Share

Chapter 6: Kilig to the bones

Hindi ko nagawang makatulog nang maayos ng gabing iyon dahil sa kung anu-ano pang sinabi ni Shanael. Madaling araw na lang at lahat ay dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Kung anu-ano kasi ang mga ipinasok niyang salita sa aking utak.

"Girl, tandaang palaging nasa huli ang pagsisisi at wala sa unahan. Sabagay, ikaw ang mahihirapan at hindi naman ako o kaming mga kaibigan mo."

Idagdag pa na hindi na nag-text si Sir. Iyong sabi niyang magte-text siya ay hindi niya ginawa. Todo kumbinsi pa akong baka bigla siyang nakatulog at nakalimutan niya lang na mag-text. Pero iba eh, ngayon niya lang din ginawa ito in three years. Di pa siya pumapalya ni isang beses sa akin na mag-chat o mag-text bago siya matulog. Never.

"Hays, ano ba naman itong nangyayari? Ang sakit sa utak! Nakalimutan niya ba iyon o sinadya niya?" parang sirang plakang tanong ko, di makahinga.

Nakailang beses na akong compose ng message para sa kanya pero agad ko rin namang binubura. Wala akong lakas ng loob na ipabasa s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status