LOGINMatapos ang maikling lakarin mula sa kanilang inuupahang maliit na bahay, narating nina Serena at Skye ang gate ng Little Angels Daycare Center. Kahit paano ay nakahinga ng maluwag si Serena nang makitang ligtas na nakapasok ang kaniyang anak sa loob ng compound, ngunit ang kaba sa kaniyang dibdib ay hindi pa rin tuluyang nawawala. Hindi ang pasilidad ng paaralan ang kaniyang kinatatakutan, kundi ang mga mapanghusgang mata ng mga nanay na nakatambay sa labas. Sila ang mga magulang ng mga batang laki sa layaw na napapabayaang idisiplina sa loob ng kani-kanilang tahanan, kaya pagdating sa labas ay mahilig sa away, mapang-uri, at palaging gumagawa ng gulo sa ibang bata.
Habang nag-aayos ng kaniyang mga gagamitin si Skye sa loob ng silid-aralan, lumapit sa kaniya ang isa sa mga batang ito—si Justin. Si Justin ang anak ng pinakamayaman at pinakamaimpluwensyang pamilya sa kalapit na subdivision, kaya naman sanay ito na lahat ng gustuhin ay sinusunod at nakukuha sa isang iyak lang. "Hoy, Skye!" kantiyaw ni Justin habang tinutulak ang silya ng bata para gumawa ng ingay at makuha ang atensyon ng lahat. "Sabi ng Mommy ko, wala ka daw Papa! Iniwan lang daw kayo ng Mama mo kasi mahirap kayo at wala kayong pambili ng cool toys gaya ng sa akin!" Tumingin ang ibang mga bata sa kanila. Ang ilan ay nagsimulang magbulungan habang ang iba naman ay naghintay kung iiyak ba ang transferee. Kung ang ibang bata ang pagsasalitaan ng ganoon, tiyak na iiyak ito o kaya naman ay magwawala sa galit at makikipagsuntukan. Ngunit hindi nagpaapekto si Skye. Kahit wala siyang papa, alam niyang sapat na ang mama niya dahil napakalakas nito, napakasipag, at kayang gawin ang lahat para maitaguyod siya. Tinitigan niya lang si Justin nang matatag, walang bakas ng luha o takot sa kaniyang mga mata. Dahil mga musmos pa lamang sila, away-bata lang naman ito na madali sanang matatapos kung sasawayin lang ng guro at itatama ang maling ugali ng nambubully. Subalit sa eksenang iyon ay pumasok si Teacher Susan na may bitbit na salubong na kilay. Sa kasamaang palad, ang paningin ng guro ay nakadepende sa kung anong mayroon ang isang tao sa buhay. Mas pinili ni Teacher Susan na kampihan ang mali dahil doon siya nakikinabang; takot siyang hindi maibigay ng pamilya ni Justin ang kaniyang mga personal na hinihiling at mga mamahaling regalo kung magrereklamo ang mga ito sa administrasyon ng paaralan. "Skye! Bakit mo na naman inaaway si Justin? Tingnan mo, umiiyak na ang kaklase mo! Humingi ka ng tawad ngayon din!" galit na utos ng guro kahit kitang-kita naman na si Justin ang nagpasimula ng gulo. Huminga nang malalim si Skye. Masakit para sa isang bata ang kawalan ng hustisya mula sa isang matanda na dapat sana ay nagtuturo ng tama. Ngunit tumigil na lang siya at hindi na nakipagtalo pa. Naalala niya ang laging bilin ng kaniyang ina: 'Huwag kang makikipag-away, anak. Sumunod ka sa guro at huwag gagawa ng gulo.' Umupo siya nang maayos at binalewala ang guro at si Justin, isang bagay na lalong nagpakita ng kaniyang maturity at talino kumpara sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Habang naglalakad ang grupo, nanatili si Serena sa kaniyang puwesto sa gilid at bahagyang tumingin, kaya naman nakita niya ang lalaki sa kaniyang sideview. Doon ay napansin niya kung gaano ito kaguwapo, matipuno, at bata pa para sa kaniyang posisyon. Mula sa mahihinang bulong ng mga taong nasa likod niya, nalaman niyang ito pala ang mismong may-ari ng buong dambuhalang kumpanya—si Ethan Storm. Malakas ang dating nito, mukhang kagalang-galang, at may suot na napakamahal na business suit na lalong nagpadagdag sa kaniyang seryoso at malamig na mukha. Lahat ng madaanan nito ay tumutungo at bumabati ng "Good morning, Sir," ngunit hindi man lang ito lumingon o nagtapon ng kahit isang masusing tingin sa kahit na sino sa paligid. Deretso lang ang kaniyang lakad, blangko ang ekspresyon, habang sa kaniyang tabi ay may isang sekretaryang nagmamadaling nagbabasa ng mga schedule at halos hinahabol ang kaniyang napakabilis na paglakad. Nanatili si Serena na nakatitig sa sideview ng mukha ng lalaki hanggang sa tuluyan na itong makapasok sa loob ng pribadong VIP elevator at sumara ang p***o nito. Paglabas ni Serena ng malaking gusali, hindi niya napigilang huminto sa gilid ng kalsada habang hawak ang kaniyang pushcart. Napatingin siya sa kabuoan ng Storm Tower mula sa labas; sa sobrang taas at ganda nito ay di halos matanaw ang pinakatuktok ng gusali na tila ba humahati sa mga ulap sa kalangitan. Biglang sumagi sa isip niya ang isang lumang pangarap—gusto niya ring magtrabaho sa ganoong kagandang lugar, ang isuot ang kaniyang pinapangarap na corporate attire at gamitin ang kaniyang kaalaman sa Business Management sa isang sikat at tanyag na kumpanya. Ngunit alam niyang hindi siya pinalad dahil napatigil siya sa pag-aaral noong mabuntis siya matapos ang isang gabi ng pagkakamali apat na taon na ang lumipas. Gayunpaman, habang hila-hila ang kaniyang pushcart pabalik sa daycare upang sunduin ang kaniyang anak, isang matamis at totoong ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. Hindi niya pinagsisisihan ang kaniyang naging desisyon. Ang kaniyang direksyon sa buhay ay maaaring nagbago, ngunit ang kaniyang anak na si Skye ang pinakamalaking blessing na dumatíng sa kaniyang buhay—isang tunay na kayamanan na hinding-hindi niya ipagpapalit kahit sa pinakamataas na palapag ng gusaling kaniyang tiningnan.Magaan ang pakiramdam ni Serena habang inililigpit ang kaniyang mga gamit sa gilid ng kalsada. Katatapos lang ni Serena magtinda, ubos na naman ang dala niyang 100 pcs na tupperware na may iba't ibang klaseng ulam. Sa bawat araw na lumilipas, mas lalo pang dumadami ang kaniyang mga suki mula sa naglalakihang kumpanya sa tapat ng kalsada. Napangiti siya habang pinapahid ang kaunting pawis sa kaniyang noo. Padami ng padami ang customer niya sa building na iyon at kapag nagkataon, mapupuno niya ang alkansya ng kaniyang anak na si Enzo sa lalong madaling panahon.Ang kaniyang anak ang tanging lakas niya. Kahit na isa lamang siyang undergraduate na hindi nakatapos ng pag-aaral dahil sa kaniyang maagang pagbubuntis, ibinubuhos niya ang lahat ng kaniyang kakayahan sa pagluluto upang mabigyan ng magandang bukas ang kaniyang anak. Maraming pangarap si Enzo na gusto niyang paglaanan at pag-ipunan para paglaki nito ay makamit nito ang pangarap na hinahangad. Nais niyang makatapos ito sa pinakama
Kinabukasan sa cafeteria ng Storm Shipping Conglomerate, binalot ng matinding tsismis at bulungan ang buong palapag ng mga kusinero at staff. Usap-usapan ng lahat ang nangyari kahapon sa isa nilang head chief, at ang ibang mga kasamang magluluto ay walang tigil sa pagsubaybay tungkol sa ginawa at matinding pagkapahiya ni Bianca sa harap ng CEO at ng mga empleyado. Ramdam na ramdam ang tension sa bawat sulok ng kusina, dahilan upang mag-alab ang galit sa dibdib ng babae."I will not let this pass! That cheap girl ruined my career!" galit na galit na bulong ni Bianca habang nanginginig ang kaniyang mga kamay sa hawak na telepono.Sa sobrang poot, agad niyang isend ang video ng pambubully niya kahapon sa dati niyang mga kaibigan na sila Chloe upang magkaroon ng agarang revenge o higanti laban kay Serena. Sa kanilang pribadong chatroom, mabilis silang nakabuo ng isang maruming plano: magbabayad sila ng ilang tauhan upang magreklamo na sumakit daw ang tiyan dahil sa pagkain ng luto ni Sere
Matapos ang maawtoridad na pag-alis ng CEO na si Ethan Storm, naiwan ang kaniyang tapat na sekretaryang si Jake sa pantry lounge upang asikasuhin ang lahat ng naiwang detalye sa babayarang nadamage na pagkain. Nakangiting lumapit si Jake kay Serena, malayo ang kaniyang aura sa malamig na pakikitungo ng kaniyang amo."Here, let me help you with those," masiglang sabi ni Jake habang tinutulungan si Serena na dalhin ang mga natirang plastic container at ang kaniyang pushcart. Matapos maitabi ang mga gamit, iginiya niya si Serena patungo sa elevator upang pumunta sa accounting department sa itaas na palapag.Habang naglalakad sila sa hallway, lumingon si Serena sa pinanggalingang pantry lounge na may bakas ng matinding pag-aalala. "Sir Jake, 'yung kalat po pala doon sa sahig... baka po pagalitan ako ng building manager niyo. Ako na po ang maglilinis."Natawa nang bahagya si Jake at marahang umiling. "Don't worry about that, Serena. Hayaan mo na ang maintenance team ang gumawa niyan, it's
Kinabukasan, maagang gumising si Serena upang ihanda ang mga panibagong ulam na kaniyang idedeliver sa Storm Shipping Conglomerate. Ngayong araw, nagluto siya ng kaniyang special na pork sinigang na may saktong asim, kasama ang kaniyang tanyag na Bicol Express at adobong atay. Masaya niyang inilalagay ang mga pagkain sa mga plastic container, iniisip na ang kikitain niya rito ay sapat na para sa susunod na buwanang upa nila ni Skye. Bitbit ang kaniyang pushcart, masigla siyang pumasok sa ground floor pantry ng dambuhalang kumpanya, sinalubong ng mga nakangiting mukha ng kaniyang mga suki.Ngunit ang masayang enerhiya sa silid ay biglang napalitan ng matinding takot at tensyon. Bumaba ang isa sa mga head chef ng corporate cafeteria ng kumpanya—isang babaeng nakasuot ng kaniyang prestihiyosong white chef's uniform at matatayog na sumbrero. Nakarating kasi sa pamunuan ng kusina ang balita na mismong ang CEO na si Ethan Storm ay napansin ang pagbili ng mga staff ng pagkain sa labas. Natat
Matapos ang halos tatlong oras na matinding talakayan sa boardroom tungkol sa bagong shipping route sa Europa, pormal nang tinapos ni Ethan Storm ang pulong. Bakas ang seryosong awra sa kaniyang mukha habang naglalakad pabalik sa kaniyang executive office sa pinakatuktok na palapag ng Storm Tower. Kasunod niya gaya ng dati ang kaniyang tapat na sekretaryang si Jake, na abala sa pag-aayos ng mga folder at tablet habang sinusundan ang mabilis na lakad ng kaniyang boss.Habang pababa sila gamit ang elevator at nang makarating sa mid-level department floors, may napansin si Ethan sa mga nakakasalubong niyang staff. Ang ilan sa mga ito, na galing sa accounting at marketing department, ay masayang nag-uusap habang may dalang mga simpleng container ng pagkain na halatang hindi galing sa mamahaling cafeteria ng kumpanya. May kakaibang amoy ng gisa at tradisyunal na lutong-bahay ang humahalo sa airconditioned na pasilyo.Napatigil si Ethan sa paglakad, dahilan upang muntik nang mabangga ni Jak
Matapos ang maikling lakarin mula sa kanilang inuupahang maliit na bahay, narating nina Serena at Skye ang gate ng Little Angels Daycare Center. Kahit paano ay nakahinga ng maluwag si Serena nang makitang ligtas na nakapasok ang kaniyang anak sa loob ng compound, ngunit ang kaba sa kaniyang dibdib ay hindi pa rin tuluyang nawawala. Hindi ang pasilidad ng paaralan ang kaniyang kinatatakutan, kundi ang mga mapanghusgang mata ng mga nanay na nakatambay sa labas. Sila ang mga magulang ng mga batang laki sa layaw na napapabayaang idisiplina sa loob ng kani-kanilang tahanan, kaya pagdating sa labas ay mahilig sa away, mapang-uri, at palaging gumagawa ng gulo sa ibang bata.Habang nag-aayos ng kaniyang mga gagamitin si Skye sa loob ng silid-aralan, lumapit sa kaniya ang isa sa mga batang ito—si Justin. Si Justin ang anak ng pinakamayaman at pinakamaimpluwensyang pamilya sa kalapit na subdivision, kaya naman sanay ito na lahat ng gustuhin ay sinusunod at nakukuha sa isang iyak lang."Hoy, Sky







