Share

Chapter 3

Mikaya’s POV

Bukas na ang alis ko dahil na approved na ang binook kong ticket online papunta sa probinsya. Isang private van ang aking kinuha dahil na rin ilang maletang dala ko. Uuwi ako ng probinsiya, sa bahay ng Lola ko sa mother side ko, actually stepmom siya ni Mommy at hindi ito alam ng kahit sino sa pamilya ko. Hindi rin nila iisipin na dito ako nagpunta since we never communicate each other simula ng lumipat kami dito sa Manila. Close kami ng lola kahit na lagi silang magkaaway ni Mommy noon, pero sabi nga nila hindi dapat dinadamay sa away ng mga nakakatanda ang mga bata kaya naman hanggang ngayon ay in good terms pa rin kami ng lola ko.

Mahigit anim na oras ang naging biyahe, dahil sumakay pa kami ng barko at dalawang oras na naglayag sa dagat. Mabuti na nga lang at maganda ang panahon ngayon, hindi masyadong maalon. Nakatulog ako sa biyahe at namalayan ko na lang na nasa bahay na pala kami ng lola ko ng gisingin ako ng driver ng van.

Pagkatapos kong bayaran si kuyang driver at magpasalamat ay umalis na din kaagad ito. Bitbit ang dalawang malaking maleta ay lumapit ako sa bahay ng lola ko. Ayaw pa akong papasukin ng security guard, hindi siguro ako nito nakikilala kaya naman hinintay pa nilang makababa si lola. Masaya siya ng makita ako.

"Oh it’s that you my dear Mikaya?"

Naniniguradong sambit niya habang nakatingin sa akin.

"It’s me lola, Mikaya."

Sagot ko naman habang nakangiti pagkatapos ay lumapit ako at mahigpit na niyakap siya. I really miss her. Ilang taon ko din siyang hindi nakita, eversince mag-aral ako ng college.

"You're a grown lady now."

Bati niya habang nakangiti sa akin.

Pagkatapos ay inutusan niya ang ilang kasambahay na tulungan ako sa mga dala 'kong maleta.

Pagpasok sa loob ay parang bumalik ako sa pagkabata, hindi pa rin nagbabago ang bahay ni lola. It’s still the same kahit na medyo matagal na ang bahay na ito ay maganda pa rin. Mula sa mga babasaging kagamitan at mga naglalakihang chandelier. Updated din ang gamit dito. Kaya hindi na rin masama. Mas matanda pa nga sa akin ang bahay na ito.

"Come here girls."

Tawag ni lola sa mga kasambahay niya. Pagkatapos ay ipinakilala niya ako.

"Si Mikaya, ang nag iisa kong apong babae. Simula ngayon Myrna, you will be the one who’s in charge with her huh. Kahit saan siya magpunta dapat kasama ka. Okay?"

Paliwang niya sa mga kasambahay.

"Yes, Ma’am."

Sabay-sabay naman nilang sagot. Mukhang mababait naman ang mga makakasama ko sa bahay. After naming magkamustahan ni lola ay hinatid na ako ni Aling Myrna sa magiging kwarto ko.

"Ma’am sa labas lang po ako. Tawagan niyo na lang po ako kung may kailangan po kayo."

"Mikaya na lang po Aling Myrna. Sige po salamat."

Sagot ko naman sa kanya pagkatapos ay umalis na siya.

Habang inaalis ko ang mga gamit ko sa maleta ay may nakita akong pouch na kulay pink. I know na hindi ‘to sa akin dahil never akong bumili ng kahit anong gamit na kulay pink, I mean my favorite color is blue and white at imposible na bumili ako ng pink na pouch. Wala din naman akong natatandaan na may nagbigay sa akin nito.

Nang buksan ko ito ay tumambad sa akin ang nasisiguro kong malaking halaga ng pera. Kanino naman kaya galing ‘to? May nakita akong note sa gilid at agad ko itong binasa.

Hi mikaya, sa akin galing ‘to. Alam ko namang tatanggihan mo ito kung personal ko itong ibinigay sayo. Isipin mo na lang na birthday gift ko to sa magiging inaanak ko. Mag-iingat kayo parati ni baby ha. Mahal na mahal ko kayo.

-Love Bea Anne.

Kay Bea Anne pala ‘to galing. Napakakulit naman niya sinabi ko namang may ipon ako at sapat na yun para makapag simula ng bagong buhay dito sa probinsya.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay binuksan ko ang mga social media accounts ko at napagdesiyunan kong idelete ang lahat ng accounts ko. Pero bago ko tuluyang burahin lahat ay tiningnan ko muna ang mga messages ko at maraming message si Justine, si kua at si Mommy. Ni isa ay wala akong nireplayan sa kanila. I want to start a new life. Yung buhay na walang magdidikta sa mga kung ano ang mga dapat at hindi ko dapat gawin at magagawa ko lang ang bagay na yun kung puputulin ko ang koneksyong nag-uugnay sa amin. Mahal ko ang pamilya ko at hindi ko sila kakalimutan. Gusto ko lang patunayan na kahit na nagkamali ako, kaya ko pa ring ituloy ang mga bagay na nasimulan ko, na kaya kong bumangon kahit na nagkamali ako.

Nang matapos kaming kumain ng hapunan ay ipinatawag ako ng lola ko sa kwarto niya. She asked me the reason kung bakit biglaan ang naging pagpunta ko rito sa probinsya. Hindi kasi siya maniwalang nandito lang ako para magbakasyon. Ikwenento ko sa kanya ang lahat, ang pagbubuntis ko na hindi naman sinasadya at ang pagpapalayas sa akin ni Daddy. Nalungkot si lola ng malaman lahat.

"I’m sorry that you have to go through this Mikaya, don’t worry hija I’m always here for you no matter what happens huh. Just focus on your baby and I will take care of everything. It’s gonna be alright huh."

Umiiyak kong niyakap siya. She’s one of the most understable person that I know. I’m relieved that she understand me unlike my parents na tinalikuran ako sa panahong mas kailangan ko sila. Akala ko pa naman ay sila ang unang makakunawa sa sitwayon ko. Pero hindi ko din naman sila masisisisi I was wrong and I know it. Alam ko na mahirap tanggapin yung nangyari sa akin. Lalo na sa katulad nilang magulang.

Kinabukasan

Sinama ako ng lola ko sa mall para mamasyal, kailangan ko raw gawin to para makaiwas ako sa stress dahil masama para sa baby ang mastress. Kumain kami sa isang korean restaurant pagkatapos ay bumili ako ng bagong cellphone. I created new social media accounts at hindi boung pangalan ang nilagay ko. I want a peaceful life.

Bago kami tuluyang umuwi ay nagpaalam akong magcr saglit. Naglalakad ako papunta sa women’s comfort room ng may mabangga akong isang lalaki. Agad siyang humingi ng sorry at tinulungan akong pulutin ang bag na nalaglag ko. He seems familiar, hindi ko lang masyadong matandaan kung saan ko siya nakita. Papasok na ko sa loob ng cubicle ng maalala ko na siya yung lalaking nakasama ko sa hotel kaya pala pamilyar siya sa akin. Those brown eyes, I'm sure siya yun. Agad akong lumabas ng comfort room at hinanap siya ngunit hindi ko na siya naabutan pa. Naglakad lakad pa ako saglit, nagbabakasakaling makita ko siya. Pero paanong napunta siya dito sa probinsiya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status