تسجيل الدخولInakala ni Elliott na nag-aalinlangan siyang makipag-usap sa kanya dahil sa usapin tungkol kay Stephano, kaya sinabi niyang, "Wala kaming alam ni Mommy sa nangyari kay Daddy bago pa man ito mangyari.""Alam ko."Natigil sandali si Elliott, tapos ay sinabi, "Hindi maganda ang kalusugan ni Mommy. Nawalan siya ng malay kahapon at dinala na agad sa ospital kaninang umaga. Kung may alam ka man, can you please not tell mom? Natatakot akong hindi niya ito kakayanin.""Ayos lang po ba si Auntie?" Nag-alalang tanong ni Audrey."Ayos naman siya sa ngayon; pinagpapahinga lang siya ng doktor.""Sige, naiintindihan ko. Pwede ka nang umalis."Tumango si Elliott, gustong magpaalala na alagaan niya ang sarili, ngunit pinigilan niya ito, "Aalis na ako.""Sige, paalam."Sumakay si Elliott at umalis.Seryoso at tahimik ang sementeryo, tila puno ng lungkot at pangungulila ang hangin mismo.Sobrang bigat ng pakiramdam ni Audrey habang naroon, at ang pag-iisip kay Marco ay nagdudulot ng matinding kirot sa
“Esme, bakit ka umiiyak? Namimiss mo ba ang Mama mo?” Bigla ring lumuha si Delia. “Anak ko, huwag ka nang umiyak. Mahina ka pa kasi noon. Sabi ng Lolo mo, lalakas ka lang kung doon ka palalakihin sa probinsya. Kapag nagbente anyos ka na, babalik ka ulit sa piling ng mama mo.” Mahigpit na niyakap ni Esmeralda si Delia at humagulgol. Ang lahat ng lungkot at sakit na matagal niyang itinago ay sa piling lamang ng kanyang ina malayang nailalabas. Alam ni Tita Windy na dahil ito kay Marco kaya umiiyak si Esmeralda, kaya lumingon ito at palihim na pinunasan din ang sariling luha. Naapektuhan din niyon si Audrey, at ang matibay na anyong ipinapakita niya ay biglang bumigay. Agad na dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. Kinagat niya ang kanyang labi upang pigilan ang sarili na humagulgol. Sa gitna ng malabong paningin, may nag-abot sa kanya ng malinis na panyo. Lumingon si Audrey at nakita si Elliott na namumugto rin ang mga mata. Tinanggap niya ito habang nanginginig ang tinig. “Salamat
“Esther.” Hinawakan at dahan-dahang inalog ni Delia ang manggas ni Audrey, nakatingin rito nang parang bata na nagmamakaawa.Kahit alam niyang bunga lang ito ng pagkalito, mahirap pa rin para kay Audrey na tanggapin ang paghahanap ng mapapangasawa para kay Marco—dahil siya mismo ang tunay na asawa nito.Kaya dahan-dahan siyang sumagot, “Bata pa po si Marco. Hindi pa ba masyadong maaga para maghanap na siya ng mapapangasawa?”Tumingin muna si Delia kay Vior bago sumagot, “Mahirap nang makahanap ng ganitong kabuting babae. Kapag pinalampas mo ito, wala ka nang makukuha pa. Hindi naman kulang sa pera ang pamilya Narvaez—kaya natin siyang palakihin dito sa atin. Sige na, tawagan mo na Marcus, para ipaalam sa kanya ito!"Hindi naka-imik si Audrey.Nang makitang tila hindi pa rin pumapayag si Audrey, binawi ni Delia ang hawak at seryosong nagsabi, “Esther, bilang ina ni Marco, tungkulin mong humanap ng mapapangasawa niya, kaya dapat lang na ngayon pa lang ay mapaghandaan mo na ito.”Napa-is
Sa bahay sa labas ng siyudad.Pinindot ni Audrey ang doorbell. Binuksan ito ni Windy at nakita ang mga hindi kilalang mukha. “Sino po sila?”Nagpakilala si Audrey, “Ako po si Audrey Santillan, asawa ni Marco Montezides.”Nagulat si Windy. “Ikaw ang asawa ng young master?”Tumango si Audrey.“Matalik ko pong kaibigan si Audrey, at siya naman po ang aming driver,” maikling pagpapakilala ni Vior sa sarili at kay Reon.Puno ng tuwa ang mukha ni Windy habang nakatingin kay Audrey. Habang nakatingin ay namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Agad niyang inalis ang tingin at pinunasan ang luha, sabay pagsabi, “Halina po kayo sa loob.”Pumasok si Audrey.Agad na nagdala ng tsinelas si Windy at inilabas ang mga dala nilang regalo. “Maupo po kayo.”Nang makapasok sa sala, nakita ni Audrey ang isang matandang puro puti na ang buhok na nakaupo sa sofa at nanonood ng telebisyon. Nagpapalabas ito ng opera, at sumasabay pa ito sa tono habang nakataas ang daliri.Lumapit si Windy sa matanda at hinawak
Nagkuyom lang ng labi si Sylvio at hindi sumagot. Alam niyang may pagtingin si Elliott kay Audrey, ngunit hindi naman ito gumawa ng anumang hindi nararapat. Kahit noong nalaman niyang wala na si Marco, nanatili itong tapat at tahimik na nag-aalaga sa kanya. Ang taong may ganitong katangian ay hindi magpapahuli sa kawalan ng pasya. Sa katunayan, dahil nga napakahusay ni Elliott ay minsan ay naiinggit siya rito. Kung hindi dahil sa panganib, hindi niya ito pakikialaman—gaya ng ginawa niya kay Julian. *** Nang magising si Stephano, wala na si Esmeralda sa bahay. Tinawagan niya si Dunio at nalaman na nawalan daw ng malay ang asawa at nasa ospital na ito. Agad niyang inutusan si Dunio na sunduin siya. Itinulak ni Dunio si Stephano papasok sa silid ng pasyente. Maagang nagising si Esmeralda, namumula at namamaga ang mga mata—malinaw na umiyak ito nang husto. "Hon, ayos ka lang ba?" Nang makita ni Esmeralda ang paglapit ni Stephano gamit ang kanyang wheelchair, agad siyang tumalikod
“Give me the business card.”“Mom, this is about dad, it's—”“Give it to me!”Inilabas ni Elliott ang card mula sa kanyang bulsa at iniabot ito kay Esmeralda.Agad na kinuha ni Esmeralda ang kanyang telepono at tinawagan ang numerong nakasulat doon. Mabilis itong sinagot. “Let's meet.”“Sige, pero binabantayan ka na ng asawa mo. Kapag nagkita tayo, malalaman niya kung sino ako, at tiyak na papatayin ka niya para hindi ka makapagsalita.”“Is that who he really is!”"How about this, give me your email address and I will send you the evidences. Pagkatapos ay malalaman mo na kung ano ba talaga siyang klaseng tao."Agad na ibinigay ni Esmeralda ang kanyang email, at hindi nagtagal ay may dumating na mensahe.Habang nakatingin sa hindi pa nababasang email, bigla siyang nag-alinlangan kung bubuksan ba ito.Kahapon, hinarang siya sa airport at sinabing pumunta sa meeting ngayon upang makita ang katotohanan. Ngunit ang nakita niya ay ang asawang ipinaglalaban niya, na buong ambisyong inaagaw a
Inutusan ni Stevan si Sierra na sumunod sa study nito. Kinausap pa sandali ni Sierra ang mga biyenan bago tuluyang sumunod kay Stevan Montezides. Nang buksan ni Sierra ang pintuan ng study ay nakita agad niya si Stevan na nakaupo sa swivel chair nito at nagsindi ng sigarilyo. Ibinuga muna nito ang
Sinenyasan ng Senyora si Adriana na maupo sa sofa, ngayon ay pinagigitnaan na ng maghipag ang Senyora. Nagkukwentuhan pa si Sierra at ang Senyora habang naghihintay ng balita. Talaga ngang makapangyarihang ang pangalang Montezides sa bansa dahil ilang sandali lamang ang makalipas ay mayroon ng bali
Mabilis na dinaluhan ni Anita ang senyora nang makalabas si Adriana. “Huminahon ho kayo, Senyora. Hindi ho maganda sa iyong puso ang magalit ng labis.” Marahang paalala nito sa amo dahil nanginginig na ang baba nito sa galit. Hinawakan ni Sierra ang kamay ng Senyora at nag-inhale exhale ito upang p
Tumayo ang Senyora at kinuha ang dalawang kamay ni Sierra at saka iyon malambing na giniya paupo kasama niya. “Hindi mo pa ba nababasa ang naka-post sa internet ngayon?” Marahang binawi ni Sierra ang kamay at saka marahang umiling. “Para po hindi na kayo masyadong magalit ay pagkarating ko po roon







