Carmela's Point of View.
Makalipas ang ilang taon ay napag desisyonan na naming umuwi dito sa Pilipinas ni Cody. Kasalukuyan na kaming nasa Apartment na uupahan naming mag Ina. Hindi ito kalakihan, sakto lang ito para sa aming dalawa at dahil na rin siguro kaunti lang ang gamit namin. Pinapanood ko si Cody habang nag lalaro. Hindi madali para sa akin na bumalik dito sa Pilipinas dahil natatakot akong malaman ito ng aking Daddy o kaya'y may ibang maka alam at maapektuhan nito ang pagiging politician nya. Ang huling naging balita ko lang sa pamilya namin ay hindi nanalong Mayor ang aking Ama dahil hindi raw hamak na mas malakas at madaming connections sa nakatataas ang nakalaban nya noong election. Ngayon ay nag fo focus nalang sila sa kanilang business na pabagsak na. Nawala ako sa pag iisip at nag tatakang tumingin sa Isang number na nag flash sa aking cellphone. Ang number na ito ay unsave kaya hindi ko alam kung sino ang tumatawag. Sinagot ko ito. "Hello?" Alanganin kong bungad sa cellphone ko. "How long has it been, Carmela?" Halos mabitawan ko ang pagkakakahawak sa cellphone ng marinig ko ang boses ni Pearlyn sa kabilang linya. Paano nya nakuha ang number ko? Syaka ano naman ang pakay nya ngayon at napa tawag sya? Alam nya kayang naka uwi ako ng Pilipinas? Baka may masama syang gawin sa aming mag Ina. Should we go back to New York? Sa dami ng mga pumapasok sa aking utak ay parang nabingi na ako sa reyalidad na kanina pa sya dakdak nang dakdak sa kabilang linya. "Hello are you still there?" Naiinip na tono na boses ni Pearlyn. Kahit hindi ko sya kita ay alam kong salubong na ang kilay nito dahil kanina pa ako hindi nakikinig. "Yeah..." Kabadong sagot ko. "Alam kong nahihirapan na kayo financially ng anak mo..." Nabasag ata ang aking pandinig sa sinabi nya. Alam nyang may anak ako? Papaano? Simula nang makapunta ako ng New York ay umalis ako sa Apartment na binigay sa akin ni Daddy at tinanggal ko rin ang ibang connection ko. "Don't worry, hindi ko sasabihin kay Dad na nag bunga ang kalandian na ginawa mo nong gabing 'yon at baka tuluyan kana nyang tanggalan nang hininga. I know that your child is ill and you need tons of money para sa kanyang pag papagaling." Natahimik ako. Isa ito sa mga rason kung bakit kami umuwi ng Pilipinas. Habang tumatagal kami sa New York ay mas tumataas ang aming gastusin. Hindi ko kayang tustusan lahat ng pangangailangan naming dalawa ni Cody, lot na't kailangan nya nang pumasok ng school at nag u-undergo pa sya sa chemotherapy kada buwan. As a single mother na kaunti lang ang kita hindi nya na kaya pag kasyahin ang lahat kaya minabuti nalang naming umuwi. "Let's make a deal kapalit ng pera." Ngayon palang ay gusto ko nang tanggihan kahit hindi nya pa sinasabi ang deal na gusto nyang gawin naming dalawa dahil unang una hindi ko alam kung maganda ba ang gagawin namin at pangalawa ay ayaw ko ng magkaroon ng kahit ano pang koneksyon sa kanila para sa aking anak. "Bumabagsak na kasi ang kompanya at gusto ni Dad na makipag blind date ako sa rival company natin. Ang pamilya ng mga Mostrales. Alam mo naman gaano makapanyarihan ang pamilyang 'yon when it comes to business world. Ang kaso lang e, alam mo namang puro matatandang lalaki ang meron sa pamilyang 'yon. Dad wants me to marry with one of those ugly elder guys. Now ang gagawin mo lang naman during blind date ay i-offend mo sila. Make something na hindi ka aya-aya para ma turn off sya sayo. Gawin mo ang lahat ng kaya mo dahil ayokong maitali sa ganoong uri ng lalaki. Syaka isa pa I'm busy here in Hawaii doing my photoshoots. Once na sinabi mo kay Dad na tumawag ako sa'yo at sinabi mo mga sinasabi ko. Lilintikan ka sa'kin, kayong dalawang anak mo." Maayos pa ang boses ni Pearlyn kanina ngunit naging madiin ang tono nito at nag babanta pa sa huling sinabi nya. Natahimik ako para pag isipan lahat ng sinabi nya. Hindi naman ako pwedeng tumaya sa sugal na walang maibabalik sa akin. Hindi rin naman pwedeng sumabak sa gyera na walang balang tatama sa akin kahit na may bala ako. "Simple lang naman ang gagawin mo eh. Tiyak na madadalian kalang, ayoko kasing makita ako ng mga tao na may kasamang matandang lalaki na uugod ugod na dahil lang sa lintik na blind date na yan para maisalba ang kompanya". Alam ko na kaagad ang kanyang sinasabi. Hindi rin maganda sa kanyang reputasyon bilang isang Modelo na ngayon ay sumisikat na. Ano na nga lang ang iisipin ng ibang tao kapag nakita syang may ka harap na matanda at iisipin na baka sumikat sya dahil sa pera at impluwensya o kaya naman nya na kakayang bumili ng mga mamahalin ay dahil may sugar daddy sya. "Hindi ko kaya, Pearlyn..." Wika ko. Hindi ko kayang mag panggap bilang sya o dahil ayoko lang magkaroon ng connection sa kanila. "Pag isipan mong mabuti Carmela. Hindi kita pinipilit, ikaw lang ang unang pumasok sa aking isipan dahil ikaw lang ang may kakilala sa akin na pu pwedeng mag panggap. Panandalian lang naman." Tumingin ako kay Cody na balot na balot pa rin sa suot na para bang may snow ngayon sa Pilipinas. Namuo ang aking luha ng mag tama ang aming tingin kasabay ng pag silip nang matamis na ngiti sa kanyang namumutlang mga labi. Pera.... para sa pera. Pera lang ang mag sasalba ngayon sa anak ko. Dadalawa lang kami ngayon, sya lang ang nag iisa kong pamilya at hindi ko kakayanin kung may nangyari sa anak ko. Walang libre ngayon sa mundo. Alam kong kapag nag trabaho ako hindi pa rin yon magiging sapat para sa gastusin sa hospital. "Ano na Carmela, time is running. May appointment pa ako mamaya, wala akong oras para makipag usap sayo ng matagal-" "Magkano ang ibibigay mo sa akin?" Hindi na ako nag paligoy ligoy. Natawa sya sa kabilang linya dahil sa pagka desperada ng aking boses. "Hmmm... Mag papanggap kalang naman bilang ako ng Isang gabi. 1 million will be enough if you did a great job para mawalan sya ng interest sayo. Ipakita mo sa kanya ang pagiging low class mo at taong squatter." Ilang taon na ang lumipas pero wala pa 'ring pinag bago si Pearlyn. Ganito pa rin sya mag salita at ganito nya pa rin ako i-trato na sobrang baba ng tingin nya sa akin. Lumunok nalang ako na ani mo' ay lumulunok ako ng mga bubog. "Deal." Sagot ko na wala nang pag aalinlangan. Kailangan kong gawin ito para maipagamot ko ang aking anak dahil sya ang mas importante sa akin ngayon. "Well then, ngayong gabi ang blind date. Mag ayos ka na para bang isa kang gold digger. Isang Axcel Mostrales ang makakaharap mo, gawin mo ng maayos huh, make sure na ayaw kana nyang makita maski anino mo." Huli nyang sinabi bago patayin ang tawag. Humugot pa ako ng malalim na hininga para sa lakas ng loob. "Gagawin ang lahat para sa Anak." Pag kukumbinsi ko sa sarili.Bingi...Ganyan kung ilalarawan ni Carmela ang kanyang nararamdaman ngayon. Nakaka bingi ang katahimikan ng paligid ngunit ang matinis na boses ni Aegin ay patuloy syang sinisigawan. "Sulitin mo na ngayon Carmela! Tignan lang natin kung hanggang saan aabot ang pagiging tanyag mo na 'yan!" Iyan ang huling sinabi nito sa kanya. Hanggang saan nga ba aabot ang pagiging tanyag nya? Pagiging tanyag ba ang hindi paniwalaan ang kanilang mga sinasabi? Ipinilig nya ang kanyang ulo. Kung patuloy nya lang yon na iisipin tiyak na mas lalo lang itong iingay, parang lata na walang laman. Napasabunot sya sa kanyang buhok at pagod na humugot ng malalim na buntong hininga. Umagang umaga pa lang ay stress na stress na sya sa lahat ng ito. "Bakit ang hirap?" Reklamo nya, "Ang sakit sa ulo kung iisipin pero kapag hindi naman iniisip ay pilit itong dumadapo sa isip ko. Normal pa ba 'to?" Paano kung totoo nga ang sinasabi nina Aegin sa kanya? "What if this time they're telling the truth?" Pang ku-que
Nakapalit na si Axcel at nag hahanda na rin papuntang company nang maisipan nyang silipin si Carmela sa kanyang kwarto kung nandoon pa ba ang Babae. Isasabay nya na sana ito pero noong nakita nyang wala sya duon ay na excite syang pumasok ngayong araw para makita si Carmela. Bumalik ata sya ng pagka highschool na sabik pumasok upang makita ang crush nya na sa isang tingin pa lang ay halos mangisay na sya gawa ng kilig. Sino pa bang hindi Kaninang alas kwatro pa sya gising at pabalik balik sya upang silipin si Carmela sa kwarto kung gising na ba ito para sana mag sabay silang dalawa. Sa hindi lang inaasahang pagkakataon ay bumalik sya sa pagkaka higa ng dalawin sya ng antok at ang sinabi nyang iglip lang ay biglang naging mahabang tulog. Pababa na sya ng Mansion ng makita nya ang kanyang Ina at si Pearlyn na pinapanood sya pababa. Mahahalatang sadya syang hinihintay ng dalawa. Gusto nya sanang mag panggap na para bang wala syang nakita at deretso labas nalang ng Mansion pero ang kan
Napatayo si Aegin sa kanyang pagkaka upo sa narinig, "T-talaga ba?!" Nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat. Ilang minuto pa syang natahimik at pakurap-kurap. Sabay tawa ng malakas na para bang wala na ito sa katinuan. Humagikgik si Pearlyn sa naging reaction nito, "Told you, kaya kong pabalikin ang memorya ni Axcel. I just need sometime para pag isipan ang mga magiging plano para hindi na ito muling pumalpak" "Eh kung ganoon ano naman ang susunod mong magiging hakbang? Sisirain mo na ba sila? We need to move faster! Sabihin mo na ang katotohan ngayon kay Carmela —" Sabik na wika ng Mama ni Axcel na pinutol ni Pearlyn. "Ayaw nyo muna bang paglaruan si Axcel?" "What do you mean by that? Wala na tayong oras para makipag laro. Paalisin na natin si Carmela sa Mansion ngayon din!""Think about it Ma, kapag pina alis natin si Carmela we can't get any benefits. Aalis lang sya at ang mas mahirap ay kusa syang aalis. So why not gawin natin syang instrument in some ways na mas lalo pa tay
Nagising si Carmela dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Umupo sya sa kama at kinusot ang kanyang mga mata. Inaantok pa sya at gusto nya pa sanang bumalik sa pagkakahiga ng makita nya ang orasan. "Malabo ba mata ko? O totoong 1:40 ang nakikita ko ngayon?" Muli nyang kinusot ang kanyang mata. "Halla!" Tili nya nang makitang 1:40. Hindi madaling araw kundi ng hapon. "Napasarap ata ang tulog ko!" Sino ba namang hindi mapapa sarap kung ganoon ang ginawa sa kanya ni Axcel kagabi? Napatayo na sya ng kama. Tatakbo na sana sya papuntang banyo para mag ayos para mag trabaho ng mapansing iba ang kanyang suot dahil nakasuot sya nang pang tulog. Napakunot ang kanyang nuo, "Huh? Nag palit ba ako kagabi? At..." Napa isip sya, "Hindi bat sa coach ako ng opisina nakatulog? Paanong?" Nahagip ng kanyang mata ang isang note sa kanyang side table. Sulat kamay 'yon ni Axcel. "Hey, Baby. I didn't wake you up cause I know you're tired and I don't want to disturb your sleep. You should
"Anong sinasabi mo?" Pag mamaang-maangan ni Carmela. "Come on... I know you knew what I meant" He said frustratedly. Ngayon lang napansin ni Carmela ang magulong buhok ni Axcel gawa nang stress. Mukha syang bagong gising lang sa kama na ayaw pa talagang bumagon. Marahil ay dahil sa puyat kadudukduk sa kanyang mga pinapagawa sa dating Asawa. Naka tikom ang kanyang mga kamao, pumuputok duon ang mga ugat, kahit hindi nya makita ang kanyang braso tiyak na ganoon din iyon. Napalunok sya sa kanyang tinitignan. Bakit ba sya duon naka tingin ngayon! Gayong sinusugod sya nang lalaki. She can't help it. Matagal tagal na rin kasi simula nang mahawakan nya ang braso nang lalaki.Ay ano ba itong iniisip nya ngayon! Hindi nya naman pinag nanasahan si Axcel, napapa isip lang talaga sya. Tumikhim sya at nagpatuloy pa rin sa pag ta-type sa kanyang laptop kahit ang totoo ay wala naman talaga syang ginagawa ngayon na work related. Naka open lang ang isang blangko na dokumento at panay ang type ng kun
"Why are you doing this?"Magkaharap ngayon si Pearlyn at Axcel sa loob ng pantry. Bumagsak ang tingin nang lalaki sa ginawang lunch ng Babae na nakapatong sa lamesa. May iba't ibang potaheng naka hain at base sa itsura non alam nyang pinag handaan nga ito ng mabuti ni Pearlyn. Hindi nakasagot si Pearlyn. May rason sya kung bakit nya ginagawa ito ngayon, pero alangan namang sabihin nya kung ano 'yon hindi ba? Ngunit kailangan ba talagang may matinding rason kung bakit nya ginagawa ito ngayon? "Aren't we clear earlier? Sinabi ko nang—"Pearlyn cut him off. "Hindi ka kasi nag umagahan at napapa isip ako baka kasi kaunti lang ang nakain mo lalo na't sa Cafe lang naman kayo pumunta ni Carmela. It's way more better to have a full course meal kaya nag dala na ako ng tanghalian mo..." Paliwanag nya sa nanunuyot na lalamunan. Talagang pinag iisipan nya ang mga binibitawang salita ngayon dahil ayaw nya namang may hindi nanaman magustuhan si Axcel na magiging dahilan kung bakit lalabo silan