One Roof with my Step-brother

One Roof with my Step-brother

last updateLast Updated : 2024-09-05
By:  Ady LeeOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
5 ratings. 5 reviews
16Chapters
804views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Meeting his step-brother is not easy for Aliyah Denice Ventura. Her heart was full of anger, hatred and deception. And she will never accept the fact that he will be with her under the same roof. But fate is just too playful. How can a mistake be right if you both find yourself drowning in lust?

View More

Chapter 1

Prologue

"Ano, Mommy? Hindi ka na talaga nahiya kay Daddy! Inuwi mo pa rito ang lalaki mo!" malakas kong sigaw sa sobrang galit.

Ramdam kong puputok na ang mga ugat sa aking noo, hindi hamak na para na akong bulkang sasabog. Damang-dama ko rin ang init ng katawan ko, partikular ang mga mata kong animo'y sinisilaban ng apoy. Nanlalabo na ang paningin ko para sa nagbabadyang luha. Pero hindi, hindi ako iiyak.

Tuluyan akong nagwala lalo nang talikuran lang ako ni Mommy. Dere-deretso siyang naglakad papasok ng kaniyang kwarto na para bang walang narinig, o parang hindi niya ako nakita. Mas madali yatang sabihin na talagang wala na rin siyang pakialam sa kung ano man ang nararamdaman ko.

Huh! For Pete's sake, anak niya ako!

Hindi ako ibang tao, o kung sino lang! Nawala lang ako kagabi, nakitulog lang ako sa kaibigan kong si Precy dahil sa matinding kalasingan na hindi ko na kayang umuwi pa. Ngayon ay madadatnan ko sila ng lalaki niya rito sa bahay mismo ni Daddy?

Sa pamamahay pa mismo namin?!

Malamang ay dito rin iyon natulog at saan pa nga ba? Naabutan ko lang na paalis na iyong lalaki. Hinatid siya ni Mommy sa labas at doon ko sila nakita. Kaya pala nagtataka ako kung kaninong kotse iyong naka-park sa labas. At hindi naman pwede na napadaan lang iyong lalaki, hindi rin maaaring driver namin o isa sa mga tubero.

Ngayon ko napatunayan na totoo nga ang sinasabi ng mga kapitbahay namin. Na may dinadalang lalaki rito si Mommy, sa reaksyon at inakto niyang iyon kanina, totoo nga. Kailangan kong magising sa katotohanan. Ibig sabihin lang din ay hindi ito ang unang beses. Nasakto lang na maaga akong umuwi ngayon kaya ko sila naabutan.

Dati ay ayokong paniwalaan, ayokong maniwala dahil alam kong hindi ganoon si Mommy. Ayaw kong maniwala hangga't hindi si Mommy ang nagsasabi. Alam ko na hindi niya iyon magagawa. Alam kong kahit hiwalay na sila ni Daddy ay may respeto pa rin siya rito, pero ano ito? Bakit ganito?

Animo'y gumuho ang mundo ko. Iyong babaeng iniidolo ko ay biglang naglaho. Sa isang iglap ay napalitan ng pagkasuka, pagkadismaya at pagkamuhi. Hindi ko inakala na magagawa rin niya ang bagay na ginawa noon ni Daddy, ang bagay na pareho naming isinumpa ni Mommy.

"Ako pa ang mahihiya ngayon, Alice?" balik pagtatanong ni Mommy nang tuluyan siyang makapasok sa kwarto nito, isang beses niya akong nilingon na nasa hamba ng pintuan. "Noong sumama ba ang Daddy mo sa ibang babae at iniwan tayo, nahiya ba siya?"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Nangunot din ang aking noo. Pilit kong iniintindi si Mommy. Gusto kong makita iyong tamang paliwanag kung bakit niya ito nagawa. Ngunit hindi ko ba alam kung naturang bobo ba ako kaya hindi ko rin magawa.

"Naisip din ba niya tayo? Hindi naman 'di ba? Wala lang tayo sa kaniya. Kaya niya ako pinagtaksilan dahil hindi naman niya talaga ako mahal. Hindi niya ako minahal. Siguro nga ay hindi ka rin niya minahal—"

"Tama na!" suway ko rito.

Punung-puno ng lungkot ang boses ni Mommy, ganoon din ang kaniyang mukha. Malayang tumutulo ang luha niya. Ayaw magpaawat at ayaw magpapigil. Ngunit mas doble ang epekto sa akin. Kung nasasaktan siya, mas nadudurog ako.

"At ano, Mommy? Tatapatan mo iyong kahihiyang ginawa niya?" maanghang kong palatak, tumutulo na rin ang mga luha ko dahil tunay na nasasaktan ako sa pamilyang mayroon ako. "Ni hindi niyo inisip iyong kapakanan ko noong naghiwalay kayo! Hindi niyo man lang ako tinanong kung okay lang ba sa akin ang desisyon ninyo!"

"Bakit? May magagawa ba ang opinyon mo para maibalik natin ang dati? Para bumalik tayo sa dati? Hindi, anak. Kasi hindi na ako ang mahal ng Daddy mo. Pareho niya tayong sinaktan at iniwan, pero bakit sa akin ka lang nagagalit? Huh, Aliyah Denice??" singhal ni Mommy, saglit akong natigilan.

Lalong bumuhos ang mga luha ko. Samantala ay tahimik naman ding umiiyak si Mommy sa harapan ko. Higit tatlong taon na rin noong umalis si Daddy, matagal na iyon para sa iba ngunit para sa akin ay parang kahapon lang nangyari. Iyong sakit ay parang bago pa rin, parang sariwa pa rin.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap kaya hanggang ngayon ay nananatiling puno ng galit ang buong pagkatao ko. At ang galit na iyon ay naibubuntong ko lahat kay Mommy.

Hindi ko namalayan na sa paglipas ng panahon ay napapariwara ako. Rebelde na nga kung maituturing. Sa pag-aaral ko bilang third year college ay hindi ko alam kung makakatungtong pa ba ako sa fourth year gayong ilang buwan na lang ang natitira.

Lahat ng subject ko ay pasang-awa. Bagsak ako palagi sa test. Wala akong matinong performance sa school. Halos itapon na nga ako ng mga Dean's officer doon dahil araw-araw yata akong laman ng office nila.

Wala na akong ginawang tama. Sinira ko iyong buhay ko sa pag-aakalang baka maawa sila sa akin, baka sakali na bumalik si Daddy at muli kaming mabuo. Pero tangina, tatlong taon na ang lumipas, niho-niha ay wala siyang paramdam sa amin. Ni isang kalabit o bulong sa tainga ay wala rin.

Oo, nagagalit ako kay Daddy, pero sa palagi kong kasama si Mommy dito sa bahay at palaging nakikitang umiiyak ay mas nagagalit ako sa kaniya. Pareho ko silang sinisisi na ganito ang kinahinatnan ng magandang pamilya sana namin noon.

Hindi ko ba alam kung bakit sa isang iglap ay ito ang naging sukli sa kasiyahang tinatamasa ko noon. Ewan kung parusa ba ito, pero kahit kailan ay hinding-hindi ko matatanggap ang isa pang mali para pagtakpan ang isang pagkakamali ni Daddy noon.

"Look, Alice. Kung masaya na ang Daddy mo sa ibang babae, hindi ba dapat ay maging masaya na rin ako? Gusto ko nang sumaya pagkatapos ng lahat ng naging sakripisyo ko. Ubos na ubos na ako at gusto ko rin ng lalaking magpapasaya sa akin— ng lalaking tanggap ako kahit ano ako," dagdag ni Mommy sa mas malumanay na boses.

"Huwag... paano ako..."

Humina ang tinig ko dahil sa naghihingalo kong paghinga, kasabay na pilit din akong nilalamon ng pagtangis ko.

"Alam ko na hindi tama, maaaring para sa 'yo o sa ibang tao... kasalanan iyon... pero mali bang maging masaya? Mali bang magmahal muli? Mali ba na may tumanggap ulit sa akin pagkatapos ng Daddy mo?"

Gusto niyang ipaintindi sa akin iyon ngunit sarado ang utak ko para umintindi. Lesson nga namin ay hindi ko maintindihan, ito pa kayang halos magpasakit ng ulo ko?

Umiling-iling ako. "Kahit lumuhod kayo ng lalaki mo sa harapan ko, kailan man ay hindi ko kayong matatanggap. Kapag ipinagpatuloy mo pa ito, huwag mo na ring asahang ituturing pa kitang ina. Huwag mo na rin akong tatawaging anak dahil ngayon pa lang na nalaman kong may lalaki ka, gusto ko nang putulin ang koneksyong mayroon tayo. Sige, magpakasaya ka."

"Alice..." agap ni Mommy nang mabilis pa sa kidlat na tumalikod ako. "Alice!"

Padarag kong isinarado ang pinto ng kaniyang kwarto at nagmamadaling bumaba ng hagdan. Wala pa akong tulog, pero hindi ko naman maatim na manatili rito sa bahay kung kaya ay lumabas ako. Dere-deretso akong nagmartsa patungo sa gate.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta; bahala na. Dali-dali akong pumasok sa kotse at mabilis iyong pinaharurot palabas ng villa. Bandang huli, kahit may hangover pa ay pinuno ko ulit ng alak ang baga ko.

Umiikot na ang paningin ko at ramdam kong ano mang oras ay matutumba na ako. Wala akong kasama rito sa bar. Hindi ko na inaya si Precy at malamang na tatanggihan din ako ng babaeng 'yon. Hindi rin ako pumasok sa klase ko ngayong araw. Parang mas maganda na lang na maglaho kaysa ipagpatuloy ko pa ang lintik kong buhay.

Malakas akong napasinok dala ng kalasingan, kapagkuwan ay pagewang-gewang na naglakad patungo sa dancefloor. Sumiksik ako sa kumpulan ng mga tao upang makarating sa gitnang parte, roon ay sinabayan ko ang malanding musika na umaalingawngaw sa kabuuan ng bar.

Kabi-kabilaan din ang sigawan ng mga tao, partikular ng mga lalaking nakapaligid sa akin dahil sa maharot at magaslaw kong pagsasayaw. Ilang lalaki ang ginilingan ko, ang niyakap at hinalikan ko. Pikit-mata kong nilalasap ang lahat; sakit at pighati.

Panay lang din ang tawa ko na para bang isa akong tunay na nakawala sa Mental Institution. Wala na akong pakialam sa paligid, o kung may mga babae mang nagagalit na sa akin dahil maharot kong sinasayawan ang boyfriend nila. Kahit saksakin nila ako ay wala akong pakialam.

Mayamaya lang nang matigil ang kasiyahan ko nang may biglang humatak sa braso ko. Sa rahas no'n ay halos sumubsob ako sa dibdib niya. Napapikit ako nang maramdaman ang tigas nito, para akong sinalubong ng matayog na pader. Kaagad ko itong tiningala sa sobrang inis, pero nagulat ako nang matagpuan ko ang maamong mga mata niya.

"Akala ko ba ay galit ka sa mga taong kumakabit, pero sa inaakto mo, hindi ba't hindi ka rin nalalayo sa kanila?" matabang niyang sinabi na gaano man kaingay sa dancefloor ay nanuot iyon sa pandinig ko.

Nagpantig ang tainga ko. "Wh—what?!"

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Helen
support ko to hangang matapos
2024-09-05 10:35:04
1
user avatar
bluefairy1828
Bet ko ito bakla......... Blurb pa lang maganda na...
2024-09-04 19:26:46
1
user avatar
Ady Lee
Please do read my stories! Thank you! ...️
2024-09-04 15:51:12
0
user avatar
sawadika
thank you miss Ady Lew
2024-09-04 15:42:57
0
user avatar
Adelyn Macasaddu
ang ganda .........
2024-09-04 15:36:40
0
16 Chapters
Prologue
"Ano, Mommy? Hindi ka na talaga nahiya kay Daddy! Inuwi mo pa rito ang lalaki mo!" malakas kong sigaw sa sobrang galit.Ramdam kong puputok na ang mga ugat sa aking noo, hindi hamak na para na akong bulkang sasabog. Damang-dama ko rin ang init ng katawan ko, partikular ang mga mata kong animo'y sinisilaban ng apoy. Nanlalabo na ang paningin ko para sa nagbabadyang luha. Pero hindi, hindi ako iiyak.Tuluyan akong nagwala lalo nang talikuran lang ako ni Mommy. Dere-deretso siyang naglakad papasok ng kaniyang kwarto na para bang walang narinig, o parang hindi niya ako nakita. Mas madali yatang sabihin na talagang wala na rin siyang pakialam sa kung ano man ang nararamdaman ko.Huh! For Pete's sake, anak niya ako!Hindi ako ibang tao, o kung sino lang! Nawala lang ako kagabi, nakitulog lang ako sa kaibigan kong si Precy dahil sa matinding kalasingan na hindi ko na kayang umuwi pa. Ngayon ay madadatnan ko sila ng lalaki niya rito sa bahay mismo ni Daddy?Sa pamamahay pa mismo namin?!Malam
last updateLast Updated : 2024-06-26
Read more
Chapter 1
Bumagsak ang panga ko. Maang akong napatitig sa lalaking nasa harapan ko. Kalaunan ay ilang beses akong napapikit para lang ibalik ang kaluluwa sa aking katawang lupa. Bukod sa sinabi niyang iyon, hindi ko naiwasang purihin siya sa utak ko. Matangkad ang lalaki, matipuno ang katawan at halos manuot sa ilong ko ang pabangong ginamit nito. Sobrang bango.Napalunok ako, ilang sandali nang mapapitlag ako. Kaagad kong ikinunot ang noo, kasabay nang pagtataas ko ng kilay dito. Una sa lahat, sino ba siya para hatakin ako ng walang pasabi? Pangalawa, sinong nagbigay sa kaniya ng karapatan na pagsalitaan ako ng ganoon? Hiningi ko ba?"Who the fvck are you?" giit ko sa mababa at madiing boses, pero sapat na rin naman na upang umabot sa pandinig niya."Hindi ba ay galit ka sa mga taong kabit?" Tumagilid ang ulo ng lalaki, tila pa nang-uuyam. "Sa ginagawa mo, parang hindi rin ka rin naiiba sa kanila."Pagak akong natawa."Kailan ko pa hiningi ang opinyon mo?" maanghang kong palatak at saka pa si
last updateLast Updated : 2024-06-26
Read more
Chapter 2
Napilitan akong pumasok sa school kinabukasan sa sobrang pag-iwas ko kay Mommy. Ayoko siyang kausapin hangga't hindi nagbabago ang desisyon niyang sumama sa lalaki niya.Galit pa rin ako at hindi ko alam kung hanggang kailan mananatili ang galit sa puso ko, para bang sa araw-araw na nagdaraan ay purong galit na lang ang nananalaytay sa dugo ko. Hindi ko na magawang ngumiti, o kahit ibalik ang dating ako.I used to be bubbly. Masaya na ako kahit sa maliit na bagay, ngayon ay naiirita dahil sa maliliit na bagay na iyan. I never asked for anything, or even asked for luxury. Sa buhay ko ay kuntento na ako. Wala na akong mahihiling pa dahil tunay na nasa akin na ang lahat. Mayaman, masagana at masayang pamilya. Naalala ko pang marami ang naiinggit sa akin dahil sa family background ko. Marami ang pumupuri.Ngayon ay hindi ko na alam. Hindi ko inakala na ganito kalaki ang naging epekto sa akin nang panloloko noon ni Daddy, nang pag-alis at pag-iwan niya sa amin. It's been fvckin' three year
last updateLast Updated : 2024-06-27
Read more
Chapter 3
Saktong kalalabas ko lang ng Dean's office ay lumabas din si Elias. Kanina pa masama ang tingin niya sa ilang minutong naroon kami sa loob. Kaya wala na iyong epekto sa akin ngayon. Ano bang problema niya?Napangisi ako bilang pang-aasar dahilan nang pagkakahinto niya sa harapan ko. Lalo lang din siyang nangitngit sa galit."Ano?" pag-aamok niya.Umiling ako habang nakangisi pa rin. "Wala naman, Elias. Masaya lang ako na makita 'yang mukha mo. Parang na-miss nga kita.""Tangina..." Humugot siya ng hininga, tila ba mapipigtas ko ulit ang pasensya niya. "Kung ganiyan ka kanina kaamo, tingin mo ay mapupunta tayo rito? Ang arte-arte mo kasi. Akala mong kung sinong inosente."Mariin ko siyang tinitigan.Nalusaw din ang ngisi sa aking labi."Nakarami ka ng lalaki 'di ba? Hindi na bago sa 'yo iyong ginagawa ko."Pagak akong natawa, rason naman para matigil siya. Maang niya akong tinitigan na para bang nababaliw na ako. Natatawa ko siyang tiningala. Tangina ng lalaking 'to. Dinaig pa ang bakl
last updateLast Updated : 2024-08-29
Read more
Chapter 4
Tangina!I fvckin' knew it! Wala pa man siyang sinasabi, o hindi man niya ako sagutin ng deretso ay siya talaga iyong lalaking naghatid sa akin dito sa bahay kagabi. Kaya malakas ang kutob ko— kaya gustung-gusto kong isipin na siya nga iyon. Kasi hindi naman talaga ako nagkakamali!“Tinitingnan ko lang kung gaano ba kaganda ang bahay na iyan at diyan gustong tumira ni Daddy.” Animo'y sirang plaka at nagpaulit-ulit ang katagang iyon sa utak ko.Hindi ko na kailangan pa ulit na magtanong sa kaniya. I know my instincts were always right! Damn, Haris! Damn it!Mabilis akong tumalima at hinarangan ito sa tangka niyang pagpasok sa gate namin. Iniharang ko rin ang dalawang kamay sa magkabilaan kong gilid habang nananatiling hawak ang mini hand bag ko. Naka-heels pa ako at para akong tanga.Hell, hindi ko hahayaan na makapasok ang lalaking ito sa bahay namin. Una na ngang nang-trespass ang ama nito, hindi lang 'yon, pati si Mommy ay pinasukan din.Tinitigan ako ni Haris. Masama na ang tinging
last updateLast Updated : 2024-08-29
Read more
Chapter 5
“We're going to be a real family soon. Kumpleto na ulit ang pamilya natin na siyang matagal mo nang gusto, Alice.” Oo, gustung-gusto ko ng buo at kumpletong pamilya! Gusto kong maging masaya ulit! Gusto ko 'yon! Gustung-gusto ko! Pero hindi ito iyong inaasahan ko. Hindi ito 'yung gusto ko. Hindi si Benjamin ang kailangan ko, hindi si James o si Haris. O kahit sinong lalaki ang itapal ni Mommy bilang kapalit ni Daddy sa akin. Si Daddy... siya lang... Hindi ba nila iyon maintindihan? Siya lang naman ang kailangan ko. Mahirap ba na ibigay iyon? Si Daddy lang naman. Tumulo ang luha sa aking pisngi ngunit madali ko ring pinalis. Sa paglabas ko pa ng bahay ay nagkasalubong kami ni James. Mabilis siyang gumilid habang buhat-buhat niya ang malaking box nang mapansin ang mabibigat kong mga yabag. Kuyom ang dalawang kamao ko. Sa itsura ko ay animo'y may susugurin at mag-aamok ng away. Pero sa totoo lang ay nanghihina ako. Nanginginig ang dalawang tuhod ko, kasabay nang panginginig sa gal
last updateLast Updated : 2024-08-29
Read more
Chapter 6
Kinabukasan ay hindi ako nakapasok dahil masama pa rin ang pakiramdam ko. Gusto ko man, para rin sana makawala sa bahay na ito ngunit hindi ko magawang gumalaw nang maayos. Kahit ang pagbangon sa kama ay nahihirapan pa akong gawin.Kaya sa buong maghapong dumaan ay nasa kwarto lang ako, nakahilata at nagbabasa ng libro. May isang katulong lang din ang naglalabas-masok para dalhan ako rito ng pagkain, o ng kung anu-ano pang mga bagay na hindi ko naman kailangan.Mabuti rin at hindi naiisipang pumarito ni Benjamin, o kahit ng dalawang anak niyang sina James at Haris. Malamang din ay abala sila, posibleng pumasok si Benjamin at James sa kani-kanilang trabaho.Si Haris naman ay sa school. Si Mama ay dumalaw na rito kanina, pero nag-anyo akong tulog para hindi siya magkaroon ng oras na kausapin ako. Sa ilang minuto na nandito siya ay nagtulug-tulugan ako, 'di naglaon ay umalis din nang maburyo.Hindi na iyon nasundan pa at ayaw ko rin namang mangyari na magpang-abot pa kami rito. Hindi ko
last updateLast Updated : 2024-08-29
Read more
Chapter 7
Kasabay nang paghalik ni James sa akin ay ang pagkabasag ng kung ano. Napatalon ako sa gulat, doon lang din yata ako nagkaroon ng lakas para itulak si James. Madali kong nilingon ang pwesto ni Haris. Nasa paanan nito ang nabasag na baso ngunit wala siyang pakialam, bagkus ay nananatili ang mariin niyang paninitig sa amin. Napakurap-kurap ako, lalo pa noong humakbang ito at papalapit sa gawi namin ni James. Ang inakala kong susugurin niya si James, base na rin sa pagkakakuyom ng dalawang kamao nito, pati ng galit na naroon sa kaniyang mukha— nagkamali ako. Deretso ang naging lakad nito. Dumaan ito sa gilid ko at damang-dama ko ang hanging dumaplis sa katawan ko nang lumampas siya sa akin. Kung gaano kabigat ang bawat yabag niya ay ganoon din kabigat ang hiningang binibitawan ako. Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay napasinghap ako. Binalingan ko si James na nananatiling nasa harapan ko. Katulad ko ay gulat din ang mababakas sa mukha niya. Ngunit mas nagulantang nga lang siy
last updateLast Updated : 2024-09-01
Read more
Chapter 8
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niyang iyon, o mahihiya dahil sa naging posisyon namin sa hagdan. Dali-dali pa akong gumalaw para makawala sa kaniya. Hindi ko na siya nilingon at dere-deretsong umakyat sa taas."Whatever!" pahabol kong sigaw.Isinarado ko ang pinto sa kwarto at pumasok naman sa loob ng banyo upang magbanlaw. Natuyo na ang katawan ko, kaya ngayon na nabasa ulit ako ay panibagong lamig na naman ang naramdaman ko.Wala pa sa sarili nang dumapo ang kamay ko sa dibdib kong nahawakan ni Haris. Nahigit ko ang hininga ko. Animo'y may kuryente pang dumaloy sa kabuuan ko at bigla akong nag-init. Dinaig ko pa iyong kamatis sa sobrang pamumula ng mukha.Holy fvck...Imbes na nahimasmasan na sana ako dahil sa lamig ng tubig ay lalo lang nag-init ang katawan ko. Bumuntong hininga ako at saka mariing ipinikit ang mga mata. Tumingala ako sa shower head para mas lasapin ang lamig ng tumutulong tubig, pero sadyang hindi lang nito kayang tumbasan ang nag-iinit kong katawan
last updateLast Updated : 2024-09-01
Read more
Chapter 9
Beat Larisa? Baliw ba ang lalaking 'yon?Samantalang sa tuwing pinagtitripan at inaaway ko ang girlfriend niya ay galit na galit siya. Ngayon ay sasabihin niyang talunin ko si Larisa? Sa patalinuhan pa talaga? Eh, 'di rin hamak na talo na ako ro'n.Nasa kaniya iyong brain.Ako, beauty lang.Oo sige, aaminin ko na isa iyon sa kinaiinggitan ko kay Larisa. Kaya hindi rin hamak na kaya niyang makipagsagutan sa mga bully niya. Tipong made-depress ka sa mga salita niya kapag pinatulan ka niya.“Mas valid pa ang pagiging broken family ko dahil patay na ang tatay ko. Eh, ikaw? Paano ang Daddy mo? Hindi ba't hiniwalayan niya ang Mommy mo at sumama sa ibang babae?”Naalala ko pa iyang mga katagang 'yan.Pumutok noon ang balitang hiwalayan ng Mommy at Daddy ko sa buong school kung kaya ay hindi na rin kataka-taka na maging siya ay alam iyon. She knows how to talk back. Kagaya rin no'ng nangyari sa CR.Kaya talagang inis na inis ako sa kaniya. Sa lahat ng taong gusto kong mawala sa paningin ko, s
last updateLast Updated : 2024-09-03
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status