"What? Why so sudden?" Gulat na tanong ni Tristan kay Axcel ng sabihin nitong gusto nyang pakasalan ang naka blind date nyang Babae kagabi.
"Because she's the only woman who can make me smile and laugh sa unang pag kikita palang". Mga salitang gusto nyang isagot na itinago nya nalang sa kanyang sarili. "She's so honest and one thing that I like about her is her confidence and how she speak her mind. Nagiging totoo sya sa sarili nya". Tipid nyang sagot. "Paano naman ang pinapahanap mong Babae?" "You can still continue finding her. I'll keep my promise that I'll invest at your company if you found her". Gusto lang malaman ni Axcel kung sino ang Babaeng naka one night stand nya noon at kung nasa maayos ba itong kalagayan ngayon . Nang sabihin nga ni Axcel ang magandang Balita kagabi sa kanyang Lolo ay agad nitong pina ayos ang venue ng kasal at simbahan. Muli nanaman syang napa ngiwi ng maalala nya ang sinabi ng Babae kagabi tungkol sa kanyang Lolo. "Siguro nga ay may Babae nang naka hanap ng kiliti mo" Nang aasar na ani ni Tristan habang pinag mamasdan si Axcel na hanggang tenga ang ngiti. "Did you know the word, talbos ng labanos?" Tanong nya nang maalala ang sinabi ni Carmela kagabi sa kanya. Alam nyang isa itong pagkain, pero hindi nya maisip kung bakit sya sinabihan ni Carmela na mukha syang talbos ng labanos. Siguro ay gaya ng pagkaing yon ay nasasarapan ang Babae na makita sya? Napa ismid sya. Wala na talagang tatalo sa kanyang ka gwapuhan. "Saan mo naman yan narinig?" Nag tatakang tanong ni Tristan. "Sinabi nang soon to be wife ko na mukha akong talbos ng labanos. I don't know what type of food is that but I know sa isang tingin palang sakin natatakam na sya" Bumulaslas ng malakas na tawa si Tristan. Sa sobrang pagiging mahangin ni Axcel, hindi nya na namalayang kinu kutya na sya ng kanyang ka blind date. Nakaramdam ng pagka irita si Axcel dahil kay Tristan. "What ever it is, the important thing is that she will be my wife tonight." Naninigurado at patapos nyang pag sasalita. *** Nabalikwas sa pagkakahiga si Carmela sa kanyang kama ng tumunog ang kanyang cellphone. Napa upo sya nang makitang si Pearlyn ang tumatawag. "Lintik ka talaga ang sabi ko sa'yo ay gawin mo ang lahat para hindi ako pakasalan ng lalaki!" Bungad na sigaw ni Pearlyn sa kabilang linya nang sagutin nya ang tawag. Nawala ang nararamdaman na antok ni Carmela sa narinig. Ibig bang sabihin nito ay gusto syang pakasalan ng lalaki? Teka lang... kung papakasalan sya ng lalaki malalaman nito na hindi sya si Pearlyn. "Ginawa ko naman ang lahat Ate. Umakto akong gold digger, nilait ko rin ang itsura nya, kung ano anong salita din ang mga binitawan ko sa kanyang pamilya at nagpanggap din ako na madami nang dumaan sa akin na lalaki. Syaka isa pa pala tungkol sa lalaki hindi naman sya matanda -" Naputol ang kanyang sasabihin. "Wala akong pake! Hindi ako papatol sa mga taong pwede ko ng maging Lolo sa pangit at kunat. Kasalanan mo ang lahat ng 'to, Carmela! You should take full responsibility to it!" Nangangalitngit na wika ni Pearlyn. "Teka lang naman Pearlyn-" "Marry him. Pakasalan mo sya and I'll make sure that I will take a full responsibility to your son's therapy expenses." "Pero paano kapag nalaman nyang hindi ako ikaw?". Takot nitong tanong. Sino ba naman ang hindi matatakot kung ganoon kayaman ang lalaking pag sisinungalingan nya. Sa yaman ni Axcel, ni kaluluwa nya ay kaya na nitong bilihin. "Ako na ang bahala sa mga yan, for the mean time you need to cover me up. Babalik din lang ako jan sa Pilipinas once I'm ready to face the reality. I'm sure naman na mabilis ka nyang matatanggal kapag nalaman nyang palabas lang ang lahat. Syaka once na nakapag invest na ang Mostrales sa kompanya ni Dad , wala naman na silang magagawa kundi tanggapin ako at palayasin ka para makapag sama na kayo ng anak mo. At mag sama ang dalawang makapanyarihang pamilya. Let's say Isang taon ka lang jaan na mag titiis?" Bakit parang andali lang para kay Pearlyn na sabihin ang mga ganitong salita? Totoo ngang makapanyarihan din ang pera para pagalawin ang Isang tao. Gaya nalang ng ginagawa nya ngayon. Nag papaka alipin sa salapi. "Paano si Arkin?" Napa tingin sya sa anak na mahimbing na natutulog. Hinaplos nya ang malambot na mukha ng anak. "Hindi ko naman responsibilidad ang anak mo Carmela, pero dahil mawawalay ka sa anak mo habang nag papanggap bilang ako. Sige na nga, ako na ang bahalang mag tatago sa kanya. I'm thinking of hiding your son in the hospital habang wala ka. Mas matututukan din ang anak mo sa hospital dahil mga high end doctor ang mag aalaga sa anak mo. You don't have to worry, I'll make a way out of it." Pag bibigay assurance ni Pearlyn sa kanya bago nito patayin ang tawag. Mawawalay sya sa anak ng ilang buwan, pero para rin ito sa ikabubuti ni Cody. "Good morning Mommy" Malambing na bati sa kanya ni Cody nang magising ang Bata. "Why are you crying?" Inosente nitong tanong sa kanya. Hindi nya namalayan na umiiyak na pala sya habang pinapakatitigan ang Bata. "Anak, do you want to stay to the hospital?" Ngumiti ang anak sa narinig. "I can stay to the hospital na Mommy?" Excited nitong tanong na tinanguan nya. Simula dati palang ay isa na sa pangarap ni Cody na manirahan sa hospital hanggang sa gumaling sya. Ngayon ay hindi na sila mag aalinlangan na hindi makakapag chemo therapy si Cody dahil kapos sa pera. "The Doctors will look after you. They are a great Doctors anak... Gagaling kan-a". Nabasag ang boses nya sa huli nyang sinabi. Nahulog na sa kanyang mata ang pinipigilan na luha. "But we need to separate our ways Anak... Mommy needs to work while you're staying their". Umiiyak nyang sabi habang iniisip na aabutin ng ilang Linggo bago nya makita ang anak. Iniisip nya palang ang magiging sitwasyon nilang mag Ina ay sinasakal na sya. Nalungkot ang mata ni Cody habang pinapanood ang Ina. Niyakap nya si Carmela, "It's ok Mommy... You need to work para may pang bayad tayo sa mga gastusin at para gumaling ako... I promise Mommy while you're away, gagaling po ako..." Bata palang ang kanyang anak pero napaka maunawain nito. Talikuran man si Carmela ng mundo, may ipinag kaloob naman sa kanya na Isang munting anghel na naiintindihan sya. Hinalikan ni Carmela ang ulo ng anak. "Lalaban tayong dalawa anak, gagawa ako ng paraan para gumaling ka at mabigyan ka ng maayos na Buhay... Gagawin ni Mommy lahat para sa'yo. Mahal na mahal kita Cody..." Humihikbing wika ni Carmela. Matapos nyang kausapin pa ang anak at ipa intindi kay Cody ang lahat ay nag impake na sya ng mga gamit ng anak. Inihatid nya na rin si Cody sa hospital. Hindi nga nag bibiro si Pearlyn dahil Isang private hospital na may magagaling na mga professionals ang mga meron duon. Mas lalong nakaramdam ng haplos sa kanyang puso nang makita ang anak na tuwang tuwa dahil alam nyang gagaling na sya at makakapag sabayan na sa normal na mga Bata. Marami rin ang mga kagaya ni Cody na cancer patients na ka edad nya kaya hindi mararamdaman ng anak ang pag iisa. Matapos makapag paalam sa anak ay mula sa hospital sumakay sya ng taxi upang bumalik sa kanilang apartment. Sa gitna ng byahe ay biglang may tumawag. Hindi nya na tinignan kung sino iyon dahil alam nyang si Pearlyn lang naman ang nakaka alam ng number nya. "Pearlyn, hindi ko ata kakayanin na magpakasal sa taong hindi ko naman mahal." Hindi ko kayang makita ang sarili kong naka tali sa lalaking wala naman akong nararamdaman. Susunod ako sa usapan namin na mag papanggap ako ngunit hindi ibig sabihin non ay kaya kong gampanan ang pag papanggap. Halos mabingi si Carmela at mabitawan ang cellphone ng marinig ang tawa ni Axcel. Ilanh segundo bago sya bumalik sa reyalidad at tinignan ang screen ng kanyang cellphone kung si Axcel nga ba 'yon. Sh!t! Ibang number ang tumawag sa kanya! Papaano nya nakuha ang cellphone number ni Carmela? "Chill baby, hindi pa tayo nag papakasal ay kinakausap mo na agad ang sarili mo...." Biglang natahimik ang kabilang linya. Habang hinihintay nya ang susunod na sasabihin ni Axcel ay hindi magkamayaw ang tibok ng kanyang puso. "Imposibleng wala kang naramdaman sa akin noong una tayong nag kita. Don't worry I'll make you fall for me over and over again. Until you become crazy about me". Mapag larong sabi ni Axcel.Mas lalong nangilid ang mga luha ni Axcel. Nanginginig syang nilapitan si Carmela. Ang isang hakbang ay katumbas ng pag atras ni Carmela. Napansin 'yon ni Axcel. Ito na ang kanyang kinakatakutan, dumating na. Ang masaklap ay sa araw pa na ngayon. Nawala na rin sa isipan ni Carmela na kaarawan ngayon ni Axcel. Wala syang ibang maisip kundi kung paano sya nito pag taksilan. Hindi lang sya ang pinag taksilan ng lalaki, pati ang kanilang anak at higit sa lahat ay si Gramps. "Mahal..." May pag mamaka awa sa tono nito. "Ano pa ang kailangan kong malaman?" Pilit nyang tinatatagan ang kanyang boses, "Bukod sa ikaw ang nag pagaan ng kaso at... nakaka alala kana, naaalala mo na ang lahat. Ano pa?" "Carmela.... please..." Hindi nag tangka pang lumapit si Axcel dahil malinaw naman ng lalayo at lalayo lang si Carmela sa kanya. Palabas kasi ng Mansion ang pag atras ni Carmela, baka kapag pumunta sila sa labas at mabasa si Carmela ng ulan ay maging dahilan pa ito upang maka kuha sya ng sakit. "
"K-kuya, baka naman po may ibibilis pa po kayo..." Utas ni Carmela sa driver. Hindi na sya makapag hintay na maka uwi upang sabihin ang masamang balita kay Axcel. Mabilis na ang pag papatakbo ng driver at halos paliparin na nito ang Taxi makapunta lang sila sa Mansion as soon as possible. Anong oras na. Ini-inform din sya ng birthday planner na malapit na ang oras. Tumingin sa salamin ang driver para tignan sya, "Ma'am, naka full speed na po tayo." Naantig ang driver dahil sa pag patak ng mga luha ni Carmela. Gusto nyang kausapin ang Babae kung bakit ba sila nag mamadali dahil kanina pa ito hindi makapakali at panay ang tawag sa kanyang cellphone. "Baka po kapag sinagad natin ng todo ay disgrasya ang abutin natin..." Pag aalala nito, "Alam ko pong kagaya ko, ay may nag hihintay din sa inyong maka uwi kayo..."Napabaling si Carmela sa kanyang cellphone ng tumunog ito. Buong akala nya ay si Axcel na ang tumatawag sa kanya, pero bumagsak ang kanyang mga balikat ng makitang si Tristan
"FVCK!" Malutong na mura ni Harvey ng makita ang orasan na nakasabit sa wall. "It's already 6:40 you guys, maya-maya ay nandito na ang kumag nyong kaibigan!"Hindi pa kasi sila tapos sa pag de-decorate ng opisina ni Axcel. Bukod sa wala silang alam sa mga ganito ay mukhang jologs pa ang kanilang magawa. Hindi naman ito ang first time na ginawa nila ito dahil nagawa na nila ito noong kasama nila si Carmela. They can still remember how they turn his office all pink, at ngayon ay gagawin nanaman nila. Gusto sana nilang gawing memorable ang kaaarawan ni Axcel, not fancy, but something meaningful. And the main reason? "Ayosin nyo naman! Damn it! Ngayon na nga lang makaka alala ang kaibigan natin mukhang gugustuhin nya pang mawala ulit ang kanyang memorya kapag nakita nya ito!" Si Neil na wala namang ginagawa. Prente lang itong naka upo sa coach habang pinapanood ang kanyang mga kaibigan na halos mag acrobatic na makabit lang ang mga desinyo. And the reason they also want to celebrate ay
"Hindi mo naman na ako kailangang ihatid dahil wala namang mangyayaring masama sa akin" Ani ni Carmela ng mapansin nyang sinusundan sya ng lalaki sa hallway ng Mansion papunta sa kanyang kwarto. Walang imik si Axcel na tahimik lang na sinusundan sya. Nakakalunod ata ang iniisip ngayon ni Axcel at tila ba wala na ito sa sariling katinuan. Napahinto sya sa pag lalakad nang makarating na sila sa tapat ng kanyang kwarto. Hinarap nya si Axcel at tipid na ngumiti. "Hindi mo naman siguro ako ihahatid hanggang sa loob ng kwarto ko, noh?" sinusubukan nyang lagyan ng pang aasar sa kanyang tono para kahit papaano ay mawala ang mabigat na tensyon. "Salamat sa araw ngayon. Nag enjoy ako at hindi ko makakalimutan ang araw na ito. I'm sure just like me you're also tired. Mag pahinga na tayong dalawa para may lakas tayo para bukas."Humakbang palapit sa kanya si Axcel, this time ay hindi sya gumalaw. Nanatili lang syang nakatayo na para bang napako sya sa kanyang kinatatayuan.Pakiramdam nya ay ma
Almost: she almost know the truth. "I should be very careful next time..." Pagkaka usap nya sa kanyang sarili. Nararamdaman nya ang init ng kanyang katawan dahil sa tensyon na namuo kaganina. He loosen up his necktie at pinunasan ang kanyang mga pawis. Patuloy pa rin sa pag tibok ng mabilis ang kanyang puso. Binuksan nya ang isang bottled of water syaka ito ininom. Matapos nyang maubos ay piniga nya ito ng mariin dahilan ng pagkaka tupi ng plastic. "Did I sound obvious? Fvck..." Malutong nyang mura at napa hilamos sa kanyang namumulang mukha. Was it about his parents? kaya nagawang mag tanong ni Carmela ng mga ganoon? dahil pinag dududahan na sya nito? Kung ganoon ano ang pwede nyang gawin para hindi malaman ni Carmela ang totoo? It's easy to defuse a bomb but what if the bomb is your own parent? Napahilot sya sa kanyang sintido, puputok na ata ang ugat sa kanyang utak sa dami ng kanyang iniisip. Should he team up with his parents? pero once na ginawa nya 'yon ay pare-pareho na
Bingi...Ganyan kung ilalarawan ni Carmela ang kanyang nararamdaman ngayon. Nakaka bingi ang katahimikan ng paligid ngunit ang matinis na boses ni Aegin ay patuloy syang sinisigawan. "Sulitin mo na ngayon Carmela! Tignan lang natin kung hanggang saan aabot ang pagiging tanyag mo na 'yan!" Iyan ang huling sinabi nito sa kanya. Hanggang saan nga ba aabot ang pagiging tanyag nya? Pagiging tanyag ba ang hindi paniwalaan ang kanilang mga sinasabi? Ipinilig nya ang kanyang ulo. Kung patuloy nya lang yon na iisipin tiyak na mas lalo lang itong iingay, parang lata na walang laman. Napasabunot sya sa kanyang buhok at pagod na humugot ng malalim na buntong hininga. Umagang umaga pa lang ay stress na stress na sya sa lahat ng ito. "Bakit ang hirap?" Reklamo nya, "Ang sakit sa ulo kung iisipin pero kapag hindi naman iniisip ay pilit itong dumadapo sa isip ko. Normal pa ba 'to?" Paano kung totoo nga ang sinasabi nina Aegin sa kanya? "What if this time they're telling the truth?" Pang ku-que