LOGINAlas-sais ng umaga nang tuluyang magdesisyon si Grace Miller. Hindi na siya mananatili sa Mansion. Hindi na niya hihintaying bumalik si Ethan upang pakinggan ang mga dahilan nito.
At hindi na niya hahayaang ang bawat araw ng kaniyang buhay ay umikot sa lalaking hindi kailanman nagbigay sa kaniya ng tunay na lugar sa puso nito.
Tahimik niyang inayos ang kaniyang mga damit at inilagay sa maleta ang mga personal na gamit. Kaunti lamang ang kaniyang dadalhin.
Ang ilang damit na ginamit niya bago makulong. Ang mga dokumentong kailangan niya. At ang jade pendant na iniwan ng kaniyang lola.
Nang matapos siyang mag-impake, kinuha niya ang kaniyang cellphone. May ilang hindi nasagot na tawag mula kay Ethan.
Napatingin siya sa screen.
Noon, kahit isang missed call lamang mula sa lalaki ay sapat na upang magmadali siyang tumawag pabalik. Ngayon, wala na siyang nararamdamang ganoong pangangailangan.
Binura niya ang pangalan ni Ethan sa kaniyang mga paboritong contact. Pagkatapos, ginawa rin niya iyon sa numero ni Sophia. Hindi niya kailangang makipag-away sa kanila. Hindi niya kailangang patunayan kung sino ang mas mahalaga. Gusto lamang niyang makalaya.
Biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
Si Ethan.
Sinagot niya ang tawag.
“Where are you?”
Walang pagbati. Walang tanong kung kumusta siya. Diretso agad sa gusto nitong malaman.
“I'm at home.”
“Then why aren't you answering my calls?”
“Hindi ko narinig.”
“Don't lie to me, Grace.”
Napangiti siya nang mapait.
“Bakit? May kailangan ka ba?”
“Why did you delete Sophia's number?”
“Because I don't want to talk to her.”
“She's trying to be nice to you! Alam niyang nakalaya ka na at gusto ka niyang batiin.”
“Then tell her I appreciate it.”
“Grace!”
Napailing siya.
“Ethan, ano ba talaga ang gusto mo?”
Natahimik ito nang ilang segundo. Pagkatapos, malamig na sumagot.
“I want you to stop acting like a victim.”
Napapikit si Grace.
“Hindi ko na kailangang magpanggap na biktima, Ethan. Dahil hindi na kita hihingan ng kahit ano.”
Pinatay niya ang tawag. Pagkatapos, tuluyan niyang hinarang ang numero nito.
Sa unang pagkakataon, hindi siya naghintay ng sagot. Bago umalis, nagtungo si Grace sa sementeryo upang dalawin ang puntod ng kaniyang lola. May dala siyang isang maliit na palumpon ng puting bulaklak. Tahimik niyang inilapag iyon sa harap ng lapida.
“Lola, patawad po.”
Lumuhod siya sa basang damuhan.
“Hindi ko po nagawang makasama kayo sa huling sandali ninyo. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko.”
Nanginginig ang kaniyang mga daliri habang hinahaplos ang malamig na bato.
“Pero may pangako po ako. Hindi na ako magpapagamit. Hindi ko na hahayaang may ibang taong magdesisyon kung karapat-dapat ba akong mahalin.”
Huminga siya nang malalim. Makalipas ang ilang minuto, tumayo siya. Hindi na niya kayang baguhin ang nakaraan. Ngunit maaari pa niyang piliin kung paano niya haharapin ang hinaharap.
Pagbalik niya sa mansion, may naghihintay na sa sala.
Si Ethan.
Nakatayo ito sa tabi ng sofa, halatang naiinis.
“Saan ka nanggaling?”
“May pinuntahan ako.”
“That's not an answer.”
“Hindi ko alam na kailangan ko pang magbigay sa iyo ng itinerary.”
Kumunot ang noo ni Ethan.
“Don't test my patience, Grace.”
Napatingin siya sa kamay nitong mahigpit na nakahawak sa kaniyang pulsuhan.
“Bitawan mo ako.”
“Not until you explain why you're acting like this.”
Dahan-dahan niyang binawi ang kamay.
“Dahil pagod na ako.”
“Pagod? I've given you everything you need!”
Napatawa siya nang walang saya.
“Everything I need?”
Tumingin siya sa mamahaling sofa, sa malalaking bintana, at sa mga dekorasyong minsan niyang pinangarap.
“May bahay ako, may damit, may pera. Pero Ethan, ni minsan, hindi mo ako tinanong kung masaya ba ako.”
“Because you never said anything.”
“Sinabi ko. Paulit-ulit kong sinabi. Hindi mo lang ako pinakinggan.”
Natahimik ang lalaki. Ngunit mabilis ding nagbago ang ekspresyon nito.
“Fine. What do you want now? More money? Another house?”
“Gusto ko ng annulment.”
“Enough!”
Umalingawngaw ang boses ni Ethan sa buong silid. Ngunit hindi na natinag si Grace.
“Hindi mo kailangang sumigaw. Hindi na magbabago ang desisyon ko.”
Kinuha niya ang maleta at naglakad patungo sa p***o. Hinarangan siya ni Ethan.
“Where do you think you're going?”
“I'm leaving.”
“Without my permission?”
Dahan-dahang tumingala si Grace.
“Hindi mo ako pag-aari, Ethan.”
Nawala ang pananalita sa lalaki. Ilang segundo silang nagtitigan. Pagkatapos, umatras si Ethan at hinayaang makadaan siya. Hindi niya alam kung bakit siya pumayag. Marahil ay iniisip nitong babalik din si Grace. Marahil ay naniniwala pa rin itong hindi nito kayang mabuhay nang wala siya. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na lumingon si Grace.
Nang gabing iyon, pansamantala siyang tumuloy sa isang maliit na hotel habang naghahanap ng permanenteng matitirhan. Hindi pa niya gustong humingi ng tulong sa kaniyang tiyuhin. Kailangan niyang matutong tumayo sa sarili niyang mga paa.
Habang inaayos ang mga gamit, napansin niyang may natanggap siyang bagong mensahe mula sa hindi kilalang numero.
[Grace Miller, kung gusto mong malaman kung sino talaga ang nagtulak kay Sophia White sa hagdan, huwag mong itapon ang jade pendant ng lola mo.]
Natigilan siya. Binasa niya muli ang mensahe. Paano nalaman ng taong iyon ang tungkol sa pendant? At ano ang koneksiyon nito sa kasong naging dahilan ng kaniyang pagkakakulong?
Mabilis siyang nag-type ng sagot.
[Who are you?]
Ilang segundo ang lumipas bago dumating ang reply.
[Someone who knows what really happened that night.]
Nagsimulang kumabog ang kaniyang dibdib.
[Meet me tomorrow at ten. Come alone.]
Bago pa siya makapagtanong muli, may sumunod na mensahe.
[And Grace? Don't trust anyone who tells you they are protecting you.]
Nanginginig ang mga daliri niya habang ibinababa ang cellphone.
Sa loob ng isang taon, paulit-ulit niyang sinabi sa sarili na si Sophia ang nagpakulong sa kaniya at si Ethan ang nagpasiyang huwag siyang paniwalaan.
Ngunit paano kung may mas malaking lihim sa likod ng lahat? Paano kung may taong sadyang gustong mawala siya sa buhay ng pamilya Carter?
Kinuha niya ang jade pendant at pinagmasdan ang simbolong nakaukit dito. Sa unang pagkakataon, hindi na lamang ito alaala ng kaniyang lola.
Isa na itong pahiwatig.
At handa siyang sundan iyon.
Hindi niya alam kung sino ang naghihintay sa kaniya kinabukasan. Ngunit kung ang katotohanan ang magpapalaya sa kaniya mula sa nakaraan, wala nang sinumang makapipigil sa kaniya ngayon.
“Grace, bakit hindi mo sinabi sa amin na nakalaya ka na?”Napangiti si Grace Miller nang makita ang tiyuhin niyang si Mark Carter na nagmamadaling lumapit sa kaniya.Katatapos lamang niyang dumating sa bahay nito. Matapos ang ilang gabing pagtira sa hotel, nagpasya siyang tanggapin ang alok ng kaniyang tiyuhin na manatili muna roon habang naghahanap ng sariling tirahan.“Sorry, Uncle. Marami lang pong kailangang ayusin.”Kinuha ni Mark ang maleta niya.“Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Pamilya mo kami.”Mula sa sala, sumilip si Auntie Dianne.“Grace! Bakit hindi mo sinabi na darating ka? Sana naghanda ako ng mas maraming pagkain.”“Auntie, okay lang po. Ayoko kayong maabala.”“Kalokohan. Hindi ka abala.”Lumapit ito at niyakap siya. Ngunit nang mapansin ang maliit na maleta, bahagya itong kumunot ang noo.“Nasaan ang mga gamit mo? Iyon lang ba ang dala mo?”“Opo.”Nagkatinginan ang mag-asawa.“May nangyari ba?” tanong ni Mark.Dahan-dahang ibinaba ni Grace ang kaniyang bag.“I'm
Dalawang malinaw na guhit. Iyon ang unang nakita ni Grace Miller nang tingnan niya ang pregnancy test sa kaniyang kamay.Hindi siya agad nakagalaw. Hindi rin siya nakapagsalita. Tatlong beses niyang sinuri ang resulta, umaasang baka nagkamali lamang siya.Ngunit pareho ang ipinapakita ng lahat.Buntis siya.Dahan-dahan siyang naupo sa gilid ng kama at inilapat ang isang kamay sa kaniyang puson.“I’m having a baby...”Hindi niya alam kung matatawa o maiiyak. Matapos ang lahat ng nangyari, may isang bagong buhay na nabuo sa loob niya. Isang batang walang kinalaman sa mga pagkakamali ng kaniyang mga magulang. Isang batang maaaring maging dahilan upang muli siyang magkaroon ng pag-asa.Ngunit kasabay ng saya, dumating ang takot. Ano ang gagawin niya? Paano kung malaman ni Ethan? At higit sa lahat, paano kung hindi nito gustuhing ipanganak ang bata?Napapikit si Grace. Naalala niya ang malamig na tinig ng kaniyang asawa.Kapag buntis ka, hindi ka na puwedeng magbigay ng dugo kay Sophia.Hi
Alas-sais ng umaga nang tuluyang magdesisyon si Grace Miller. Hindi na siya mananatili sa Mansion. Hindi na niya hihintaying bumalik si Ethan upang pakinggan ang mga dahilan nito.At hindi na niya hahayaang ang bawat araw ng kaniyang buhay ay umikot sa lalaking hindi kailanman nagbigay sa kaniya ng tunay na lugar sa puso nito.Tahimik niyang inayos ang kaniyang mga damit at inilagay sa maleta ang mga personal na gamit. Kaunti lamang ang kaniyang dadalhin.Ang ilang damit na ginamit niya bago makulong. Ang mga dokumentong kailangan niya. At ang jade pendant na iniwan ng kaniyang lola.Nang matapos siyang mag-impake, kinuha niya ang kaniyang cellphone. May ilang hindi nasagot na tawag mula kay Ethan.Napatingin siya sa screen.Noon, kahit isang missed call lamang mula sa lalaki ay sapat na upang magmadali siyang tumawag pabalik. Ngayon, wala na siyang nararamdamang ganoong pangangailangan.Binura niya ang pangalan ni Ethan sa kaniyang mga paboritong contact. Pagkatapos, ginawa rin niya
Isang buwan.Iyon na lamang ang natitirang panahon bago tuluyang makalaya si Grace Miller. Ngunit sa loob ng selda, tila walang katapusan ang bawat araw.Hindi niya nakita ang huling sandali ng kaniyang lola. Hindi niya nahawakan ang kamay nito sa oras ng kamatayan. At hindi niya man lang naibigay ang huling yakap na matagal niyang ipinangako.Ang tanging naiwan sa kaniya ay isang jade pendant at isang tanong na hindi na niya kailanman masasagot.Bakit siya tinawag na kaniyang lola na Mia?“Grace, may bisita ka.”Napatingala siya nang marinig ang tawag ng isang prison officer. Mabilis siyang tumayo. Sa loob ng ilang segundo, may munting pag-asa na muling sumibol sa kaniyang dibdib.Si Ethan kaya?Marahil ay dumating ito upang sabihin na nagsisisi ito. Marahil ay gusto nitong samahan siya sa kaniyang pagluluksa. Ngunit nang makarating siya sa visiting area, ibang tao ang nakita niya. Isang abogado mula sa Carter Group.“Mrs. Carter,” magalang nitong bati.“Nasaan si Ethan?”Bahagyang na
“Ang tagal na nating hindi ginagawa ito…”Dumampi sa tainga ni Ethan ang malamig ngunit mapang-akit na labi ng lalaki. Ang malalim at paos nitong tinig ay sapat para magpabilis ng tibok ng puso ni Grace.Sinubukan niyang umiwas, ngunit mapilit na hinabol ni Ethan ang kanyang mga labi.“Sandali lang,” bulong nito.Ngunit ang sandaling iyon ay tila walang katapusan. Hindi siya pinakawalan ng lalaki hangga't hindi halos mawalan ng lakas si Grace.“Are you hurt?”Kasabay ng malalim na tinig nito ang marahang paghaplos sa kanyang pisngi.“I’ll buy your latest favorite bag later.”Sa harap niya ay ang lalaking minahal niya sa loob ng tatlong taon—isang lalaking pinagkalooban ng perpektong mukha, malamig na mga mata, at likas na awtoridad na kayang magpatahimik sa sinumang kaharap niya.Si Ethan Carter.Ang asawa niya sa papel, ngunit hindi kailanman naging kanya sa puso. Tatlong taon na silang kasal. Kilalang-kilala na ni Grace ang ugali nito. Kapag nasisiyahan si Ethan, nagiging mapagbigay







