Share

Chapter 4

Author: SarahJane
last update Huling Na-update: 2026-02-01 16:10:27

LIAN POV

Hindi ko inaasahan na tatawag si Vincent mismo para sabihin na sasama ako sa out of town meeting. Hindi rin niya pinaliwanag nang mahaba. Isang maikling utos lang, diretso, parang wala akong karapatang magtanong.

“Lian, you’re coming with me. Confidential partnership meeting. Pack light. We leave in an hour.”

Napatingin ako sa phone ko kahit tapos na ang tawag. Walang emosyon ang boses niya pero ramdam ko ang bigat. Hindi ito normal na business trip. Alam ko agad. May kung anong nakaabang at hindi lang kontrata ang dahilan.

Sa loob ng sasakyan papunta sa private airstrip, tahimik kami. Sobrang tahimik. Ang tanging naririnig ko ay ang mahinang ugong ng makina at ang sarili kong paghinga na pilit kong kinokontrol. Hawak ko nang mahigpit ang bag ko, parang iyon lang ang nagsisilbing depensa ko sa kung anong nararamdaman ko.

Napapansin ko ang tingin niya. Hindi direkta, pero ramdam ko. Sa salamin ng bintana, nakikita ko kung paano siya sumulyap, parang sinusukat ang bawat galaw ko. Alam ko rin na napansin niya kung paano ko pinipisil ang strap ng bag, kung paano ako umiwas sa mata niya kapag masyado siyang malapit.

“Relax,” bigla niyang sabi, mababa ang boses. “Hindi ka kakainin ng meeting.”

Napangiti ako nang pilit. “I’m relaxed,” sagot ko, kahit halatang hindi.

Huminto ang sasakyan. Nang bumaba kami, naramdaman ko ang hangin na mas presko kaysa sa lungsod. Tahimik ang paligid. Walang media, walang ingay, walang ibang tao kundi kami at ang mga tauhan niya.

Sa private jet, mas lalo kong naramdaman ang proximity. Iisang upuan lang ang pagitan namin. Hindi ko alam kung saan ilalagay ang mga kamay ko. Kapag gumalaw ako, halos magkadikit na kami. Isang beses, nang abutin niya ang baso ng tubig, muntik na magdikit ang mga daliri namin. Parang may kuryenteng dumaan sa balat ko.

Huminto siya. Napatingin sa kamay ko. Saglit lang. Pero sapat para maramdaman ko ang tensyon.

“Sorry,” sabay naming sabi.

Tumalikod siya, parang pilit na binabalik ang distansya. Ako naman, mas lalong ninerbyos.

Pagdating namin sa resort, napahinto ako sa ganda ng lugar. Tahimik. Pribado. Parang hiwalay sa mundo. Pero imbes na guminhawa ang pakiramdam ko, mas lalo akong kinabahan.

Lumapit ang staff, may hawak na tablet. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Vincent habang kausap sila. Alam ko agad na may problema.

“There’s a booking issue,” sabi niya sa akin matapos ang ilang sandali. “Fully booked ang villas.”

“So where do we stay?” tanong ko, kahit ramdam ko na ang sagot.

“One villa. Two rooms. Shared spaces.”

Parang may kumurot sa sikmura ko. “Okay,” sagot ko, kahit hindi talaga.

Sa loob ng villa, elegante at tahimik. Maluwang ang sala, may malaking bintana, tanaw ang dagat. Dalawang kwarto sa magkabilang dulo. Sapat ang distansya, pero hindi sapat para mawala ang tensyon.

Buong hapon, nagkunwari kaming busy. Emails, calls, papers. Pero ramdam ko ang presensya niya kahit hindi siya nagsasalita. Tuwing lalabas ako ng kwarto, nandoon siya sa sala, seryoso, tahimik, parang may dalang bigat.

Pagsapit ng gabi, akala ko tapos na ang araw. Nasa kwarto na ako, sinusubukang magpahinga, nang marinig ko ang boses niya mula sa labas. Hindi malakas, pero sapat para marinig ko ang galit.

“Don’t lie to me,” sabi niya sa phone. “You went behind my back.”

Huminto ako sa paghinga. Hindi ko pa siya narinig na ganito. Walang kontrol. Walang lamig.

“After everything I built, you think I wouldn’t notice?” dagdag niya, mas mababa pero mas delikado.

Narinig ko ang paghampas ng mesa. Napapikit ako. May gusto akong gawin. Lumabas. Sabihin na hindi siya nag iisa. Pero natakot din ako sa kung anong makikita ko.

Nang matapos ang tawag, may katahimikan. Mabigat. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Lumabas ako ng kwarto.

Nakatayo siya sa sala, hawak ang phone, nakatalikod sa akin. Maluwag ang polo niya, nakabukas ang unang butones. Kita ko ang pagtaas baba ng dibdib niya, parang pilit kinakalma ang sarili.

“Vincent,” mahina kong tawag.

Lumingon siya. At doon ko nakita ang galit at pagod sa mata niya. Hindi CEO. Hindi bilyonaryo. Isang taong nasaktan.

“You shouldn’t be here,” sabi niya.

“I heard you,” sagot ko. “And you look like you need someone to talk to.”

Tumawa siya nang walang saya. “You don’t know what you’re getting into.”

“Then tell me,” sagot ko. “Hindi naman ako umaalis.”

Lumapit siya, isang hakbang lang. Pero sapat para maramdaman ko ang init ng katawan niya. Ang boses niya bumaba, mas kontrolado pero mas mapanganib.

“People betray you when you least expect it,” sabi niya. “And they use the people around you as leverage.”

“Is that why you keep pushing me away?” tanong ko, bago ko pa napigilan ang sarili.

Tumigil siya. Kita ko ang tensyon sa panga niya. “I’m protecting you.”

“By hurting me?” sagot ko, nanginginig ang boses.

Tahimik siya. Masyadong tahimik. Lumapit pa siya, hanggang isang hakbang na lang ang pagitan namin. Ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko.

“This is exactly why I shouldn’t,” sabi niya. “Because I lose control.”

“Then don’t,” bulong ko. “Just be honest.”

Sandaling nagtagpo ang mga mata namin. Lahat ng hindi nasabi, naroon. Ang takot. Ang pagnanais. Ang limitasyon.

Dahan dahan siyang yumuko. Halos magdikit ang labi namin. Pakiramdam ko titigil ang mundo. Hinintay ko. Hiniling ko.

Pero huminto siya.

Napapikit siya at umatras. Parang may pinipigilang apoy.

“I can’t,” sabi niya, halos pabulong. “Not like this.”

Tumalikod siya at naglakad palayo. Iniwan akong nakatayo sa gitna ng sala, nanginginig, nalilito, at nasasaktan.

Bumalik ako sa kwarto ko at isinara ang pinto. Humiga ako sa kama, nakatitig sa kisame. Mabigat ang dibdib ko. Hindi ko alam kung galit ako, o nasaktan, o mas lalong nahulog.

Isa lang ang malinaw.

Hindi na ito trabaho.

At alam kong simula pa lang ito ng mas delikadong laban sa pagitan ng puso at pagpipigil.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • One Night Stand with a Ruthless Billionaire    Chapter 12

    LIAN POVMay mga sandaling kahit ang pinakamalakas na tao ay bumibigay. Hindi sa dahilang walang tapang—kundi dahil sa bigat ng responsibilidad at pagmamahal.Si Vincent ang lalaking iyon. Ang CEO na matatag sa harap ng lahat, ngunit sa loob, may mga bagay na hindi niya kayang ipakita. At noong gabing iyon, nakita ko ang kanyang bitak.Tahimik ang opisina. Lampas alas-onse na, halos wala nang ilaw sa executive floor. Lamang ang buwan at ilaw ng lungsod sa labas ng bintana. Nakaupo siya sa malaking leather chair sa kanyang opisina, nakatitig sa mga dokumento, pero hindi talaga binabasa. Ang katawan niya ay parang nagdadala ng buong mundo.“Lian…” mahina niyang tinawag ang pangalan ko.Huminga ako at pumasok, dahan-dahan, walang kibo. Umupo sa tabi ng mesa, sinusubukang hindi manghimasok, sinusubukang magbigay ng espasyo. Pero ramdam ko agad ang tensyon sa bawat paghinga niya.Tumingin siya sa akin, ngunit hindi iyon ang titig ng CEO. Hindi iyon ang titig ng boss. Ito ang mata ng isang

  • One Night Stand with a Ruthless Billionaire    Chapter 14

    LIAN POVKinabukasan, iba na ang opisina. Ang mga bulungan ay parang mga alingawngaw ng digmaan. Ang bawat mata, bawat titig, ay may dalang kwento: kung sino ang nanalo, kung sino ang natalo, at sino ang susunod na tamaan.Si Vincent… wala siya sa kanyang opisina. Walang nakatingin, walang nakikipag-usap. Ang kanyang pangalan ay nasa bibig ng lahat—sa office chat, sa hallway whispers, sa mga email. “CEO Resigns Amid Board Pressure,” headline sa lahat ng online portals. “Vincent Cho Steps Down: Company in Uncertain Times.”Ako… ako lang ang alam ang buong kwento. At alam ko kung gaano siya nagmahal sa akin nang magdesisyon ng ganito.Tahimik akong naglakad sa executive floor, sinusubukang magmukhang normal. Pero sa loob ko, bawat hakbang ay parang patunay na may puwang kami sa mundo—ako at siya, kahit nagkalayo sa legal at opisyal na papel.“Lian,” tawag ng assistant niya sa akin. “Sir Vincent is waiting for you in the garden terrace.”Hindi ako nagtanong. Alam ko kung bakit. Alam kong

  • One Night Stand with a Ruthless Billionaire    Chapter 13

    LIAN POVMay mga lalaking sanay na hindi bumibigay.Hindi dahil wala silang nararamdaman—kundi dahil walang nagtatanong.Si Vincent ang ganitong klase ng lalaki.At noong gabing iyon, nakita ko ang bitak.Tahimik ang opisina. Lampas alas-onse na. Halos wala nang ilaw sa buong building, maliban sa kanya—isang ilaw sa executive floor na ayaw mamatay.Kumatok ako.“Come in,” sabi niya, pagod ang boses.Nandoon siya sa likod ng mesa. Walang coat. Nakabukas ang kwelyo. Hindi CEO. Hindi strategist.Isang lalaking ubos na.“Why are you still here?” tanong ko.Hindi siya agad sumagot. Nakatitig lang sa mga dokumentong parang hindi na niya binabasa.“Because if I stop,” sabi niya sa wakas, “everything catches up.”Lumapit ako. Umupo sa tapat niya.“Naipanalo na natin ang unang laban,” sabi ko. “Mara’s out.”Umiling siya. “Mara was a pawn.”Tumayo siya bigla. Naglakad palayo. Hinawakan ang salamin ng bintana na parang gusto niyang basagin.“I built this company thinking control would protect ev

  • One Night Stand with a Ruthless Billionaire    Chapter 11

    LIAN POVMay kakaibang katahimikan pagkatapos ng eskandalo.Parang huminto ang mundo—pero alam mong may gumagalaw pa rin sa ilalim. Mga kamay na naglilipat ng piyesa. Mga matang nagbibilang ng oras.Ako ang naging mukha ng pagkakamali.At eksakto iyon sa plano.Hindi na ako tinatawag sa meetings. Hindi na rin ako binabati ng iba. Ang dati kong mga kasamahan—umiilag. Parang nakakahawa ang pangalan ko.Pero may isang taong biglang naging sobrang bait.Si Mara.HR. Tahimik. Maayos. Laging “neutral.”“Lian,” sabi niya isang hapon habang mag-isa akong nag-aayos ng gamit. “Just checking on you.”Ngumiti ako. “I’m fine.”Hindi siya umalis agad.“You know,” dagdag niya, “people can be cruel. Especially when they feel threatened.”Threatened.Tumango lang ako.Nang gabing iyon, may dumating na email sa personal account ko. Walang subject. Walang pangalan.May attachment.Isang audio file.Pinatugtog ko.At biglang bumigat ang hangin sa paligid.“She’s perfect,” sabi ng boses ng isang babae.“S

  • One Night Stand with a Ruthless Billionaire    Chapter 10

    LIAN POVMay mga kasinungalingang mas epektibo kapag kalahating totoo.Ito ang itinuro sa akin ni Vincent habang nakatayo kami sa loob ng pribadong elevator, pababa sa underground parking. Walang camera. Walang saksi.“Kapag masyadong malinis,” sabi niya, malamig ang boses, “hindi pinaniniwalaan.”Hindi kami magkatabi. May pagitan. Parang estranghero.Pero ang kamay niya—nakakuyom. Alam kong pigil ang galit.“Ready ka na ba?” tanong niya, hindi ako tinitingnan.Huminga ako nang malalim. “Wala na tayong atrasan.”Tumango siya. Isang beses. Parang sundalo bago ang digmaan.Ang plano ay simple.Ako ang magiging pagkakamali.Kinagabihan, eksaktong alas-diyes, pumasok ako sa isang high-end bar na paboritong puntahan ng mga executive at media people. Maliwanag. Maingay. Maraming mata.Naka-red dress ako. Hindi revealing—pero sapat para mapansin.At alam kong may nakatingin.Lumapit ang lalaking kasama sa plano. Kaibigan ni Vincent. Investor. Kilala sa social circles.“Ms. Lian,” sabi niya n

  • One Night Stand with a Ruthless Billionaire    Chapter 9

    LIAN POVMay mga bitag na hindi ka hinihila pababa.Hinahayaan ka muna nilang umakyat.Mas mataas. Mas kita. Mas masakit ang bagsak.Ramdam ko iyon mula pa lang umaga.Tahimik ang opisina—masyadong tahimik. Walang bulungan. Walang mapanuring tingin. Ang ganitong katahimikan ay hindi kapayapaan. Ito ang katahimikan bago ang putok.“Lian,” tawag ng HR assistant. “May request ang board. Immediate.”Hindi request ang tono niya. Utos iyon.Nag-text ako kay Vincent habang naglalakad.Called by the board. Now.Walang reply.Pagpasok ko sa maliit na meeting room, naroon na sila. Tatlong board members. Isang legal counsel. At isang taong hindi ko inaasahan.Siya.Ang babaeng board member na nagbabala sa akin.“Please sit,” sabi niya, malamig ang ngiti.Umupo ako. Diretso ang likod. Nanginginig ang mga kamay ko sa ilalim ng mesa.“We received an anonymous complaint,” panimula ng legal counsel. “Regarding conflict of interest.”Humigpit ang sikmura ko.“Specifically,” dagdag niya, “your relation

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status