na humihinto sa malayo, jeep na nagbababa ng mga pasahero, at mga taong nagmamadaling makasakay bago pa tuluyang dumilim ang paligid. May bahagyang init pa rin sa hangin kahit gabi na, parang nakakapit pa rin ang pagod ng buong araw sa kalsada.Huminto siya sandali sa gilid ng entrance, hinigpitan ang hawak sa strap ng bag niya habang pinapanood ang dumadaang tao. Pinasya niyang maglakad papunta sa gilid ng kalsada para pumara ng taxi. Panay ang para niya sa mga dumadaang taxi. Ngunit lagi siyang nauunahan ng ibang mga pasahero. “Ano ba yan?” mahina niyang bulong, sabay napailing at hinilot ang sentido niya.Hindi niya alam kung kaya niyang umuwi agad.Hindi pa.Nag-vibrate ang phone niya sa kamay niya. Napasinghap siya nang makita kung kaninong pangalan ang nasa screen.Si Mark.Hindi niya napigilang mapabuntonghininga. “Ano na naman ang kailangan nito?" iritado niyang sambit Binuksan niya ang mess

  • One Night, Forever Mine   Chapter 34

    Hindi naging magaan ang umaga ni Luna. Kahit nakatulog naman siya, may naiwan pa ring bigat sa isip niya—hindi na tungkol kay Mark, kundi sa mas komplikadong problemang kinakaharap niya ngayon. Pagpasok niya sa opisina, sinalubong siya ng malamig na hangin ng aircon at mahihinang bulungan mula sa paligid. May ilang napatingin sa kanya, mabilis lang, bago agad umiwas na parang walang nangyari. Sanay na siya sa gano’n, pero hindi ibig sabihin ay hindi niya nararamdaman. Diretso siyang naglakad papunta sa desk niya, inilapag ang bag, at kakahawak pa lang sa mouse nang mag-vibrate ang phone niya.Saglit niya itong tinitigan bago binasa ang message. “Mr. Adrian is requesting your presence.” Napabuntong-hininga siya, saka tumayo. Inayos niya ang buhok niya gamit ang daliri, huminga ng malalim, at naglakad palabas ng department nila. Habang naglalakad sa hallway, mas malinaw sa kanya ang bawat tunog—ang tik-tak ng sapatos niya sa sahig, ang mahinang ugong ng aircon, at ang katahimikang p

  • One Night, Forever Mine   Chapter 33

    Paglabas ni Luna ng café, sinalubong siya ng malamig na hangin ng gabi. Napahigpit siya sa hawak ng bag niya habang naglalakad papunta sa gilid ng kalsada para maghintay ng cab, medyo mabigat pa rin ang pakiramdam niya mula sa usapan nila ni Mark.Hindi pa siya tuluyang nakakalayo nang may boses na pumutol sa iniisip niya.“Done?”Napalingon siya agad. Natigilan siya nang makita si Adrian, nakasandal sa kotse nito, ang isang kamay nasa bulsa habang ang isa ay nakahawak sa susi ng kotse nito. Ni hindi man lamang niya ito napansin kanina. Saglit siyang tumitig dito bago tuluyang lumapit. “Matagal ka na diyan?” tanong niya, bahagyang nakakunot ang noo.Hindi agad sumagot si Adrian. Tumingin lang siya sandali sa direksyon ng café, saka bumalik kay Luna.“Long enough,” maikling sambit nito. May kung anong kumirot sa dibdib ni Luna sa simpleng sagot na ‘yon.Napabuga siya ng hangin at umiwas ng tingin sandali. “You didn’t have to wait,” sabi niya.“I know,” sagot ni Adrian, kalmado.Sag

  • One Night, Forever Mine   Chapter 32

    Hindi agad umalis si Luna sa opisina. Matagal siyang nakaupo sa harap ng laptop niya, nakatitig sa screen pero wala namang pumapasok sa isip niya. Nakahawak lang ang daliri niya sa mouse, paminsan-minsan ini-scroll ang parehong page na ilang beses na niyang nakita. Sa gilid ng mesa niya, tahimik ang phone niya—pero iyon ang mas ramdam niyang presensya. Para bang kahit hindi ito umiilaw, may hinihintay siyang tunog mula rito.Sa huli, napabuntong-hininga siya at inabot iyon. Binuksan niya ang message at muling binasa ang pangalan. From Mark: We should talk. Napakagat siya sa loob ng pisngi niya, saka bahagyang napasandal sa upuan, nakatingin sa kisame na parang may hinahanap na sagot doon. Mahina siyang napailing. “Of all days…” bulong niya sa sarili, halos hindi marinig.Bandang hapon, saka lang siya nag-reply. Luna: Where?Halos wala pang isang minuto ang lumipas nang dumating ang sagot. “From Mark: Same place. Napailing siya ulit, this time may mahina siyang natawa. Of course

  • One Night, Forever Mine   Chapter 31

    Mas maaga pa kaysa sa nakasanayan, nasa opisina na si Luna.Tahimik pa ang paligid pagdating niya—iilang ilaw pa lang ang bukas, at ramdam niya ang lamig ng aircon na sinabayan pa ng lamig ng umagang iyon.Inilapag niya ang bag sa desk niya, saka saglit na napahawak sa gilid ng mesa at bahagyang napayuko.Huminga siya ng malalim. “Okay…” mahina niyang bulong sa sarili. “Just… work.”Pero kahit gaano niya pilitin ang sarili, hindi niya maalis ang pagkailang magmula nang pumutok ang pinakauna niyang issue.At hindi siya nagkamali.Pagdating ng mas maraming empleyado, unti-unting napuno ang department nila—kasabay ng mga tingin na hindi maitatago. May bumabati pa rin naman na ginagantihan niya. May ngumingiti. Pero may kasamang pagtataka ang bawat sulyap sa kanya ng mga katrabaho.May kasamang tanong.At minsan—panghuhusga.Pinanatili niyang kalmado ang itsura niya, focus sa trabaho, na parang wala siyang napapansin.Kahit ramdam niya lahat.“Luna.”Napalingon siya. Si Ms. Alvarez—ang Hu

  • One Night, Forever Mine   Chapter 30

    Nagising si Luna sa sunod-sunod na pag-vibrate ng phone niya—hindi yung isang beses lang na puwedeng balewalain, kundi tuloy-tuloy, parang may humahabol sa kanya kahit tulog pa siya. Madilim pa ang kwarto niya, at ang ilaw mula sa screen ng phone niya ang unang bumungad sa kanya pagdilat niya.Sumimangot siya, bahagyang pumikit ulit habang inaabot ang phone. “Ang aga…” bulong niya, paos pa ang boses, halatang bitin sa tulog.Pero nang makita niya ang notifications, tuluyan siyang nagising.Unti-unting nawala ang antok sa mukha niya—napalitan ng kunot sa noo, saka ng bahagyang paninigas ng panga.Huminto ang daliri niya sa message ni Mark. Ano na naman ba ang kailangan ng lalaking ito sa kanya?“Uy… nakita mo na ba ‘to?”Mas lalong nangunot ang noo niya. Kapagdaka’y may dumating ulit na message mula rito. May kasunod na link.Napabagal ang galaw niya. Tinitigan niya iyon ng ilang segundo, parang may kutob na siya kung ano ang makikita niya—at hindi niya iyon gusto.Pero kalaunan ay p

  • One Night, Forever Mine   Chapter 13

    Hindi agad nakaalis si Luna sa café kahit matagal nang nawala si Mark. Parang may naiwan sa hangin na hindi niya matanggal—mga salitang bumabalik kahit ayaw niya, mga tingin na hindi niya makalimutan. Nakatitig lang siya sa baso ng kape niya, malamig na, pero hindi niya pa rin ginagalaw. “Ang gulo

  • One Night, Forever Mine   Chapter 12

    Hindi pa tuluyang humuhupa ang gulo sa isip ni Luna nang sumunod na araw. Kahit pilit niyang ibinabaon ang nangyari kagabi, dala niya pa rin iyon—sa bawat galaw, sa bawat tingin, sa bawat sandaling napapahawak siya sa labi niya nang hindi niya namamalayan. “Focus,” bulong niya sa sarili habang nag

  • One Night, Forever Mine   Chapter 11

    Hindi agad umatras si Luna pagkatapos ng halik; ilang segundo siyang nanatiling nakapikit, parang hindi niya alam kung paano babalik sa reyalidad, hanggang sa unti-unting pumasok sa isip niya ang ginawa nila at doon siya napamulat. “Wait—” mahina niyang sabi bago bahagyang itulak si Adrian, hindi

  • One Night, Forever Mine   Chapter 10

    Hindi agad nakagalaw si Luna matapos umalis si Mark. Para bang naiwan pa rin ang presensya nito sa hangin, kasama ang mga salitang pilit niyang tinatabunan pero hindi niya tuluyang maikubli. “Explain,” mababa ang boses ni Adrian, pero sapat para maramdaman niya ang bigat nito. Napalunok siya bago

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status