Share

Kabanata 4

"Anong nangyari sa'yo? Para kang matatae ng wala sa oras. Bakit hindi mo na lang inilabas iyan sa banyo kanina? At saka bakit bitbit mo 'yang pumps? Seryoso, para kang may tinakasan." Napainom ako bigla ng juice dahil sa sunod-sunod na tanong ni Gale.

Anong nangyari? Grabeh mga teh! Umatras ang ihi ko dahil sa aking nasaksihan. Kabado is real pa ako no'ng tumingin siya pwesto ko, buti na lang at hindi na natuloy ang akmang paglapit niya dahil hinila na siya paalis ng babae. Hindi na nga ako umihi at nagtatakbo na lang paalis doon, nakita ko pa silang may kausap na bisita. Kaya hindi nila napansin ang pagdaan ko hindi kalayuan sa gilid nila.

Jusko dai! Kung nagkataon ay malilintikan na naman ako. Nakailan na ako ngayong araw, ayaw ko nang dagdagan pa.

"Umatras ang ihi ko," wala sa sariling tugon ko. Kaya bigla akong siniko ni Gale sa aking tagiliran. Napakurap-kurap ako na tila ba bumalik na ako sa katinuan.

"I swear, if I'll know the person who shouted and said that this place is on fire. I'm going to kill her."

Bigla akong napatigil at pinagpawisan nang marinig ko ang pabalang, ngunit may diin at kaseryosohan na boses. Hindi ko magawang ibaling sa aking likod ang paningin ko at parang nagka-stiff neck din ako dahil narinig ko ang boses niya. Pakiramdam ko pa ay alam niyang ako 'yong sumigaw dahil kahit medyo malapit sila ay kulang na lang, ipagsigawan niyang papatayin niya ang kung sinong babae man ang nanggambala sa mainit-init nilang pag-loving-loving.

My goodness! Mamamatay na ako dahil sa party popper, pati ba naman sa pagpigil sa kanila? Indeed, I'm a trouble maker. Hindi ko na 'yan maitatanggi pa.

"Bro, you should control your libido. Bathroom is really...how can I say this? Improper place? Like...I mean, just find a hotel, or do that in your condo. And by the way, how sure are you that the person who interrupted your sex escapade was a girl? What if it was a gay?"

Napapikit ako. Bakit kailangang marinig ko sila? Naririnig kaya sila nitong katabi ko? Pero paano niya bibigyang pansin kung naghaharutan na sila ng nobyo niya? Gosh! Parang gusto ko na lang umuwi at huwag lumabas ng bahay ng isang taon—habang buhay na nga lang para sure.

"I'm sure that she's a 'girl'. That person is really testing my patience."

"Well, if that's what you feel. Wait, I'm going to Letishe."

Lumingon naman sa'kin si Gale. "Punta lang kami sa parents ni Eriko."

Pagkaalis nila ay ako na lang ang naiwan sa lamesa. Napakamot ako sa aking ulo at saka inilapag ang pumps sa sahig. Ipinatong ko ang aking baba sa lamesa habang paulit-ulit na napapabuntong-hininga dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Mukhang anytime soon ay aatakihin ako dito dahil sa takot. Ang daming nangyari ngayong araw. O baka naman ngayong araw ang kamalasan ko?

Napahinto lang ako sa pag-iisip nang may maramdaman akong umupo sa aking tabi. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil naglalabas pa ako ng hinanakit.

Umub-ob ako. "Ano ka ba naman kasi Allanna?"

"So, your name is Allanna?"

Nanlaki ang mga mata ko't biglang napatingin sa nagsalita. Halos maitulak ko pa ang mukha niya dahil sa sobrang lapit nito sa akin. Naka-ub-ob din siya pero ang lapit niya, halos maduling na nga ako.

"Ah..." Ano ba ang dapat kong sabihin? Mag-sorry?

"So, what's up?"

Naramdaman kong nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang boses niya't maamoy ang kaniyang hininga na mas mabango pa sa cologne ko. Kaya siguro tuwang-tuwa at sarap na sarap 'yong mga babaeng kahalikan niya dahil ang bango-bango niya, pati hininga ay ayaw magpaawat.

Mabango rin kaya ang utot niya? Bigla akong napailing sa aking naisip at kusang napalayo sa kaniya. He's a perfect picture of a god-like man.

"H-hi?" Parang gusto ko na lang kainin ng lupa nang batiin ko siya nang wala sa kaniya ang aking paningin.

"Who were you greeting?"

Napalunok ako't parang robot na dahan-dahang gumalaw ang ulo ko paharap sa kaniya. Dito ay kitang-kita ko ang ngisi niya...ngisi na may halong pagtitimpi.

Huli ka na talaga balbon.

"I-kaw."

"Why are you stuttering?"

"H-hin..." tumikhim ako. "Of course I'm not!" Tila nabuhusan naman ako ng malamig na tubig nang mapasigaw ako't makita ang gulat niyang mukha. Pero agad din siyang naka-recover dahil bumalik ulit sa ngising nauubusan na ng pasensya.

"You're working at the bar right?"

Alam niya? Bigla ay parang may sumipang kabayo sa aking dibdib. Ano ba 'tong puso ko, ang daling kiligin. Tinanguan ko lang siya't dali-daling napainom sa baso ng juice. Pakiramdam ko kasi ay parang tuyong-tuyo na ang aking lalamunan.

"Can't you talk?" inis na tanong niya.

Ano bang gusto niya? Chismisan? Duh! Nakakatakot kaya siyang kausap. Please, bumalik na kayo Gale!

"I can't forget what—"

"Sorry na nga!" biglang sigaw ko. Napansin ko namang may iilang napatingin sa gawi namin, kaya napakagat ako sa aking labi.

"Why are you like that? Why are you shouting?"

Eh kasi nakakakaba ka! What if bigla mong tarakan ng kutsilyo ang tagiliran ko? May kutsilyo pa naman sa ibabaw ng lamesa.

"Are you somehow...I mean, alright! Let's get straight to the point. Why did you that?"

Nanlaki ang aking mga mata. "Ang alin po?!"

"Can you please lower down your voice?"

Napakamot ako sa aking ulo. "Pasensya na po."

"Well, you are the girl who shouted near the bathroom. Did you hear us...or saw us?"

Biglang nag-init ang aking pisnge nang itanong niya 'yon. Sa sobrang confident niya ay wala na siyang pakialam kung ma-judge siya at parang siguradong-sigurado pa siya na ako talaga 'yon, which is ako naman talaga 'yong baliw na sumigaw. Napatayo ako bigla at kahit nanginginig ang aking mga tuhod ay naglakad na paalis, pero hindi pa ako nakalalayo nang marinig ko ang boses niya.

"Are you leaving barefooted?"

Napatampal ako sa aking noo nang ma-realized na naka-paa lang ako. Kaya dali-dali akong bumalik at tarantang sinuot ang pumps. Damang-dama ko naman ang matatalas na titig ni crush.

Naku! Kung nakamamatay lang ang titig ay kanina pa ako nakabulagta at iniiyakan ng lahat.

Nang masuot ko na ang pumps ay nagtatakbo na ako palabas ng building. Bahala na, makiki-text na lang ako mamaya sa kapatid ko para sabihan si Heremia na nauna na akong umuwi.

Grabeh! Hindi ko talaga kinaya ang kaganapang iyon.

Nang makarating sa bahay ay pabagsak akong napaupo sa upuan. Saglit na nilingon ako ni Blake at muling ibinalik ang kaniyang mga mata sa laptop, mukhang gumagawa siya ng assignment—pero agad akong nakarinig ng mahinang ungol mula dito, kaya marahan akong tumayo at naglakad papunta sa kaniyang likod.

"Ay takte ka!"

Nahampas ko si Blake sa balikat nang makitang nanood siya ng ano. Basta! Pulang-pula na ang mukha ko't ang kupal na kapatid ko ay pinagtawanan lang ako't in-exit na ang kabastusang pinapanood niya.

"Grabeh ka mag-react, Lana. Akala mo naman ay hindi ka pa nakakakita ng tit—"

"Tumigil ka nga. And for your information, hindi pa talaga!" bulyaw ko't muling napaupo sa upuan. Pinagtawanan lang ako nito, kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Pahiram nga ng cellphone. Iti-text ko lang si Heremia."

Tumango lang siya't nginuso ang cellphone sa tabi niya na agad ko namang kinuha. Mabuti na lang at memoryado ko ang mga numero nila.

"Kailan ka ba bibili ng cellphone? Nagkakapera ka naman, pero mas inuuna mo kami. Anong balak mo?"

Napanguso ako't nag-type muna bago sagutin ang kapatid ko. Pagka-send ng text ko ay agad ko na itong ibinalik sa kung saan ko ito kinuha.

"Wala akong time bumili."

Sinarado niya ang laptop at hinarap ako. "Eh 'di ako ang bibili kung oras ang problema mo. Alam mo namang kahit ganito ako, maaasahan mo pa rin. You're still my sister after all."

Na-touch naman ako sa aking kapatid at akmang maluluha na nang tumawa siya. Napakunot-noo na lang ako, pero hindi kalaunan ay tumayo siya't may kinuha sa bag niya. Nang lumapit siya sa akin ay may bitbit na siyang paper bag at binigay ito sa'kin.

"Inutusan ako ni papa. Para sa'yo raw 'yan."

"Ha?" Agad kong tiningnan ang loob at nakita ang box ng cellphone. "Hala...hindi na kailangan—"

"Kailangan mo 'yan, Lana. What if something bad happened to you? Mas madali mo kaming makokontak kapag may cellphone ka. At saka huwag kang mag-alala dahil hati kami diyan ni papa, iyong akin ay galing sa ipon ko."

I felt a sudden warmth in my heart. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nginitian ko lamang siya at nagpasalamat saka kinuha't binuksan ang box at bumungad sa'kin ang touch screen na cellphone.

"Dapat na ba akong maiyak?" medyo naluluhang tanong ko't napailing lamang ang ikalawa. "By the way, hindi naman ganoon kalaki ang baon mo. Paano ka nakaipon? Siguradong mahal 'to sinabi mo pang tig-kalahati kayo ni papa."

"Secret." Binelatan niya lang ako't nagtatakbo na patungo sa kuwarto niya.

Napailing ako't napatingin sa aking cellphone. All this time ay akala ko wala na silang pakialam sa'kin, pero mali pala ako. Iingatan ko talaga ang regalong 'to.

Excited na kinalikot ko ang cellphone. Nakailang take pa nga ako ng picture dahil tuwang-tuwa ako sa linaw ng camera.

Kinabukasan ay gabi lamang ang work ko, which is sa bar. Wala kasi akong pasok sa coffee shop tuwing lunes, kaya medyo nakakapagpahinga naman ako.

"Alis na po ako," paalam ko kay mama na abala sa panonood ng telenovela.

Hindi naman siya nag-abalang lingunin ako o kaya ay paalalahanan na mag-ingat. Ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon dahil nasanay na rin ako't may kaunting sama ng loob na nilisan ang bahay.

Hindi ko pa rin kasi mapigilang sumama ang loob kapag ramdam kong walang pakialam sa'kin si mama.

Nang makarating sa bar ay wala pa ring bago, maingay pa rin ang lugar. Alangan namang tumahimik 'di ba? Napailing na lang ako't kumilos na at nagtrabaho. Balak pa nga sana akong chikahin ni Gale at magtatanong pa sana siya kung bakit umuwi ako ng maaga. Mabuti na lang at hindi na natuloy dahil inutusan siya.

Jusko po! Ayaw ko nang maalala ang kahapon. Mukha lang ni crush na nakangisi ang naaalala ko. Tapos dagdagan pa ng panaginip ko kanina na nakangisi siya't hinahabol niya ako habang may hawak na kutsilyo. Grabeng panaginip 'yon! Papatayin ata ako sa takot. Parang ayaw ko na tuloy matulog ulit no'ng mapanaginipan ko 'yon.

"A glass of martini, please."

Napaangat ako ng tingin nang may customer na umupo sa high chair dito sa counter. At ganoon na lang ang panlalamig nang makita ang seryosong mukha ni crush, kaya medyo napaatras ako't kinalabit ang isa pang bartender para sa martini ng lalaki. Napalunok ako nang titigan niya ako nang malalim.

"Ano ba 'yan, Allanna!"

Napakurap-kurap ako nang ma-realized na nabitawan ko na pala ang ang hawak kong baso at nagkalat ang bubog sa sahig. Akmang dadamputin ko na sana nang magsalita ang lalaki.

"Don't pick it up. Go get a broom and dustpan. Don't be stupid to bruise yourself," seryoso niyang saad.

May tama nga naman siya. Ang tanga mo talaga, Allanna. Nagbasag ka pa, paniguradong kaltas ito sa sahod ko. Kaloka!

Agad kong nilinis ang mga bubog nang makakuha ng walis at dustpan, nakita ko ring inilapag na sa harap ni crush 'yong order niya. Ibinalik ko na ang dustpan at walis sa lagayan at nang makabalik sa may counter ay nakitang sumisimsim na ang lalaki sa kaniyang baso. Medyo naiilang pa ako dahil sa mga titig niya, kaya mas pinili ko na lang na magpunas ng mga tray sa gilid.

"Giel, I missed you."

Pasimple kong nilingon ang gawi ni crush at nakitang may nakalingkis nang babae sa leeg niya. Napalunok naman ako nang mapagtanto na nasa akin pa rin ang mga paningin niya.

"Bakit ngayon ka lang ulit bumalik dito sa bar, Giel?"

Medyo pinagpapawisan na ang noo ko dahil damang-dama ko ang mga paningin niya sa'kin. Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang tinawag sa kaniya ng babae.

Giel...is that his name? It sounds cool. Wala sa sariling napangiti ako. I finally know his name.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status