"Mag bakasyon kaya tayo Trisha, sa Siargao?" biglang sabi ni Luke isang gabi habang nanonood sila ng tv pagkatapos kumain."Ha? Bakit bigla-bigla ka naman ata nakaisip mag bakasyon?" nagtatakang tanong ni Trisha."This past few days kasi masyadong stressful sa opisina eh. Parang gusto kong mag pahinga muna atleast one month," seryosong saad ni Luke "Ikaw, kung iyon ba ang makakapag paalis ng stress mo eh," pag sang-ayon naman ni Trisha."Salamat babe! Be ready! Aalis tayo bukas," excited na ani Luke."Bakit naman sa Siargao mo napili?" tanong naman ni Trisha."Maganda kasi mag surfing doon eh," ani Luke."Talaga? Hindi naman ako marunong mag surfing eh. Papanoorin na lang kita," nakangiting sagot naman ni Trisha."Tuturuan kita wag kang mag alala," sagot naman ni Luke."Naku! Huwag na lang! Ni hindi nga ako marunong lumangoy eh mag surf pa kaya?" natatawa namang sagot ni Trisha."Talaga ba? Hindi ka marunong lumangoy?" natatawang di makapaniwalang saad ni Luke."Paano naman ako matut
"Trisha! Gising na we're here!" mahinang saad ni Luke?" Inakay nito si Trisha pababa ng kotse at tuwang-tuwa naman si Trisha sa tanawin. Nasa isang beach resort sila at napakaganda ng town house na nasa harapan nila. Modernong-moderno ang pagkakagawa ng town house. Para bang sinadya upang gawing bahay bakasyunan ng isang mayamang pamilya."Wow! Dito ba tayo tutuloy Luke? Hindi ba dito mahal ang babayaran natin?" humahangang ani Trisha. Halos manlaki ang mata at nakanganga ito sa sobrang pag hanga sa bahay na tutuluyan lalo na sa tanawin na nasa paligid nito. "Parang paraiso! Ang ganda!" namamangahng anito at umikot-ikot na naktaas ang mga kamay.Tuwang-tuwang pinagmamasdan naman ni Luke ang dalaga."Welcome to our paradise Trisha!" nakangiting saad ni Luke at itinuro ang nakalagay na pangalan ng resort sa gilid ng isang malaking kahoy."Trisha and Luke Paradise? Bakit? Paano? Pangalan natin iyan di ba?" nagtatakang ani Trisha matapos basahin ang pangalan ng resort. "Tama! Sa atin ang
"Are you ready for today's escapade Trisha?" excited na tanong ni Luke."Naman!" masayang sagot naman ni Trisha.Ngayong araw kasi sila naka schedule na maglilibot sa Siargao. Mabuti na lamang at nakasingit sila sa schedule ng tourist guide kaya tuwang-tuwa sila ng iapprove iyong request nila para samahan silang maglibot sa isla."Sir, ready na po ba kayo?" ani Grace ang tourist guide na na assign sa kanila. Bata pa rin naman si Grace baka hindi sila nagkakalayong tatlo ng edad. Maitsura din ito at halatang may pinag aralan kung kumllos pero deadma lamang iyon kay Trisha. "Yes, we're ready!" masayang sagot ni Luke.Sasakyan ng tourist guide ang ginamit nila dahil ito daw ang mag dadrive sa kanila para mas maenjoy daw nila ang view. Excited na sumakay ang dalawa dala ang mga gamit na kakailanganin nila sa pag lilibot sa isla. Mabagal lamang ang patakbo ng kotse dahil nag bibigay ng informations si Grace sa dalawa kapag may nadadaanan silang magandang tanawin."Unahin po nating puntaha
"Luke! Bilisan mo naman, gusto ko nang matutong lumangoy eh!" sigaw ni Trisha habang nagtatampisaw sa dalampasigan. Inaayos pa kasi ni Luke yung mga gagamitin niya for surfing. Pero bago iyon ay tuturuan niya muna si Trisha na lumangoy."Ok, mabilis lang to Trisha!" sigaw din ni Luke na nagmamadali sa ginagawa. Nang matapos ay patakbo siyang pumunta kung nasaan si Trisha.Nang makalapit ay agad sinabuyan ng tubig ni Trisha si Luke na ikinabigla nito."Ah ganun ha? Tangkang sasabuyan rin ni Luke si Trisha ng tubig ng mabilis itong tumakbo sa buhanginan kaya hinabol ito ni Luke. Masayang naghahabulan ang dalawa na para bang walang anumang pinoproblema. Maririnig ang tawanan ng dalawa. Mabilis na tumakbo si Luke upang maabutan niya si Trisha. Dahil sa binilisan nita ang takbo ay inabutan niya nga si Trisha at nayakap niya ito sa beywang habang sabay silang nagtatawanan. Walang kasing saya ang nararamdaman nila ngayon na tila ba nakatakas sila sa magulong mundo na puno ng problema. "Tam
Pagkatapos mapagod lumangoy ay nag pasiya nang umahin sina Trisha at Luke dahil lumalalim na rin ang gabi.Tumuloy na sila sa hotel, naligo at pagkatapos ay humiga na sa kama dahil sa pagod na pagod sila sa pag lalangoy.Ni hindi na nila naisipang kumain dahil sa paglapat pa lamang ng kanilang mga likod ay nakatulog agad ang dalawa. Sa himbing ng kanilang pag tulog ay hindi nila namamalayan na may mga matang nakatingin sa kanila."Mag saya ka Trisha dahil bilang na ang maliligayang araw mo kasama ni Luke. Gagawin ko ang lahat para mapaghiwalay ko kayo. Kaya sige sulitin mo ang araw na kasama mo pa siya dahil sinisiguro ko na mapapa sa akin siya habang buhay," tumatawang saad ni Patricia habang lihim na pinagmamasdan ang dalawa na himbing na himbing sa pag tulog."Tara na Patricia at baka magising pa sila makita pa nila tayo," nag aalalang saad ni Vicky."Sige tara na," mataray na ani Patricia.Halata sa mukha ni Vicky ang pag aalala sa ginagawa nilang pag sunod kina Luke mula ng pumun
"Good morning babe! Breakfast in bed!" ani Luke habang bitbit ang tray ng pagkain at inilapag ito sa kama.Tuwang-tuwa naman si Trisha na kagigising pa lamang at nakahiga pa sa kama."Thank you! Pero sandali ha mag toothbrush muna ako ng mabilis ha!" saad naman ni Trisha at mabilis na bumaba sa kama at pumasok sa banyo para mag sipilyo.Mabilis na nag toothbrush si Trisha at pagkatapos ay bumalik na ito sa kama. Inabutan niya naman si Luke na inaayos ang kanilang kakainin."Dito talaga tayo kakain sa kama?" nakangiting tanong ni Trisha."Yes, babe. Kaya nga tinawag na breakfast in bed eh!" nakatawa namang saad ni Luke."Ok. Let's eat!" ani Trisha na natawa rin dahil sa sinabi ni Luke.Masiglang kumain ang dalawa at paminsan-minsan ay nag susubuan pa."So, mag susurf tayo ngayon?" tanong ni Luke pagkatapos kumain."Sige! Excited na nga ako eh!" masayang sagot naman ni Trisha."Ok! Ihanda natin ang mga gamit na pang surf, tara?Matapos ihanda lahat nang gagamitin pumunta na sa dagat sin
"Let's go back muna sa bahay Trisha. Maaga pa naman, baka hindi pa naman tayo abutin ng gabi sa byahe," ani Luke."Bakit bigla kang nag aya pauwi? Akala ko ba may pupuntahan pa tayo?" nag tataka namang tanong ni Trisha na abala sa kinakain na alimasag. Kumakain kasi sila ng tanghalian at nag padeliver sila ng sea foods sa kanilang kuwarto at sarap na sarap si Trisha sa pag kain ng matabang alimango at malalaking hipon."Tumawag kasi si Manang Delia, iyong care taker natin sa bahay na may emergency daw kaya kailangan nandoon tayo para malaman natin kung ano ba talaga ang problema," paliwanag naman ni Luke."Ok! Walang problema sa akin. Naging masaya naman tayo dito eh!" ani Patricia habang ngumunguya.Lihim naman natuwa si Luke sa sagot ni Trisha.Nang makatapos kumain ay nag ayos na sila ng kanilang mga gamit."Saan tayo sasakay Luke?" tanong ni Trisha habang tinutupi ang kaniyang mga damit."Nagpasundo ako kay Mang Caloy. Maya-maya lang ay nandito na iyon kaya bilisan mo na diyan,"
Maya-maya ay biglang may tugtog na narinig si Trisha. Love song na paborito niya. Luma man pero ang ganda ng mensahe nito, ang "Born for You". Takang-taka naman si Trisha dahil bakit mag papatugtog pa ang kidnapper na iyan? Addict yata ang kumidnap sa kaniya talagang mag papatugtog pa ng love song at iyong paborito niya pa talaga ha? Gusto niyang matawa dahil sa trip ng kidnapper at nakalimutan niya ng kaunti ang takot.Maya-maya ay may narinig siyang lumalakad palapit sa kaniya kaya muli siyang kinabahan."Sino ka? Kung may binabalak ka mang masama please huwag mo nang ituloy maawa ka sa akin please! Bata pa ako para mamatay saka ang ganda ko ano para mamatay ng maaga!" pakiusap niya at sinubukan niya pang biruin ang kung sino man na palapit sa kaniya dahil baka sakaling mag bago ang isip nito at hindi na lang siya patayin.Ngunit nagkamali siya dahil patuloy itong lumalakad palapit sa kaniya at hinawakan siya sa kamay."Do you want to be my kidnap victim all your life? Dahil sayan