Share

Kabanata 5

"Leave me alone, Anesthesia."

Muntik na akong humagalpak ng tawa dahil sa narinig ko. What? Anesthesia? Napatikhim ako nang pasimple ko silang balingan ng tingin at pansin na pansin ang magkasalubong na kilay ng babae, pero mukhang wala namang pakialam si Giel dahil nakatitig lang siya sa kawalan.

Anong nangyari sa kaniya? Mukhang malalim ang iniisip niya.

"What?! My name is Anastasia, not anesthesia! Anong akala mo sa'kin pampamanhid? Pampasarap lang ang kaya kong ibigay, I can give it you every night."

Napangiwi ako. Ano ba itong naririnig ko? Napailing na lang ako't umalis na para i-serve sa isang table ang bucket ng beer, hindi ko na rin nakita si Gale, baka sa VIP room siya nagsi-serve. Mabuti na lang din at mukhang distracted na si Giel dahil hindi na siya nakatitig sa'kin. Kundi ay hindi ko magagawa ng maayos ang trabaho ko.

Sobrang ilang na ilang pa ako, dahil na rin siguro sa fitted na suot ko. Siguradong kitang-kita niya ang bilbil ko.

Nang mailapag ko na ang bucket ng beer sa table six ay agad na akong umalis dahil dama ko na naman ang mga matang mapanghusga. Mabuti na nga lang ay wala silang sinabi, kundi ay baka naibato ko na sa kanila 'yong mga beer na nasa bucket.

Pero syempre joke lang. Ayaw ko pang mawalan ng trabaho, and worse, makulong.

Pagbalik ko sa counter ay wala na 'yong Anastasia na parang unggoy na nakalingkis kay Giel. Wala na rin namang ibang utos, kaya napagpasyahan kong mag-stay muna sa bar counter, syempre hindi sa tapat ni Giel. Medyo malapit na ako sa dulo ng counter sa left side since pumwesto si Giel sa right side, at kahit hindi naman madumi ay pinunasan ko na lang ang bar counter. May iilang customers din ang bumati sa'kin dahil kilala na ako ng ibang regular customers namin.

Mababait naman sila, pero hindi talaga maiiwasang magkaroon ng customer na kung makaasta ay akala mo sila ang nagmamay-ari nitong bar.

"Will you choose to leave and achieve your dreams...or stay with your love while reaching each other's dream?"

Marahan akong nag-angat ng tingin at medyo napasinghap nang mapagtanto na nakaupo na sa harapan ko si Giel. Paanong hindi ko napansin ang paglipat niya? At ako ba ang tinatanong niya? O baka may ibang tao siyang nakikita na hindi ko nakikita?

"S-sir?" nauutal kong tawag.

"The question is for you. I'm just curious about your thoughts," seryoso niyang sagot at hindi ko naman maiwasang mapalunok nang bigyan niya ako ng mga tinging nananansya.

Ah...recitation ba 'to?

"Ah...the second one." Mas lumalim ang titig niya sa'kin at halatang naghihintay sa sagot ko, kaya napatikhim ako. "If I really love the person, and he let me choose between leaving or staying. I rather stay by his side, kasi alam kong kapag mahal niya ako, sasabayan niya akong abutin ang mga pangarap ko. We can travel together to achieve the career or whatever I want, and vice versa. Why would I leave if I can stay while reaching my dreams with him? Mas okay pa nga 'yon, mas nakaka-inspire magpatuloy kapag may isang taong pinagkakatiwalaan mo at mahal mo na susuporta sa'yo. Pero kung ang mangyayari ay pipigilan niya akong abutin ang mga pangarap ko kapag nag-stay ako or he will not going to give his full support for me, well that's a different scenario...I will choose to leave even if it will break my heart."

Tumawa siya ng pagak at napailing. "I hope she thinks like you before stepping out of this country."

"Sir?" Hindi ko kasi narinig ang sinabi niya dahil sobrang hina no'n. Napanguso na lang ako nang umiling lang siya't diretsong nilagok ang kaniyang martini at saka tumayo.

"Nothing."

Tumayo ito't walang sabi-sabing nilisan ang bar. Natahimik naman ako dahil mukhang may nasabi akong mali, kaya nag-walk out siya. Nakalimutan ko na nga rin ang kasalanan ko sa kaniya kahapon dahil sa haba ng sinagot ko sa kaniya. Pero parang iba talaga ang aura niya ngayon, parang basag na basag ang pagkatao niya. However, he doesn't look wasted, he look strong.

But the strongest person might be the most vulnerable one.

"Uy!"

Napakurap-kurap ako nang may tumapik sa aking balikat. At dito ay nakita ang nakakunot-noong si Gale.

"Bakit?"

Napangiwi siya't inagaw sa'kin ang hawak kong basahan. "Anong nangyari sa'yo at natulala ka diyan?"

"Wala naman."

Tumango-tango lang siya't bumalik na sa trabaho. Napabuntong-hininga na lang ako't nag-serve na sa mga kararating lang na mga customers, even though my mind is already clouded with Giel's question and reaction.

Mabilis natapos ang busy na gabi at ngayon ay nandito ako sa kuwarto, tulog na rin ang kapatid ko't tanging ako na lang ang mulat pa. Binuksan ko ang Fisiebook, tinuruan akong gumawa kanina ni Gale dahil panay ang sabi niyang gumamit na ako ng social media para updated daw ako sa mga kaganapan sa Pinas. Nagulat pa nga siya nang malaman na may cellphone na ako, kaya napuno tuloy ito ng pictures naming dalawa. Inilagay ko na rin sa phone book ang mga cellphone numbers nila. Hindi ko naman na kailangang ilagay 'yong kila papa dahil nailagay na pala ni Blake bago niya pa ibigay.

In other words, siya ang unang nakagamit nito.

Iilan pa lang friends ko dito. Tanging mga ka-workmates, si boss, old school acquaintances at si Blake lang. Hindi rin naman sila gaanong pala-post dito sa social media gawa ng busy, kaya iilan lang ang nakikita ko. Nag-follow na nga lang ako ng ibang vloggers or memers para may pagkatuwaan.

Habang nagi-scroll ay bigla kong naalala si Giel at dahil medyo curious din ako sa kaniya ay agad kong pinindot ang search box at in-type ang name niya. Kaso hindi ko naman alam kung anong surname niya't siguradong hindi lang siya ang Giel na lalabas dahil maraming may pangalang Giel sa mundo.

Pero bahala na nga. Try lang naman.

Pagka-click ko ng search ay pakiramdam ko'y nakagawa ako ng malaking kasalanan at hindi ko mapigilang mapalingon-lingon sa paligid dahil baka may makakita sa ginagawa ko't sabihan pa akong stalker kahit nandito lang naman ako sa kuwarto.

Nakakakaba pala ito. Pero, ha! Hindi ko naman siya in-stalk...kumbaga curious lang ako.

Wala sa sariling napangiti ako sa harap ng screen nang lumabas ang mukha ni Giel. I mean, naka-tag lang siya sa picture na in-post ni Boss, kuha ito noong kaarawan niya't mabuti na lang ay friend ko si boss.

Agad ko namang in-click ang name ni Giel.

"Giel Peterson Corleu," pagbigkas ko't hindi maiwasan na mas lumaki ang ngiti.

Ang ganda ng pangalan niya, bagay sa kakisigang tinataglay niya. In-scroll down ko pa para makita ang mga mga posts niya. Ang profile picture niya lang ay nakatalikod siya't suot ata ay isang tuxedo na itim, and he looks expensive, then ang cover photo ay tanging itim na rosas na nakahiga't may tatlong petal na nalagas.

Napanguso ako nang puros tag lang sa kaniya ang nakikita ko, karamihan ay mga okasyong dinadaluhan niya't ni isa ay wala siyang pictures na in-post. Medyo na-boring na rin ako't ibabalik ko na sana timeline ko nang mapatigil ako sa kaisa-isang in-post niya ilang buwan na ang nakalipas.

"Do I deserve this?"

Napalunok ako. Parang may tinatanong siya, pero hindi idinerekta sa taong gusto niyang tanungin kaya nang silipin ko ang comment section ay marami ang mga nag-react. Karamihan ay nagtatanong kung ano ang nangyari, at sa tingin ko naman ay ang mga nagsabi ng hindi ay mga ka-close niya't may alam sa nangyari o kaya naman ay kilala nila ang taong pinaparinggan nito. Napabuntong-hininga na lang ako't binalik na lang sa wall ko, pero ang boring na talaga kaya matutulog na lang ako—wait.

Napatigil nang tumunog ito't nakita kong may lumitaw na isang message request kaya napakunot ang aking noo at agad itong binuksan.

Sino naman kaya ito? Ang tagal mag-loading, mukhang bumabagal na naman ang signal ng wifi. Kaya siguro inis na inis si Blake kanina habang naglalaro.

Giel?

Agad kong binuksan ang message niya. Paano niya nalaman ang account ko? May picture siya na in-send, pero nakakainis talaga kasi ang bagal ng signal at hanggang ngayon ay kulay blue lang na umiikot ang nasa screen ko. Pero napaayos din ako nang tuluyan nang bumulaga sa aking mga mata in-send niyang picture.

Allanna Prish likes your post.

Nanlaki ang mga mata ko't mabilis na binalikan ang wall niya't hinanap ang post niya na binasa ko kanina para siguraduhin kung totoo ba 'yong in-send niyang screenshot. Pero halos manlamig ako nang makita kong naka-like react nga ako sa post niya.

Nakakaloka! Bakit hindi ko napansin? Nakakahiya! Napatampal ako sa aking noo't para akong maiiyak na matatae dahil sa kaba at hiyang nararamdaman ko ngayon.

Muli siyang nag-message, kaya agad ko itong binuksan at binasa.

Giel: Seems like you're having fun stalking me, huh?

Napakagat-labi ako't parang gusto ko nang magpalamon sa lupa, lalo na't sinamahan niya pa ng wink emoji ang in-send niyang message. Pero buti na lang...buti na lang hindi ko pa na-accept ang message niya!

Giel: I'm a hundred percent sure that you're reading my message right now. Miss waitress right? The cute chubby little girl in the bar, the girl who popped a party popper at my face, and the girl who shouted that the venue was on fire while I'm having having a sexy time on the bathroom.

Namutla ako sa mahaba niyang mensahe. Cute chubby little girl?

Giel: So Allanna is your name. C'mon, accept my message and talk to me.

Napalunok ako. A-anong gagawin ko? Gosh! Bahala na nga.

Pikit-mata ko na lang pinindot ang accept button at nagdasal sa lahat ng mga Santo at Santa na sana hanggang dito na lang ang kahihiyan na ito.

Allanna: Sorry!

Napailing ako sa in-send ko. Ano ba 'yan, Allanna! Bakit sorry? Kaloka!

Giel: Oh, hi there!

In-seen ko na lang siya dahil hindi ko na kaya ang kahihiyang 'to. Matutulog na lang ako. Pero nakakaloka lang dahil kahit anong pilit kong matulog ay hindi ko magawa at sa huli ay binuksan ko na lang chat box. Pero ganoon na lang ang pagkadismaya ko nang makitang wala na siyang kasunod na chat maliban sa pagbati.

Ano ba, umaasa ba akong mangungulit siya hanggang sa mag-reply ako?

Napailing na lang ako.

---

Tatlong araw na ang nakalipas noong mangyari ang kahihiyan at mula no'n ay hindi ko na ulit nakita si Giel. Pero alam kong busy siya dahil pa-minsan-minsan ay tinitingnan ko ang wall niya't ang mga updates lang ay litrato ng mga meetings and events na pinupuntahan niya.

Mukhang hindi siya basta-bastang simpleng tao lang na nagta-trabaho. May nabasa kasi ako sa comment na tinatawag siyang boss...is he some kind of manager or supervisor?

"Hoy!"

Napatalon ako sa gulat ng ipilantik ni Gale ang kaniyang daliri sa harapan ko. Medyo nakakaramdam na rin ako ng pagod, kaya nawawala-wala na rin ang huwisyo ko.

Hayst, ilang trabaho ba naman.

"Bakit?"

Nginuso niya ang entrada. "Ayan na 'yong hinihintay mo."

Napakunot ang aking noo't napatingin sa entrada ng bar at ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib ko nang makita si Giel na nakasuot ng blue na long-sleeves, bukas ang tatlong butones nito, black jeans at penny loafers. Napalunok ako nang dumiretso siya dito sa bar counter at saka nginisihan ako.

"Two glass of martini, Ms. Stalker. Thanks."

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at naramdaman ang pag-iinit ng aking pisnge nang sabihin niya 'yon. Agad ko namang siniko ang bartender at binulong sa kaniya ang order ni Giel. Natatarantang paalis na sana ako ng bar counter nang bigla akong hawakan sa palapulsuhan ni Giel.

"How much is your salary?"

Napakamot ako sa aking ulo. "Bakit? Hindi pwedeng sabihin."

"Join me."

"Huh?" naguguluhang tanong ko.

"I mean, drink with me. Don't worry, I'll pay double because I'm going to waste your time. I'll ask Eriko if how much does he pays you."

Napalunok ako. Jusko dai! Tulungan niyo 'ko, please lang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status