Share

Chapter 4

Chapter 4

 

Nagawa ang gusto niyang mangyari. Kahit labag sa kalooban ko, gumising ako ng napakaaga para sumabay sa kanya. He warned me that he would leave me kung babagal-bagal ako. Ayaw ko namang maglakad, kaya ngayon ay naliligo na ako.

 

He gave me a uniform, a blue cabana shirt, and black stretch jeans. Ipinusod ang natuyo ko nang buhok at nilagyan iyon ng hairnet. I didn't apply any perfume. Napangiwi ako nang makita ko ang sarili sa salamin. I never thought that I would end up like this. Halos masuka pa ako noong isuot ko na ang black sneakers na provided din ng pobreng 'yon!

 

Anton gave me a smug smile when I went down, and I instantly glared at him. I sit up straight in the chair as we both eat. Wala kaming imikan, but all of a sudden, I caught him stealing his glance from me. He chuckled, which made my heart race for a reason I don't know.

 

Oh, right! Maybe my heart is racing because I don't like the feeling of being with him. Tama! Iyon ang dahilan, wala nang iba.

 

By the time we finish our breakfast and head out of the mansion, the traffic is absolutely shocking and as we inch forward at the intersection, Anton turns to me.

 

"Huwag mong ipapakita ang tunay mong ugali sa mga magiging ka-trabaho mo, hindi ka nila uurungan kapag may nagawa kang mali sa kanila," Anton seriously said as he placed his hand on the gear stick.

 

"Well," I start breathily, "kaya ko namang makisama basta hindi lang ako gagaguhin."

 

"Mababait ang mga empleyado ng resort at wala kang masasabi sa sipag at dedikasyon nila." Anton gave me a small wink. A rolling of the eyes falls out of me. Kinabahan ako bigla. Wala sa loob akong napakapit sa seatbelt. I glance around his black Toyota Vios, and a heat rises inside me. Napailing ako. Impossible ang iniisip ko. It's a sleek car, and I notice the darkness in Anton's eyes, telling me that he wouldn't think twice about taking me if I agreed to it. Nahintakutan ako sa naisip ko.

 

No! Erase that idea, Aliza May! Nahihibang ka na! Kung anu-ano na ang pumapasok sa utak mo!

 

I turn my gaze away and stare out the window. Mabuti na lang at hindi na muling umimik si Anton, kaya naging panatag na ang biyahe namin.

 

"Dito tayo," he said, leading the way. "Don't expect that the employees will welcome you because you will work with them."

 

"I know," I replied.

 

Sinaluduhan siya ng guwardiya, noong makapasok na kami sa resort. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Nakita ko ang malawak na tanawin ng resort, na tila isang paraiso sa dulo ng Cebu. Ang mga daan ay malinis at maayos, nagpapakita ng maingat na pag-aalaga mula sa mga tauhan ng resort.

 

Ang mga building ay may malalawak na balkonahe, at mga palamuti na gawa sa mga lokal na materyales. Sa kanang bahagi ay ang mga Mediterranean cottage at sa bandang harap naman ay ang malawak na pool.

 

Habang naglalakad kami, dumampi sa aking balat ang malamig at sariwang simoy ng dagat. Ang dagat ay kumikislap sanhi ng repleksiyon ng araw, nagpapakita ng mga kulay na aabot mula sa pula hanggang sa malalim na asul.

 

Sa bawat sulok ng resort, nakikita ko ang mga empleyado na nagtatrabaho nang masigasig. Ang ilan sa kanila naglilinis ng mga cottage at nag-aayos ng mga silya. Ang iba naman ay nag-aasikaso ng mga kahilingan ng mga bisita.

 

I am not fascinated by hardworking people because they need it. Kung hindi sila magtatrabaho, wala silang kikitain. Kung hindi sila gagalaw, walang kakainin ang pamilya nila.

 

"Si Martia ang magtuturo sa 'yo kung anong gagawin mo. I'll leave you here," aniya noong tumapat na kami sa locker ng mga empleyado. May tinawag siyang may katandaang babae at lumapit naman agad ito na nakangiti.

 

"Ano po iyon, sir Anton?" magalang siyang tumindig sa harap namin. Tinapunan niya ako ng tingin. Muli siyang tumitig sa kasama ko.

 

"Please assist her on her first day," he ordered.

 

"Masusunod po, sir," aniya. Tumango siya at sinuyod ako ng tingin. Nananantiya at mapanuri ang kanyang mga mata. Ni hindi man lang niya ako nginitian. Tumaas tuloy ang kilay ko. "Ito na ba ang unica hija ni Senyor Paulo?"

 

"Siya nga. Ikaw na ang bahala. I still have many things to do in my office," aniya at lumakad na palayo nang hindi nagpapaalam sa akin. He really looked arrogant in the way he walked with pride. Naiinis ako sa hindi ko na naman malamang dahilan.

 

"Ano nga pala ulit ang pangalan mo?" Nanunusok ng kuryusidad ang mga matang tanong ng matanda.

 

"Aliza May," malamig kong tugon.

 

"Sobrang haba naman!"

 

"You can call me Ey if you want."

 

Ngumisi lang siya. Nagpatuloy kami sa paglalakad sa loob ng isang malawak na hallway ng resort. Nararamdaman ko ang mga mata ng ilang tao na nagmamasid sa bawat hakbang na ginagawa ko. Hindi ako masyadong nagpapahalata sa aking mga kilos, kinakabahan man ay alam kong kakayanin ko ang trabaho rito.

 

"Mabuti at lumabas ka na sa lungga mo?" tanong niya bigla, na nagpabaling ng atensyon ko mula sa kanyang mga matang nakatingin.

 

"Kailangan, e!" sagot ko habang pinipilit na maging kalmado. Pero nuncang aaminin ko sa kanila na wala akong pera kaya narito ako.

 

"Sana'y marami kang matutunan rito bilang unica hija ni Senyor Paulo."

 

Napabuntong-hininga ako. 

 

Nagpatuloy kami sa paglalakad, hanggang sa ipakilala niya ako sa iba pang makakasama sa trabaho. And like her, they coldly welcomed me.

 

"Pantay-pantay ang lahat ng trabahador dito. Walang mayaman, walang mahirap. Kung mag-iinarte ka, mas mabuti pang umuwi ka na lang," Martia said, emphasizing equality among workers.

 

Habang pinagkukumpulan ako. Lumapit ang isa sa nagpakilala kanina, si Aling Sholing. Tiningnan niya ako ng may makahulugang tingin. "Minsan ka lang manonood, and I expect you to learn fast," she said, her tone carrying a mix of strictness and expectation. Mahirap sukatin ang totoong nararamdaman nila sa akin, pero hindi ko maalis ang pakiramdam na nag-aalinlangan sila sa presensya ko.

 

Biglang umalingawngaw ang boses ng isa pang babae sa silid, puno ng pagkainip. "Ano pang hinihintay mo? Magsimula na tayo! Kunin lahat ng basura at ilagay sa itim na garbage bag!" sigaw niya.

 

Nakaramdam ako ng pagkadismaya sa kanilang kilos. Imbes na palakihin ang sitwasyon, mas pinili kong hayaan na lang ang pagsusungit nila. This is not my territory and I know to handle such situation. Naisip ko na mas mabuting huwag na lang magdulot ng anumang gulo na posibleng mauwi sa pagrereklamo nila kay Anton.

 

Bagama't naiinis ako ng makita ko ang mga nakakalat na bote ng inumin sa sahig at ang gusot na mga balot ng junk food sa mesa, sinimulang pulutin ang mga iyon, isa-isa.

 

Hindi pa room natapos ang kalbaryo ko. They also showed me how to change the bedding and how to clean the toilet.

 

"Napakaarte!" rinig kong sigaw ni Aling Sholing. "Ganito lang kasi!"

 

She then started flushing the toilet and brushing it with the toilet bowl cleaner. Hindi ko maiwasang dumuwal ulit dahil doon.

 

"Ikaw na ang tumapos niyan, Sholing. Hayaan mo muna si Ey. Baka hindi talaga niya kaya," bulong ni Martia sa kanya.

 

"Hindi! Kaya ko na 'yan!" Halos maluha-luha ako habang hinuhugasan ang mukha ko. Pinilit kong tapusin ang naumpisahan ni Aling Sholing.

 

Ang iba pang mga chambermaids ay nagpatuloy sa kanilang mga gawain, pero ang kanilang mga tingin ay paminsan-minsang sumusulyap sa puwesto ko. Pakiramdaman ko tuloy, nakakagambala ako sa kanila.

 

Sa kabila ng malamig na pagtanggap, nagpokus ako sa paglilinis ng toilet, determinadong patunayan ang aking sarili na kahit isa akong heredera ay kaya ko ring gumawa ng mga bagay na kaya nila.

 

Nagpatuloy ang paglilinis namin hanggang tanghalian at muli kaming nag-resume bandang ala-una. Nang matapos kinahapunan, ay naglakad ako sa baybayin ng Santander.

 

Ang paglubog ng araw ay nagpinta sa kalangitan ng mga makulay na pula at dilaw. Dahil sa naakit ako sa kagandahan ng dagat, tahimik akong naglakad patungo sa dalampasigan. Ang malambot na buhangin sa ilalim ng aking mga paa at ang maindayog na paghampas ng mga alon ay nagbigay ng katahimikan sa akin.

 

Umupo ako at pinagmasdan ang isang masayang pamilya. Sama-sama silang lumalangoy habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

 

Napangiti ako ng mapait.

 

If my mom is still alive, ganyan pa rin kaya kami kasaya? Malaman, oo. I could still remember the love in my mom's eyes. Niyakap ko ang aking tuhod. Umiling ako at pinili na lamang na mamangha sa ganda ng sunset.

 

Doon ako naglagi hanggang sa maisipan kong maglakad muli sa kahabaan ng boardwalk. Nawili ako sa pagpulot ng seashells at itinapon ko rin iyon nang magsawa ako.

Inabutan na ako ng dilim. Pipihit na sana ako pabalik noong may marinig akong kakaiba! Tinalunton ko kung saan nagmumula ang tunog na iyon. Hanggang sa makarating ako sa malaking tipak na bato.

 

Namimilog ang mga mata ko sa nasulyapan ko. Sinapo ko ang dibdib dahil sa gulat. Muli akong sumilip.

 

"Harder, please." Umangat ang dalawang binti ng babae at ipinulupot sa baywang ng lalake.

 

"Oh, ang sarap mo!" ungol ng lalake. Bumaba siya para halikan ang babae habang patuloy ang pagbayo nito sa kanya ng paulit-ulit.

 

Napapikit ako sa aking nakita at dumilat muli.

Maya-maya ay tinanggal ng lalake ang kaniyang naghuhumindig na sandata at umatras ng kaunti para halikan ang babae mula dibdib, pababa sa puson, at tumigil sa gitnang parte ng hita ng babae.

 

"Oh, ang sarap niyan..." umungol ng mahina ang babae. Pabiling-biling ang ulo niya habang pinagsasawa ng lalake ang pagsipsip at pagdila sa hiyas nito. Kumilos ang kamay ng lalake at inabot ang dibdib ng kaniig niya. Marahan nitong pinipisil ang u***g niya habang walang sawa pa rin siya sa pagkain ng hiyas ng babae. "Oh, sige pa..." d***g ng babae.

 

"Kanino ka lang?" Tanong ng lalake habang sarap na sarap ito sa pagbayo.

 

"Oh... Oh... Oh... Sa 'yo lang ako, pareng Antonio," sagot ng babae.

 

Na-shocked ako! 

 

"Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala," dinig kong sabi ng taong nasa likod ko.

 

"Huwag kang magulo, wala pa nga sila sa climax," anas ko. Tutok na tutok ang panonood ko habang umuungol sa sarap ang babae habang dinidilaan ng lalake ang kaniyang kayamanan.

 

I wonder how it feels. Seeing them do that made me remember my dream where Anton eats mine, too. Kaso panaginip lang pala 'yon. Then I realized, hindi pala mag-asawa ang pinapanood ko. I felt like puking all of a sudden.

 

"Anong climax? Ano bang tinitingnan mo riyan?" Ramdam kong sumilip din ang nasa likod ko at bahagya niyang inilabas ang ulo niya para makita ang pinapanood ko. We were behind the big rock.

 

I held my breath when I smelled that familiar scent. Napatingin ako sa taong nasa tabi ko na ngayon. Nagkatinginan pa kami ng ilang segundo bago niya ako hatakin sa braso palayo roon.

 

He was fuming mad. Hindi siya nagsasalita. Sobrang higpit ng hawak niya sa aking braso.

 

"Sorry," I paused. Huminga ako ng malalim dahil kinakabahan ako. "Kanina pa kasi kita hinihintay. Alas singko y medya ako natapos maglinis sa kuwartong nakatoka sa 'kin. Tapos wala ka pa sa opisina kaya naglakad-lakad muna ako around the area, then I went to dalampasigan hanggang sa makarating ako roon. Hindi ko naman sinasadya na manood, na-curious lang."

 

"I had no idea you were a pervert. Ey." Napamasahe siya sa batok niya at inikot ang ulo niya ng dalawang beses, tumunog iyon. Mukhang sumasakit ang ulo niya dahil sa akin, kaya napayuko ako.

 

"Hindi ako perv. Na-curious lang talaga ako," mahina kong sabi. "Sorry." 

 

I heard him sighed. Hinawakan niya akong muli, pero sa kamay na. "Kumain ka na ba?" may halo pa ring galit sa boses niya.

 

"Hindi pa." 

 

Huminto siya sa paglalakad. Nakayuko ako habang hinihila niya, kaya tumama ang noo ko sa dibdib niya. "Tumingin ka nga sa 'kin? Ngayon nahihiya ka na?"

 

Gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko! "Hindi ko naman kasi expected na naroon sila."

 

Sumimangot siya at hindi na umimik pa.

 

As soon as we arrived home, June was already standing in front of our remote control iron gate. Tumabi siya ng makita niya kami at pumasok pagkatapos i-park ni Anton ang kotse sa garahe.

 

"Nagdala po ako ng hapunan. Alam kasi ni mommy na wala ang mga kasama niyo sa bahay. Dumaan po siya kanina sa Carcar kaya binilhan na rin niya kayong dalawa ng letchon at sinamahan na rin po niya ng inihaw na bangus," sabi niya habang hawak ang isang paper bag.

 

"Pasok ka sa loob," nginitian siya ng bahagya ni Anton. Sumabay sa kanya ang dalaga at sumunod naman ako. "Dito ka na kumain, saluhan mo kami."

 

"Talaga, kuya?" Nagningning ang mata ni June. Umirap ako sa hangin at umupo sa lagi kong puwesto. Si June naman ay sa tabi ng puwesto ni Anton.

 

Naghugas muna ng kamay si Anton bago siya kumuha ng kamatis at sibuyas sa refrigerator. Ni-reheat niya ang kanin at nagsimula siyang maghiwa ng kamatis sa kitchen top. Tahimik lang namin siyang pinapanood.

 

Nangalumbaba si June sa harap ko. "Alam mo ba, ate? Lumipat na 'yong kapitbahay natin."

 

Tumaas ang kilay ko. "Sino?" 

 

"Iyong laging nagvivideoke hanggang madaling-araw? Buti sana kung maganda ang boses. Hmp!"

 

I silently laughed once.

 

"At ang guwapo ng bagong-lipat. Crush ko nga e. Kaso masungit, tulad mo. Bagay kayo."

 

Hindi ako sumagot. Napatingin ako kay Anton. Biglang umasim ang itsura niya. Dahil siguro iyon sa hinihiwa niyang sibuyas.

 

"Magugustuhan mo kaya siya?" pangungulit niya.

 

Nagkibit-balikat lang ako.

 

"Ang hot kaya niya!" She stretched her legs and reached into her pocket for her phone. Kinalikot niya iyon at ipinakita niya sa akin ang itsura ng lalakeng tinutukoy niya.

 

Napanganga ako ng bahagya at napangisi. "Do you have his number?"

 

"Huh? Crush mo na rin?" She felt betrayed. "Hindi ka niya papatulan. Ako ngang sexy naiirita na siya, paano pa kaya ikaw na chubby?"

 

I laughed. Napalingon sa akin si Anton dahil sa pagtawa ko. Nag-seryoso ako at umupo ng tuwid. "What's the deal, kapag napapunta mo 'yan dito sa bahay?"

 

Nag-isip siya ng ilang minuto. "Hindi na ako mangungulit dito." Malakas ang loob niyang sabi. Taas-noo pa siya.

 

"Okay, deal. Take a photo of me and show my face to him. Kakatok agad iyan dito. Sabihin mo, 6 pm siya dumalaw."

 

"Okay." Itinutok niya sa akin ang camera ng phone niya at nag-finger heart sign ako roon. "Chubby mo! Ang sarap pisilin ng chubby cheeks mo," nanggigigil na sabi niya. Nagawi kay Anton ang pansin niya. "Kuya! Durog na durog na yang kamatis na hinihiwa mo. Para saan ba 'yan?"

 

Walang imik na nagsandok ng kanin ang lalake at inilagay niya sa hapag ang mga inihanda niya. Naging super mince ang kamatis at sibuyas. Napatingin ako sa kanya. Sambakol na ang mukha niya at hindi na maipinta.

 

Nagtagpo ang mga mata namin ni June, at sabay kaming nagkibit-balikat. Tahimik kaming kumain dahil hindi na nagsalita pa si Anton. Mabilis din siyang natapos. Agad na inilagay sa sink ang kaniyang plato at naglakad papasok sa kaniyang kuwarto. Pabagsak pa niyang isinara ang pinto.

 

"Baka pagod..." sabi ko.

 

"We never know," she grinned.

 

Nagtulungan kami sa paghuhugas at nagpaalam na siya dahil manonood pa raw siya ng kdrama.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status