MULING isinara ni Vivian ang pinto ng library kaya naman tumama ang wine glass sa pinto.
"Ma!” ani Vivian nang muling buksan ang pinto at pumasok ng library. “Muntik na akong tamaan ng pinalipad mong wine glass.”
“I’m sorry.” Nasapo ni Sonia ang sariling noo. “Nakakainit kasi ng ulo ang ginawa ng iyong ama!”
“Speaking of him, nabanggit niya sa testamento na may kapatid siya. Bakit hindi niya nababanggit sa ‘tin?” Umupo ang dalaga sa silya.
“I don’t know. Iyon nga rin ang ipinagtataka ko. Wala siyang nabanggit sa ‘kin tungkol sa kapatid niya at sa mga naiwang ari-arian ng kanilang pamilya.” Marahas na umupo sa ottoman chair si Sonia. “Inaasahan ko na sa akin o sa ‘yo mapupunta ang kumpanya. At ang nakakainis pa ay iba ang inihalili niya sa posisyong Director. Matagal ko nang inaasam ang posisyong ‘yon.”
“Ma, anak ba talaga ako ni Papa?” seryoso ang mukhang tanong ni Vivian.
Natigilan naman si Sonia. Hindi magawang salubungin ang mga mata ng anak. “O-oo naman.”
“E, bakit gano’n? Mas maraming natanggap na pamana si Jewel kaysa sa ‘kin? Ngayon ko nga lang nalaman na anak sa labas ang babaeng ‘yon ni Papa.”
“Kailangan pa bang itanong ‘yan, Vivian? Nakikita mo naman kung gaano kalapit sa isa’t isa ang iyong ama at si Jewel. Ikaw kasi, mas gusto mong kasama ang mga barkada kaysa ilapit ang sarili sa iyong Papa. Ayan tuloy, naungusan ka ng bastardang anak ng iyong ama.”
“Paano na ‘yan? Paano pa natin mapapaalis sa bahay na ito si Jewel kung sa kanya ito ipinamana ni Papa?”
“Hindi niya alam ang tungkol sa testamento ni Cesar. At ‘wag kang magkakamaling banggitin sa kanya ang tungkol dito. Hindi ako papayag na mapakinabangan niya ang ari-arian ng iyong ama. Wala siyang karapatan. Sampid lang siya sa ating pamilya.”
“Wala na si Papa. Siguro naman ay panahon na para malaman ni Jewel na isa siyang bastarda.”
“No!” Mabilis na lumapit si Sonia sa anak. “Hindi niya dapat malaman ang tungkol sa pagkatao niya.”
“Why?”
“Dahil natitiyak kong hahanapin niya ang totoo niyang ina. Baka maungkat ang tungkol sa mga pamanang iniwan ng iyong ama. Tayo lang ang may karapatan na tamasahin ang yaman na inagaw ng babaeng ‘yon!”
UMAGA.
“Hoy! Gumising ka’t huwag batugan!” si Vivian sa paraang sinabunutan si Jewel nang gisingin.
Napabalikwas ng bangon si Jewel. “A-ate, bakit?”
“Anong bakit?” anito sa nandidilat na mga mata. “Bumangon ka. Wala na si Yaya Lourdes at Aling Pacing. Ikaw na ang magluluto ng pagkain.”
Tila ikinatulig niya ang kaalamang ‘yon. Alam niyang umalis na si Yaya Lourdes. Pero ang kusinera nilang si Aling Pacing ay nakita niya pa kagabi sa kusina.
Humalukipkip si Vivian. “O, ano’t nakatanga ka pa riyan? Narinig mo ba ang sinabi ko?”
“A-ate,” tanging nanulas sa bibig niya.
“Ang sabi ko, pinasasabi ni Mama, gumising ka na raw at maghanda ng aming almusal. Male-late na kaming pareho. May rehearsal pa ako, ‘no! Ngayon, kung talagang bingi ka, o nagbibingi-bingihan, tingin ko ay si Mama ang dapat na pumarito sa silid mo,” anito na sinundang tumalikod.
Mabilis naman siyang naalarma sa sinabing ‘yon ng kapatid. Natatarantang niyang niligpit ang kanyang higaan. “Ate, susunod na ako.”
“Susunod ka rin pala, dami pang arte. Bilisan mo't male-late na kami!”
“O-oo.” Nagkukumahog siyang sumunod kay Vivian. Ni ang magsuklay ng buhok ay hindi niya nagawa pa. Hindi siya sanay na hindi nag-to-toothbrush sa tuwing gigising sa umaga. Ngunit sa pangambang makagalitan ng ina, hindi niya magawa ang mga iyon.
Nang makarating sa kusina, hindi malaman ni Jewel kung ano ang kanyang lulutuin. Iyon ang unang beses niyang magluto.
“Ano pa’ng tinatayo-tayo mo riyan?” singhal sa kanya ni Vivian, nakita siya nitong nakatitig sa loob ng fridge. “Nagugutom na ako!”
“Igawa mo ako ng kape,” utos naman sa kanya ng ina. Abala ito sa pakikipag-usap sa cellphone.
Mabilis na tumalima si Jewel. Pagkatapos maibigay ang kape sa ina, kumuha naman siya ng itlog at hotdog sa fridge. Napapasigaw siya kapag nagtitilamsikan ang mantika.
“Prito na nga lang, sunog pa!” reklamo ni Vivian. Napilitan ito na kainin ang hinandang almusal ni Jewel.
“Hindi ako marunong magluto. Pasensya na, Ate.”
“Kailangan mong pag-aralan ang pagluluto dahil ikaw nang gagawa ng trabaho ni Aling Pacing.” Nakasimangot pa rin si Vivian.
Humugot siya ng silya para sumabay mag-almusal sa mga ito. Ngunit hindi pa man lumalapat ang pang-upo niya sa silya nang pigilan siya ng ina.
“Sino’ng nagsabi sa ‘yong sumabay ka sa ‘min kumain?” asik ni Sonia kay Jewel. “Mamaya ka na kumain pagkatapos namin. Huwag kang lalabas ng komedor. Kunin mo ang pitsel at lagyan mo ng tubig ang baso namin.”
“O-opo, Ma.” Pinigilan niya ang mapaluha. Wala naman bago sa pagtrato sa kanya ng ina pero hindi pa rin siya nasasanay. Nasasaktan pa rin siya sa hindi magandang trato nito sa kanya.
Tumayo si Jewel malapit sa fridge habang pinagmamasdan ang ina at kapatid. Masayang nag-uusap ang mga ito habang kumakain. Gusto niya sana itanong kung bakit pati si Aling Pacing ay pinaalis pero wala siyang lakas ng loob na gawin ‘yon.
“Mula ngayon, titigil ka na sa pag-aaral,” si Sonia, habang hinahalo ang mainit na kape.
Napaawang ang bibig ni Jewel sa idineklara ng ina. Para siyang itinulos sa kinatatayuan. “Bakit po?”
“Huwag kang magdrama. Makinig ka muna kay Mama,” singit naman ni Vivian, halatang naiirita.
“Ma, bakit kailangan ko tumigil sa pag-aaral?” masama ang loob na tanong niya. Bumilis ang tahip ng kanyang dibdib.
“Bakit hindi mo pa nilalagyan ng tubig ang baso ko, ha?” naiirita na singit ulit ni Vivian. “Gosh! I’m running out of time! Ang bagal namang kumilos nitong bastard–”
“Vivian!” agad na saway ni Sonia sa anak. Pinandilatan ng mga mata ang nakasimangot na si Vivian.
“I’m sorry. Ito kasing si Jewel, ang kupad kumilos!”
Mabilis na kinuha ni Jewel ang pitsel at sinalinan ng tubig ang baso ng kapatid.
NAGSIMULANG kumain si Sonia. Kapuna-puna namang kung anu-ano ang hinihingi ni Vivian na lalong ikinataranta ni Jewel. At nang halos ay sabay pang natapos ang dalawa kumain, muli siyang tinapunan ng maawtoridad na tingin ng ina. “As what I’ve said, titigil ka na sa pag-aaral mo. Wala na si Yaya Lourdes at Pacing. Ikaw na simula ngayon ang gagawa sa lahat ng gawaing bahay pati ang pagluluto.” “Pero, Ma!” tutol niya. Uminit ang sulok ng kanyang mga mata, nagbabadyang lumuha. “Hindi pa tapos ang aking sinasabi kaya ‘wag kang sumabat, Jewel!” Nanlilisik ang mga ni Sonia. Kagat-labi siyang natahimik. At walang nagawa kung hindi ang humanda sa iba pang sasabihin ng ina. “Wala na akong ipapasahod pa sa kanila. Isa pa, hindi naman na kayo alagain pa ni Vivian. Kaya nagdesisyon ako at ‘yon ay final. Titigil ka sa pag-aaral at magsisilbi sa amin ng anak ko. Wala na rin akong sapat na pera para matustusan ang pag-aaral mo.” “Ma, first year college pa lang po ako at magsisimula pa lang. Ayo
NAISIP niya, mas mahalaga kay Vivian ang career bilang modelo kaya hindi nito mabibigyan ng apo ang ina nila. “P-pero, Ma…” ang layon niya ang magprotesta. It’s unfair! Napakabigat naman yatang kasunduan niyon kapalit ng hinihingi niya at inililimos na pagmamahal mula sa ina. “Hindi mo kayang gawin? Pwes, wala kang aasahan sa akin!” asik ni Sonia na nagmumura pang tinalikuran siya. Iniwan siyang tigagal at hindi makahuma. Ganoon ba kababa ang tingin ng ina sa kanya para gawin ang hinihiling nito? Nagtatalo sa isip kung pagbibigyan ang ina o hindi sa kagustuhan nitong gawin niya kapalit ng inaamot niya buhat dito. Bakit ba napakahirap para sa ina ang mahalin siya? Ang sakit-sakit namang kahilingan niyon. Lalo na’t wala naman siyang nobyo. Kanino siya pasisiping? Sinong matinong lalaki ang bubuntisin siya, mabigyang kasiyahan lamang ang ina? Mabilis na pinahid ni Jewel ang luhaang mga mata sa pagsigid ng mapait na alaalang iyon sa kanyang gising na diwa. Doon natapos ang pagbaba
MALALIM siyang humugot ng paghinga bago marahang tumango. “Yes, you’re right. Kailangan ko talaga ng tulong mo.” “Ows?” “Very badly…” Mixed emotions ang nabasa niyang bumadha sa mukha ni Rochelle, matapos na sa pahikbi-hikbing paraan ay isatinig niya rito kung bakit naroon siya at kailangang-kailangan ang tulong nito. “Tsk! Kahit kailan talaga, shit sa akin ‘yang kapatid mo!” pagigil nitong sabi. “At pati na rin ang ‘yong ina! Hanggang ngayon pala, wala pa ring mabango sa kanya kung hindi ang paborito at pinakamamahal niyang anak! Paano nila naatim na gawin kang katulong? Kung bakit naman kasi nagtitiis ka pa? Napakamasunurin mong anak na ewan! Mabuti na lang at natuloy ang pag-aaral mo." “Pinilit ko kahit napakahirap, dahil para akong salarin na nagtatago kay Mama. Ayokong malaman nilang palihim akong nag-aaral kapag wala sila sa bahay. Isang taon na lang at ga-gradweyt na ako. Pangako, tutulungan kita, Rochelle. Aalisin kita sa lugar na ito. Konting tiis na lang.” “Naku, ‘wag
HINILA siya palabas ni Rochelle sa pinagtatrabahuan nito. “Anybody, mga past costumer mo, will do for me. Huwag lang ang bouncer security ng bar na ito,” pilit ni Jewel sa kaibigan. Matagal na hindi kumibo si Rochelle. Mataman siya nitong tinitigan sa mga mata. Na wari bang binabasa ang kalooban niya. “Ikaw ba’y sigurado sa gusto mong mangyari?” Tumikhim siya upang alisin ang kung ano mang bumara sa lalamunan niya bago sumagot. “Yes, hundred percent sure ako. Hindi na magbabago ang aking pasya.” “Sa gagawin mo, sinasabi ko sa ‘yo, you have to be strong. To be brave. Ibig ko sabihin, ‘yong consequences. B-baka umasa ka pagkatapos ng ‘laro’ na gusto mong mangyari, maglumuhod sa ‘yo ang lalaki para pakasalan ka.” Para siyang ngumuya ng ampalaya sa pait ng ngiting bumalatay sa labi niya. Ngunit pilit na ikinukubli ang pait na nararamdaman. “Ang mga lalaki ay hindi ganoon, alam ko.” “Absolutely. At hindi ang lalaking nasa isip ko na siyang makakasiping mo, Jewel.” Biglang lumiwanag
NAPAKARAMING panunukso ang natanggap ni Red buhat sa mga kaibigan. May mga panahon na nasabihan din siya ng babae na isa siyang ‘bakla’. But still, hindi nagawang baguhin ng mga panunuksong iyon ang kanyang prinsipyo. Na kung ang babae, dapat ay ‘birhen’ sa unang gabi nila ng lalaking pinakasalan niya. Bakit hindi hayaang mangyari ang mga prinsipyong iyon sa isang lalaki. At sa kanya magsisimula iyon.Nais ni Red, tulad din ng babaing kanyang nakatakdang pakasalan–kapwa sila ‘birhen’ sa gabi ng kanilang honeymoon.Weird idea! Lalo’t sa isang lalaking tulad niya na hindi naman nahuhuli sa kagwapuhan ng mga kaibigan ang pag-uusapan. Kung tutuusin, mas lamang siya sa mga ito dahil hindi na niya kailangan pumunta sa fitness gym para lamang magkaroon ng magandang hubog ng katawan. Katulad ng Kuya Draven niya, macho na siya talaga. Patunay na isa siyang Collins. His origin.Subalit ang prinsipyong iyon, ni isa man ay wala siyang pinagsabihan. Bakit naman niya ipagsasabi ang mga ito? E, 'di
Warning: ⚠️[R-18] Not suitable for young readers or sensitive minds. Contains graphic sex scenes, adult language and situation intended for mature readers only. PIKIT ang mga mata, kagat-labi si Jewel nang ganap na lukubin ng liwanag ang kabuuan niya. “What the heck?” narinig niyang sinambit ng lalaki. Halatang nagulat ito. Nais niyang takasan ang tagpong iyon na nakatayo siya sa harapan nito na alam niyang nakatitig sa kanya. Basta siya, mariin pa ring nakapikit ang mga mata sa matinding kahihiyang nararamdaman nang mga sandaling iyon. Kaba. kahihiyan. At takot para sa lalaking alam niyang matalim ang mga matang nakatingin sa kanya. She has a strong desire that serves as a fire to accomplish her mission. Maging ang tinig ng kaibigan na paulit-ulit siyang pinapaunawa, naalala niya. ‘Hindi ito isang kuwento sa mga nobelang nabasa mong may happy ending, Jewel.’ ‘You have to be brave. To be strong. Baka umasa kang after ng ‘laro sa apoy’ na gusto mong mangyari, maglumuhod sa ‘
KAHIT kinakabahan ay nagpatuloy si Jewel. Hindi dapat masayang ang gabing iyon. Marahan na siyang nagsisimulang sumayaw, tulad ng itinuro sa kanya ni Rochelle. Dahan-dahan na rin niyang inaalis ang pagkakabuhol ng napakanipis na damit na nagawa ring ipasuot sa kanya ng kaibigan kanina sa club. Ayon kay Rochelle, kailangan maging kaakit-akit siya sa mga mata ng lalaki. Dahil kung ang isusuot niya ay simpleng blouse at jeans, baka hindi siya magtagumpay sa kanyang misyon. Kanina nga lang nang makita siya ng lalaki, pinagtatabuyan na siya kahit halos makita na ang kanyang kaluluwa sa suot. Jewel, started the ‘show’ ang ‘laro sa apoy’ that she was being paid for, na lingid sa mga lalaking kausap ni Rochelle. Pabor sa kanya ang anumang magaganap sa kanila ng lalaki ngayon, kung meron man. Wala siyang dapat aksayahing sandali. Mabini siyang gumiling, ramdam niya ang panginginig ng kanyang kalamnan. “Miss…” narinig niyang inusal ng lalaki ang pangalan ay Red Collins. Narinig niya kanina
Warning: ⚠️[R-18] Not suitable for young readers or sensitive minds. Contains graphic sex scenes, adult language and situation intended for mature readers only. NAIS matawa ni Jewel sa narinig na tinuran ng lalaki. As if, she was a well-experienced woman na para bang kaya nga niyang mapaligaya ito. Nais niya iyong isatinig, subalit nagulat siya nang biglang sakupin ng labi nito ang kanyang labi. Banayad, mapusok, ngunit hindi nagmamadali. Napakunot ang noo ni Red sa nakitang pagkagulat sa mukha ng babae makaraang saglit itong hagkan sa mga. “I-ito ba ay normal na ginagawa ng babae at lalaki?” inosenteng tanong ni Jewel na lalo pang nakapagpakunot sa noo ni Red. Napakurap si Jewel, napansin niya kasing tila nagtatanong ang mga mata ng lalaki habang titig na titig sa kanya. “Are you sure of what you are doing, lady? I mean, do you know why you're right here in my room?" “Yes,” nahihiyang sambit ni Jewel, hindi na magawang salubungin ang tingin nito. “B-binayaran ako ng mga kaibig