LOGINDalawang malinaw na guhit. Iyon ang unang nakita ni Grace Miller nang tingnan niya ang pregnancy test sa kaniyang kamay.
Hindi siya agad nakagalaw. Hindi rin siya nakapagsalita. Tatlong beses niyang sinuri ang resulta, umaasang baka nagkamali lamang siya.
Ngunit pareho ang ipinapakita ng lahat.
Buntis siya.
Dahan-dahan siyang naupo sa gilid ng kama at inilapat ang isang kamay sa kaniyang puson.
“I’m having a baby...”
Hindi niya alam kung matatawa o maiiyak. Matapos ang lahat ng nangyari, may isang bagong buhay na nabuo sa loob niya. Isang batang walang kinalaman sa mga pagkakamali ng kaniyang mga magulang. Isang batang maaaring maging dahilan upang muli siyang magkaroon ng pag-asa.
Ngunit kasabay ng saya, dumating ang takot. Ano ang gagawin niya? Paano kung malaman ni Ethan? At higit sa lahat, paano kung hindi nito gustuhing ipanganak ang bata?
Napapikit si Grace. Naalala niya ang malamig na tinig ng kaniyang asawa.
Kapag buntis ka, hindi ka na puwedeng magbigay ng dugo kay Sophia.
Hindi niya makakalimutan ang mga salitang iyon. Hindi ang pag-aalala ni Ethan sa kaniyang kalusugan ang dahilan kung bakit nito sinabi iyon.
Ang iniisip nito ay si Sophia.
Muli. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan.
“Don't worry, baby. Hindi kita hahayaang masaktan.”
Sa sandaling iyon, gumawa siya ng desisyon. Hindi muna niya sasabihin kay Ethan ang tungkol sa pagbubuntis. Kailangan muna niyang makahanap ng ligtas na lugar at maayos na kabuhayan. Hindi niya hahayaang maging isa na namang dahilan ang kaniyang anak upang kontrolin siya ng lalaki.
Kinabukasan, nagtungo si Grace sa isang maliit na klinika upang kumpirmahin ang kaniyang pagbubuntis. Matapos ang pagsusuri, ngumiti ang doktor.
“Congratulations, Mrs. Miller. Positive ang pregnancy test. Batay sa unang assessment, maaga pa ang pagbubuntis ninyo. Kailangan nating mag-follow up para matukoy nang mas eksakto ang gestational age.”
Napaluha si Grace.
“Thank you, Doctor.”
“May nararamdaman ba kayong matinding pagkahilo o panghihina?”
Tumango siya.
“May pagkakataon pong nahihilo ako, lalo na kapag hindi ako nakakakain.”
“Dahil sa recent medical history ninyo, mahalagang alagaan ninyo ang inyong sarili. Magpahinga, kumain nang sapat, at sundin ang mga susunod na pagsusuri. Kapag nakaranas kayo ng matinding pananakit o pagdurugo, pumunta agad sa hospital.”
Tumango si Grace.
Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, may taong nagtanong tungkol sa kaniyang kalagayan nang hindi humihingi ng kapalit. At hindi niya alam kung bakit, pero muntik na naman siyang maiyak.
Nang hapon ding iyon, pumunta siya sa Carter Group. Hindi niya balak sabihin ang tungkol sa pagbubuntis. Gusto lamang niyang kunin ang ilang dokumentong kailangan para sa annulment proceedings.
Pagdating sa opisina ni Ethan, nadatnan niya itong nakikipag-usap sa isang executive assistant.
Nang makita siya, agad itong tumayo.
“Grace? What are you doing here?”
“May kailangan akong kunin.”
“Then ask my assistant.”
“Personal documents ang kailangan ko. Hindi ko kailangang ipaliwanag sa iba.”
Nang makaalis ang assistant, isinara ni Ethan ang p***o.
“You've been avoiding me.”
“I'm trying to move on.”
“From what?”
Napatingin siya sa lalaki.
“From you.”
Bahagyang tumigas ang panga ni Ethan.
“Don't be ridiculous.”
“I'm not.”
“Grace, I know you're upset. But this has gone far enough.”
“Hindi ikaw ang magdedesisyon kung hanggang saan ang sakit na kaya kong tiisin.”
Natahimik ang lalaki.
Pagkatapos, napatingin ito sa folder na hawak niya.
“What's that?”
“Documents.”
“Let me see.”
“No.”
Mabilis na inabot ni Ethan ang folder, ngunit agad niya itong inilayo.
“Don't touch my things.”
“I'm your husband!”
“At ako ang taong matagal mong hindi pinakinggan.”
Dahan-dahang ibinaba ni Ethan ang kaniyang kamay. Sa loob ng ilang segundo, tila may gustong sabihin ang lalaki. Ngunit bago pa ito makapagsalita, tumunog ang cellphone nito.
Sophia. Agad na sinagot ni Ethan ang tawag.
“What's wrong?”
Hindi narinig ni Grace ang kabilang linya, ngunit malinaw niyang nakita ang pagbabago sa mukha ng lalaki.
“I'm coming.”
Ibinaba nito ang telepono at kinuha ang coat.
“Something happened to Sophia. I need to go.”
Tumango si Grace.
“Then go.”
Napahinto si Ethan.
“That's all you have to say?”
“Ano pa ba ang gusto mong sabihin ko?”
Tiningnan siya nito nang matagal. Pagkatapos, malamig na sumagot.
“You've changed.”
Napangiti si Grace.
“Maybe I finally learned.”
Lumabas si Ethan nang walang ibang sinabi. Naiwan si Grace sa opisina nito, hawak ang folder at ang lihim na hindi pa nito nalalaman. Dahan-dahan niyang inilapat ang kamay sa kaniyang tiyan.
“Baby, tayo na lang muna.”
Hindi niya alam kung anong magiging buhay nila. Ngunit sigurado siyang hindi niya hahayaang maging pangalawang pagpipilian ang kaniyang anak.
Pag-uwi niya sa hotel, may bagong mensahe mula sa hindi kilalang numero.
[Did you find out about the pregnancy?]
Nanlamig si Grace. Hindi niya sinabi kaninuman ang tungkol sa kaniyang kondisyon. Mabilis siyang nag-type.
[Who are you? How do you know?]
Ilang segundo ang lumipas.
[The pendant is more important than you think. Your grandmother tried to tell you the truth before she died.]
Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.
[What truth?]
Dumating ang sagot.
[Your name isn't the only thing they lied to you about.]
Napatayo si Grace. Muli niyang kinuha ang jade pendant at sinuri ang likuran nito. Sa ilalim ng simbolo, may isang maliit na bahagi na tila maaaring buksan.
Maingat niya itong pinisil. May narinig siyang mahinang pag-click. Bumukas ang isang manipis na takip. Sa loob nito ay may nakatiklop na maliit na papel. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang inilalabas iyon. Isang pangalan lamang ang nakasulat.
MIA.
At sa ilalim nito, may isang pangalang hindi niya kailanman narinig.
Aurelia Holdings.
Ano ang koneksiyon ng pangalan sa kaniyang lola? At bakit tila may taong handang gawin ang lahat upang manatiling nakatago ang katotohanan? Bago niya maisip ang susunod na hakbang, tumunog ang kaniyang cellphone.
Isang bagong mensahe mula sa hindi kilalang numero.
[Grace, if you want to protect your baby, stop looking into your past.]
Natigilan siya. Hindi na ito simpleng babala. May nakakaalam tungkol sa kaniyang anak. At may taong ayaw na malaman niya kung sino talaga siya.
Ngunit huli na. Sa pagkakataong ito, hindi na siya uurong.
“Grace, bakit hindi mo sinabi sa amin na nakalaya ka na?”Napangiti si Grace Miller nang makita ang tiyuhin niyang si Mark Carter na nagmamadaling lumapit sa kaniya.Katatapos lamang niyang dumating sa bahay nito. Matapos ang ilang gabing pagtira sa hotel, nagpasya siyang tanggapin ang alok ng kaniyang tiyuhin na manatili muna roon habang naghahanap ng sariling tirahan.“Sorry, Uncle. Marami lang pong kailangang ayusin.”Kinuha ni Mark ang maleta niya.“Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Pamilya mo kami.”Mula sa sala, sumilip si Auntie Dianne.“Grace! Bakit hindi mo sinabi na darating ka? Sana naghanda ako ng mas maraming pagkain.”“Auntie, okay lang po. Ayoko kayong maabala.”“Kalokohan. Hindi ka abala.”Lumapit ito at niyakap siya. Ngunit nang mapansin ang maliit na maleta, bahagya itong kumunot ang noo.“Nasaan ang mga gamit mo? Iyon lang ba ang dala mo?”“Opo.”Nagkatinginan ang mag-asawa.“May nangyari ba?” tanong ni Mark.Dahan-dahang ibinaba ni Grace ang kaniyang bag.“I'm
Dalawang malinaw na guhit. Iyon ang unang nakita ni Grace Miller nang tingnan niya ang pregnancy test sa kaniyang kamay.Hindi siya agad nakagalaw. Hindi rin siya nakapagsalita. Tatlong beses niyang sinuri ang resulta, umaasang baka nagkamali lamang siya.Ngunit pareho ang ipinapakita ng lahat.Buntis siya.Dahan-dahan siyang naupo sa gilid ng kama at inilapat ang isang kamay sa kaniyang puson.“I’m having a baby...”Hindi niya alam kung matatawa o maiiyak. Matapos ang lahat ng nangyari, may isang bagong buhay na nabuo sa loob niya. Isang batang walang kinalaman sa mga pagkakamali ng kaniyang mga magulang. Isang batang maaaring maging dahilan upang muli siyang magkaroon ng pag-asa.Ngunit kasabay ng saya, dumating ang takot. Ano ang gagawin niya? Paano kung malaman ni Ethan? At higit sa lahat, paano kung hindi nito gustuhing ipanganak ang bata?Napapikit si Grace. Naalala niya ang malamig na tinig ng kaniyang asawa.Kapag buntis ka, hindi ka na puwedeng magbigay ng dugo kay Sophia.Hi
Alas-sais ng umaga nang tuluyang magdesisyon si Grace Miller. Hindi na siya mananatili sa Mansion. Hindi na niya hihintaying bumalik si Ethan upang pakinggan ang mga dahilan nito.At hindi na niya hahayaang ang bawat araw ng kaniyang buhay ay umikot sa lalaking hindi kailanman nagbigay sa kaniya ng tunay na lugar sa puso nito.Tahimik niyang inayos ang kaniyang mga damit at inilagay sa maleta ang mga personal na gamit. Kaunti lamang ang kaniyang dadalhin.Ang ilang damit na ginamit niya bago makulong. Ang mga dokumentong kailangan niya. At ang jade pendant na iniwan ng kaniyang lola.Nang matapos siyang mag-impake, kinuha niya ang kaniyang cellphone. May ilang hindi nasagot na tawag mula kay Ethan.Napatingin siya sa screen.Noon, kahit isang missed call lamang mula sa lalaki ay sapat na upang magmadali siyang tumawag pabalik. Ngayon, wala na siyang nararamdamang ganoong pangangailangan.Binura niya ang pangalan ni Ethan sa kaniyang mga paboritong contact. Pagkatapos, ginawa rin niya
Isang buwan.Iyon na lamang ang natitirang panahon bago tuluyang makalaya si Grace Miller. Ngunit sa loob ng selda, tila walang katapusan ang bawat araw.Hindi niya nakita ang huling sandali ng kaniyang lola. Hindi niya nahawakan ang kamay nito sa oras ng kamatayan. At hindi niya man lang naibigay ang huling yakap na matagal niyang ipinangako.Ang tanging naiwan sa kaniya ay isang jade pendant at isang tanong na hindi na niya kailanman masasagot.Bakit siya tinawag na kaniyang lola na Mia?“Grace, may bisita ka.”Napatingala siya nang marinig ang tawag ng isang prison officer. Mabilis siyang tumayo. Sa loob ng ilang segundo, may munting pag-asa na muling sumibol sa kaniyang dibdib.Si Ethan kaya?Marahil ay dumating ito upang sabihin na nagsisisi ito. Marahil ay gusto nitong samahan siya sa kaniyang pagluluksa. Ngunit nang makarating siya sa visiting area, ibang tao ang nakita niya. Isang abogado mula sa Carter Group.“Mrs. Carter,” magalang nitong bati.“Nasaan si Ethan?”Bahagyang na
“Ang tagal na nating hindi ginagawa ito…”Dumampi sa tainga ni Ethan ang malamig ngunit mapang-akit na labi ng lalaki. Ang malalim at paos nitong tinig ay sapat para magpabilis ng tibok ng puso ni Grace.Sinubukan niyang umiwas, ngunit mapilit na hinabol ni Ethan ang kanyang mga labi.“Sandali lang,” bulong nito.Ngunit ang sandaling iyon ay tila walang katapusan. Hindi siya pinakawalan ng lalaki hangga't hindi halos mawalan ng lakas si Grace.“Are you hurt?”Kasabay ng malalim na tinig nito ang marahang paghaplos sa kanyang pisngi.“I’ll buy your latest favorite bag later.”Sa harap niya ay ang lalaking minahal niya sa loob ng tatlong taon—isang lalaking pinagkalooban ng perpektong mukha, malamig na mga mata, at likas na awtoridad na kayang magpatahimik sa sinumang kaharap niya.Si Ethan Carter.Ang asawa niya sa papel, ngunit hindi kailanman naging kanya sa puso. Tatlong taon na silang kasal. Kilalang-kilala na ni Grace ang ugali nito. Kapag nasisiyahan si Ethan, nagiging mapagbigay







