LOGINLIAN POV
Kinabukasan, iba na si Vincent. Hindi ito yung tahimik na pagod na nakita ko noong gabi sa villa. Ito yung malamig. Kontrolado. Parang may pader na biglang itinayo sa pagitan namin na wala akong pahintulot na lapitan. Sa almusal, halos hindi niya ako tinignan. Nakatutok siya sa tablet niya, seryoso, parang walang nangyari. Parang hindi niya ako muntik halikan kagabi. Parang hindi niya ako iniwang nanginginig at gising hanggang madaling araw kakaisip. “Good morning,” sabi ko, sinubukang gawing normal ang boses ko. “Morning,” sagot niya, hindi man lang tumingala. Mas masakit pala kapag ganito. Mas masakit kaysa sa galit. Mas masakit kaysa sa sigaw. Dahil dito, parang ako lang ang nakaramdam ng lahat. Buong araw, ganoon siya. Diretso sa trabaho, maikli ang sagot, walang espasyo para sa kahit anong personal. Kapag napapatingin ako sa kanya, pakiramdam ko multo lang ako sa paningin niya. May dinner dapat kasama ang investors. Isang private restaurant sa loob ng resort. Intimate pero pormal. Suot ko ang simpleng dress, walang arte, pero ramdam ko ang kaba. Siya naman, naka itim, parang lalong lumamig ang aura. Maaga natapos ang dinner. May emergency raw ang isa sa investors. Isa isang nagpaalam ang mga bisita hanggang sa kaming dalawa na lang ang naiwan sa loob ng dimly lit na restaurant. Tahimik. May wine sa pagitan namin. Kalahati pa lang ang bawas, pero sapat na para lumuwag ang dibdib ko. Sapat na para mawalan ako ng takot. “Ganito ka ba palagi?” tanong ko, binasag ang katahimikan. Napatingin siya sa akin. Diretso. Matalim. “Ano?” “Kapag may nararamdaman ka,” sagot ko. “Tumatakbo ka.” Napangiti siya nang walang saya. “You think you know me?” “I think I’m starting to,” sabi ko, kahit nanginginig ang kamay ko habang hawak ang baso. Umupo siya nang mas diretso. “This isn’t appropriate.” Tumawa ako nang mahina. “Everything about us stopped being appropriate the moment you looked at me like I was something you shouldn’t touch.” Tahimik siya. Kita ko ang tensyon sa balikat niya. Kinuha niya ang baso at uminom, isang diretso. “You scare me,” bigla kong sabi. Umangat ang kilay niya. “I’ve been told.” “Hindi dahil sa posisyon mo,” dagdag ko. “Kundi dahil sa epekto mo.” Lumapit siya nang bahagya, inilapag ang baso. “You shouldn’t say things like that.” “Why?” tanong ko. “Because you might feel something?” Huminga siya nang malalim. “Because I will.” May kung anong nagbago sa hangin. Parang mas naging mabigat. Mas siksik. “Takot ka ba?” tanong ko. Sa isang iglap, nagbago ang tingin niya. Mas mababa. Mas madilim. Lumapit siya hanggang sa halos magkadikit na ang tuhod namin. “I’m terrified,” sabi niya sa mababang boses. “Because when I want, I don’t know how to stop.” Tumayo ako. Hindi para lumayo. Para harapin siya. “Then stop pretending you don’t want.” Tumayo rin siya. Mas matangkad. Mas malapit. Ramdam ko ang init niya. Ang hininga niya halos nasa tenga ko. “You don’t understand the line you’re asking me to cross,” bulong niya. “Then explain it to me,” sagot ko. “Instead of pushing me away like I’m something dangerous.” Napangiti siya nang bahagya, pero walang lambing. “You are dangerous.” “Only because you let me be.” Isang hakbang pa at halos magdikit ang katawan namin. Itinaas niya ang kamay niya, parang aabutin ako, pero huminto sa ere. Nanginginig. “Say the word,” sabi niya. “And I walk away.” Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa kanya, hinayaan kong makita niya ang katotohanan sa mata ko. “See?” bulong ko. “You always give yourself an exit.” Bigla niyang inilapit ang mukha niya. Pinako niya ang tingin niya sa akin. Ramdam ko ang tibok ng puso ko sa dibdib ko. “Careful,” sabi niya, mababa at babala ang tono. “You’re pushing something you won’t be able to handle.” “Or maybe ikaw yung hindi kayang harapin,” sagot ko. Parang may pumutok sa loob niya. Isang iglap lang, inilapit niya ang labi niya sa akin. Hindi mabagal. Hindi malambing. Isang halik na puno ng pagpipigil at galit at pagnanasa. Maikli. Desperado. Parang huling hinga bago malunod. Nang humiwalay siya, pareho kaming hingal. “This is exactly why,” sabi niya, pilit kinokontrol ang boses. “One more second and I won’t be able to stop.” Tumalikod siya agad. Kinuha ang jacket niya. “Vincent,” tawag ko. Huminto siya sa pintuan. Hindi humarap. “I want you,” sabi niya, diretso, walang paligoy. “But wanting you means losing control. And I don’t lose.” Lumabas siya. Iniwan akong mag isa sa gitna ng restaurant, nanginginig, may lasa pa ng halik niya sa labi ko. Umupo ako muli. Napatingin sa baso ng wine na hindi ko na hinawakan. Hindi ko alam kung pinoprotektahan niya ako. O tinutulak niya lang ako palayo dahil masyado na akong mahalaga. Pero isang bagay ang sigurado. Ang mga linya na hindi dapat tawirin ay unti unti nang nabubura. At hindi ko na alam kung gusto ko pa bang pigilan. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang bulong bulong. Siguro sa paraan ng pagtingin ng mga tao kapag pumapasok ako sa opisina. O sa biglang paghinto ng usapan kapag dumadaan ako sa pantry. O sa ngiting pilit at tanong na may halong pagtataka. “Close kayo ni Sir Vincent no?” Isang simpleng tanong. Pero parang kutsilyong dumaan sa balat ko. Pinilit kong ngumiti. “We work together.” Pero alam kong hindi iyon ang gustong marinig ng mga tao. May mas malalim na kwento silang binubuo. At sa bawat araw na lumilipas, mas lumalakas ang ingay. Special treatment. Favoritism. May something. Pakiramdam ko hinuhubaran ako ng dangal sa harap ng buong kumpanya. At ang mas masakit, hindi ko alam kung si Vincent ba ang dahilan o isa rin siyang biktima. Hindi ko na kinaya. Pinuntahan ko siya sa opisina niya nang walang paalam. Hindi ako kumatok. Diretso akong pumasok. Tumigil siya sa pagbabasa. Umangat ang tingin niya. Kita ko ang gulat sa mata niya. “Lian,” sabi niya. “What is this about?” “About the rumors,” sagot ko, diretso. “About me.” Tumayo siya agad. “What rumors?” Tumawa ako, pero walang saya. “Don’t pretend you don’t know. Lahat ng tao alam. Lahat ng tao may opinyon.” Lumapit siya. “I didn’t start that.” “Then why am I the one paying for it?” tumaas ang boses ko. “Why does it feel like I’m the sacrifice here?” Huminga siya nang malalim. Kita ko ang tensyon sa panga niya. “I kept my distance for a reason.” “Distance?” sagot ko. “You think this is distance? You think this is protecting me?” “Yes,” mariin niyang sabi. “Because the moment they see how close we really are, they will tear you apart.” Napailing ako. “They already are.” Tahimik kami sandali. Mabigat. “Someone is using you to get to me,” sabi niya sa mababang boses. “And I won’t allow that.” “By pretending I don’t exist?” tanong ko, masakit ang tono. “By making me feel disposable?” Bigla siyang lumapit. Masyadong malapit. “By keeping you alive in this place,” sagot niya. “You don’t know how ugly this world gets.” Gusto kong sumigaw. Gusto kong umiyak. Pero mas nangingibabaw ang galit. “Then maybe you should’ve trusted me enough to let me stand beside you,” sabi ko. “Not behind you.” May kung anong nagbago sa mata niya. Isang saglit na pagkabigla. Isang pagkilala. “Tonight,” sabi niya. “Stay close to me.” “Why?” “Because I know who started this.” Night….. Ang company event ay puno ng ilaw at ngiti. Mga taong sanay magkunwari. Suot ko ang dress na pinili ko para hindi mapansin. Pero wala akong takas. Naramdaman ko agad ang mata ni Vincent sa akin. Hindi siya lumalayo. Parang bantay. Parang babala. May lalaking lumapit sa akin. Isang executive na hindi ko gaanong kilala. Ngumiti siya nang sobra sa nararapat. “So you’re Lian,” sabi niya. “The rising star.” “Nice to meet you,” sagot ko, magalang. Masyado siyang malapit. Masyadong interesado. “Vincent speaks highly of you,” dagdag niya. Bago pa ako makasagot, may kamay na humawak sa pulso ko. Mahigpit. Mainit. “Come with me,” sabi ni Vincent, mababa ang boses pero walang pagtutol. Hinila niya ako palayo. Hindi niya ako binitawan hanggang makarating kami sa isang sulok na walang tao. “Stay near me,” bulong niya, halos galit. “Always.” “Vincent,” sabi ko. “You’re hurting me.” Parang doon lang siya nagising. Binitiwan niya agad ako. “Sorry.” Pero hindi siya lumayo. Mas lalo pa siyang lumapit. “That man,” sabi niya. “He’s part of the problem.” “Kaya mo ba akong itago habang buhay?” tanong ko. Tumingin siya sa akin. Diretso. Matindi. “No.” “Then stop treating me like something fragile.” Huminga siya nang malalim. “You don’t understand what I feel when they look at you like that.” “Then tell me,” sagot ko. Saglit siyang natahimik. Tapos mahina niyang sinabi, “I lose control.”LIAN POVMay mga sandaling kahit ang pinakamalakas na tao ay bumibigay. Hindi sa dahilang walang tapang—kundi dahil sa bigat ng responsibilidad at pagmamahal.Si Vincent ang lalaking iyon. Ang CEO na matatag sa harap ng lahat, ngunit sa loob, may mga bagay na hindi niya kayang ipakita. At noong gabing iyon, nakita ko ang kanyang bitak.Tahimik ang opisina. Lampas alas-onse na, halos wala nang ilaw sa executive floor. Lamang ang buwan at ilaw ng lungsod sa labas ng bintana. Nakaupo siya sa malaking leather chair sa kanyang opisina, nakatitig sa mga dokumento, pero hindi talaga binabasa. Ang katawan niya ay parang nagdadala ng buong mundo.“Lian…” mahina niyang tinawag ang pangalan ko.Huminga ako at pumasok, dahan-dahan, walang kibo. Umupo sa tabi ng mesa, sinusubukang hindi manghimasok, sinusubukang magbigay ng espasyo. Pero ramdam ko agad ang tensyon sa bawat paghinga niya.Tumingin siya sa akin, ngunit hindi iyon ang titig ng CEO. Hindi iyon ang titig ng boss. Ito ang mata ng isang
LIAN POVKinabukasan, iba na ang opisina. Ang mga bulungan ay parang mga alingawngaw ng digmaan. Ang bawat mata, bawat titig, ay may dalang kwento: kung sino ang nanalo, kung sino ang natalo, at sino ang susunod na tamaan.Si Vincent… wala siya sa kanyang opisina. Walang nakatingin, walang nakikipag-usap. Ang kanyang pangalan ay nasa bibig ng lahat—sa office chat, sa hallway whispers, sa mga email. “CEO Resigns Amid Board Pressure,” headline sa lahat ng online portals. “Vincent Cho Steps Down: Company in Uncertain Times.”Ako… ako lang ang alam ang buong kwento. At alam ko kung gaano siya nagmahal sa akin nang magdesisyon ng ganito.Tahimik akong naglakad sa executive floor, sinusubukang magmukhang normal. Pero sa loob ko, bawat hakbang ay parang patunay na may puwang kami sa mundo—ako at siya, kahit nagkalayo sa legal at opisyal na papel.“Lian,” tawag ng assistant niya sa akin. “Sir Vincent is waiting for you in the garden terrace.”Hindi ako nagtanong. Alam ko kung bakit. Alam kong
LIAN POVMay mga lalaking sanay na hindi bumibigay.Hindi dahil wala silang nararamdaman—kundi dahil walang nagtatanong.Si Vincent ang ganitong klase ng lalaki.At noong gabing iyon, nakita ko ang bitak.Tahimik ang opisina. Lampas alas-onse na. Halos wala nang ilaw sa buong building, maliban sa kanya—isang ilaw sa executive floor na ayaw mamatay.Kumatok ako.“Come in,” sabi niya, pagod ang boses.Nandoon siya sa likod ng mesa. Walang coat. Nakabukas ang kwelyo. Hindi CEO. Hindi strategist.Isang lalaking ubos na.“Why are you still here?” tanong ko.Hindi siya agad sumagot. Nakatitig lang sa mga dokumentong parang hindi na niya binabasa.“Because if I stop,” sabi niya sa wakas, “everything catches up.”Lumapit ako. Umupo sa tapat niya.“Naipanalo na natin ang unang laban,” sabi ko. “Mara’s out.”Umiling siya. “Mara was a pawn.”Tumayo siya bigla. Naglakad palayo. Hinawakan ang salamin ng bintana na parang gusto niyang basagin.“I built this company thinking control would protect ev
LIAN POVMay kakaibang katahimikan pagkatapos ng eskandalo.Parang huminto ang mundo—pero alam mong may gumagalaw pa rin sa ilalim. Mga kamay na naglilipat ng piyesa. Mga matang nagbibilang ng oras.Ako ang naging mukha ng pagkakamali.At eksakto iyon sa plano.Hindi na ako tinatawag sa meetings. Hindi na rin ako binabati ng iba. Ang dati kong mga kasamahan—umiilag. Parang nakakahawa ang pangalan ko.Pero may isang taong biglang naging sobrang bait.Si Mara.HR. Tahimik. Maayos. Laging “neutral.”“Lian,” sabi niya isang hapon habang mag-isa akong nag-aayos ng gamit. “Just checking on you.”Ngumiti ako. “I’m fine.”Hindi siya umalis agad.“You know,” dagdag niya, “people can be cruel. Especially when they feel threatened.”Threatened.Tumango lang ako.Nang gabing iyon, may dumating na email sa personal account ko. Walang subject. Walang pangalan.May attachment.Isang audio file.Pinatugtog ko.At biglang bumigat ang hangin sa paligid.“She’s perfect,” sabi ng boses ng isang babae.“S
LIAN POVMay mga kasinungalingang mas epektibo kapag kalahating totoo.Ito ang itinuro sa akin ni Vincent habang nakatayo kami sa loob ng pribadong elevator, pababa sa underground parking. Walang camera. Walang saksi.“Kapag masyadong malinis,” sabi niya, malamig ang boses, “hindi pinaniniwalaan.”Hindi kami magkatabi. May pagitan. Parang estranghero.Pero ang kamay niya—nakakuyom. Alam kong pigil ang galit.“Ready ka na ba?” tanong niya, hindi ako tinitingnan.Huminga ako nang malalim. “Wala na tayong atrasan.”Tumango siya. Isang beses. Parang sundalo bago ang digmaan.Ang plano ay simple.Ako ang magiging pagkakamali.Kinagabihan, eksaktong alas-diyes, pumasok ako sa isang high-end bar na paboritong puntahan ng mga executive at media people. Maliwanag. Maingay. Maraming mata.Naka-red dress ako. Hindi revealing—pero sapat para mapansin.At alam kong may nakatingin.Lumapit ang lalaking kasama sa plano. Kaibigan ni Vincent. Investor. Kilala sa social circles.“Ms. Lian,” sabi niya n
LIAN POVMay mga bitag na hindi ka hinihila pababa.Hinahayaan ka muna nilang umakyat.Mas mataas. Mas kita. Mas masakit ang bagsak.Ramdam ko iyon mula pa lang umaga.Tahimik ang opisina—masyadong tahimik. Walang bulungan. Walang mapanuring tingin. Ang ganitong katahimikan ay hindi kapayapaan. Ito ang katahimikan bago ang putok.“Lian,” tawag ng HR assistant. “May request ang board. Immediate.”Hindi request ang tono niya. Utos iyon.Nag-text ako kay Vincent habang naglalakad.Called by the board. Now.Walang reply.Pagpasok ko sa maliit na meeting room, naroon na sila. Tatlong board members. Isang legal counsel. At isang taong hindi ko inaasahan.Siya.Ang babaeng board member na nagbabala sa akin.“Please sit,” sabi niya, malamig ang ngiti.Umupo ako. Diretso ang likod. Nanginginig ang mga kamay ko sa ilalim ng mesa.“We received an anonymous complaint,” panimula ng legal counsel. “Regarding conflict of interest.”Humigpit ang sikmura ko.“Specifically,” dagdag niya, “your relation







