Share

CHAPTER 27

"MAGANDANG umaga po, Tiya!" Magiliw kong bati sa Tiyahin kong pababa ng hagdan, suot-suot pa nito ang mahabang bestidang pantulog habang humihikab.

Alas kwatro y media pa lang ng umaga ay nasabihan na ako ni Ate Irine na madalas daw na nagigising ng ganitong oras si Tiya kaya naman mas maaga akong gumising.

Maaga naman na akong nagigising nitong mga nakaraang araw pero mas maaga ako ngayon dahil nga unang araw sa klase. Excited ako.

"Oh, gising ka na, Sandra?" Bahagya pang nanlaki ang kanyang mata.

"Opo, Tiya. Unang araw na po kasi ng pasukan ngayon kaya maaga po ako," sambit ko. "Gusto ninyo po ng kape? Ipagtitimpla ko po kayo!"

"Naku, halata ngang excited kang pumasok, huh..." Natatawang ani Tiya. "Gusto ko iyang ganyan ka, maganda kapag maaga kang nagigising at paminsan-minsa'y tutulong sa gawaing bahay."

"Opo, walang problema, Tiya. Maaga po talaga akong nagigising!"

Sanay na ako sa probinsyang nagigising ng madaling araw dahil bukod sa tilaok ng mga manok ay ang bunganga ri
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status