Share

CHAPTER 28

TATLONG oras ang makalipas bago ako tuluyang natapos sa pinapagawa ni Tifanny sa akin. Hindi naman iyon ganoon karami pero sa tuwing sumisilip siya at nakikitang malapit na akong matapos ay papasok saka guguluhin lahat.

Mariin na lamang akong napapapikit sa kawalang magagawa. Gustuhin ko mang magalit at maglabas ng sama ng loob sa kanya pero alam kong wala naman akong karapatan at nasisiguro akong mas malupit pa ang gagawin niya sa akin.

"Oh, you're done?" Nanunuyang tanong ni Tifanny nang Tifanny nang matapos ako sa mga damitan niya, ganoon din pati ang kanyang sahig na ilang beses kong minop.

Isinarado ko ng maayos ang kanyang kabinet bago siya hinarap. "Opo, Miss... Pwede na po ba akong umalis?" Magalang kong sinabi.

Naningkit ang kanyang mga mata at ipinalibot ang tingin sa kabuoan ng kanyang kwarto, nakalapat pa ang kanyang hintuturo sa kanyang baba na animong nag-iisip ng malalim.

Diyos ko... Sana ay huwag na siyang mag-isip pa ng sunod na ipagagawa sa akin dahil marami pa ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status