Home / Romance / One Night with the CEO / Kabanata 3: Ang Utos ng Makapangyarihang Storm

Share

Kabanata 3: Ang Utos ng Makapangyarihang Storm

Author: Author Bhelle
last update publish date: 2026-10-21 14:38:17

Ang silid 1004 ay binalot ng katahimikan matapos ang mabilis na paglisan ni Serena. Lumipas ang ilang oras, at sa pagtindi ng sikat ng araw na tumatagos sa bintana, dahan-dahang naunawaan ng lalaki ang kaniyang paligid. Nagising si Ethan Storm na wala na ang babae sa kaniyang tabi. Unti-unti siyang bumangon at umupo sa gilid ng kama habang sapopo ang kaniyang noo. Mabigat pa rin ang kaniyang ulo mula sa tindi ng epekto ng gamot kagabi, ngunit ang kaniyang sistema ay unti-unti nang nagbabalik sa normal na talas nito.

Inilibot niya ang kaniyang paningin. Ang malamlam na liwanag ng lamp kagabi ay napalitan na ng maliwanag na umaga, na naglantad sa magulong silid. Kinuha niya ang telepono na nasa gilid ng kama at mabilis na pinindot ang numero para sa front desk.

"Tumawag ka sa sekretaryo ko," malamig at may awtoridad na utos ni Ethan sa kabilang linya. "Sabihin mo sa kaniyang magtungo rito sa Room 1004 sa lalong madaling panahon."

"Mabilis na tumango ang receptionist, kahit hindi niya nakikita ang mukha ng kausap. Kilalang-kilala ng buong pamunuan ng hotel ang boses na iyon, isang boses na hindi kailanman maaaring baliwain o paghintayin."

Pagbaba ng phone, akmang tatayo si Ethan mula sa kama upang magtungo sa banyo. Ngunit bago pa man maihakbang ang kaniyang mga paa, napansin niya ang isang bagay sa ibabaw ng puting kumot. Isang pulang mantsa ng dugo sa kama ang kaniyang nakita. Natigilan si Ethan. Napatitig siya sa mantsang iyon habang ang mga piraso ng alaala kagabi—ang mahinang ungol ng babae, ang inosenteng mukha nito sa ilalim ng lamp, at ang pagiging mailap ngunit mapusok na pagtugon nito—ay nagdugtong-dugtong sa kaniyang isipan. Napaisip siya at nauunawaan na galing un sa babae kagabi. Ang babaeng iyon ay inosente, walang karanasan, at siya ang kumuha ng unang gabi nito.

Bumangon siya at pinulot ang damit na nakakalat sa sahig. Isinuot niya ang kaniyang mamahaling pantalon habang ang kaniyang isip ay abala pa rin sa pag-iisip kung sino ang babaeng nagmamay-ari ng mantsang iyon at kung bakit ito umalis nang hindi man lang siya ginigising.

Ilang saglit pa ay nagkukumahog na dumating ang sekretaryo nitong lalaki. Humihingal pa ito at halatang tumakbo mula sa lobby dahil sa takot na mapagalitan. Pagkapasok sa silid, agad na yumuko ang sekretaryo bilang paggalang.

"Sir Ethan, narito na po ako," wika ng sekretaryo habang pinapawisan sa kaba.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Ethan. Hinarap niya ang kaniyang tauhan nang may madilim at seryosong mukha. Mabilis na ipinag-utos nito ang nangyari kagabi.

"Alamin mo kung sino ang naglagay ng gamot sa aking inumin sa party kagabi. Gusto ko ng pangalan sa loob ng dalawang oras," mariing saad ni Ethan, na nagpatindig sa balahibo ng sekretaryo. "At alamin mo rin kung sino ang babaeng naka-check in dito kagabi. O kung sinong babae ang pumasok sa kuwartong ito. Huwag mong iwanan kahit anong detalye."

Nagmamadali at nalilitong tumango-tango ang sekretaryo nito, dahil alam niya ang bigat ng kaniyang tungkulin. Pag nagkamali siya ay yari siya sa amo niyang si Ethan Storm. Hindi ordinaryong tao ang kaniyang pinaglilingkuran.

Si Ethan Storm ang pinaka-batang tagapagmana at nagmamay-ari ng malalaking business sa Pilipinas, at namamayagpag din ang mga business sa iba't ibang bansa. Sa kaniyang murang edad, pinatunayan niya na ang kaniyang talino sa pagnenegosyo ay walang kapantay. Hawak ng Storm Group ang pinakamalaking shipping lines, real estate conglomerates, at mga marangyang hotel chains sa buong Asya.

Si Ethan ang pinakamaunlad at pinakamayaman ngayon sa kasalukuyan dahil ang koneksyon nito ay napakalawak at walang makapantay. Ang kaniyang mga kaibigan at kasosyo ay binubuo ng mga dayuhang diplomat, matataas na opisyal ng pamahalaan, at mga bilyonaryo sa iba't ibang panig ng mundo. Kaya naman, marami ang nagnanais siyang maangkin at maging asawa. Siya ang pangarap ng bawat kababaihan sa mataas na lipunan—isang lalaking nagtataglay ng perpektong mukha, kayamanan, at kapangyarihan.

Hindi lang ng mga babae, pati na rin ang mga businessman sa Pilipinas ay siya ang hinahanap. Lahat ng mga nagmamay-ari ng korporasyon ay nagkakandarapa na maikasal ang kanilang mga anak na babae sa kaniya upang masigurado ang kinabukasan ng kanilang pamilya. Alam ng lahat ang batas ng industriya: kapag binangga siya, katapusan na ng negosyo nila. Ang isang salita o pirma lang ni Ethan Storm ay kayang magpabagsak ng isang imperyo ng negosyo sa loob ng isang araw.

"G-Gagawin ko po agad, Sir Ethan. Sisiguraduhin kong makukuha ko ang lahat ng impormasyon, lalo na ang tungkol sa babaeng nakasama ninyo," sagot ng sekretaryo habang nanginginig ang boses.

"Gawin mo nang tahimik. Ayaw kong may makakaalam nito, lalo na ang media," dagdag ni Ethan habang naglalakad patungo sa bintana, nakatanaw sa malawak na siyudad.

Habang umaalis ang kaniyang sekretaryo upang simulan ang imbestigasyon, naiwan si Ethan na nakatitig sa kawalan. Hawak niya ang kaniyang panga habang naaalala ang init ng katawan ng babae kagabi. Para sa isang lalaking tulad niya na nakukuha ang lahat ng kaniyang gustuhin, isang malaking palaisipan ang babaeng umalis nang walang hinihinging kapalit o bayad matapos ang nangyari. Karaniwan, ang mga babae ay gumagawa ng paraan upang mapansin niya, ngunit ang isang ito ay tumakbo palayo na parang takot na takot sa kaniya.

"Sino ka ba talaga?" bulong ni Ethan sa hangin, habang ang kaniyang mga mata ay nagpapakita ng matinding determinasyon na hanapin ang babaeng nag-iwan ng mantsa ng dugo sa kaniyang kama at ng hindi matanggal-tanggal na marka sa kaniyang isipan.

Habang nangyayari ito sa hotel, si Serena naman ay kasalukuyang nakasakay sa pampublikong jeepney patungo sa kaniyang maliit na tahanan. Ang kaniyang mga air-conditioned na luha ay patuloy na dumadaloy habang yakap-yakap ang kaniyang sarili. Walang kamalay-malay ang mahirap na scholar na ang lalaking kaniyang tinakasan ay ang pinakamakapangyarihang tao sa bansa—isang lalaking gagawin ang lahat upang mahanap siya, habang ang kaniyang mga pekeng kaibigan sa paaralan ay nag-aantay na upang ipagdiwang ang kaniyang pagbagsak sa pag-aakalang si Joshua ang may gawa nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Night with the CEO   Kabanata 7: Ang Anino ng Kahapon sa Tuktok ng Kasalukuyan

    Magaan ang pakiramdam ni Serena habang inililigpit ang kaniyang mga gamit sa gilid ng kalsada. Katatapos lang ni Serena magtinda, ubos na naman ang dala niyang 100 pcs na tupperware na may iba't ibang klaseng ulam. Sa bawat araw na lumilipas, mas lalo pang dumadami ang kaniyang mga suki mula sa naglalakihang kumpanya sa tapat ng kalsada. Napangiti siya habang pinapahid ang kaunting pawis sa kaniyang noo. Padami ng padami ang customer niya sa building na iyon at kapag nagkataon, mapupuno niya ang alkansya ng kaniyang anak na si Enzo sa lalong madaling panahon.Ang kaniyang anak ang tanging lakas niya. Kahit na isa lamang siyang undergraduate na hindi nakatapos ng pag-aaral dahil sa kaniyang maagang pagbubuntis, ibinubuhos niya ang lahat ng kaniyang kakayahan sa pagluluto upang mabigyan ng magandang bukas ang kaniyang anak. Maraming pangarap si Enzo na gusto niyang paglaanan at pag-ipunan para paglaki nito ay makamit nito ang pangarap na hinahangad. Nais niyang makatapos ito sa pinakama

  • One Night with the CEO   Kabanata 6: Ang Bunga ng Nakaraan

    Limang taon ang mabilis na lumipas, at ang sugat ng nakaraan ay unti-unti nang naghilom sa puso ni Serena Salazar. Sa isang maliit ngunit malinis na kusina, masayang nag-aayos si Serena ng mga pa-order niyang ulam. Amoy na amoy ang katakam-takam na aroma ng kaniyang ulam na binalot sa mga eco-friendly na lalagyan. Sa kaniyang tabi, masigasig na tinutulungan siya ni Enzo, ang limang taong gulang niyang anak. Si Enzo ay isang bibo, matalino, at masayahing bata. Sa murang edad, marunong na itong magbilang at magaling itong mag-isip, isang katangiang tila namana niya sa kaniyang mga magulang. Mayroon siyang malalaking matatalas na mata at isang ngiti na kayang magpawi ng anumang pagod. "Mommy, physical inspection check! Ang binalot po nating adobo ay exactly twenty packs na," masiglang ulat ni Enzo habang maingat na binibilang ang mga kahon. Napaantig naman ang puso ni Serena. Sa tuwing nakikita ni Enzo ang kaniyang Mommy Serena na pagod mula sa maghapong pagluluto, kusa itong lalapit a

  • One Night with the CEO   Kabanata 5: Ang Hagupit ng Katotohanan

    Mabigat ang bawat hakbang ni Serena habang naglalakad sa pamilyar na pasilyo ng Saint Jude Academy. Ang kaniyang uniporme ay luma, ngunit tulad ng dati, maayos at malinis ito. Subalit ang kaniyang kalooban ay salungat sa kaniyang panlabas na anyo. Ang kaniyang puso ay tila pinipiga sa matinding kaba, at ang kaniyang isip ay pilit na binabalikan ang mga tagpo sa Silid 1004. Hawak niya ang kaniyang bag nang mas mahigpit upang pigilan ang pangangatog ng kaniyang mga kamay. Ngunit malayo pa lamang siya, may kakaiba na siyang napansin. Ang mga estudyanteng nakatambay sa hallway ay biglang tumitigil sa pag-uusap sa tuwing dadaan siya. Sumusunod ang kanilang mga mata na puno ng mapanghusgang tingin, at malayo palang siya ay nadidinig na niya ang bulungan mula sa malayo. Isang bulungan na gigimbal sa kaniya. "Siya ba 'yung scholar? 'Yung kasama raw ni Joshua kagabi?" "Grabe, akala mo kung sinong birhen, papatulan din pala si Joshua para sa pera." "Narinig ko pinagpustahan lang daw siya, eh

  • One Night with the CEO   Kabanata 4: Ang Maling Akala at ang Kapangyarihan ng Storm

    Ilang oras lamang ang lumipas, bumalik ang sekretaryo ni Ethan Storm na si Jake. Seryoso ang mukha nito habang bitbit ang isang tablet. Ibinigay nito ang isang footage mula sa tagong CCTV camera ng eksklusibong party kung saan nilagyan ng gamot ni Isabelle Laurent ang kaniyang inumin. Sa video, kitang-kita ang palihim na paghulog ng isang tableta sa baso ni Ethan habang abala ito sa pakikipag-usap sa ibang kliyente. Napakuyom ang palad ni Ethan, at nagtiim ang kaniyang bagang sa matinding galit. Hindi talaga titigil ang babaeng 'yan sa paghahabol sa kaniya at gagawin ang lahat para lang makuha ang gusto. Si Isabelle ay anak ng isang mayamang kasosyo sa negosyo, ngunit kilala sa pagiging obses sa kaniya. Sa pagkakataong ito, sumobra ang lakas ng loob nito. "Jake, call the board immediately," malamig na utos ni Ethan. Ang kaniyang boses ay tila yelo sa tindi ng bagsik, ngunit bawat salita ay may eliminasyon ng karangyaan at kapangyarihan. "Shut down her parents' company. Terminate all

  • One Night with the CEO   Kabanata 3: Ang Utos ng Makapangyarihang Storm

    Ang silid 1004 ay binalot ng katahimikan matapos ang mabilis na paglisan ni Serena. Lumipas ang ilang oras, at sa pagtindi ng sikat ng araw na tumatagos sa bintana, dahan-dahang naunawaan ng lalaki ang kaniyang paligid. Nagising si Ethan Storm na wala na ang babae sa kaniyang tabi. Unti-unti siyang bumangon at umupo sa gilid ng kama habang sapopo ang kaniyang noo. Mabigat pa rin ang kaniyang ulo mula sa tindi ng epekto ng gamot kagabi, ngunit ang kaniyang sistema ay unti-unti nang nagbabalik sa normal na talas nito. Inilibot niya ang kaniyang paningin. Ang malamlam na liwanag ng lamp kagabi ay napalitan na ng maliwanag na umaga, na naglantad sa magulong silid. Kinuha niya ang telepono na nasa gilid ng kama at mabilis na pinindot ang numero para sa front desk. "Tumawag ka sa sekretaryo ko," malamig at may awtoridad na utos ni Ethan sa kabilang linya. "Sabihin mo sa kaniyang magtungo rito sa Room 1004 sa lalong madaling panahon." "Mabilis na tumango ang receptionist, kahit hindi niya

  • One Night with the CEO   Kabanata 2: Ang Lihim ng Silid 1004

    Ang gabi ay balot ng misteryo at panganib sa ikasampung palapag ng hotel. Habang si Joshua ay nagmamadaling lumisan patungo sa ospital, isang hindi inaasahang pangyayari ang nagbabadya sa tapat ng Room 1004. Isang matangkad at matikas na lalaki ang sumasuray habang naglalakad sa koridor. Ang kaniyang katinuan ay unti-unti nang nilalamon ng matinding hilo. Sa isang eksklusibong party sa ibang bahagi ng hotel, binalak siyang biktimahin ng kaniyang mga kasamahan sa negosyo sa pamamagitan ng paghahalo ng isang mapanganib na uri ng pampagana at pampahilo sa kaniyang inumin. Gamit ang kaniyang natitirang lakas, pinihit niya ang hawakan ng p***o ng Room 1004—na hindi sinasadyang naiwang hindi lapat nang umalis ang mga kaibigan ni Serena. Pagkapasok na pagkapasok ng lalaki sa madilim na kuwarto, kaagad niyang isinara ng malakas ang p***o. Ang tunog ng pagbagsak nito ay naging hudyat ng pagsasara ng kaniyang ugnayan sa labas ng mundo. Humihingal siya nang malalim. Parang may apoy na dumadaloy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status