Share

CHAPTER 4: The start

Pagpasok pa lang ni Zaugustus sa kwarto niya, dahan-dahan niyang inihiga si Persephone. Maingat niyang inihiga ito dahil baka magising ito at tumingin kay Henry. 

"Butler Henry, this woman is carrying my child. Please take care of her and do not tell this to mom and dad. I'll tell them sooner." Napangiti naman si Butler Henry sa kanyang narinig at pinagmasdan niya ang dalaga. Ngayon lang kasi niya ito natitigan at nanlaki ang mata niya.

"Eldest young master is she the heiress of the Sawyer Empire?" Nagulat si Zaugustus sa kanyang narinig at hindi nito maiwasan na tumango.

"Do you know her?" curious na tanong nito at saka tumango si Butler Henry.

"She's the only daughter of Evans Sawyer and Payne Sawyer. Malapit din po ako sa lolo ni Persephone. Kaya malimit ko rin siya makita, pero hindi siya nahahalata ng karamihan. Pero ng mamatay si Evans ay nagpasya si Eric na h'wag sabihin o ipakilala si Persephone sa nakararami. Lalo na sa media, dahil ito na lamang ang nag-i-isang tagapagmana. Ayaw niyang mapahamak ito," kwento ni Butler Herny at namangha si Zaugustus. Kaya naman ng mapatapos niyang banggitin ang about kay Persephone. Ito ay umalis na at naiwan na lamang ang dalawa.

Ngayon ay naintindihan na ni Zaugustus kung bakit ito nasa isang apartment. Pero hindi maalis sa kanyang isipan ang pagiging hirap nito kanina. Siya ay nag-aalala at parang maging siya ay nahihirapan kapag nakikita ang sitwasyon nitong ganito at ang kanyang kutis na maputla.

Sandaling tumayo si Zaugustus para kumuha ng inumin. Kaso sa kanyang pagtayo, bigla naman nagising si Persephone. Ang mata nito ay umikot-ikot agad sa paligid at ng mapansin niyang hindi niya ito kwarto. Siya ay agad napabalikwas at nasa harapan niya ang lalaking kausap niya kanina at nagsasabing siya ang tatay ng dinadala niya.

Parang nakaramdam ng hiya si Persephone at ang kanyang pisngi at taenga ay biglang namula. Napansin ito ni Zaugustus at biglang nilapitan ang dalaga at hinawakan ang pisngi, "Are you sick? You're face is too red." Hinawi ito agad ni Persephone at isiniksik ang sarili sa kumot. Napakasarap no'n sa pakiramdam at parang hinihila nanaman siya nito pahiga. 

"Do you really want to raise the child? You don't want to abort it?" Biglang nagsalita si Persephone at gusto niyang makasigurado. Hindi siya gano'n kalapit sa mga tao. Kaya naman gusto niyang makasigurado. Lalo na't siya ay pinoprotektahan ng kanyang lolo.

Lumapit tuloy si Zaugustus at saka hindi nito alam kung bakit dumaretso ang kanyang kamay para hawiin ang buhok nito. Parang tumatak na sa kanyang isipan ang mukha ng dalaga at ayaw ng maalis pa. Habang si Persephone naman ay namamangha rin sa kagwapuhan ni Zaugustus. Parang nakita na niya ito, ngunit hindi niya matandaan kung saan. Hindi kasi siya lumalabas kapag tapos ng klase sa eskwelahan. Dumadaretso siya agad sa apartment at uuwi lang sa hacienda kapag kailangan.

"I want the child Persephone, that's why I'm asking you to live with me. Stay here and I'll take care of you. Is it okay?" Parang tumalbog ang puso ni Persephone sa kanyang narinig. Hindi niya akalain na kikiligin siya sa mga sinabi nito at pakiramdam niya ay mas lalo siyang namumula sa kahihiyan.

Tanging pagtango lamang ang nagawa niya at kahit itanggi niya, siya talaga ay kinikilig sa binata. Pero mas nagulat si Persephone ng bigla siyang may maramdaman na kakaiba. Zaugustus kissed Persephone, because he couldn't resist the temptation on his body. He wants to mark the woman, so they can know that she has a partner. Parang napako si Persephone, pero hindi naman siya tumanggi sa binata. They kissed until they catched their breath. Hinihingal silang humiwalay at napatingin sa isa't isa.

Natauhan naman agad si Zaugustus at nataranta ito ng tanungin ang dalaga, "I'm s-sorry. I didn't mean it. Do you like it? No! I me-" tumawa nang mahina si Persephone ng dahil sa inasal ni Zaugustus. Hindi niya maipagkakaila na siya ay madaling nahulog sa simpleng ganito lamang.

Kahit na wala pang isang araw silang nag-uusap. Pakiramdam ni Persephone ay parang lumulutang siya sa langit at magaan ang pakiramdaman niya rito. Kaya natigilan din si Zaugustus ng tignan ang dalaga. Ang ngiti kasi nito ay lumabas na at ang mga labi nito ay kusang dumaretso sa noo ni Persephone.

"It's fine. I like it." Hindi nagsinungaling ang dalaga sa harap ng binata dahil talagang gusto niya ang ginawa nito. Hindi rin siya natakot ng halikan siya nito at kinilig pa nga siya. 

Kaya naman ang dalawang ito ay naglakad pababa ng hagdan at napangiti si Butler Henry ng makita niyang masaya ang dalawa. Ngayon lang din nila nakita ang maliwanag na mukha ni Zaugustus. Busy kasi ito lagi sa trabaho at kahit kailan ay hindi naging interesado sa babae. Habang si Asmodeus naman na kararating lang ay biglang napapikit. Mukhang masisilayan na niya ang kapatid na magkaroon ng lovelife. Dahil magkakaroon na rin ito ng anak at siya naman ay magiging tito na.

"The food is ready," wika ni butler Henry at nag-aalinlangan pa nga si Persephone dahil sa nangyari sa kanya kanina. Natatakot siya na baka magsuka nanaman siya at napaatras nang ko'nti. Napansin ito ni Zaugustus at inalis niya ang ibang pagkain na nakahain.

"Here, I'll help you." Sabay turo nito sa upuan at umupo naman si Persephone. Isang carbonara ang nakita niya at talagang mabango sa pang-amoy niya. Kinuha ito ni Persephone at masaya siyang kumain at hindi niya ito sinuka. 

"T-this is good!" masayang sambit ni Persephone at halos lahat ng tao sa mansyon ay nakatitig lamang sa kanya at hindi niya ito napapansin. Basta ang alam ni Persephone ay masaya siyang kumakain at ito na ata ang pagkain na natikman niyang napakasarap sa buong buhay niya, simula nang siya ay mabuntis.

"I'm glad that you liked it." Sabay lapag pa ulit ni butler Henry nang isang plato na may lamang carbonara. "Thank you so much. Thank you for helping me."

Panay ang pasasalamat ni Persephone sa binata at tuwang-tuwa ang lahat. Habang si Asmodeus na tahimik lang sa gilid ng pinto at pinagmamasdan ang dalawa ay hindi maiwasan na mapangiti. Masayang-masaya rin siya na makitang nag-iba na ang mood ng kanyang kapatid.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Summer Velasco
supper ganda hahaha miski ako kinikilig ......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status