LOGINNapako sa kinatatayuan si Carmela ng makarating sa mamahaling restaurant kung saan sila mag kikita ng kanyang ka blind date. Hindi nya na alam kung ilang minuto syang naka tayo sa labas at tinitignan nalang ang mga taong pumapasok sa loob.
"Kaya mo 'to Carmela, para 'to sa inyong dalawa ng anak mo. Ginagawa mo ito para kay Arkin" Bulong nya sa sarili habang iniisip ang anak. Ngunit kabaliktaran ata nito na palakasin ang loob nya dahil mas lalo syang dinalaw ng kaba. Muli syang huminga ng malalim bago humakbang papasok sa restaurant. Sa isip nya ay tatapusin nya na lahat ngayong gabi dahil kung papatagalin lang nya ay mas lalo syang kakabahan. Naka suot sya ng maikling palda at revealing na damit na padala sa kanya ni Pearlyn. May kasama din itong mamahalin na shoulder Bag at mga alahas na tunay na ginto dahil kailangan nyang mag mukhang disente at mag mukhang Pearlyn talaga. Confident syang nag lakad. Ang suot nyang sandal na may mataas na takong ay gumagawa ng tunog sa bawat hakbang nya dahilan ng pag baling ng tingin sa kanya ng Ibang tao. Ang totoo nyan ay gusto nya nang magpakain sa lupa ngayon dahil sa hiya. Dahil nga hindi sinabi ni Pearlyn ang mukha ng matandang lalaki, hindi nya alam kung kung sino ang kanyang kikitain. Sinuyod nya ng tingin ang mga tao na kumakain ngunit wala namang ni isa kanila ang matanda, karamihan sa mga ito ay mga nasa mid 20's na. Titingin na sana sya sa kanyang likudan para hanapin ang number ng kanilang table dahil iyon lang ang binigay ni Pearlyn. Nang bigla syang natapilok at kamuntikan nyang mabangga ang waiter na may hawak na pagkain, muntikan pa ngang matapon sa kanya ang mainit na sabaw kung hindi lang sya nasalo ng Isang lalaki. Ang baywang nya ay naka pulupot sa Isang kamay nang lalaki. Ilang minuto syang naka tingala at pinag mamasdan ang lalaking sumalo sa kanya. Sa isip-isip nya ay nasa langit ba sya at bakit sya nakaka kita ng Anghel. Agad nyang ibinangon ang kanyang sarili nang may mapag tanto dahil baka makita sya ng kanyang ka blind date. "Thank you". Pag papasalamat nya habang inaayos ang sarili, mas lalo ang kanyang palda na medjo tumaas. Tumango lang ang lalaki at nauna nang mag lakad. "Pinag lihi ata sya sa yelo!" Pag mamaktol nya. Hindi man lang sya ngumiti! Inilibot nya ang kanyang paningin sa para ma kumpirmahing wala talagang matandang lalaki. Sabi ni Pearlyn ay number 69 daw ang kanilang table. Tumungo agad sya sa table na naka reserve sa kanila para umupo. Bubuksan nya palang sana ang kanyang cellphone para i-update si Pearlyn ng bigla syang may naramdamang presensya sa kanyang likudan. Pag tingin nya sa kung sino ito ay nahulog ang kanyang panga sa lalaking naka tingin sa kanya. Walang iba kundi ang lalaking sumalo sa kanya kanina! Hindi pa sya nakaka bawi sa gulat nang umupo ang lalaki sa kanyang harapan. May kinuha itong business card sa tuxedo nitong suot at inabot sa kanya. Ngayon ay kinakabahan na si Carmela. Nanginginig ang kanyang kamay na kinuha ito. Bakit hindi matandang lalaki ang kaharap ngayon!? Mas gugustuhin pang kaharap ni Carmela ngayon ang senior citizen kesa ang lalaking ka edad nya na nakaka intimidate kaharap. 'Axcel Mostrales'. Basa nya sa pangalan na nakalagay sa Card. Hindi lang yon! Dahil sya ang 'PRESIDENT OF MONTORO', Isa sa mga sikat na sasakyan ngayon. Napa hawak sya sa kanyang bibig sa gulat. Umuslit naman ang maliit na ngiti sa labi ni Axcel habang tinitignan ang expression ng Babae. Bakit tila ba hindi alam ng Babaeng kaharap nya ngayon na Isa syang Bilyonaryong tao at president ng sikat na kompamya? Nararamdaman na ni Axcel na iba sa ibang Babaeng naka blind date nya ang kaharap nya ngayon dahil halos lahat ay kakilala sya pero itong Babae ay walang ka alam-alam sa mundo. Napawi ang ngiti ng lalaki ng tumingin sa kanya ang Babae. Sumeryoso muli ang kanyang mukha. "Ikaw talaga si Axcel Mostrales?" Inosenteng tanong ni Carmela na may halong pag dududa. Tumaas ang kilay ni Axcel at proud na nag salita. Ngayon lang sya mag yayabang sa ka date dahil parang hindi sya kilala ng Babae, "Why? I get it. Alam kong hindi talaga kapani paniwala kung ang Isang gwapong lalaking mas over qualified pa sa pagiging artista ay kaharap mo ngayon-" Pinutol ni Carmela ang kanyang susunod na sasabihin. "Sigurado kang ikaw to? O baka naman si Mr. Mostrales na uugod ugod ay hindi maka lakad dahil inaatake na sya nang arthritis nya ngayon kaya kumuha sya nang mag papanggap bilang sya?" Halos mag salubong ang kilay ni Axcel sa naririnig ngayon. Matandang uugod ugod? "What do you mean?" Litong tanong ni Axcel. Napa ngiti si Carmela at napawi na ang kanyang kaba na nararamdaman nya kanina. Sa ngiti nyang 'yon ay lumundag ang puso ni Axcel. Sinenyasan sya ni Carmela na lumapit sa kanya na sinunod naman ni Axcel. Ngayon ay unting pulgada ang layo ng tenga nya sa bibig ng Babae. "Ang sabi kasi sakin si Sir Axcel daw e Senior Citizen na. Hindi ko naman alam ang mukha ng matandang yon, syaka lahat daw ng lalaki sa pamilyang yon ay matatanda na. Jusko bakit nya pa gusto nang mapapangasawa kung pwede namang magpahinga nalang sya para mas lumalakas pa sya. Kaya ikaw kung ako sa'yo sabihin mo sa kanya na h'wag na syang humanap ng mag papanggap na Bata bilang sya, dahil ayoko sa matandang nanirahan sa panahon nang mga Dinosaurs" Mahabang sabi ni Carmela dahilan ng malawak na pag ngiti ni Axcel na hindi nya namamalayang kumukubli na pala sa kanyang labi. Umayos ng pagkaka upo si Axcel at kinuha nya ang kanyang cellphone. Tama nga ang kanyang iniisip, walang idea ang Babae kung sino sya. Hinarap nya ang cellphone kay Carmela at ipinakita ang family picture nila kung saan marami sa kanilang angkan ang mga matatandang lalaki. Si Axcel ang nasa gitna ng family picture. Uminom si Carmela ng tubig. May ipinakita naman ang lalaki na picture ng kanyang Lolo. "I think nag kakamali ka. Siguro ang tinatawag mong matandang lalaki ay ang Lolo ko dahil sya ang nag papa punta sa akin sa mga blind dates. Not everyone knows me dahil ayokong magkaroon ng public figures like the rest of my family. And in fact, may mga pinsan pa ako sa Ibang bansa na ka edad ko. Hindi sila pinanganak kahit sa panahon pa yan na kinagat ni Eve ang Apple." Hindi sinadyang maibuga ni Carmela ang tubig sa kanyang bunganga sa mukha ni Axcel. Napapikit ang lalaki, agad syang natatarantang kinuha ang tissue at sya mismo ang nag punas non sa kay Axcel. "Sorry" Nag aalala nyang pag hingi ng tawad habang pinupunasan ang mukha ni Axcel. Hinahawak ni Axcel ang kanyang kamay dahilan ng pag tigil nya. Muli syang napa upo sa kanyang inuupuan. "Don't worry, there's a lot of people who compliment me because of my dead gorgeous look. Sa aming mag ka kaibigan, ako lang ang pinaka gwapo, kaya that will not affect me at all." Pag mamayabang nya habang iniisip ang mga mukhang unggoy nyang kaibigan. Hindi pa nakakapag salita si Carmela na parang pipe sa gulat. Sya talaga si Axcel? Halos gusto nya nang ilibing ang kanyang sarili sa kahihiyan. Kung ano-ano pamandin ang pinag sasabi nya sa lalaki kanina. As the same time ay mas maganda na rin yon, para ma offend ang lalaki sa kanya dahil sa mga sinabi nyang walang kabuluhan kanina. "This is my ultimate goal for him to dislike me" Sabi nya sa sarili. At para hindi talaga sya magustuhan ng lalaki ay kailangan nyang gumawa pa ng Ibang paraan. "Hindi pa ba nila sinabi sayo na nag mumukha kang talbos ng labanos?" Ngumiti sya nang nakaka asar. Kumunot ang nuo ni Axcel dahil hindi nya alam ang sinasabi ng Babae. Ano ang talbos ng labanos? "I'm sorry, but what is talbos ng labanos?" Curious na tanong ni Axcel. "You don't know what labanos is? Galing ka sa marangya at matalinong pamilya pero hindi mo alam ano yan? Siguro ikaw lang ang may tililing sa utak at b0b0 sa pamilya nyo" Walang preno ang bibig na pagkakasabi nya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napapa ngiti sya ng Babae kahit kinukutya sya nito. He likes how she entertain him. Never pa syang ngumiti ng ganito sa ibang Babae dahil pihikan lang syang mapa ngiti, ngunit ang si Carmela madali syang napapa ngiti nito. Kinuha ng lalaki ang tasa at pa simpleng uminom ng kaunti para itago ang lihim na ngiti. "So I believe your name is Pearlyn, right?" Tanong nya na tinanguan ni Carmela. Nag simula nang mag isip ng iba pang plano si Carmela para hindi sya magustuhan ng lalaki. Umakto syang naiinitan at hindi komportable sa kanyang inuupuan. "Can you feel the heat?" Nang aakit nyang tanong. "We can get a VIP room-" Pinutol nya ang sasabihin ni Axcel. Kinagat nya ang kanyang pang ibabang labi at kinindatan ang lalaki, "How about a VIP hotel room, just the two of us..." Malandi nyang hinaplos ang kamay ni Axcel, "spending the night together under the moonlight." Mahina nyang bulong. Hindi alam ni Carmela kung saan nya nakukuha ang kanyang mga sinasabi ngayon. Basta ang alam nya lang ay ayaw ng mga lalaki sa mga Babaeng madaming nakalampungan. "Do you really want it?" Nantatansyang tanong ni Axcel. Kita nya ang pamumula ng Tenga ni Carmela, senyasles na mahiyain ang Babae at ang panginginig ng paa nito na nahagip ng mata ni Axcel kanina habang malanding bumubulong. "Yeah, if you want. Karamihan sa mga naka blind date ko we always end up in bed together. We can do it too if you want". Napalunok si Carmela, sana lang ay hindi pumayag ang lalaki sa mga sinasabi nya. Napa ngiti nanaman si Axcel. Bago pa makasagot ang lalaki ay agad syang nag salita habang binuksan ang kanyang shoulder bag na nag lalaman ng madaming condom na sinadya nyang bilhin kanina. Nanlalaki naman ang mga mata ni Axcel nang ilapag ito lahat ni Carmela sa ibabaw ng lamesa. Kita rin ang pagka gulantang ng Ibang tao sa restaurant sa ginawa ni Carmela. "Mamili ka anong flavor ang gusto mo dito, lahat yan nasubukan ko na ng ilang beses-" "We can decide what flavor should we use later. Pwede bang itago mo yan?" Nahihiyang sabi ni Axcel. Ano bang meron sa Babaeng ito at bakit hindi sya nahihiya sa dami ng tao? Kailangan mapigilan ni Carmela ang sinabi nya kanina na gawin nila ang bagay na ginagawa ng mag asawa dahil palabas lang dapat 'yon. Tinabig nya ang tasa na may lamang kape dahilan ng pagka basa ng kanyang Bag. Napatayo sya at hinawakan ang mamahaling Bag sabay halik dito. "Oh No! My Baby!" Ma drama nyang sigaw. "I'm sorry. Mommy didn't intend to do it. Don't cry, it's ok." Muli nanaman nyang hinalikan ang kanyang Bag na kunwaring sangol kung kanyang ituring. Tumingin sya kay Axcel na nahuli nyang naka ngiti kanina. "You should get me a new Bag". Isa rin sa mga ayaw ng lalaki ay ang mga mamahaling Bag dahil nag mumukhang uubusin mo ang pera nila sa mga mamamahaling luho. "Sure. May alam akong bilihan na malapit lang dito." Lumabas sila ng restaurant at habang nag lalakad sila papunta sa isang boutique na may mamahaling designer Bags ay naamoy nya ang pamilyar na pabango nang lalaki. May kaamoy ang kanyang pabango, hindi nya matukoy kung saan nya ito naamoy. Pareho din sila ng mata ni Cody at kung paano sila tumingin na hinahalukay pati ang nananahimik mong kaluluwa. "You can choose whatever you want." "Good morning Presi-" Hindi natuloy ng mga staff ang pag bati kay Axcel nang sinenyasan nya ang mga ito na h'wag syang batihin. Ayaw nyang malaman ni Carmela na sya ang may ari ng boutique. Nag simula na syang mag hanap ng Bag na gusto nya. Nasa likod nya naman si Axcel na naka buntot sa kanya. May kinuhang Isang Bag si Carmela. Kulay puti at magandang tignan, kumikintab ito sa tuwing natatapatan ng ilaw. Natataranta syang ibalik ito ng makita ang price. 6 million, para lang sa Isang Bag!? Natawa si Axcel nang makita ang reaksyon ni Carmela. "You can get it if you want" Natatawa nyang sabi. "No. May ganyan na pala ako sa bahay". Pag sisinungaling nya. Kahit ang totoo naman talaga ay ni isang mamahaling Bag sya ay wala. Karamihan pa sa mga Bag nya ay binibili lang sa tyange o kaya ay Ukay. Tumingin naman sya ng iba pang Bag pero halos mamatay sya sa presyo ng mga ito, pinaka mababang presyo ay 999k at yon ay ang Isang maliit lang na Bag. "Bakit wala kapag napipili?" Curious na tanong ni Axcel kahit alam nya na ang totoo na dahil ito sa presyo. "All of the Bags na meron here eh, meron na ako. Sino ba ang may ari ng Boutique na 'to at parang fake lahat ng paninda dito" Halos masamid sa sariling laway si Axcel. Fake? Paanong naging fake ang mga paninda nya e limited editions lahat ng nandito. Lumabas sila ng Boutique na wala ni isang nabili. Kinuha ni Carmela ang kanyang cellphone at kunwaring may binabasa. "I have to go, it's nice meeting you. Kailangan ko pang makipag kita sa ex ko. You know cuddle time with ex" Ani nya sabay kindat. "Bago pala ako umalis, wala akong pamasahe. Ibinili ko na kasi sa isang katutak ng condom. Bigyan mo naman ako oh". Walang hiyang pang hihingi nya. "I don't have bills. Cards lang ang meron sa akin" Ani ni Axcel. "Sige na nga, hayaan mo na. Gamitin mo nalang pera mo pampa gwapo para hindi ka mag mukhang talbos ng labanos sa susunod na blind date mo". Nang aasar na sabi nya bago talikuran ang lalaki. Habang nag lalakad si Carmela palayo ay naka hinga na rin sya ng maluwag dahil sa wakas ay tapos na rin ang blind date at sigurado syang hindi sya magustuhan ng lalaki. Nang mawala na sa paningin ni Axcel si Carmela ay napa hawak nalang sya sa sintido nya at napahalakhak ng malakas. Gusto nya si Carmela, nagustuhan nya na si Carmela. Kinuha nya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang Lolo na ipinanganak sa taon ng mga Dinosaur na sinabi ni Carmela. "I'll make your wish come true. I'm gonna marry her tomorrow night, Gramps. I like her". Naka ngiti nyang wika. Halos suntukin na rin nya ang kanyang sarili dahil kanina nya pa hindi mapigilang mapa ngiti.Isang lingo na ang nakaka lipas ng huli nyang nakita si Axcel. Wala syang balita sa lalaki at kahit sino man sa mga Promises. Sa kanyang isipan ay tiyak na walang mukhang maihaharap ang mga 'yon sa kanya dahil sa pag tataksil nila. Anong nangyari sa kanilang mga pangako noon sa kanya? Ganoon nalang ba 'yon? Bigla biglang mapapako? Tama nga ang sinabi noon ni Axcel, kaya Promises ang pangalan ng grupo nila dahil ni isa sa kanilang mga Promise, walang natutupad. Sa ilang araw na nag daan, handa na ba sya ulit na harapin ang lalaki? Kinuha nya ang kanyang sling bag na gagamitin sa pag pasok sa trabaho. Naka suot sya ng all black na para bang namatayan sya. "Kaya mo na ba Carmela?" Tanong nya sa harap ng salamin habang binabagay ang kanyang puting bag. Sinuot nya ang kanyang shades kahit na nasa loob pa naman sya ng kanilang apartment building na bago. Kumuyom ang kanyang kamao ng maalala nanaman kung paano sya gagōhin ng bwîsit na Axcel na 'yon, "Pwes kung hindi mo kaya, kayanin mo!"
Umupo si Jaren sa kama sa kanyang narinig. He sighed out of relief. Hinaplos nya ang nuo ni Carmela, inayos ang ibang hibla ng buhok na kumakapit sa kanyang pawis. Inayos rin nito ang kumot ng Babae upang hindi sya lamigin. Malambot syang ngumiti, "You can always come back home... to me."Tumulo ang nag babadyang luha ni Carmela na kaagad namang pinunasan ni Jaren gamit ang kanyang thumb. Marahan 'yon, puno ng pag iingat na para bang isang klase ng papel ang balat ni Carmela na sa isang maling punas lang dahil sa pagkabasa ay kaagad na mapupunit. Nanlalabo ang kanyang mga mata dahil sa mga namumuong luha na pinipilit nyang hindi tumulo. Sa kanyang isip, nababaliw na ba sya? Sapagkat hindi si Jaren ang kanyang nakikita ngayon, kundi si Axcel na marahan syang hinahaplos. Mas lalo pang idinikit ni Carmela ang kanyang mukha sa palad ni Jaren. Feeling every moment on his hand, as if Axcel was the one caring her. Lalo pang tumataas ang kanyang lagnat kung kaya naman nag ha hallucinate n
Hindi alintana ni Carmela ang pag bigat ng patak ng ulan na tumatama sa kanyang katawan dahil sa pagka lunod nya sa kanyang mga iniisip. Buti nalang ay tumigil na sya sa pag iyak. Walang wala sya ngayon. Ni hindi nya rin alam kung saan sya dinadala ng kanyang paa. Kanina pa sya palakad lakad pero kahit ganoon ay hindi nya maramdaman ang kanyang pagod. Wala syang cellphone, pera, o kung ano pa man. Gusto nya lang mapag isa at solohin ang kanyang mga naiisip. Umihip ang malamig na hangin na yumayakap sa kanya. Nararamdaman nya ang pagka manhid dahil hindi man lang nagsi tayuan ang kanyang mga balahibo. "Pago-d na ako..." Bulong nya, hindi sa pag lalakad, kundi sa kanyang mga nararamdaman. Mistulang bumagal pa ang oras ngayong gabi at isa na rin siguro ito sa pinaka mahabang gabi na kanyang naranasan. Nanginginig na ang kanyang kalamnaman kasabay ng pag ngatog ng kanyang mga tuhod. Pagiba na ang kanyang katawan dahilan ng pagka hulog nya sa maputik na kalsada. Gusto nyang sumigaw...
"Mahal mo pa ba ako? May espasyo pa ba ako sa puso mo?..." Hindi naka imik si Carmela. Nakatingin lang sya kay Axcel. Bumagsak ang kanyang tingin sa mariin na nakatiklop na kamao ng lalaki. Alam nyang sinusubukan nanamang maging matatag ni Axcel. Masasagot nya ba ang tanong na 'yon? Oo, may espasyo, napakalaki, pero ung espasyo na yon. Nasaan na ngayon? Napuno na ng hinagpis na galit at kalungkutan. Oo Axcel. Mahal na mahal kita. Sa kabila ng lahat na ipinaranas mo sa akin, nagawa muli kitang mahaling muli! Higit pa sa kung ano ang naramdaman ko dati! "Carmela..." Paos na tawag sa kanya, "Sagutin mo naman ako ohhh... Meron pa ba? Ako pa ba?" Napakagat sya sa kanyang pang ibabang labi upang hindi na muling mapa hikbi. Sinusuri ni Axcel ang kanyang ekspresyon, nag babakasakaling makaka kuha sya duon ng sagot sa kanyang tanong. Ngunit ni isang bahid ng pag mamahal na kanyang nakikita sa mga nag daang buwan—bigla nalang nawala. Ang tila ba kagubatan noon na minsang nakalbo at naging
Mas lalong nangilid ang mga luha ni Axcel. Nanginginig syang nilapitan si Carmela. Ang isang hakbang ay katumbas ng pag atras ni Carmela. Napansin 'yon ni Axcel. Ito na ang kanyang kinakatakutan, dumating na. Ang masaklap ay sa araw pa na ngayon. Nawala na rin sa isipan ni Carmela na kaarawan ngayon ni Axcel. Wala syang ibang maisip kundi kung paano sya nito pag taksilan. Hindi lang sya ang pinag taksilan ng lalaki, pati ang kanilang anak at higit sa lahat ay si Gramps. "Mahal..." May pag mamaka awa sa tono nito. "Ano pa ang kailangan kong malaman?" Pilit nyang tinatatagan ang kanyang boses, "Bukod sa ikaw ang nag pagaan ng kaso at... nakaka alala kana, naaalala mo na ang lahat. Ano pa?" "Carmela.... please..." Hindi nag tangka pang lumapit si Axcel dahil malinaw naman ng lalayo at lalayo lang si Carmela sa kanya. Palabas kasi ng Mansion ang pag atras ni Carmela, baka kapag pumunta sila sa labas at mabasa si Carmela ng ulan ay maging dahilan pa ito upang maka kuha sya ng sakit. "
"K-kuya, baka naman po may ibibilis pa po kayo..." Utas ni Carmela sa driver. Hindi na sya makapag hintay na maka uwi upang sabihin ang masamang balita kay Axcel. Mabilis na ang pag papatakbo ng driver at halos paliparin na nito ang Taxi makapunta lang sila sa Mansion as soon as possible. Anong oras na. Ini-inform din sya ng birthday planner na malapit na ang oras. Tumingin sa salamin ang driver para tignan sya, "Ma'am, naka full speed na po tayo." Naantig ang driver dahil sa pag patak ng mga luha ni Carmela. Gusto nyang kausapin ang Babae kung bakit ba sila nag mamadali dahil kanina pa ito hindi makapakali at panay ang tawag sa kanyang cellphone. "Baka po kapag sinagad natin ng todo ay disgrasya ang abutin natin..." Pag aalala nito, "Alam ko pong kagaya ko, ay may nag hihintay din sa inyong maka uwi kayo..."Napabaling si Carmela sa kanyang cellphone ng tumunog ito. Buong akala nya ay si Axcel na ang tumatawag sa kanya, pero bumagsak ang kanyang mga balikat ng makitang si Tristan







