Share

Chapter 4: Ex-girlfriends

Napaayos na ako ng upo nang matagalan siyang sumagot. Binawi ang tingin sa kanya. Pasimpleng kumawala ako sa mga yakap niya. Dismayado na. Hindi naman mahirap ang tanong ko pero ang tagal niyang sumagot na para bang kailangan pa na pag-isipang mabuti. Nakakasama na ng loob. Hindi naman siya nagtaka sa ginawa kong pag-alis sa loob mismo ng kanyang mga bisig.

Mukhang totoo nga ang about sa first love niya.

Tanungin ko na kaya? Kaso baka magalit.

Ilang minuto pa siyang natahimik. Iyong saya na naramdaman ko kanina ay mabilis na lang kinain ng lungkot. Napawi. Naglaho na parang bula.

“Pwede ba kong magtanong?” hindi ko na napigilang isatinig ang anumang iniisip ko.

“Hmmn, tungkol saan?” lingon niya sa akin.

Sa tatlong taong iyon, never kaming nag-usap about his ex girlfriends. Para kasi sa akin ay privacy niya ito. At saka ayoko rin magkaroon ng insecurities about her or them. Kumbaga baka ikumpara ko ang sarili sa kanila. Hindi maaalis sa akin lalo kapag nakilala ko kung sino sila. Ika nga nila, mabuti ng kaunti lang ang alam ko about them para hindi ako magkumpara ng sarili sa kanila. Kaso, ngayon gusto ko na iyong alamin.

“Bago ako, ilan ang naging ex-girlfriend mo?” tumawa ako matapos itanong iyon, baka isipin niya kasi na sobrang seryoso ko naman ngayon.

Ex-girlfriend ang ginamit kong term dahil ito ay nakaraan na. Ayokong gamitin ang girlfriend dahil ang weird lang di ba? Ako na ang girlfriend niya.

Hilaw na siyang ngumiti. Parang hindi inaasahan na magtatanong ako ng ganito ngayon. Inayos na niya ang upo. Parang mayroong na-trigger sa loob niya na nagpabago ng expression ng mukha. Natatakot ba siya o mayroong inililihim sa akin?

“Bakit mo naman natanong ang tungkol doon?”

Hinagilap na niya ang baso ng kaharap na inumin at sunod-sunod na nilagok iyon. Kabado ba siya?

“Wala lang. Curious lang naman ako." nilakipan ko pa iyon ng tawa para kunwari ay wala lang. "Ano? Ilan ba? Ang dami siguro kaya di mo masagot.”

Nag-iwas na siya ng tingin sa akin na para bang may nais siyang itago o marahil ay guni-guni ko lang ang mga iyon. So may first love nga talaga! Hindi nagsisinungaling ang Mommy niya kanina.

“Kaunti lang. Dalawa lang sila.”

Dalawa? Lalo akong na-curious at na-conscious. Ang inaasahan ko ay sasgot siyang wala. Ang gaga ko na umasang wala e magandang lalake naman siya. Almost perfect package. Sa mga mata ko ay ang perfect niya na. Natahimik ako.

Ano ka ngayon Glyzel? Ano na ang sasabihin mo?

Muli akong kumuha ng slice ng pizza at kinagat. Hinihintay ko na muli siyang magsalita. Nahagip ng gilid ng mata ko ang saglit niyang pagsulyap.

“Iyong una, noong highschool ako. Kaso ipinakasal siya ng parents niya sa iba since Chinese ang family nila. Hindi ako qualified sa tradition nila.”

Tumango-tumango ako habang ngumunguya. Oo na, aaminin kong nagseselos na ako kahit past na. Anong gagawin ko? Sa nagseselos talaga ako eh!

"She is having a good life now. Dalawa na ang anak. I am happy na mabuting tao ang naging partner niya. Minsan nakikita ko pa sila sa labas."

Hinintay ko na banggitin niya anong nangyari sa pangalawang naging girlfriend niya. Subalit hindi iyon nangyari. Pupumuti na lang yata ang mga mata ko kakahintay, wala na siyang ibang sinabi.

“Iyong pangalawa? Nasaan na ngayon?”

Kung ayaw niyang sabihin sa akin. Ako na ang kusang mag-uungkat. Kailangang malaman ko.

“She cheated on me.” halos pabulong lang iyon

Tumabang ang hitsura ko nang may mabasang sakit sa kanyang mata. Para akong binuhusan ng ilang balde ng malamig na tubig sa reaction niya.

Hindi pa ba siya nakaka-move on?

Akala ko ba mahal niya ako? Bakit ganito?

Napansin niya ang matamang pagtitig ko at ang bigla kong pananahimik. Hinarap niya na ako kasabay bago ng nauna niyang mga expression.

“Bakit mo pala tinatanong? Past na iyon. Hindi mo kailangang magselos. Ang tagal na noon, Glyzel.”

“Sinong nagsabing nagseselos ako?” kaila ko kahit na alam kong nababasa iyon sa aking mukha.

Humagalpak siya ng tawa habang nakatingin pa rin sa akin. Is he mocking me? Di naman ako selosa, ngayon ko lang talaga ito naramdaman.

“Wala akong dapat na ipagselos! Sure naman ako na mas maganda ako sa kanila at mas mahal mo. Confident ako dahil sa pagmamahal mo sa akin.”

Lumakas pa ang halakhak niya. Hindi na ako natutuwa. Anong nakakatawa sa mga sinabi ko?

“Talaga? Bakit lumalaki ang butas ng ilong mo? Lumalaki rin ang mga mata mo. Kilala kita, Glyzel. Hindi ganyan ang normal na—”

Mabilis na akong tumayo. Biglang naging iritable.

“Hindi ako nga nagseselos!”

"Okay, pero saan ka pupunta?"

"Kukuha lang ako ng tubig.”

Bago pa siya makapagsalita muli ay pamartsa ko na siyang tinalikuran upang magtungo ng kusina.

"Baby!"

Hindi ko siya sinagot. Baby niya mukha niya!

Padabog na kumuha na ako ng baso. Sinadya ko na maingay na kumilos sa kusina para alam niya.

"Glyzel? Dahan-dahan at baka mabasag mo iyan."

Umikot lang ang mga mata ko. Tuwang-tuwa pa talaga ang hudas. Nakita niya na nga nagseselos.

Alin kaya doon sa dalawa ang sinasabi ng nanay niyang papakasalan niya? May asawa na iyong nauna. Unless na-annulled na. Pero sabi naman niya ay happy ang family nila. Sa pangalawa naman, I don't think na papayag siyang ikasal dito kasi nga she cheated base sa sinabi niya kanina. Ganunpaman ay hindi pa rin ako mapakali doon.

“Alam kong nagseselos ka kahit hindi mo sabihin.”

Napapikit na ako ng ilang minuto. Ayan na naman siya sa mga yakap niya sa akin mula sa likuran.

Nungkang aaminin ko ng harapang nagseselos ako. Mataas ang pride ko. Kahit obvious na iyon ay hindi ko pa rin aaminin. Matutuwa lang siya dito.

Nang hindi ako sumagot ay humigpit pa ang pulupot ng dalawang braso niya sa beywang ko. Hindi ko pa naisasara ang fridge pero kahit anong lamig ng hangin mula sa loob nito, feeling ko ay ang init ng pakiramdam ko. Sobrang init noon.

“Wala naman akong dapat na ikaselos. Ako na ang mahal mo. Bahagi na lang sila ng nakaraan. Wala na silang magagawa ngayon dahil ako na ang laman ng puso mo. Ako na ang present mo.” positive kong sagot kahit may pag-aalinlangan.

Ayokong magkaroon siya ng idea na ang bagay na iyon ang inaalala ko kaya ako malungkot.

“That's my baby Glyzel, kaya love kita e.” tanim niya ng ilang halik sa aking pisngi, kilig na kilig na naman ako doon. "I like the process and way na unti-unti ng nagma-mature ang iyong isip.”

Wow ha! Parang sinabi niyang isip-bata ako? Oo na, totoong isip-bata ako kasi bata pa talaga ako.

"Tara na sa sala, huwag mo na akong bolahin."

"Anong binibola? Hindi ako basketball player—"

Pabirong tinakpan ko na ang bibig niya para tumahimik. Ang dami na namang sinasabi. Malutong na tawa lang ang naging sukli niya.

"Mamimilosopo ka na naman, Sir Crowell!"

Sinamahan niya ako buong gabi. In short, sa condo unit ko siya natulog. Hindi iyon planado dahil madalas na umuuwi siya sa kanila kahit pa dis oras iyon ng gabi. Kaya lang hindi siya nakaalis lalo na nang bumuhos ang malakas na ulan na para bang may paparating na bagyo. Hindi ko na rin pinayagan dahil madulas ang kalsada. Baka mapano pa siya. Magkayakap lang kami nito buong magdamag. Nagkukuwentuhan tungkol sa mga walang kwentang bagay. Sobrang feel na feel ko iyon kahit na natatakot ako na baka ang maging kapalit noon ay hindi ko kayang i-handle.

Bahala na, as long as nasa tabi ko siya kaya ko ang lahat. Malalagpasan namin iyong dalawa.

Kinabukasan ay ipinagluto niya ako ng breakfast na sobrang na-appreciate ko. Touch ako sa mga simleng gesture niya na kagaya nito. Feeling ko ay hawak ko na ang buong mundo sa palad ko. Bukod sa masarap siyang magluto or hanga lang ako sa kanya dahil mahal ko siya, simpleng mga pritong ulam lang iyon na kayang gawin ng bata.

“Thanks sa breakfast.”

“Welcome. Maligo ka na after at gumayak. Lalabas tayo. Ngayon tayo mag-celebrate ng anniversary. Mamaya na ako uuwi. Pasasayahin muna kita.”

"Okay," maligayang sagot kong nagsimula ng kumuha ng pagkain sa plato kong nilagyan niya.

Sobrang sinulit namin ang araw na iyon kahit na simpleng date lang ang nangyari. Kumain kami sa labas. Nagpunta rin kami sa amusement park na trend ngayon sa mga kagaya ko. Natadtad ng mga picture namin ang phone ko sa iba't-ibang rides. Hindi siya KJ, sinamahan niya ako sa lahat. Bagay na sobrang ipinagpapasalamat ko dahil iyong ib diyan na ganyan sa edad niya, kailangan pa silang pilitin. Siya ay hindi na kailangan pa.

"So paano Baby, see you at the school?"

Marahan akong tumango. Hinatid na niya ako sa condo ko. Halata na ang pagod sa aming mukha. Takipsilim na iyon. Yakap-yakap niya ako ngayon.

"Mag-iingat ka pauwi. Text me okay?"

"Tatawagan kita kapag nasa bahay na ako."

"Sige na, alis na. Baka mamaya pigilan pa kita."

Pagak lang siyang tumawa saka bumitaw. Ilang beses niyang tinaniman ng mabilis na halik ang labi ko. Ngumuso ako. Para tuloy ayoko na siyang paalisin dito. Sobrang attached na ako sa kanya.

"Hindi pwede, baka hindi ko na mapigil ang sarili—"

Pabiro ko na siyang itinulak palabas.

"Alis na. Ihahatid kita sa baba."

"Huwag mo na akong ihatid. Hinatid na nga kita dito sa itaas tapos ihahatid mo pa ako sa labas."

Isang mahigpit na yakap ang iniwan niya bago siya tuluyang lumabas ng condo. Hanggang sa pintuan ko lang siya naihatid. Hindi siya pumayag sa gusto ko na samahan pa siya sa ibaba ng unit.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status