Share

Kabanata 4

Author: corasv
last update Huling Na-update: 2022-12-03 08:56:32

NAILIBING si Cesar pagkaraan ng apat na araw. At sa pagpanaw nito, pakiramdam ni Jewel, lalo siyang nag-isa sa mundo. Naulila. May ina pa, subalit hindi naman ganap na maangking ina. Dahil kahit pumanaw na ang kanyang ama, hindi pa rin nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Mama Sonia. Hindi pa rin niya maramdaman ang pagmamahal nito na kay tagal niya nang inaasam-asam.

May kapatid, subalit napakalayo ng kalooban nito sa kanya. At dahil doon, nais na rin hilingin ni Jewel na sana’y tulad ng kanyang ama, namatay na rin siya. Ano pa’t nabuhay siya sa mundo kung puro paghihirap at pasakit lang ng kanyang kalooban ang nadarama.

Isang mapagpalang kamay ang naramdaman nang nagdadalamhati na si Jewel. Napatingin siya sa kamay na nakadantay sa kanyang balikat.

“Gabi na, Jewel, oras na para umuwi ka.”

“Yaya Lourdes,” usal niya nang mag-angat siya ng mukha. Ang butihing matanda na nag-aruga, at nagmahal sa kanya.

“Tama na ang pag-iyak. Baka makasama sa ‘yo. Halos buong burol ng iyong Papa, umiiyak ka.”

“Y-yaya, wala na ang Papa. Wala na akong kasama. Wala nang magtatanggol sa ‘kin. Wala nang magpaparamdam ng pagmamahal sa ‘kin. Wala nang tatawag sa ‘kin na anak.”

“Hindi totoo ‘yan,” wika ni Yaya Lourdes, tigmak ng luha ang mga mata nang magsalita. “Mahal kita, Jewel. Kailangan mong magpakatatag. Marami pang kalbaryo kang mararanasan. Subalit, ‘wag na ‘wag kang susuko. May awa ang diyos, may mabuting kapalit ang lahat ng iyong pagdurusa.”

Tumatango siyang umiiyak. “Yaya, huwag mo akong iiwan.”

Sandaling natahimik si Yaya Lourdes. Lalong bumalong ang luha sa mga mata. Marahan nitong hinaplos ang likod ng dalaga.

“Gustuhin ko mang manatili sa tabi mo, tulungan at damayan ka. P-pero hindi na puwede.”

Nagtatanong ang mga matang luhaan na nakatitig si Jewel sa mukha ni Yaya Lourdes. At noon lang niya napuna ang malaking maleta na nasa tabi nito.

“A-aalis ka, Yaya?” Hinawakan niya ang mga kamay nito. “Pakiusap, ‘wag mo akong iwan.”

“Ayokong iwanan ka, Jewel. Dahil kailangan mo ng karamay sa mga panahon pang darating. Subalit, wala akong magagawa. Matapos mailibing ang iyong ama, kinausap ako ng iyong ina. Hindi na kailangan ang serbisyo ko ng mga Buenavista.”

“P-pero paano naman po ako? Kailangan ko kayo!” Umiiyak na niyakap niya ang matanda. “Isama mo na lang ako, Yaya Lourdes. Kung aalis kayo, ayoko nang umuwi. Dito na lang ako sa sementeryo.”

Mapait na napailing si Yaya Lourdes. “Gustuhin ko man, Jewel. Kung ako ang tatanungin mo, mas gusto kong magkasama tayong dalawa. Pero hindi maaari, anak. Kailangan mong bumalik sa villa. Sa Mama mo at kay Vivian.”

“Ngayon pa kung kailan wala na si Papa? At kailanman, hindi naman ako nagkaroon ng ina, hindi ba? Ibang tao ang trato sa ‘kin ni Mama at Ate Vivian.”

“Marami akong gustong sabihin sa ‘yo pero hindi pa sa ngayon. Dahil baka hindi mo maunawaan. Sa tamang panahon, Jewel. Kailangan mong manatili sa poder ng iyong ina gaya ng gusto ng iyong ama. May karapatan ka. Ikaw lang, Jewel. At kailangan mong ipaglaban ang karapatang ‘yon. Pakatandaan mo ‘yan.” Kumalas ito sa kanyang pagkakayakap.

“Y-yaya. . .” usal niyang sumisikdo ang dibdib.

“Umuwi ka na, anak.” Nagpahid ito ng mga mata. Inabot nito ang maleta.

“H-huwag mo akong iwanan, please. . .” Nangunyapit siya sa isang braso nito.

“Magkikita pa tayo, Jewel.” Binaklas ni Yaya Lourdes ang mga kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso nito.

Subalit tuluyan nang naglaho sa paningin niya ang butihing tagapag-alaga. Umiiyak na niyakap niya ang picture frame ng kanyang ama.

NANG pumasok si Vivian sa loob ng library ay sa kanya nakatutok ang mga mata ng naroon.

“Bakit ngayon ka lang?” agad na tanong ni Sonia sa anak.

“Tinapos ko kasi ang assignment ko,” tugon ni Vivian at umupo sa isang silya na katapat ni Atty. Delgado.

“Siya lang ba ang anak ni Cesar Buenavista?” tanong ng abogado kay Sonia.

Nagkatinginan ang mag-ina.

“Yes, Atty. Delgado.” Si Sonia.

Naroon sila sa loob ng library upang pakinggan ang last will and testament ni Cesar.

Napatango-tango ang abogado. Sinimulan na nitong basahin ang last will and testament ni Mr. Buenavista.

Si Sonia ay pinamanahan ng dalawang milyong piso, ng isang townhouse unit sa Cavite, dalawang sasakyan na siyang madalas nitong gamitin at thirty percent share ng Buenavista Construction and Development.

Si Vivian ay pinamanahan naman ng isang milyong piso at ang beach resort sa San Juan Laguna.

“Sandali,” pigil ni Sonia sa abogado. “B-bakit ganoon lang ang natanggap naming mag-ina?”

“Hayaan mong tapusin ko ang pagbabasa,” anang abogado. Ngunit biglang nangunot ang noo nito. “Ang sabi mo, isa lang ang anak ninyong mag-asawa?”

Tumango si Sonia bilang tugon. Masama ang loob ng babae dahil sa hindi sapat na manang natanggap mula sa yumaong asawa.

“Sino si Jewel Buenavista?”

“Hindi siya parte ng aming pamilya,” mabilis na sagot ni Vivian. Abala ito sa hawak na cellphone.

“Nasaan ba siya? Gusto ko sana siyang makausap?”

“Bakit pa? Narito naman kami ng anak ko.”

“Dahil kay Jewel Buenavista nakapangalan ang halos lahat ng pag-aari ng mga Buenavista na nagmula pa sa yumaong mga magulang ni Mr. Cesar Buenavista.”

“Ano?!” Galit na napatayo si Sonia. “Hindi maaari!”

“Baka mali lang ang pagbasa mo, Atty. Delgado?” Itinago ni Vivian ang cellphone. “Paano siyang makakasama sa mga tagapagmana ni Papa, e, sampid lang siya sa aming pamilya?”

“Attorney, gusto kong marinig ang mga pamana ng aking asawa sa babaeng ‘yon. Isa lamang siyang illegitimate daughter!”

“Ang natitirang mahigit dalawang daang milyong piso sa bangko ay aking pinamamana kay Jewel Buenavista. Ang bahay na ito, maging ang limang sasakyan at mga alahas na nagmula sa aking kapatid na nasa safe-deposit box sa isang bangko. Bukod doon ay may condo unit pa at ilang lupain sa Baguio at Tagaytay. At sa oras na ako ay mamatay, gusto kong si Mr. Carlo Burgos ang magiging Director ng kumpanya. For the past twenty three years, malaki ang tiwala sa kanya ng aking ama kaya siya ang ginawang kanang-kamay nito. At kapag sumapit sa edad na trenta si Jewel Buenavista, sa kanya ko iiwan ang pamamahala ng kumpanya.”

Parehong napamaang ang mag-ina sa narinig. Wala silang ideyang maraming nililihim na pag-aari si Cesar. Dumilim ang anyo ni Sonia pagkatapos basahin ng abogado ang testamento.

“Attorney, pwede bang baguhin ang nakasaad diyan sa testamento?”

Napatingin kay Sonia si Atty. Delgado at umiling. Tumayo ang lalaki. “Babalik ako. Sana sa pagbabalik ko ay makausap ko ang isa pang anak ni Mr. Buenavista.”

Si Vivian ang naghatid kay Atty. Delgado hanggang sa kotse nito. Pagkaalis ng abogado ay muling pumanhik sa ikalawang palapag ang dalaga. Binalikan nito sa library ang ina na nagngingitngit ang kalooban. 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • One Night With A Stranger   Finale

    “R-Red…” nahihirapang sabi ni Jewel. “Paano ako makakasiguro na tunay ang pagmamahal na sinasabi mo? K-kung sinasabi mo lang ‘yan ay dahil sa anak ko, mabuti pang umalis ka na. Pinapangako ko sa ‘yo, hindi ko pababayaan ang aking anak. Bubusugin ko siya ng pagmamahal na hindi kailangan ng pagmamahal ng isang ama.” “Anak natin, huwag mong solohin. Ilang pruweba ba ang puwede kong ipangalandakan sa ‘yo para paniwalaan mo ang iba pang sasabihin ko? Isa pa, nariyan si Rochelle, siguro naman, sa loyalty sa ‘yo ng kaibigan mong ‘yun, hindi niya ako papayagan makalapit sa ‘yo kung alam niyang niloloko lang kita.” May katuwiran ito. Nangingilid ang luha sa mga mata niya. Mayamaya, kinabig siya ni Red at niyakap nang mahigpit. Iyon ang kanina pa niya gustong maramdaman–ang yakap ng lalaki na mag-aalis ng kanyang alalahanin. Buong puso siyang tumugon sa yakap at ipinadama ang pagmamahal niya para rito. Nadama niya ang mabini nitong halik sa kanyang noo. Napapikit siya sa pagsuyong naramdama

  • One Night With A Stranger   Kabanata 41

    IYAK ng sanggol ang nakapagpadilat sa mga mata ni Jewel. “A-ang baby ko…” ‘yon ang salitang unang namutawi sa kanyang bibig. Kahit na nga medyo malabo pa sa paningin niya ang mga taong nasa tabi niya. “Don’t worry, he’s fine…” pabatid sa kanya ng isang pamilyar na tinig. “Ang kailangan lang, magpalakas ka, para makarga mo na ang baby natin.” Nababaghan siya sa mga pangungusap ng pamilyar na tinig na iyon. Anong karapatan nitong angkinin ang anak niya? “Thank goodness!” narinig niyang sambit ng kung sino man. “I can say, it's a miracle. Ang inaasahan ko ay ang muling mapatibok ang puso ng pasyente. Hindi ko inaasahan na magigising siya mula sa pagkaka-coma, kasabay ng muling pagtibok ng puso niya.” Red and Rochelle, they rush her to the operating room for an emergency c-section. However, a blood clot that was loose in her system sent her into a coma. The medical staff caring for her felt defeated. Dahil pagkalipas ng ilang linggo, Jewel was still unconscious and no treatment se

  • One Night With A Stranger   Kabanata 40

    KABABAKASAN ng tuwa ang mukha ni Vivian nang makita si Red. “Sweetheart, mabuti naman at nagpakita ka na sa akin,” malambing nitong sabi. Matalim ang mga matang tumingin ito kay Jewel. “Sabihin mo sa babaeng ‘to, hindi ka niya pwedeng kunin sa akin. Ako ang mahal mo, ‘di ba?” Aalis na sana si Jewel, nang matigilan. Nararamdaman niya ang masakit na paghilab ng kanyang tiyan. “Jewel!” Narinig niya ang boses ni Rochelle, nakita niya ang kaibigan at may kasama itong apat na lalaki. “Saan ka pupunta, huh?” Hinila ni Vivian ang buhok ni Jewel. “Akin lang si Red! Tandaan mo ‘yan!” “Vivian, stop it!” dumagundong ang sigaw ni Red, mabilis na nilapitan ito at tinanggal ang mga kamay na nakasabunot sa buhok ni Jewel. “M-manganganak na yata–” hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Jewel nang maramdaman unti-unting dumidilim ang kanyang paningin. Mabilis na naagapan ni Red ang pagbagsak ni Jewel sa sementong sahig. “Ipagdasal mong walang masamang mangyari sa mag-ina ko, Vivian. Dahil kapag n

  • One Night With A Stranger   Kabanata 39

    AGAD na pinuntahan ni Sonia ang anak sa kwarto nito matapos makausap sa cell phone. “Vivian!” “Ma…” “Hanggang ngayon, hindi mo pa rin matalikuran ang bisyong ‘yan!” galit na turan ni Sonia na isa-isang ipinagtatapon ang mga ipinagbabawal na gamot na nagkalat sa ibabaw ng kama ng anak. “Gusto mo ba talagang tuluyang sirain ang buhay mo, huh?!” “Kailangan ko ang mga ‘yan, Ma. Give it to me, please…?” umiiyak na pakiusap ni Vivia sa ina. “Makakatulong sa ‘kin ang mga ‘yan na makalimutan ang lahat ng problema ko.” “Tumigil ka!” “Si Red, hindi niya ako sinipot sa simbahan kanina, Ma…” humahagulgol na sumbong nito sa ina. “Mahal na mahal ko siya, Ma!” “Ano’ng gusto mong gawin ko, huh? Hanapin si Red, lumuhod sa harapan niya at pakiusapang ituloy ang kasal n’yo, gano’n ba ang gusto mo?” lumuluha na ring turan ni Sonia. Niyakap nito nang mahigpit ang anak. “Alam mo bang pinatalsik na rin ako sa kumpanya? Lahat ay unti-unti nang nawawala sa atin.” Natigil sa pag-iyak si Vivian. “What d

  • One Night With A Stranger   Kabanata 38

    “ANO ang ibig sabihin nito?” nanggagalaiting sigaw ni Sonia. Halos manlaki ang ulo nito sa nabungarang tagpo. Nakakalat ang mga kagamitan nito sa labas ng opisina. “Sino ang may gawa nito?”“Ma’am, kahit ano pong awat namin sa kanila, ayaw nila kaming pakinggan. Hindi na raw ikaw ang Managing Director ng kumpanya,” pabatid kay Sonia ng kanyang sekretarya. “Si Mr. Carlo Burgos, siya po ngayon ang nakatalagang papalit sa iiwan n’yong posisyon sa kumpanya, ma’am.”“At sinong baliw ang nagsabi?”“Ako.”“Who are you?”“Ako si Atty. Macnel Rojo. Isa ako sa mga abogadong pinagkakatiwalaan ng nasira mong asawa na si Mr. Cesar Buenavista.”“Hindi ikaw ang abogadong kinuha ng asawa ko. Umalis ka na kung ayaw mong ipakaladkad kita palabas ng kumpanya!” pagbabanta ni Sonia sa lalaki.“Si Atty. Delgado ba ang tinutukoy mo, Mrs. Buenavista?” seryoso ang mukhang patanong na sabi ng abogado. “Umamin na si Atty. Delgado. Binalak n’yong manipulahin ang iniwang testamento ni Mr. Buenavista. At itong Bue

  • One Night With A Stranger   Kabanata 37

    NIYAKAP ni Vivian si Red. “Sweetheart, please… patawarin mo ako. Simulan natin muli ang lahat. Mahal mo naman ako, ‘di ba? It's not too late, mag-aampon tayo. I swear, you will learn to love the child we will adopt.” “Whose child? Kay Jewel na kapatid mo?” Patda si Vivian. “P-paano mo nakilala si Jewel?” “And that's what I wonder about. You didn't tell me you had a sister.” “For what? She is not part of our family. I don't even consider her a sister.” “Hindi mo siya itinuturing na kapatid pero interesado ka sa pinagbubuntis niya. How dare you na angkinin ang anak na hindi naman sa ‘yo!” “N-nagkakamali ka,” napalunok na turan ni Vivian. “S-siya mismo ang may gustong ibigay sa akin ang bata–” “Enough!” ani Red, marahas na inihinto niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Napahagulgol naman ng iyak sa mga palad nito si Vivian. “Matagal mo nang alam na hindi ka na maaaring maging ina. Kaya nga gusto mong angkinin ang bata pagkatapos manganak ni Jewel, right?” “Si Mama ang may idey

  • One Night With A Stranger   Kabanata 36–Vivian is not pregnant

    “MA!” Kinalampag ni Jewel ang saradong pinto. “Utang na loob, ‘wag n’yong gawin sa ‘kin ‘to! Palabasin n’yo ako rito, Ma!” “Nararapat lang sa ‘yo ‘yan!” mula sa labas ng basement, narinig niyang sigaw ni Mama Sonia. “Mula sa araw na ito, hindi ka na makakalabas diyan!” Matapos i-lock ni Sonia ang pinto ng basement, may ngiti sa mga labi na umalis ito roon. Naiwan naman si Jewel sa loob ng basement na walang patid ang iyak habang himas-himas ang nananakit na tiyan. Hinintay lang ni Clyde na pumanhik sa ikalawang palapag si Mrs. Buenavista, saka lumabas sa pinagtataguan. Kinuha nito ang bungkos ng susi na itinago ng babae sa loob ng vase. Natigil sa pag-iyak si Jewel nang makitang gumalaw ang seradura ng pinto. Mabilis na dinampot niya ang monoblock chair. Dahan-dahang bumukas ang pinto. Inihanda niya ang sarili. Wala siyang mapagpilian. Kailangan niyang makalabas ng basement. Huminga siya nang malalim at hinigpitan ang pagkakahawak sa monoblock chair. Oh, God! Patawarin n’yo ako

  • One Night With A Stranger   Kabanata 35 – Rebelasyon

    NAMUTLA si Vivian nang makapasok sa private clinic ni Dra. Angela Muñez–asawa ni Akio na kaibigan ni Red. Dra. Angela Muñez, Obstetrician-Gynecologist. Masama ang loob na tumingin si Vivian kay Red. Hindi nito alam kung ano ang nasa isip ng lalaki. “What does this mean, sweetheart?” Vivian tried to calm herself even though she was nervous at that moment. “I thought we were going to meet the owner of the flower shop who will supply flowers for our wedding?” “Gusto ko lang masigurong maayos ang pagbubuntis mo,” kaila ni Red. Bago pa sabihin sa kanya ni Vivian na nagdadalang tao ito, nasabi na sa kanya ni Rochelle ang pinaplano ng mag-inang Buenavista. Hindi siya nagpahalata sa nobya na alam niya ang totoo. Sa kabila ng mahigpit na ginawang pagtutol ni Vivian na samahan niya itong mag-prenatal check up sa Ob-Gyne, nagkaroon siya ng ideyang dalhin ito sa private clinic na pag-aari ng kaibigan niyang si Akio nang hindi nito nalalaman. Dahil alam niyang hindi ito papayag. “Mr. Collins

  • One Night With A Stranger   Kabanata 34–I'm not an illegitimate daughter

    “Red, narito ka pala. Wala ka bang pasok?” tanong ni Sonia nang mabungaran ang nobyo ng anak sa may sala. “W-wala, Ma.” Tumikhim si Red upang alisin ang kung anumang bumara sa lalamunan niya. “I let my brother manage the Collins Center for a few days. Magiging abala na po kasi ako sa pag-aasikaso ng nalalapit na kasal namin ni Vivian.” “How sweet of you, sweetheart. Kaya mahal na mahal kita!” tinig ni Vivian, halatang kinikilig na lumapit ito kay Red at siniil ng halik ang nobyo. “Gusto n’yo po bang sumama?” “Lakad n’yong dalawa ‘yan ng unica hijo ko. Isa pa, pinapagawa ko ang gripo sa shower room.” “Okay,” nakangiting turan ni Red. “We’ll go ahead, Ma!” paalam ni Vivian, humalik ito sa pisngi ng ina. “Red, take care of my daughter!” Nakangiting tumango siya bilang tugon. Napatingin siya sa kusina, nakita niya si Jewel na lumabas mula roon. Iniangkla ni Vivian ang isang kamay sa braso ni Red at lumabas ng sala ang dalawa. PAGPASOK sa kotse ay agad naging abala sa pakikipag-u

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status