Share

CHAPTER 3: This woman is carrying my child

Nakahinga si Zaugustus ng mapakiusapan nila si Persephone. Pero ang tingin nito sa kapatid ay hindi maganda. Baka mamaya kasi ay masabi nanaman itong kakaiba at mahirapan naman siyang patahanin ang dalaga. Habang si Asmodeus ay naguguluhan pa rin. Alam niyang bata pa lamang si Persephone ng dahil sa itsura nito at lalo na sa height nito. May katangkaran naman ang dalaga, kaso hanggang balikat lamang ito ni Zaugustus. Kaya silang dalawa ay nahihirapan na kausapin ito kapag sila ay nakatayo.

Tumigil naman ang sasakyan ni Zaugustus at pinasara talaga niya ang isang hotel na naka-under sa pangalan niya. Tanging ilan lamang ang naririto at ng pumasok sila, agad naman silang binati ng head manager ng restaurant. 

"Boss Zaugustus and Asmodeus, this way." Sabay turo sa isang lamesa at may mga pagkain ng nakalatag. 

Samantalang si Persephone ay parang batang umupo sa lamesa at hindi na hinintay na umupo ang dalawa. Habang nag-aalinlangan pa nga itong kainin ang pagkain na nasa harapan niya.

"Huwag ka na mahiya. Pwede ka ng magsimulang kumain," saad ni Zaugustus at sinimulan ni Persephone ang kumain. Habang ang dalawang magkapatid ay tinitignan lamang ito na tahimik na kumakain. Habang kumakain ito, hindi maiwasan ni Asmodeus ang mapaisip. 

Napansin kasi niya ang kilos ni Persephone at ang pagkain nito sa pagkain na kanyang kinakain. Halata niya na galing ito sa mayamang pamilya, pero kumunot ang noo ng maalala ang apartment na kanyang tinutulugan.

"Talaga bang mahirap 'yan? O baka naman nagfefeeling mayaman?" Siniko ni Zaugustus ang kapatid at sinamaan nanaman niya ito ng tingin. 

"Eric Sawyer is her grandfather and she is the only daugther of Evans Sawyer." Nanlaki ang mata ni Asmodeus at panay tingin siya kay Persephone. 

Hindi naman maipagkakaila na ito ay mayaman. Ang kanyang kutis na parang perlas ay bihira lamang, lalo na kung ikaw ay may lahi o galing sa mayamang pamilya. Kaya naman nilingon ni Asmodeus ang kapatid at napansin niyang nakatitig lang ito kay Persephone.

"Siya lang ba ang anak ni Uncle Evans? Hindi ba't tatlo sila?" Hindi nasagot ni Zaugustus ang tanong ng kapatid ng biglang mabitawan ni Persephone ang kutsilyo at nataranta ito. 

Parang bumaligtad ang sikmura ni Persephone at agad nitong hinanap ang banyo ng restuarant. Nagulantang din ang mga nagtatrabaho sa restaurant ng dahil sa narinig nila. Kanina kasi ay pinag-uusapan nila si Persephone at hindi maiwasan na mapaisip kung ano ito ng kanilang boss. Pero ng makita nila ang reaksyon ng boss nilang si Zaugustus ay bigla silang nagulat.

Kakaiba ang ekspresyon nito dahil bigla niyang binuhat ang dalaga papunta sa banyo at saka doon nito halos sinuka ang mga kinain. Habang panay naman ang iyak ni Persephone at halos araw-araw siyang ganito. Napuno tuloy ng ingay ang buong restaurant ng dahil sa iyak nito. Para siyang bata at nanlalambot pa ang mga paa.

"W-what should we do? Do we need to call ambulance?" tanong ni Zaugustus at ngayon lang siya nataranta sa buong buhay niya. Hindi pa kasi nila nakikitang ganito ang kanilang ina, kahit ng pinagbubuntis nito ang bunsong si Heroux. Ang alam lang nila ay palagi itong nasa kwarto kasama ang ama nila.

"Wait he-" hindi naituloy ni Asmodeus ang kanyang sasabihin ng pigilan ito ni Persephone. 

"I'm f-fine. I just need to rest," simpleng tugon ni Persephone at halatang namumutla ito kahit na ang puti ng kanyang katawan. 

Hindi nagdalawang isip si Zaugustus na buhatin ang dalaga at hindi naman pumalag si Persephone. Dahil siya ay nanghihina at ang kanyang mata ay biglang napapikit ng dahil sa hilo na kanyang nararamdaman. Paglabas nito sa banyo, ang mga nasa restaurant ay nanlaki ang mata. Hindi sila pwedeng magkamali na ito ay kasintahan ng kanilang amo. Kaya naman hindi nila maiwasan na kiligin at magkaroon ng halong selos sa dalaga.

Sabay papasok na sana si Asmodeus sa kotse niya ng biglang magsalita si Zaugustus, "Get my schedule and I'll give you the details that you need to do." Parang nagliwanag ang mga mata nito dahil iniidolo niya ang kapatid. Kaya naman lahat ng utos nito ay kanyang sinusunod.

Sumakay ito ng kotse at saka umalis. Samantalang si Zaugustus naman ay hindi alam ang gagawin. Hinawakan niya ang noo nito at hinawi ang buhok na humaharang sa kanyang mukha. Nakatulog na ito agad sa simpleng minuto lamang ng kanyang pagbuhat. 

"Gan'yan ba ang morning sickness mo?" Napatanong si Zaugustus at hindi maiwasan na mag-alala. Napakaputla kasi ni Persephone at hindi niya alam ang rason kung bakit ito nakatira sa isang apartment. Kahit na siya lamang ang nag-iisang tagapagmana ng kanyang lolo na si Eric. 

Napuno tuloy ng pag-iisip si Zaugustus at gusto niyang malaman ang rason nito. Kaya naman imbis na dalhin niya ito sa apartment ay agad siyang dumaretso sa Mercedes Hacienda. Kung saan dito nakatira si Zaugustus at Asmodues. Pero ang mga magulang niya ay bihira lamang umuwi rito at maging ang pangatlo nilang kapatid na si Heroux. Palibhasa ay busy rin ang halos lahat sa kanila, kaya naman tanging sila lang ni Asmodues ang nakatira sa hacienda kasama ang mga kasambahay.

Pinagbuksan ito ng gate ng makita pa lang nila ang kotse na paparating. Alam nilang kotse ito ng amo nilang si Zaugustus at ng bumaba ito sa kotse, sila ay napakunot ng noo. Isang babae ang binuhat nito papasok sa loob.

"Eldest young master," bati ng lahat at nagulat sila ng itunghay nila ang kanilang mga ulo. 

"This woman is carrying my child. Kaya kung sino ang hindi rerespeto sa kanya ay para na rin n'yong hindi ako nirespeto." Panay naman ang tango ng mga ito ng marinig nila ang sinabi ni Zaugustus. Malaking balita ito sa buong pamilya at maging sa kanila. Hindi nila inaasahan na magkakaroon ito ng kasintahan at hindi maiwasan na kiligin.

Sabay ang butler ng kanilang bahay ay gulat na gulat sa kanyang nakita. Simula ng ito ay mga bata pa, kilalang-kilala na niya ang mga alaga niya. Kaya naman alam niya na hindi ordinaryo ang dalagang dinala ni Zaugustus at doon nila napagtanto na ito ay buntis. 

Kaya naman ang ilan sa kanila ay naghain ng pagkain at ang butler sa bahay nila ay mabilis na naglakad at sumunod kay Zaugustus papunta sa kwarto nito.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Summer Velasco
kinikilig nako hahahhahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status