Share

CHAPTER 5: Destined to meet

Natapos kumain si Persephone at nagulat siya nang bigla siyang may maalala. "Hala! Wala na akong uniform. May pasok ako bukas," tarantang saad nito at hinila naman ito ni Zaugustus at muling bumalik sa pagkakaupo. 

Bigla siyang nag-alala dahil naalala niyang pumapasok nga pala si Persephone. Kaya naman sumakit nanaman ang ulo ni Zaugustus at hindi niya alam kung paano niya pakikiusapang muli ang dalaga. 

"Is it okay na h'wag ka ng pumasok? I'll help you out. If you want to study, then I'll call someone to teach you here." Kalmadong-kalmado lamang ang boses ni Zaugustus at parang kinikilabutan si Asmodeus. Ngayon n'ya lamang narinig ang ganitong boses ng kapatid.

Masyado rin ito nagiging maingay sa ngayon at palaging nagsasalita. Hindi siya sanay na maingay ito at talagang nakakapanibago. Habang si Persephone naman ay namumula nanaman ng dahil sa sinabi ni Zaugustus. Hindi niya alam kung bakit mabilis siyang kiligin sa binata at pasimpleng umiling si Persephone. Kaya naman napakunot ang noo ni Zaugustus sa inakto nito.

"Pwede bang pumasok na muna ako? Hindi pa naman malaki ang tyan ko." Sabay hawak nito sa tyan at dahil hindi naman kayang paghindian ni Zaugustus ang dalaga, siya ay tumango na lamang.

"Basta ihahatid at susunduin din kita," sagot ni Zaugustus at tumango si Persephone, habang ang mga katulong ay kinikilig naman sa dalawa. 

Hindi nila pinansin kung malaki ang agwat ng dalawa. Halata kasi nilang bata si Persephone ng dahil sa mukha nito. Habang ang height niya ay napakalaki ng diperensya kay Zaugustus. Hanggang balikat n'ya lamang ang dalaga at talagang nahihirapan sila mag-usap sa tuwing nakatayo sila. Kaya naman ng matapos kumain si Persephone, niyaya ito ni Zaugustus sa kwarto. Sabay sinamaan nito ng tingin si Asmodeus dahil nagbabalak itong sumunod.

Walang nagawa si Asmodeus, kung hindi ang tumalikod na lamang at magmukmok sa isang gilid. Siya ay palaging nakabuntot at nakasunod sa kapatid. Pero ng dahil kay Persephone ay bigla na lang nagbago ang lahat. Kahit na gano'n, hindi pa rin makapaghintay si Asmodeus na malaman ito ng lahat ng pamilya nila. Sigurado kasi siya na kapag nalaman ito ng magulang nila ay talagang matutuwa ang mga ito sa kapatid. 

Samantalang ang dalawa na kapapasok pa lang sa kwarto ay nahihiya. May ilang kasi sila sa isa't isa ng maalala nila ang nangyari kanina. Parang magiging kamatis nanaman ang pisngi ni Persephone. Pero ang tahimik na kwarto ay biglang naging maingay dahil sa tanong ni Persephone.

"How do you know my name?" Napatanong na ang dalaga ng dahil sa kanyang naalala. Bigla kasi niyang naalala na tinawag siya nitong Persephone. Kahit na hindi pa naman niya sinasabi ang pangalan niya. Siya ay biglang kinabahan na baka alam nito ang sikreto niya. Pero isang yakao lamang ang natanggap niya at napakasarap no'n sa pakiramdam.

"Do you trust me?" Iyon ang tanong na lumabas sa bibig ni Zaugustus. Hindi man niya alam ang mga sinasabi nya, pero isa lang ang gusto niya. Gusto niyang protektahan ang dalaga at ang magiging anak nila. Hindi pa man siya ready sa nagawa nila, pero nand'yan na.

Tumingin naman si Persephone sa mga mata ni Zaugustus. Napakaganda no'n at saka muli siyang tumango. Bakit nga naman hindi magtitiwala si Persephone. Eh! Ito ang ama ng dinadala niya.

"You're the father of this little demon and I trust you." Parang sasabog sila sa kilig at umiwas muli si Persephone. Ngunit isang halik ang natanggap niya kay Zaugustus. Mukhang na-adik na ito sa mga halik nila kanina at parang ayaw niyang tumigil.

Kaso ng maalala niyang buntis si Persephone. Siya ay lumayo at niyakap na lang muli ang dalaga at hindi maiwasan ni Zaugustus ang mapangiti ng maalala niya ang sinabi nito. Ayaw niyang mawala ang tiwala nito sa kanya. Kaya naman lahat ay kanyang gagawin para mapatunayan na siya ay dapat pagkatiwalaan.

"I'm Zaugustus Kit Mercedes." Pagkasabi pa lang ni Zaugustus sa kanyang pangalan. Nanlaki ang mga mata ni Persephone. Hindi siya makapaniwala na ito ang sikat na billionaire at ama ng dinadala niya. 

Kahit na billionaire rin si Persephone, hindi pa niya nakikita si Zaugustus. Wala siyang ideya na ganito pala kagwapo ang lalaking tinutukoy ng maraming tao. Binabanggit din ito parati ng kanyang lolo at hindi iypn inaasahan ni Persephone.

Hindi kasi siya interesado sa mga ganito at kung may may maganap man na selebrasyon. Siya ay palaging nasa sulok lamang at hindi nagpapakita sa mga tao. Ayaw niyang makilala siya, lalo na siya ang nag-iisang anak ni Evans Sawyer. 

"T-talaga lang? Edi kilala mo ako?" Biglang natawa si Zaugustus at saka tumango.

"Ko'nti lang," wika nito at tumawa sila ng mahina.

Sabay muling niyaya ni Zaugustus si Persephone, para magpahinga. Dahil bukas na bukas ay papasok ito sa eskwelahan at ihahatid niya. Hindi man makapaniwala si Zaugustus, pero talagang magiging tatay na siya. After the celebration party. Zaugustus can't help drinking alcohol. Pasimuno kasi ang kapatid niyang si Heroux and he didn't want to refuse it because it was a celebration party. Nakisakay na lang siya bigla at ininom ito.

But without knowing, the alcohol that he drinks has a high dosage of drugs and can make his body feel lusty. Buti na lang talaga ay sa hotel naganap ang birthday celebration ni Eric na lolo ni Persephone. Siya ay agad nagcheck-in sa hotel at hindi niya alam na papasok dito si Persephone na parang lasing din. 

That's why Zaugustus feels hunger when he sees Persephone. Hindi na niya napigilan ang sarili at hindi naman pumalag ang dalaga. They did it after the party, pero pagkagising ni Zaugustus ay wala na si Persephone. Umalis ito ng parang bula at kahit na isang trace ay wala itong iniwan. Wala siyang mahanap sa loob ng tatlong buwan. Talagang hindi siya mapakali, kaya naman ginawa niya ang lahat ng makakaya niya. 

Nakakita kasi siya ng blood stain sa bed sheet ng kanilang kama. Kaya doon niya napagtanto na virgin ito. Wala man siyang ideya kung sino ito, pero ng makita niya. Mas lalo siyang nagulat sa kanyang nakita. Ang babaeng si Persephone ay 18 years old lamang at nag-aaral pa. Siya ay napahawak sa kanyang sintido ng maisip nito kung gaano kalaki ang agwat nila. Pero isa lang ang naisip ni Zaugustus na hindi na bata si Persephone.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sinaktan Mo Labis
P unlock nmn please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status