LOGINNakaluhod na si Sierra sa harapan ni Vester, kaya naman nang malakas siya nitong itulak ay mabilis siyang napaupo sa sahig.Sumigaw si Sylvio sa seryosong boses, "Vester!"Tumingala si Vester habang lumuluha ang mga mata at tiningnan si Sylvio Narvaez, tapos ay sumulyap sa mga taong nakapaligid sa kanya. "Anong tinitingin-tingin niyo? Hindi ba kayo nakakita ng bata dati?"Tumayo si Sierra mula sa sahig, lumapit kay Vester, at inabot ang kamay para punasan ang mga luha nito. "I'm sorry, Auntie was just...""Don't touch me!" Itinaboy ni Vester ang kamay ni Sierra. Namumula at puno ng luha ang mga mata nito habang masama ang tingin kay Sierra, kahit pa parang nakakaawa siyang tingnan.Alam ni Sierra na nagtatampo lang si Vester, kaya sinubukan niya itong aluin. "Sige, hindi na kita hahawakan. Pwede na ba tayong bumalik sa hotel?""Ayoko, umalis na kayong lahat, umalis na kayong lahat!" Sigaw ni Vester habang umiiyak at patuloy na itinutulak si Sierra.Napakunot ang noo ni Sylvio habang n
"May importanteng inasikaso ang young master, kaya ako na lang muna ang pinapunta niya dito. Pero huwag kayong mag-alala, tinawagan na niya si President Narvaez para humingi ng tulong. Malapit na siguro silang dumating."Noong nasa kalagayan siya ng matinding takot, hindi niya sinasadyang maghanap ng makakapitan o matatakbuhan. Kahit alam niyang kung nandoon si Marco, tiyak na mahahanap nila agad ang bata, umaasa pa rin siya na makakarating ito.Pero ngayong sinabi ni Carlos na hindi ito makakapunta, parang binuhusan ng malamig na tubig mula ulo hanggang paa si Sierra. Kahit napakaliwanag at mainit ng sikat ng araw sa itaas, pakiramdam niya ay napakalamig ng kanyang loob.Anong klaseng importanteng bagay ba ang mas mahalaga kaysa sa kaligtasan ng sarili niyang anak?Kadalasan ay napakalamig ang pakikitungo ni Marco kay Vester. Akala niya ay marahil ay dahil sadyang seryoso ito at hindi magaling magpahayag ng damdamin. Dahil ampon naman niya si Vester, siguro ay gusto naman niya ito.P
Pero nang maalala niya ang report na nakuha nila tungkol sa pagka-ampon kay Vester, unti-unting humupa ang gulo sa dibdib niya at napalitan ng lungkot.Kung buhay pa sana ang anak niya, kasing-edad na rin nito si Vester ngayon.Nang mapansin ni Vior na malungkot ang itsura ni Sierra, kinabahan ito. “Naku, may nasabi na naman ba akong mali? Sorry na, madaldal lang talaga ako. Huwag mong seryosohin ha.”“Wala ‘yon.” Pinilit ni Sierra na pakalmahin ang sarili at ngumiti. “Naaalala ko lang ang ilang bagay noon.”“Tara, kain naman tayo ng seafood mamayang gabi?” mabilis na pag-iiba ni Vior ng usapan.Nagkwentuhan pa sila hanggang sa maubos ang kinakain nilang shaved ice. Paglabas nila, pumunta sila sa carousel pero wala doon sina Alea at ang mga bata. Akala nila ay lumipat lang sa ibang rides.Ilang saglit silang naghanap sa paligid pero wala pa rin. Kaya dinial ni Sierra ang number ni Alea.“Nasaan kayo?”“Nasa loob po kami ni Thalia ng Ferris wheel, bababa na po kami ngayon.”“Sige.” Iba
“Pumasok siya kasama si Papa sa sala. Nakaupo ako noon habang nagce-cellphone, at nang tumingala ako, nakita ko siya. Tangkad, gwapo, at nakakatakot lapitan dahil sa seryoso at malamig niyang aura.”“Pero sa isang iglap lang, bumilis ang tibok ng puso ko at namula ako. Doon pa lang, nakuha na niya ang atensyon at puso ko. Mula noon, wala nang ibang lalaki ang pumasok pa sa isip ko.”“Sampung taon na. Mula sa simpleng paghanga hanggang sa pagmamahal na halata naman talaga. Nakaugat na ‘to sa sistema ko, Sierra. Mahal ko siya bilang ugali na. Kahit alam kong wala talaga kaming pag-asa, hindi ko na kayang tanggalin siya sa puso ko.”Habang nakikinig si Sierra sa kwento ni Vior, parang nakikita niya ang sarili niya noon.Apat na taon niyang minahal si Julian. Kahit na binalewala siya nito at hindi man lang pinansin noong buntis siya, ipinanganak pa rin niya ang anak nila nang mag-isa.Katulad ni Vior, handa rin siyang gawin ang lahat para sa pag-ibig. Noon, para sa kanya, pag-ibig lang an
Dahil sa takot na baka may masabi si Sierra na makakaabala kay Marco, mabilis na sumingit si Alea. “Kahit gaano pa ka-busy si Master, kailangan pa rin naman niyang kumain, ‘di ba?”Tumango naman si Sierra bilang pagsang-ayon. “Gusto ko rin siyang makita, kaso...”“Kaso ano po?” Mas nabahala pa si Alea kaysa sa kanya.“Simula bukas, sasamahan daw tayo ni Vior, kaibigang nakilala ko sa Pilipinas na tagarito—para maglibot sa Germany. Asawa kasi siya ng matalik na kaibigan ni Marco at gustong-gusto niya tayong i-tour. Hindi ko kayang tanggihan ang kabutihan nito. Sa tingin mo, magiging bastos ba kung iiwan ko siya para lang sumama kay Marco sa dinner?”Napakurap si Alea. “Mukhang hindi magandang tingnan kung gagawin mo ‘yon.”“Magpahinga ka na muna,” malambing na tinapik ni Sierra sa balikat ni Alea bago pumasok sa kwarto.Nakatitig sa pintuang nagsara, bumulong na lang si Alea sa sarili, “Kahit na simula nung dumating ka dito sa Germany, hindi mo pa man lang nakikita si Master.”Kinabuk
Nagulat si Alea sa biglaang pagsigaw ni Vester, mahina niya itong tinanong. "Young master, hindi ka ba masaya?""Why would I be unhappy? I am very happy! I just don't want to eat, is that hard to understand?" Sigaw ni Vester ngunit ang mga mata naman ay namumula. Para bang ano mang oras ay bigla ka lamang itong aatungal.Agad siyang mabilis na bumaba sa sofa, ang mga luha ay hindi na napigilang bumuhos. Tumakbo siya papunta sa kanyang silid.Nadurog ang puso ni Alea habang sinusundan ng tingin ang bata, hindi niya alam kung susundan ba niya ito at aaluin o hahayaan na lang muna. Sa huli ay pinili niya ang panghuli, nag-order na lang siya ng pizza sa hotel. Medyo matagal bago niya napapayag si Vester na buksan ang pinto at kumain.Nauna ng magpa-reserve si Sierra sa restaurant nang araw na iyon. Pagkatapos ay pinuntahan niya si Master Bong at sabay na silang pumasok sa restaurant.Marahil ay napagod mula sa paglalaro sa dapampasigan buong araw, dahil habang kumakain ay patumba-tumba na
Ipinikit ni Shanaia ang kanyang mga mata, bahagyang nakakurba ang kanyang mga labi, malinaw na nasa magandang kondisyon ito. "Bakit mo naman iyon pinoproblema? Well, kung hindi siya dumating, sigurado namang may ipapalit ang A.C's sa impleyado nila." "Pero wala naman akong natatanggap na anumang a
"I'll leave this matter to you." Ani Marco kay Carlos. Tumango si Carlos. "Huwag ho kayong mag-alala boss, ako ng bahala."Tumango si Marco at inangat ang sarili mula sa pagkakaupo sa damuhan at tinungo ang sasakyan. Nakasunod si Sierra sa lalaki, nang masinagan ito ng araw ay doon napansin ni Si
"This time, I wouldn't suppress myself of the things that I want to happen. Unlike what happened at the hot spring,"Nanigas sa kinatatayuan niya si Rianna. Nais niyang mangyari ang gusto ng lalaki ngunit alam niya sa kanyang sarili na hindi siya handa.Binasa ng maigi ni Deion ang mukha ng babae,
Sa kanilang daan pauwi, maganda ang mood ni Sierra. Nakangiti niyang tinanong si Marco. "Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng mga kulay ng rosas?" Umiling si Marco. "Kailangan bang may ibig sabihin?" Kunyaring tanong ni Marco. Of course he knows that every flower has their meanings. But he wan







