Share

Chapter 20 Pagbawi

Third person point of view

Kinabukasan ay maagang bumangon si Arisson para ipaghanda si Joana Mei ng almusal dahil gusto niya itong suyuin. Nang makita niya ito kahapon na umiiyak at puno ng sakit ang mga mata ay pinangako niya sa sarili na hindi na niya ulit ito sasaktan. At noong hindi siya nito pinapansin ay labis-labis ang kaba niya na baka iwanan siya nito kaya naman habang nakaupo siya sa labas sa tabi ng pintuan ng kwarto nito ay palihim siyang tumatangis. Hindi niya kakayanin kung mawawala ito sa kaniya kaya naman labis-labis ang kasiyahan na naramdaman niya nung dinalhan niya ito ng gatas at hindi siya nito hinayaan na matulog na mag-isa.

Pagdating niya sa kusina ay naabutan niya ang maraming katulong na abala sa paghahanda ng pagkain. Kaagad siyang binati ng mga ito pagkakita sa kaniya, "magandang umaga po senyorito Arisson!"

Tumango lang siya sa mga ito bago dumiretso sa refrigerator at nagtingin ng pwede niyang lutuin, "hmm, ano kaya ang gusto niyang pagkain?" Tanong niy
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status