Share

Kabanata 3

Sabi ng iba, kapag nakahanap ka raw ng taong magugustuhan mo...magiging inspired ka sa buhay. At tama nga! Dahil wala na akong ibang ginawa ngayon kundi ang ngumiti habang nagta-trabaho. Pakiramdam ko pa ay para akong nasa alapaap tuwing naririnig ko ang malalim at seryoso niyang boses.

And those brown eyes...gosh! Nakakaloka.

"Mukhang happy ka ngayon, ah." Humarap ako kay Heremia at nginitian siya ng malapad.

Naglilinis na kami dahil maaga kaming magsasara ngayon at birthday ni boss. Inimbitahan nga ako, eh. Hindi naman ako makatanggi, mukhang absent muna ako sa Centro mamaya. Ipapaalam ko na lang kila Gale.

Ngumuso ako nang bigla siyang sumingit sa utak ko. Mukhang hindi ko siya makikita ngayon sa bar. It's been three days na kasi mula noong una ko siyang makita at gabi-gabi rin siyang nakatambay doon. Iba't ibang babae rin ang kasama niya, pero ang mga babae niya ay talagang mga sexy, mapuputi at malalaki ang hinaharap.

Grabeh! Ganoon ba ang mga tipo niya?

Nakakainis man, pero parang gusto ko nang mag-workout para naman matapatan ko iyong mga amerikanang inaano niya...inaano...basta iyong kiss!

"Mamaya, dadating si Alexia para tulungan tayo dito at saka para maihanda na rin natin iyong surprise na gaganapin sa Hotel Galiera. Huwag mo na lang pansinin kung sabihan ka na naman ng kung anu-ano." Napabuntong-hininga na lamang ako.

Si Alexia ay isa rin sa mga waitress dito. Kaso nga lang ay mabilis siyang mairita sa akin at kung anu-ano pa ang kaniyang sinasabi. Kaya naisip ni Heremia na paghiwalayin kami ng oras pagdating sa trabaho. Para raw hindi na rin makaabala sa mga customer.

Ngayon lang ulit kami magkakasama dahil kami ang mag-aayos doon sa venue. Sa Hotel Galiera near BGC lang iyon at si Heremia ang gumastos tutal ay Tito niya naman iyong boss namin, hindi ko pala nasabi. Kaya nga kay Heremia pinagkakatiwala ang negosyong ito dahil pamangkin niya si Heremia. At talagang responsable rin ang lalaking ito.

"Heremia, pwedeng paki-text sila Gale na hindi ako makakapasok sa Centro mamaya." Tumango naman siya at agad na inilabas ang kaniyang cellphone.

Mabuti na lang ay magkakakilala na sila. Dahil minsan nang pumunta si Heremia sa Centro kasama ang mga barkada niya. Tapos ayun! Pinakilala ko na rin siya kila Gale at Eriko. Nagpalitan na rin sila ng cellphone number para sa'kin dahil wala naman akong cellphone.

Ginawa nila iyon para raw kapag hindi ako makakapasok sa isa sa mga trabaho ko, halimbawa ngayon, hindi ako makakapasok kaya si Heremia ang susi para maipaalam ko sa kanila.

"Oh! They said na pupunta rin daw pala sila. Since Eriko's family is my Tito's friend."

"Ha?" Napanganga ako. "Seryoso?" Tumango lamang siya at saka nagpatuloy na sa ginagawa.

"Hey!"

Bigla kaming napalingon sa entrada at nakita ang maaliwalas na mukha ni Alexia. She's wearing a denim catsuit na talagang bumagay sa kaniya dahil sa payat at tangkad niya. Bigla tuloy akong na-insekyur at napatingin sa aking sarili.

Grabeh! Kapag nagsuot ako ng ganyan mukha na akong lobo.

"Hindi pa rin kayo tapos magligpit?" Lumapit siya kay Heremia at akmang hahalikan niya ito sa pisnge, pero agad namang umiwas si Heremia.

Well, she really likes Heremia. Naging open naman siya doon, pero ayaw ata sa kaniya ni Heremia o baka pabebe lang ang isang ito. Tsk! Wala na akong pakialam.

"Hey, Lananitaba. Bilisan mo na diyan para makaalis na tayo," utos niya at saka umirap. Nag-flip hair pa siya at saka pumunta sa counter para maghintay. Niligpit na kasi namin ang mga upuan.

Binilisan ko nang magligpit at hindi na siya pinansin pa. Narinig ko namang nag-ring ang cellphone ni Heremia, kaya napatingin ako sa kaniya.

Syempre! Ganoon naman tayo, 'no. Kapag may naririnig, agad nang lilingon.

Pero nagulat ako nang lumapit si Heremia at inabot sa'kin ang cellphone niya. "It's Gale. She wants to talk to you."

Inilapag ko muna ang basahan at saka inabot ang cellphone niyang mamahalin. Sana all may pambili na lang talaga ang masasabi ko.

"Hello?"

"Anong susuotin mo mamaya?"

"Damit?" Damit naman talaga diba? Alangang mag-bra at panty ako doon. Kaloka!

"Duh! I mean, anong klaseng damit?"

Luh! Nagi-english na, seryoso na siya.

"Kahit ano, Gale. Hindi naman required na mag-gown. At saka hindi naman enggrande. Okay na ako sa pantalon kong kupas ang kulay at white tee."

"What? Anong okay lang? We need to meet each other. Magdadamit ka ng maayos."

Napanguso na lamang ako. Ganito talaga itong si Gale. "Kahit ano namang suotin ko, pangit pa rin ako."

"Wala akong paki! Later at my apartment. Pumunta ka kung ayaw mo mawalan ng trabaho sa Centro. Bye!"

Naputol ang linya kasabay ng pag-irap ko. Palibhasa girlfriend siya ni Eriko na anak ng may-ari ng Centro. Hindi man halata, pero mayaman si Eriko. Gusto niya lang talagang magtrabaho sa bar nila for better experience raw kapag tuluyan na itong ipinamahala sa kaniya. At saka may bar pa sila sa ibang lugar, hindi lang dito.

"Salamat," sabi ko kay Heremia at iniabot sa kaniya ang cellphone.

Mukhang hassle mamaya. Hayst!

---

"Ano ba! Umalis ka na nga, nakakasikip ka lang dito, eh!"

Napairap na lamang ako sa reklamo ni Alexia. Nag-aayos kasi kami dito sa event room ng hotel at medyo kaunti lang naman kami, pero grabeh siya sa'kin. Kanina pa talaga siya nagri-reklamo.

Tsk! Aalis na rin naman ako dahil sinabihan na ako ni Heremia na kanina pa siya inti-text ng makulit na si Gale.

Walang ganang tumayo na lamang ako at lumapit kay Heremia. "Punta na ako sa apartment ni Gale."

"Sige."

Agad kong nilisan ang hotel at sumakay ng jeep patungo sa apartment ni Gale. Mabuti na lang at hindi traffic kaya nakarating din ako agad sa mansyon ng aking kaibigan. Charot!

"Buti nandito ka na!" salubong ni Gale. Ni hindi pa nga ako nakakapasok sa gate ng apartment nila ay bigla na lang siyang lumabas.

"Sorry, late."

Umirap lang siya at hinatak na ako papasok. Ngayon ko lang din napansin na maayos ang suot niya. She's wearing a backless dress na abot hanggang sa itaas ng kaniyang tuhod. Kulay puti ito at pinaresan niya ng black na pumps.

Parang sagala naman ang pupuntahan nito. Grabeh! Birthday lang naman, 'di ba? Kami nga, kapag may birthday iyong kapitbahay namin ay nakapambahay lang kami. Basta invited at may damit ay ayos na.

"Kailangan ba talaga nito?" tanong ko nang umpisahan niya na akong ayusan. Napapabahing pa ako sa tuwing may in-spray siya sa mukha ko.

"Of course! Puros elegante ang mga bisita, kaya kailangan nating mag-ayos. Buti na lang talaga naalala kong wala kang pakialam sa itsura mo." Umiling-iling pa siya. "Huwag kang mag-alala, mabilis lang ito."

Wala naman akong magawa kundi ang sumunod. Ilang beses niya pa akong sinasaway sa tuwing lilikot ang aking ulo. Kinulot niya rin ang dulo ng aking buhok, pagkatapos ay iniabot niya sa'kin ang off-shoulder dress na sky blue ang kulay.

"Perfect!"

Napailing na lang ako. At saka tumayo para tingnan ang aking sarili sa whole body mirror.

"Oh goodness gracious!" Usal ko nang makita ko ang aking sarili. Oo mataba ako, pero ang ganda ko pala. Kaloka!

"Pretty 'di ba?" Wala sa sariling tumango ako.

"Tara na," sabi niya at hinila na ako paalis. Naabutan naman namin si Eriko na naghihintay na pala sa labas dala ang kotse niyang kasing kinang ng black shoes.

Sumakay na ako sa backseat tapos si Gale naman ang nakaupo sa shotgun seat. Nagbobolahan pa silang mag-nobyo, kaya medyo naloloka ako. Grabeh! Pasintabi naman sa single diba? Parang nakalimutan nilang nandito ako.

Nang makarating kami sa hotel, agad na kaming dumiretso sa event room. Tapos na ang lahat at nakita ko pang ngumiti sa'kin si Heremia at naglakad na palapit sa'min.

"Ikaw ba talaga 'yan, Allanna?" Hindi makapaniwalang tanong niya at hinagod ng tingin ang kasuotan ko.

"Kaluluwa ko lang ito."

Humalakhak naman siya at saka iniabot sa'min ang party poppers. "Parating na si Tito. He's with my cousin."

Tumango ako at saka pumwesto na kami sa may pinto para sa malaking pasabog. Pasasabugan namin ang tito niya ng kili-kili powers. Charot! Syempre gagamitin namin ang party poppers.

"Okay, guys! Malapit na raw sila Tito." Agad naman kaming naghanda dahil sa anunsyo ni Heremia.

"You know tito, daddy wants me to do a favor. For him to finally give me the throne."

"And you must do it, right? Why does it take you so long to do your father's favor? Is it that hard?"

"Yes! I mean, no."

Nagsenyasan kaming magsitahimik dahil naririnig na namin ang mga boses ng papalapit sa pinto. Grabehan mga teh! Ang lalakas naman po pala ng boses nila.

"But—"

"Happy Birthday!" Sabay-sabay naming sigaw nang biglang bumukas ang pinto.

"Uy teh, iputok mo na 'yan."

Bigla naman akong namula dahil hindi ko talaga maiputok. Gosh! Nahuli ako. Akmang ititigil ko na sana ang pagsubok dahil huli na ako at palapit na sila boss dito na ngayon ay ngiting-ngiti.

"My goodness!"

"Allanna!"

"Oh my!"

"Shit!"

"Fuck!"

Nanlamig ako nang biglang pumutok ang party popper sa mismong mukha nitong kasama ni boss. Sari-saring reaksiyon pa ang narinig ko at my goodness! Napamura si kuyang naputukan ko.

"Hahahahahaha!" hagalpak na tawa ni boss, ang tito ni Heremia. Siya lang ata ang natawa.

Kasi naman...feel ko katapusan na ito ng aking life. Paano na ang icing sa ibabaw ng cupcakes ko?

Tumingin ako sa naputukan ko ng party popper. Ramdam ko ang inis niya dahil sa marahas na pag-pagpag niya ng kaniyang kasuotan. He's wearing a white tee and khaki pants tapos ang pang-paa naman ay penny loafers. Habang tinititigan ko siya nang may kaba, bigla na lamang siyang nag-angat ng tingin at talagang diretso pa sa aking mga mata.

"H-happy birthday?" tangang tanong ko habang paulit-ulit na lumulunok. Tinanggal ko muna ang paningin ko sa kaniya. "H-happy birthday, Boss."

Natatawang napailing si boss, kaya napabaling ako ulit sa lalaking naputukan ko. At ganoon na lang ang pagkagulat nang ma-realized na...si crush pala ito! Akala ko...akala ko hindi ko na siya makikita this day.

Pero bakit ang palpak ko naman?

"Thank you for the surprise, Heremia. I think, let's start the fun?" wika ni Tito. Pero nanatili ang mga paningin ko sa lalaking nagbabaga na ang tingin sa'kin.

"You're dead," bulong niya nang dumaan siya sa aking harapan. Sobra-sobra naman ang paglunok ko.

Bakit ba kasi ang palpak mo, Allanna? Bakit hindi nakisama ang party popper? Nakakahiya! Mukhang balak pa akong patayin.

Nag-umpisa na ang party att kaliwa't kanan ang halakhakan, hinahagilap din ng aking paningin si Mr. Right, pero hindi ko na siya makita.

"Mala-teenager pala ang boss niyo sa shop?" natatawang tanong ni Gale.

"Yeah." Lumingon-lingon ako sa paligid, pero bigla kong naramdaman na gusto kong magbanyo.

Naiihi ako.

"Banyo lang ako," paalam ko kay Gale.

Mabuti na lamang at may banyo dito sa event room. Kaya hindi ko na kailangang magpaka-Dora the explorer sa labas ng kuwartong 'to.

Nang makalayo ako sa mismong ginaganapan ng party, agad kong tinanggal ang suot kong heels. Kaloka! Ang sakit ng paa ko. Kaya naka-paa na pumunta na lamang ako sa banyo.

"Babe, hmm... Please, I love it."

Napakunot-noo ako sa narinig. Tumapat ako sa banyo, kyuryosong tumitig muna sa pinto.

"Hmm...you like it, huh?"

Nanlaki ang aking mga mata.

"Y-yes... faster, please."

"Beg."

Halos mamutla ako sa aking naririnig. B-babae...lalaki...ibigsabihin...oh my goodness! My innocent ears!

"Sunog! Sunog! Lumabas kayo! May sunog!" bigla kong sigaw at malakas na kinalampag ang pinto ng banyo.

Natatarantang tumakbo at nagtago ako sa may fire exit. Pasimpleng sumilip ako't nakitang bumukas ang pinto ng banyo. Nagsisinturon pa 'yong lalaki at bigla siyang napalingon sa pwesto ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakilala ko siya.

Si Mr. Right? What the! Birthday party ni boss, tapos may party rin sila ng unidentified specie na 'to sa banyo? Seriously?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status