LOGIN
Kiara’s POV
Successful ang kasong hawak ko bilang litigation lawyer. Malinis ang naging desisyon, pabor sa kliyente ko, at malinaw ang naging epekto sa buong firm. Paglabas ko pa lang ng conference room, sinalubong na agad ako ng palakpakan at pagbati ng mga kasamahan ko. Alam kong inaasahan nilang sasama ako sa celebration, pero iba ang laman ng isip ko. Gusto kong umuwi agad. Gusto kong makita si Jack. Gusto kong ako mismo ang magsabi sa kaniya ng magandang balita.
“Congratulations, Atty. Montero!” proud na sabi ni Joan, ang matalik kong kaibigan sa firm, sabay yakap sa akin. “Baka may award ka na naman ngayong taon. Mula nang pumasok ang 2026, wala ka talagang mintis.”
“Salamat,” natatawa kong sagot. “Pero tama na muna ang trabaho. May mas mahalaga akong pupuntahan.”
“Tama na ang trabaho?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Wow. Iba na talaga kapag engaged.”
“Ikaw ha,” biro ko. “Basta ikaw ang bridesmaid ko. Walang kawala.”
“Of course,” mabilis niyang sagot. “I’m so happy for you, Kiara. After everything you worked hard for, parang kumpleto na talaga ang buhay mo.”
Ngumiti lang ako. Ayoko nang patagalin pa ang usapan namin ni Joan.
Hindi na ako dumaan sa bar o sa restaurant. Hinayaan ko ang mga kasama kong magdiwang. Sinabi ko na lang sa kanila na ako ang magbabayad sa lahat ng gastos ngayong araw.
Dumiretso ako sa condo ni Jack, dala ang folder ng kaso at ang excitement na hindi ko na mapigil. Pagbukas ko ng pinto, agad kong narinig ang pamilyar na boses ng. Tumigil ako sa paghinga.
“Jack,” tawag ng boses na iyon. “Stop, someone might see us.”
Hindi ko na kailangan lumapit para makilala kung kanino galing ang boses. Boses ‘yon ng stepsister kong si Kara!
Naglakad ako papasok sa sala. Doon ko sila nakitang naghahalikan—parang binalot ng kalibugan ang buong katawan dahil nakataas ang palda ni Kara at nakaupo siya sa kandungan ni Jack. Hindi ko aakalaing makikita ko sa ganoong posisyon abg fiancé ko at ang stepsister ko.
“Ano’ng ginagawa ninyo?” malamig kong tanong, kahit nanginginig ang kamay ko. Nanuyo ang lalamunan ko sa galit. Gusto ko silang sugurin, pero parang dumikit ang mga paa ko sa sahig.
Nagkahiwalay sila agad. Kita ko ang gulat sa mukha ni Jack. Si Kara naman, mabilis na inayos ang damit niya.
“Kiara…” bungad ni Jack. “Hindi ito ang iniisip mo.”
“Talaga?” napatawa ako, pero walang saya sa boses. “So anong iniisip ko ngayon, Jack? Enlighten me.” Pinigilan ko ang pamumuo ng mga luha ko.
“Please, pakinggan mo muna ako,” sabi niya, palapit sa akin.
“Stop,” mariin kong utos. “Huwag kang lalapit sa akin. Nakakadiri ka. Nakakadiri kayong dalawa!”
“Kiara, I can explain,” sabat ni Kara, kunwaring kalmado sabay kagat ng labi niya.
Napalingon ako sa kaniya at sinampal ang makapal niyang mukha. “Ikaw?” tanong ko. “Ikaw ang mag-e-explain?”
Napahawak siya sa pisngi niya. “Hindi namin sinasadya—”
“Sinadya ninyo, Kara!” putol ko. “Hindi aksidente ang nangyari. Hindi aksidente ang halos maghubad ka na sa kandungan ng fiancé ko! Kailanman ay hinding-hindi magiging aksidente ang kalibugan at kalandian sa mga katawan ninyo!”
“Kiara, hindi mo alam ang buong kuwento.”
“Anong kuwento ba ang kailangan kong marinig, Kara?” sigaw ko. “Na matagal mo na siyang gusto? O na matagal ka nang nag-aabang na maghiwalay kami kasi kating-kati ka nang makuha siya?”
“Hindi ka lang naman ang nasasaktan,” balik niya.
“Wow,” napailing ako. “Talaga? So biktima ka rin? Ang kapal naman ng mukha mo!”
Muli ko siyang sinampal.
Nanginginig ang buong katawan ko sa galit.
Pumagitna si Jack sa amin, pero mabilis ko siyang itinulak.
“Mga walang hiya kayong dalawa! Ginago ninyo ako! Mang-aagaw ka, Kara!” sigaw ko at muli siyang sinugod. Sinabunutan ko siya at sinampal ng paulit-ulit.
“Oo na!” biglang sigaw ni Kara nang awatin kami ni Jack. “Ako na ang malandi! Lagi ka na lang nasa itaas. Ikaw ang magaling. Ikaw ang paborito. Ikaw ang may perpektong buhay. Kailan mo ba naisip kung ano ang pakiramdam na laging nasa likod mo, Kiara?”
“Huwag mong gawing dahilan ang inggit mo, Kara.”
“Hindi ito inggit,” giit niya. “Ito ang katotohanan, Kiara.”
“Ang katotohanan,” sagot ko, “ay ninakawan mo ako. Inagaw mo sa akin si Jack. Malandi ka. Gusto mo lahat ng meron ako ay meron ka rin kaya pati fiancé ko inahas mo!”
“Hindi ko siya inahas,” mabilis niyang sagot. “Hindi siya bagay sa ‘yo. Hindi ka niya minahal!”
Naningas ako sa kinatatayuan ko. Napatingin ako kay Jack. “Totoo ba?” tanong ko. “Hindi mo ba ako minahal nang totoo?”
Hindi sumagot si Jack. Yumuko lamamg siya. At iyon ang pinakamasakit.
“Sumagot ka!” giit ko. “Ito ba ang dahilan kung bakit mo ako niloko, ha?”
“Kiara,” mahina niyang sabi.
“Isang tanong lang,” hindi ako umatras. “Mahal mo ba siya, Jack?”
Hindi siya agad sumagot.
“Jack,” nanginginig na ang boses ko. “Sagutin mo ako. Mahal mo ba ang stepsister ko na sumira sa relasyon natin?”
“Oo,” bulong niya.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
“Oo,” ulit ko. Napaatras ako. “Sa lahat ng taon na kasama mo ako, ngayon mo lang nagawang maging totoo? Mahal mo si Kara, pero ako ang gusto mong pakasalan?”
“Hindi ko ginusto na masaktan ka, Kiara…” sabi niya. Sinubokan niya akong hawakan, pero agad kong inalis ang kamay niya.
“Pero ginawa mo pa rin,” sagot ko. “Dito mo pa talaga nagawang dalhin ang babae mo, Jack. Condo mo, condo ko. Ako ang nagbabayad nito buwan-buwan. Ang kapal ng mukha mong lokohin ako matapos kitang buhayin ng ilang taon!” Sinampal ko rin si Jack.
“Kiara—” Sinubokan niya akong pigilan sa muling pagsampal kay Jack kaya siya na lang ang sinampal ko ulit.
“Tumahimik ka,” sigaw ko. “Huwag mo akong pigilan kong ano ang gagawin ko sa kaniya!”
“May karapatan akong ipagtanggol si Jack dahil ako ang pinili niya. Ako ang mahal niya!”
Tumawa ako, nangingilid ang luha. “Pinili ka niya dahil nandiyan ka. Dahil madali ka lang makuha, Kara. ‘Yon naman ang gusto niya sa ‘yo. Easy to get ka lang. Ang bilis mong bumukaka sa kaniya.”
“Hindi totoo ‘yan. Mahal ako ni Jack!”
“Mahal?” Humakbang ako palapit sa kaniya. “Mahal ka lang niyan kasi hindi pa siya nagsawa sa ‘yo, Kara.”
Nanigas si Kara. Nanginginig siya sa galit, parang gusto niya na akong sugurin at saktan.
Napatingin ulit ako kay Jack. “Gaano na kayo katagal?” tanong ko.
Hindi siya makatingin sa akin nang diretso.
“Gaano,” ulit ko.
“Anim na buwan,” sagot niya.
Humigpit ang paghawak ko sa folder na dala ko. “Anim na buwan,” ulit ko. Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko. “Habang nagpaplano tayo ng kasal?”
“Hindi ko ginusto—”
“Ayoko nang marinig ang paliwanag mo, Jack. Cheating is a choice! Kaya huwag mo sabihin sa aking hindi mo ginusto! Choice mong magloko sa akin!” Napatakip ako ng mukha. “All these years…akala ko, ako na. Nag-propose ka pa talaga sa akin habang may relasyon kayo ni Kara.”
Hinubad ko ang engagement ring sa daliri ko. Tinitigan ko muna iyon bago ko ibinato sa mukha niya.
“Tapos na tayo, Jack.” Pinunasan ko ang mukha ko. “Lahat ng mga bagay na binigay ko sa ‘yo, babawiin ko. Kasama na rito ang condo.”
“Kiara naman, please,” lumapit siya. Lumuhod sa harapan ko. “Pag-usapan natin ‘to. Iiwan ko ang kapatid mo. Itutuloy natin ang kasal.”
“Huwag,” mariin kong sagot. “Wala ka nang lugar sa buhay ko. Sana…bago mo naisip na lokohin ako, inisip mo muna kung ano ang mangyayari. Pero hindi mo nagawa kasi pareho kayong malalandi at makakapal ang pagmumukha!”
Kinuha ko ang bag ko at naglakad palabas.
Lumabas ako ng condo na mabigat ang dibdib. Napaluhod ako sa kalsada, napahagulhol sa sobrang sakit ng ginawa nila.
Kabanata 139Vanessa’s POV Sebastian picked her up. He carried her toward the exit. She was still crying. Still talking."Sir, please don't be mad at her. She's your wife. She loves you.""Babalikan kita, Vanessa. I need to take her to the hospital. Her face is swelling.""Seb, wala akong ginawa. She's lying—"He did not look back."Seb!" I called out. "Please! You have to believe me!"He kept walking. He pushed the door open. He carried her outside. He put her in his car. He drove away.And I was left standing there. Alone. Humiliated. Betrayed.His voice echoed in my head. Cold. Dismissive. Unbelieving."We'll talk later, Vanessa."Nanigas sa kinatatayuan ko nang iwan ako ng asawa ko at piliing paniwalaan ang executive assistant niya.I felt the tears coming. I blinked them back. I would not cry. Not here. Not now.Sinubukan ko silang habulin, pero huli na.Through the window. In the passenger seat. Edith turned around. Nakita ko si Edith na nakangisi habang nakatingin sa akin. A c
Kabanata 139Vanessa’s POV Sebastian picked her up. He carried her toward the exit. She was still crying. Still talking."Sir, please don't be mad at her. She's your wife. She loves you.""Babalikan kita, Vanessa. I need to take her to the hospital. Her face is swelling.""Seb, wala akong ginawa. She's lying—"He did not look back."Seb!" I called out. "Please! You have to believe me!"He kept walking. He pushed the door open. He carried her outside. He put her in his car. He drove away.And I was left standing there. Alone. Humiliated. Betrayed.His voice echoed in my head. Cold. Dismissive. Unbelieving."We'll talk later, Vanessa."Nanigas sa kinatatayuan ko nang iwan ako ng asawa ko at piliing paniwalaan ang executive assistant niya.I felt the tears coming. I blinked them back. I would not cry. Not here. Not now.Sinubukan ko silang habulin, pero huli na.Through the window. In the passenger seat. Edith turned around. Nakita ko si Edith na nakangisi habang nakatingin sa akin. A c
Kabanata 138Vanessa's POV They were sitting at a large table in the corner. Sebastian was at the head. The partners were on either side. And Edith was right next to him. So close that her shoulder was touching his.She was serving him food. Placing it on his plate. Smiling at him. Laughing at something he said.Parang uminit ang batok ko nang nakitang nilalagyan ng ulam ni Edith ang plato ng asawa ko.I stood in the entrance of the restaurant. I could not move. I could not speak.Lester was behind me. He put his hand on my shoulder."Are you okay?" he asked."I'm fine.""Your face is—""I said I'm fine."We sat down at a table far from them. I excused myself para mag-retouch. I walked to the bathroom. I needed to breathe. I needed to think.I stood in front of the mirror. I looked at my reflection. My face was pale. My eyes were red. My hands were shaking.I took a deep breath. Then another.Patapos na akong mag-retouch nang bumukas ang CR at pumasok si Edith. She was smiling. That
Kabanata 137 Vanessa's POV "Ma'am, dumating na po si Mr. Santos," sabi ng executive assistant kong si Anna nang pumasok siya sa opisina ko. I looked up from my laptop. Anna was standing in the doorway, holding a tablet. Behind her, I could see a tall man in a dark suit. He was looking around the office with an expression of mild curiosity. "Send him in," I said. Anna stepped aside. The man walked in. He was older than I remembered. His hair was grayer. His face was more lined. But his eyes were the same. Warm. Friendly. Familiar. "Have a seat, Mr. Santos," nakangiting sabi ko at inayos ang kontrata na kailangan ng signature niya ngayong araw. Lester Santos sat down across from me. He smiled. A wide, easy smile. "Vanessa," he said. "You look exactly the same." "I look older." "We all look older. But you still have that same spark." I laughed. "I don't know about that." "I do. I remember you in college. Always the smartest one in the room. Always the most determined." I felt
Kabanata 136Vanessa's POV"I'm sorry, Sir. Nadulas po kasi ako at hindi ko napigilang mapakapit sa inyo."Namumula ang mukha ni Edith habang nanginginig ang boses niya. Halatang natataranta siya sa nangyari."I tripped on the rug. Napasubsob po ako. Nagkataon lang na kayo ang pinakamalapit. I didn't mean to..." Mabilis siyang napatingin sa akin. Punong-puno ng takot ang mga mata niya. "I'm so sorry, Ma'am. It was an accident. I would never..."Itinaas ko ang kamay ko upang pigilan siya.Hindi ko na hinayaang tapusin pa niya ang paliwanag.Tahimik kong pinagmamasdan ang dalawa.Nahuli ko ang mabilis na pagsulyap ni Edith sa akin habang inaalalayan pa rin siya ni Sebastian.Maliit na bagay lang iyon para sa ibang tao.Pero nakita ko.Nakita ko kung paano siya tumingin sa asawa ko.Nakita ko kung paano siya tila nag-atubiling kumalas sa pagkakahawak dito.Nakita ko rin kung paano niya siniguradong nakaalalay pa rin si Sebastian sa kaniya.Lahat iyon ay nakita ko.Pinilit kong maging mah
Kabanata 135Vanessa's POVMakalipas ang mahigit limang buwan na pagpapahinga ni Sebastian, tuluyan na ring bumalik ang sigla niya. Ang lalaking halos araw-araw kong binantayan noon sa ospital ay para bang unti-unting naglaho, at napalitan ng dating Sebastian Montefalco na puno ng kumpiyansa at determinasyon.Hindi man agad-agad, dahan-dahan siyang bumalik sa kompanya upang tulungan ako sa pamamahala.Maayos na ulit ang takbo ng Montefalco Group.Natuldukan na rin ang problema sa mga ghost accounts na naging dahilan ng pagkawala ng milyon-milyong piso. Matapos ang masusing imbestigasyon, natukoy namin ang mga nasa likod nito at naibalik ang malaking bahagi ng perang nawala. Unti-unti ring tumaas muli ang sales ng kompanya.Para bang bumabalik na sa normal ang lahat.Si Sebastian ay muli nang nakaupo sa dati niyang opisina.Ako naman ay bumalik sa sarili kong opisina at sa tungkulin bilang COO.Pero hindi na tulad ng dati.Marami akong natutunan sa mga nangyari nitong nakaraang buwan.
Kiara’s POV“Anak, anong oras ka uuwi mamaya? Susunduin ka na lang namin,” sabi ni Mama nang sagutin ko ang tawag niya.Hindi ko agad sinagot. Nakatutok pa rin ang mga mata ko sa screen ng computer, binabasa ang mga detalye ng kasong hawak ko. May hearing ako bukas, at ayokong magkamali kahit sa isa
Chase’s POVBuong araw akong tutok sa computer at sa trabaho. Sunod-sunod ang mga dokumentong kailangang pirmahan, mga kontratang kailangang repasuhin, at mga tawag na hindi ko sinasagot. Ayokong may kausap. Ayokong may istorbo.Kaya nang bumukas ang pinto ng opisina ko, agad akong nainis.Mas lalo
Kiara’s POVIsang linggo na mula nang huli kong makita si Uncle Chase. Isang linggo ring parang may kulang sa loob ng bahay. Tahimik. Masyadong tahimik. Walang yabag ng sapatos niya sa umaga, walang tunog ng pagbukas ng pinto sa gabi, walang presensiyang sanay na sanay na akong maramdaman kahit hin
Kiara’s POV Nasa restaurant ako ngayon kasama ang isa sa pinakaimportanteng kliyente ko. Family dispute ang kaso nila, at ako ang kinuhang litigation lawyer. Matagal na kaming nag-uusap tungkol sa strategy, sa posibleng galaw ng kabilang kampo, at kung paano namin ihahanda ang sarili namin sakaling







