Share

Chapter 4

Mikaya's POV

Pagdating sa bahay ay naikwento ko kay lola ang nangyari. Pero pinagsabihan niya akong huwag ng intindihin ang mga bagay na hindi naman importante.

I'm telling her that it's about the baby's father, na yung lalaking nakita ko ay yung lalaking nakabuntis sa akin, but she said that kaya naman nating buhayin ang bata kahit wala siyang ama hindi ba? And I know that she's right.

Ang gawin ko na lang daw ngayon ay magfocus sa aking pagbubuntis para maging safe at healthy ang baby.

Simula noon ay naging mas maingat ako. Nagsimula akong uminom ng gatas para sa buntis tuwing umaga. Naging maingat din ako sa mga pagkaing kinakain ko. Natutulog na rin ako ng tama sa oras. I also take my vitamins on time at minsan ay nag eexercise din ako sa loob ng bahay kasama ang ilan naming kasambahay.

Napakasupportive kaya nilang lahat sa akin. Sila din ang tagahanap ng pagkaing nagugustuhan ko ng mga panahong naglilihi ako. Na kahit hatinggabi na ay hahanap talaga sila kapag may nagustuhan akong pagkain and I am very thankful that I them. Hindi ko man kasama ang pamilya ko at least may mga tao na handang maging parte ako ng pamilya nila. Lagi nilang ipinaparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Na lagi lang silang nandyan para sa akin.

I take care of myself hanggang sa maging kabuwanan ko na. My pregnancy journey is not easy but thanks to my lola, she's always there for me. Never niya akong pinabayaan. A week before my due date ay nasa hospital na kami. Nagrequest din si lola ng personal doctor para sa akin.

Ng magsimula akong maglabor ay takot na takot ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, natatakot ako na kinakabahan. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Mabuti na lang at laging nasa tabi ko si lola at Aling Myrna na tumutulong palakasin ang loob ko.

Pinili ko ang normal delivery. Masakit pero kinaya ko. Makalipas lang ang ilang sandali ay nawala ang pagod at sakit na nararamdaman ko ng marinig ko ang iyak ng anak ko.

Kahit pagod ay pinilit kong imulat ang aking mata ng ilagay ng nurse sa tabi ko ang bata. Naiyak ako ng makita siya. He's so handsome. Ngayon ko lang narealize na I made the right decision. In a small voice I called him.

"Hi my baby Sky, I'm your Mommy."

Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Sky na matulog. He's two months now. I'm really happy that I have a son like him.

He's been the source of happiness in our house. Lahat na lang ng kasambahay ay gusto siyang alagaan pero sinabi ko sa kanila na I will be the one to take care of my son. Kahit si lola, gustong gusto niya na siya ang magbabantay kay Sky.

She loves carrying our little Sky na kahit manakit pa ang mga braso niya.

Maya maya pa ay nagising siya at nagsimula ng umiyak kaya naman agad ko siyang binuhat at isinayaw sayaw ulit.

Makalipas lang ang ilang sandali ay muli siyang makatulog pagkatapos ay ibinaba ko siya sa kanyang higaan. Hindi ko mapigiling hindi siya pagmasdan. Napakagwapo talaga ng anak ko. He has a thick lashes, a beautiful brown eyes, a small pointed nose and he has a fair skin. Ang kanyang itsura ay malayo sa akin maliban na lang sa maputi niyang balat at maliit ngunit matangos niyang ilong. Ang kanyang mata ay nasisigurado kong nakuha niya sa kanyang ama.

Dumating na si Aling Myrna galing sa kwarto kaya naman pinabantayan ko muna sa kanya si baby Sky.

I went to the kitchen to wash my baby bottles. Hindi madaling maging ina. Pero worth it lahat ng pagod kapag nakikita mo ang iyong anak. Kaya naman I will never regret having a child like Sky, he become my stregnth since the day he was born.

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay three years old na si Sky. Never akong nahirapan sa pagpapalaki sa kanya dahil laging nadyan si lola para ibigay ang lahat ng pangangailangan namin. Sobrang spoiled kaya ni Sky sa lola niya. Kami ang naging nanay at tatay niya. Sana lang ay huwag muna agad kaming dumating sa pagkakataon na hanapin at tanungin niya ang Daddy niya dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

Pinagmamasdan ko siyang tumatakbo sa harapan ng aming bahay ng madapa ito. Umiyak ito at tinawag ang lola niya.

"Lola, Sky is hurt."

Sigaw nito kaya agad naman siyang pinuntahan ni lola at sinubukang buhatin. Pero malaki na si Sky at medyo mabigat na din kaya naman lumapit ako sa kanila.

"What's wrong anak?"

Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Mommy, Sky is hurt and I want lola to carry me."

Umiiyak pa rin niyang sambit habang nakatingin sa akin.

"Sky, you are a big boy now and Lola can't carry you, you are heavy na anak. Let Mommy carry you na lang okey?"

"Okey, thank you Mommy."

Pagkatapos ay tumigil na siya ng pag-iyak.

Ng makarating kami sa loob ng bahay ay agad ko siyang binaba at inupo sa couch. I gave him water to calm down dahil kakagaling lang niya sa pag-iyak.

"Stop crying na anak. Don't worry I'll buy your favorite toy okey."

"For real Mommy, the one that is big right?"

"Yes of course so stop crying na okey?"

"Okey I will."

He's at negotiations huh. After that ay nagsimula na naman siyang maglaro ng mga kotseng laruan niya. He's really into cars. Lahat yata ng kulay ng kotseng laruan ay mayroon siya.

Habang nagpapahinga I received a call, it was from Bea Anne dahil siya lang naman ang nag-iisang taong kinokontack ko after all those years.

"Mikaya, naaksidente ang Daddy mo. Hindi maganda ang lagay niya and your Mom wants you to come here as soon as possible."

Natulala ako ng banggitin niya ang mga katagang iyon. I can't, hindi ko pa kayang bumalik sa lugar na yun.

Hindi ko pa kaya, hindi ko pa kayang harapin ang lahat. Natatakot ako, natatakot akong baka magkamali na naman ako.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status